Chapter 36 the present Feb 7, 2021

“PR 2356 has just arrived from Los Angeles”

Sakay si Kenneth ng Philippine Airlines galing Los Angeles California, direct flight ang sinakyan nya. Nag tour muna sya sandali sa Los Angeles dinalaw ang nakakabatang kapatid na nakapag asawa ng Amerikano na taga Los Angeles. Nakakapagod ang 18 hours na biyahe kaya sa tabi lang sya ng airport kumuha ng Hotel, napakalaki na ng pinagbago ng Pinas. Nang Umalis siya wala pa ang malalaki at bagong building sa tapat ng airport, di pa tinatayo ang skyway at ang malawak na kalsada. Tumigil sya sa isang hotel katabi halos ng Resorts World. Dito muna sya magpalipas ng araw at gabi.

Lumabas sya sandali at nagutom, oorder sana sya ng pagkain sa hotel pero naisip nya lumabas na lamang. Nag puting tshirt lang sya at jean at nike training shoes, aniya maglakad lakad muna sya at magpahangin bago matulog. Pumasok sya sa Resorts world, nakita nya ang ganda ng lugar at ang mga stores mga de kalibre. Alam nya mahal ang mga yun , saka madami naman siyang dalang apsalubong na din sa grupo na binili nya sa Outlet kaya di na nya kailangan gumastos. Pagkakain ay pumasok sandali sa Casino, nag try umupo sa poker table at nag bet, natalo sya ng kaunti kaya tumayo na sya sa pinagkakaupuan nya, di siya binayayaan ng tinatawag na beginners luck. Naglakad lakad muna sya at tumingala, sa isip nya ang laki na ng pinagbago 24 years ago simula ng mag migrate sila ng canada.

Habang kumakain ng hapunan sina Bernadette biglang nahulog ang tinidor na gamit nya.

“Ay may lalaking bisitang darating.”bigkas ni Belinda.

Kinabahan si Bernadette.

“Ate malapit na ang eunion nyo, sa Febrruary 14 yun di ba? Sama mo ako ha, pwede naman kasama pamilya sabi sa invitation.”

“Sige, may isusuot ka ba na gown, mahal magpatahi o bumili, gastos lang yan, kaya ayaw ko umattend.”

“Napaka killjoy mo naman ate, minsan lang yan, imagine mo after 25 years magkikita kayo ngmga barkada mo.”

“Dette, anak, umattend ka naman, ano na lang palagi pinupuntahan, mga batang kalye at mga kapus palad, mag iba ka naman ng kapaligiran kahit sandali.” bigkas ng ama kay Bernadette.

“Papa. Wala akong damit na isusuot saka ano naman ang gawin ko dun makipagkwentuhan lang.”

“Andun palagay ko ang mga barkada mo, sina Verna, charlotte, Carl at si kambal, maging si Andrea anak siguro dadalo.” sabi ng mama nya.

“Sige na ate, nabasa ko ang host dsi Allan K at bisita si Morisette at Christian, alam mo naman mga paborito ko yan, makikita ko ng malapitan pa, sige na?” pagsusumamo ni Belinda.

“Bel, bahala na.”

“Wag kang mag alala sa isusuot, titingin ako sa mga Ukay , yung new arrival.”

“Hay naku Bel, basta artista, bahala ka nga dyan.” napangiti naman si Mama nya, gustong gusto kasi nilang gumala at makihabilo si Bernadette sa mga kaibigan nya. Simula kasi nung may nangyari dito parang sinarado na nya ang mundo na ginagalawan nya dati, naging aloof at parang nawalan ng self confident buti na lang at kahit papaano nakatapos ng Kolehiyo at Summa cun Laude.