Chapter 46 Post reunion
Naging usap usapan sa Fb ang naganap na grand homecoming ng Class 1996. Umuugong sa fb ang usapan, may mga nag upload ng pictures, maraming comments at likes, halos lahat ng umattend ay may kanya kanyang upload ng mga photos nila. Marami ang nagcomment na sana maulit muli at umabot sila sa golden years. May mga photos na kasama ang mga host at special guest, meron kasama sa dance ng manouvers, photos ng nanalo ng king and queen, mga nanalo sa raffle, at ang pagbigay parangal sa mga teachers, umuulan ng magagandang comment.
“Chris , thank you so much!” sabi ni Carl. Tinawagan nya lahat ng mga kasama upang magpasalamat.
“Successful ang reunion natin P’re, nakita mo ba mga comment nila.”
“Oo, nakakalaki ng puso. Salamat uli P’re.!
“Thank you din!”
“Charlotte, mare, thank you sa damit, sabi ni Bennie ang ganda ganda ko daw kahapon, sabi ko kahapon lang! Sabay tawanan.
“Sa iyo na yan Mare, kita mo naman dami ko pa sa closet ko, pag kailangan mo lang ng gown sabihin mo sa akin. Di ako maka get over sa event kagabi, ang saya saya.”
“Oo nga, sana maulit after 10 years hahaha.!
“Tinawagan ka ba ni Andrea.”
“Hindi, bakit.”
“Wala lang! Ang cute nya kagabi! Para tayong mga hish school uli kagabi hahahaha!”
“Nakapag uwi ako ng mga handa kagabi, binalot ni Carl para sa mga bata daw.”
“Dumating si Ahmed kagabi, hinintay nya ako sa lobby, andito pa kami sa Shangrila, dito kami nag stay in. Maya pa kami mag check out.”
“Wow naman! Honeymoon uli mare ko.”
Lakas ng tawa ni Charlotte.
“Sandali Verna tumatawag si Andrea.”
“Sige sige, may ginagawa din ako, nag thank you lang ba. Thanks Mare. Ingat si Ahmed sa iyo!” panloloko ni Verna sabay baba ng telepono.
“Hello, Linggit bakit ka napatawag?” tanong ni Charlotte.
“Tumawag na ba si Christine sa iyo. May impotante daw uli tayong meeting, kung saan at sino nagpatawag di ko pa alam.” balita ni Andrea kay Charlotte.
“Ok, mare ko, thanks.”
“Bye see you again.”
“Hello, Carl, tommorrow after work kita kita tayo bago ako bumalik ng Canada.”
“Sige Pare, around dinner time, san tayo.” sabi naman ni Carl.
“Ikaw na bahala kung sang restaurant basta yung cozy at di masyadong matao.”
“Ok Pare.”
“Thank you, pakitawagan na din ang grupo.” Masayang sinabi ni Ken.