Chapter 39 2 days before the homecoming
Friday, madaming tao sa eastwood mall, araw ng sweldo, makikita mo ang buong mall punong puno ng dekorasyon na Puso, pulang pula ang mall. Naglakad na kaunti si Ken papunta sa Mall. Napaka festive ng lugar, maraming lovebirds, maraming roses na nagtitinda sa second floor. Nagtanong sya sa tindera
“How much?” tanong nya sa tindera ng roses
“450 pesos per dozen Sir.”
“Ok give me one dozen!” inabot ang pera sa tindera at sinabi nya na keep the change kaya tuwang tuwa ang tindera panay bigkas ng tahnk you, naulinigan nya magandang buwena mano.
Magkikita sila ng mga kaibigan sa may fountain area bago tumulak kung saan saan. Wala siayng masyadong ginagawa kungdi kumain at matulog kaya maaga pa lang ay nasa may founain na sya, umupo sa may mga nakalagay na benches at naghintay. Ilang minuto lang ay nagsidatingan na sila. Inabot nya ang tig 3 roses sa mga babaeng dumating.
“Hi Ken, long time no see!” Niyakap ni Charlotte si Ken, ganun din ang ibang babae, parang mga magkakapatid lang sila kaya walang malisya ano man ang mga yakap na bati.
“Eto Charlotte, binata pa din, alam ko ikaw dalaga pa rin!”
“hep hep hep, taken na ako!” bulalas ni Charlotte.
“Kailan ka dumating.”
“Nung February 7 pa ako dito, nag file ako ng one month leave sa work, nataon naman na etong buong month ng February ay free ako. At reunion time, galing ngani Carl, timing na timing.!
“Nakakatuwa naman!”sabi ni Andrea.
“Sana kumpleto Tayo.” segunda ni Verna. Wala si Bernadette.
“Bukas puntahan namin si Bernadette, sasama ka ba Ken, susunduin ka namin ni Chris.”
Hindi alam ni Ken kung sasagot ba , nanahimik lang sya saglit.
“San tayo ngayon pupunta?” tanong ni Ken.
“Tayo na sa may bandang Timog, hanap tayo ng comedy bar para maaliw naman si Ken, sulitin natin ang buong bakasyon nya.”
Nakarating sila ng Timog at pumasok sa isang sikat na comedy bar. Umorder sila ng 10 bottles ng San Mig light at red horse beer, sinamahan eto ng mani, gambas atkung anong kutkutin. Hindi sila magkarinigan sa mga kwentuhan kaya nanuod muna sila ng comedy act ng mga performer.
“Meron ba tayong balikbayan dito!” tanong ng host na bakla. Itinuro ng grupo si Ken.
“Ayun may mga grupo dun nagtataasan ng kamay.” sabi ng isang host.
“Ayaw ko nga gusto ko yung gentlemen dun sa bandang sulok! Sir may i know your name please!”
Sumigaw ang grupo “Ken!” “Ken!’
Pinuntahan ng host si Ken dahil medyo madilim ng kaunti angkanilang nakuhang pwesto.
“Bakla, jackpot ako dito!” sabi ng host na pumunta kay Ken
“Kamukha ni Richard Gomez! Paldo ang harapan!” nagtawanan ng malakas ang lahat, hagalpakan naman angmga kasamanan babae, pinagtitripan na kasi si Ken ng mga bakla.
Binayaran lahat ni Ken ang bill.
Masayang masaya silang lumabas ng comedy bar.
“Nag enjoy ka ba Ken!’ Biro ni Verna.
“oo naman saka minsan lang yang ma okray ako hahahaha! Daan muna tayo sa Tim Hortons meron ba dito nyan.”
“Wala ditosa areang eto, starbucks lang at seattle coffee.”
“Starbucks na lang mag coffee muna tayo, maaga pa naman, trapik pa sa daan nyan.”sabi ni Chris.
Naghiwa hiwalay sila na di man lang napag usapan o nabanggit ang pangalan ni Bernadette.