Chapter 32 A celebration

Mag aala sais na ng hapon natapos ang graduation.

Niyaya ng magulang ni kambal ang mga nagtapos sa kanilang bahay, may hinanda silang salo salo para sa top 10 na hindi alam ng ibang magulang.

Sumama lahat ng nasa top 10 kasama ang mga magulang at mga kapatid patungo sa bahay ni kambal. Niyaya din nila ang adviser na si Mam Ramos at ibang teachers nito, maging ang ilang janitor ng school ay inimbitahan din ng mag asawa. Naalala kasi nila si Mang Johnny na hanggang ngayon ay nasa Rizal high pa, na sya rin ang janitor nung sila ay nag aaral pa sa rizal high.

Mabubungad mo pa lang pagpasok mo sa bahay nila ang napakaliwanag na ilaw, napakalawak ng kanilang hardin at may malaking swimming pool ang bahay. Nagpa Catering yata ang Pamilya Roxas, napakaraming pagkain, may lechong baboy sa magkabilang dulo at may nag iihaw ng barbeque at isda sa bandang tabi ng swimming pool, may softdrinks, beer , lemonada at orange juice. Napakaraming pagkain.

Sa isang banda ng lamesa, nakalagay ang sari saring panghimagas, may cake , leche plan, jelly, 2 uri ng salad at isang malaking lagayan ng ibat ibang hiniwang prutas.

Parang fiesta.

Sa may malaking banquet masayang nagkukuwentuhan ang mga magulang ng mga bata at ang mga guro. Nagtatawanan, nagbibiruan na parang mga bata at minsan seryoso naman ang usapan. Ang mga maliliit nabata naman ay naruon sa may barbeque at iba ay nasa may mamang sorbetes.

“Pare, ano ba kukuhanin ni Chris.”

“Gusto nya advertising, nakapasa na sya sa papasukang university.”

“E si Andrea ba ano ang gustong kuhanin.”

“Gusto nya maging doktor, kumuha na sya ng examination sa Far Eastern Univeristy nuong October at lumabas na resulta, pasado sya.”

“Ang gagaling po ng mga batang yan, sa buong pagtuturo ko sa Rizal High mahigit 25 years na din ngayon lang ako nagkaruon ng mga estudyante na prioridad ang pag aaral at solido ang pag iisip, very deserving nila ang mga grades nila. Halos kaunti lang ang mga diprensya nila sa grades.” pagmamayabang ni Maam Edwina sa mga magulang ng mga bata.

Kaaya aya ang paligid, nagyaya angmga eto na mag swimming, meron din silang dalang pampaligo kasi maaga pa man sinabihan na sila ng kambal na mag swimming sila. Enjoy na enjoy ang mga magbabarkada. Sa isip nila humaba ang oras , naunang bumabad sila Verna at Charlotte, naka one piece bathing suit samantalang si Verna at sleeveless tshirt at shorts, kasunod na ang iba na naka short at tshirt lang. Malakas talaga ang guts ni Charlotte mag swimming suit kasi maganda naman ang hubog ng katawan at matangkad pa, malaking bulas sya kumpara sa iba. Masaya silang nagsasabuyan ng tubig at nag uunahan sa paglangoy. Simple lang ang mga kilos ni Ken at Bernadette.

“Tara unahan tayo sa swimming.” Sabi ni Chris. Apat silang lalaki, si Ken, Carl Chris at Joshua at apat na babae ang tatayong parang poste sa finish line.

“Get set, on your mark, Go!” sigaw ni Christine.

Nagpaalam na ang ibang bisita. Masayang nag uwian ang lahat ng bisita, ang iba may mga balot pa, nagpabalot kasi ang Mommy ni Chris ng mga sobrang pagkain.