Chapter 48 Ending - the climax

Araw ng kasal. February 26, 2021. Pasig Church. 4pm.

Puno ng puting bulaklak ang simbahan na hinaluan ng mga pink na rosas.

Mga abay sa kasal ang magkakabarkada, magkatuwang sa veil ang mag asawang Dr. Andrea at Dr. Gerry, sa Aras, mag asawang Carl at Leslie, at sa kandila, mag asawang Verna at Bennie. Si Charlotte ang maid of honor at si Chris ang groom, si Christine ang kakanta ng wedding song ng ikakasal na si Ken at Bernadette. Maganda ang boses Christine, siya ang singer sa classroom nila kapag din may okasyon at may kompetisyon ng kantahan.

Special arrangement ang kasal ng 2, kaunti lang ang imbitado at tanging mga piling kaibigan at kamag anak ang nasa simbahan. Principal sponsor ang Daddy at Mommy ni kambal, Sir Enrico, Maam Edwina Ramos, Mam Rowena at isang tiyuhin ni Ken. Mga flower girls , ring bearer ang mga anak ng grupo. Tinawag na ng usher ang mga sposor at magsisimula na ang wedding march

Kinanta ni Christine ang “In love with You” sa wedding march, kasunod ang ‘the one who won my heart”.

Nagsimulang nagmartsa si Ken na napakapogi sa kasuutan nyang puting suit, sumunod ang mga ninong at ninang, ang mga bata, ang 3 wedding sponsor at groom at maid of honor at ang bride na si Bernadette kasama ang magulang. Simple lang ang wedding gown pero lumutang ang kanyang beauty, na dati rati ay palaging malungkutin ang mukha pero ngayon ay puno ng saya ang mukha ni Bernadette. Araw nya ngayon at kailangan maganda at masaya siya, nagsimula na ang pari, at sa wedding vows sabay nilang binigkas.

“I,...... for my lawful wife/husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sicknessand in health, until death to us part....

May nag alay ng kanta pagkatapos ng wedding vows, isang dalaga kasama ang mga sister ng sister of Mary Convent. Napatingin ang lahat dahil sa ganda ng boses at lalo silang nabigla ng lumapit eto sa bagong kasal at nagsalita.

“To you Mama, i love you so much and to you Papa, i miss the days, years longing for you, ilove you! Ilove you Mama and Papa!

Nabigla ang lahat ng mga kaibigan at mga tao sa simbahan...