Chapter 41 a day before the reunion
Hindi magakamayaw ang mga organizer ng event, Pari’t parito sina Carl, Menchi, Andrei at Evelyn sa Shangrila Plaza Hotel. Binayaran na ni Carl ang balance sa venue, set na ang payment, habang ang 2 babae aligaga sa decorations at si Andrei sa sound system, gusto nilang maging engrande at makasaysayan ang silver aaniversary reunion ng Class ‘96, after all mas maraming balikbayan ang aattend at halos 90% ang nagsend ng feelers na aattend sila.
“Andrei, ang sound system Pre!”
“Ready na Parekoy, maya isama ko sila dito para ituro ang place nila at pati ang maintenance ng hotel sinabihan ko na din na iayos tayo.” Kasasabi pa lang ni Andrei sa sound system ay dumating sila para icheck ang mga connections, lugar na paglalagyan at ang capacity ng hotel patungkol sa sound system, may limit din kasi para di makabulabog ng kabilang function room.
“Menchie, ang mga fresh flowers ready na ba, pati mga corsage ng mga teachers na aattend.”
“All set na Carl.” Sabi naman ni Menchie, na umorder ng 20 dosenang red roses at orchids para sa corsages, na pinagawa nya sa mga kapitbahay nya.
“Yung sa catering, kailangan mauna sila, masarap ba ang mga courses na pinili mo.” pabirong sabi ni Carl kay Menchie.
“Oo naman, di ako nagtipid sa budget.” sabi ni Menchie.
“Yung mga citations at plaque, nakuha na ba sa gumagawa. May nakalimutan pa ba ako.” isip ni Carl habang litong lito na sa kaganapan, di pa man reunion makita mo ng pagod na pagod na siya, di yata nakakatulog sa kakaisip kung pano maging engrande ang lahat.
“Menchie, ang program naayos na ba, tinatanong kasi ni Chris ibibigay kay Allan K.”
“Naibigay ko na ang programa kay Chris.”
“Evelyn, ikaw bahala sa mga citations.” tumango si Evelyn.
“Sir Carl, may naghahanap po sa inyo.”Pumasok ang receptionist kasama ang isang matabang lalaki na halos kasing edad nila.
“Are you Carl Diaz?” tanong nya.
“Yes, kilala kita, ikaw si Benjamin ....?????” Nakalimutan ni Carl ang surname.
“Bustamante,” agot ng lalaking mataba.
“Musta ka na, ang payat mo dati, di kita nakilala, aattend ka ba tomorrow.” tanong ni Carl.
“Oo, nagsend ako ng message kay Evelyn. Napadaan lang ako, nasilip ko andito ka kaya nagpasama ako sa receptionist.”
“Good, asahan kita tomorrow ha, sama mo pamilya mo, may pamilya ka na ba?”
“Meron, may 2 anak na din ako, sige isama ko sila bukas para makilala mo naman napangasawa ko.” Nagpaalam na si benjamin sa kanila.
“Carl mamaya dadaan namin ang mga papremyo sa raffle sa bahay ni Christine. Binabalot pa yata nya. Tutulungan namin siya, pati na rin ang mga gifts para sa mga teachers natin.”
“Tawagan mo muna si Christine baka may lakad para sure kayo.”
“Nakausap ko na si Christine sabi nya 3 pm.”
May napansin si Carl sa lightning, pinatawag ang electrician para ayusin, may kaunting nagspark. Naayos din naman agad eto.