Chapter 33 A year after graduation

Nagsimula na ng freshmen sa kolehiyo ang magkakabarkada , maliban kay Kenneth na hindi nag enrol.

Si Andrea kumuha ng preparatory of Medicine sa Far Eastern University, nurse naman ang kinuha ni charlotte , si Verna accountancy major, Bernadette, humanities, Carl computer engineering, Christine fashion designing at si Chris sa advertising.

Walang pinagbago sa mga mukha nila mukhang totoy at Nene parin sila kahit nasa mas malaking kolehiyo o unibersidad sila. Maiingay pa din at di nauubusan ng kwento. Di gaanong makapag kwento si Kenneth tungkol sa kolehiyo dahil naman nga eto nag enrol.

“Ken, kailan ang alis nyo! Tapos na bang lahat ang dokumento nyo.”

“Ilang buwan na process ang visa nyo.”

“Buti pa kayo pa Canada!”

“Wag mo kami kalimutan ha! Lalo na ang isa dyan wag na wag mong kalimutan.”alam ni Chrisitine kung sino ang tinutukoy.

“Sabi ni Papa mag prepare na kami baka this month o next month alis na kami, wait na lang kami na maibenta ang bahay namin kailangan kasi ng malaking pondo.”

“Hala binebenta nyo ang bahay nyo!”

“Oo kailangan kasi namin ng pocket money.”

“I’ll tell my Dad tulungan kayo madispose property nyo.” sagot ni Christine sabay higop ng softdrinks.

“Iiwan mo na pala kami talaga.!”

“Basta pag may malaking event tayo umuwi ka ha, wag ng pag isipan pa.”

Masaya silang kumakain sa Jollibee, kwentuhan, tawanan, may kinikilig, nagkakasakitan, may mga pasulyap tingin.

“Hala, ang lakas ng ulan, wala pa man akong payong na dala!”

“Christine tawagan mo ang driver, sunduin kamo tayo.” utos ni Chris.

“Ok bro. Wait.”

“Pasabay kami ha, baka pwede kami ihatid.”

“Kayo pa e ang lakas nyo sa Mommy at Daddy namin.”

Dumating na ang driver dala ang Toyota Land Cruiser, sabi ni Charlotte kasya tayong lahat. Di tumitigil ang lakas ng buhis ng ulan.

“Dette, may payong ka?” tanong ni Verna.

“OO meron akong dala!”

“Pahiram muna at sasakay kami sa Land Cruiser.” hinatid paisa isa ng driver ang mga bata papunta sa sasakyan.

Sumagot si Ken, “Ok lang ba dito muna kami ni Bernadette. Hindi kasi on the way ang mga bahay namin , kayo isang lugar lang.”

“Ok, para magkasarili naman kayo, paalis na sina Ken.” sabi naman ni Carl sa grupo. Umalis na ang sasakyan at naiwan ang 2. Naghintay sila na humina ang ulan.