Chapter 29 Final examination
Lunes ng umaga, nagdatingan na ang mga estudyante ng Rizal high. Nag formation na sila para sa flag raising ceremony eksakto 7 ng umaga sinasarado ang lahat ng gate, binubuksan lang eto kapag natapos na ang ceremony sa umaga. Pagkatapos ng flag raising ceremony ay nagsasalita ang principal tungkol sa buong linggong aktibidad at nuong nakaraang linggo. Pinapasalamatan nya ang mga teachers palagi sa ceremony bilang pagpupugay sa hirap ng trabaho ng mga teachers, ganun din ang mga janitor at janitress na walang tigil sa kakalinis ng buong campus. Minsan may pinararangalan din ang Principal na estudyante kung eto ay nanalo ng competition sa labas ng eskwelahan. At higit sa lahat palagi nyang pinasasalamatan ang lahat ng estudyante at ang mga magulang na walang sawang pinapapapasok sa eskwelahan umulan man o umaraw.
Dumating na ang araw ng final examination. Mauunang mag exam ang mga nasa top pagkatapos ng 2 linggo saka naman ang mga regular na student. Magkaiba ang kanilang examination kaya hindi sila pede mag spill. Ang room ng mga mag pa final examination ay sa silid aklatan o library, nakapwesto na ang mga upuan ng mga kukuha ng pagsusulit may pagitan ng 4 na upuan bago ang kasunod.
May 4 na proctor na magbabantay sa kanila at bawat pagsusulit ay higit kumulang isang oras bawat subject. Maliban sa Filipino subject dahil lahat ng kukuha ng final exam sa Filipino ay exempted. Sinimulan ng ipamahagi ang examination sheet, kasunod ang answer sheet.
Dumating na si Mam Ramos ng eksaktong 9 ng umaga at nagsimula na ang pagsusulit, nauna ang subject na English.
Pinagpapawisan si Verna sapagkat ang English ang pinaka ayaw nya na subject at eto pa ang nauna sa pakiramdam nya babagsak sya dito, nagkatinginan sila ni Charlotte, maski si Charlotte ayaw nya na mauna ang English , average lang din siya dito kung tutuusin , nahahatak lang ng ibang subject kaya tumataas ang grade nya.
Makalipas ang isang oras.
“Times up!” Sabi ni Mam Ramos
Sumunod, Science, binigyan sila ng extension na kalahating oras para isolve ang mathematical problem sa science. Natapos ng maaga si Ken, kasunod si Bernadette, at sumunod na ang iba. Binigyan sila ng 1 oras na break time para kumain ng tanghalian, pinababalik sila ng 1:30 pm.
“Buti na lang madali dali ang Essay, pinagpapawisan ako kanina.” Sabi ni Charlotte.
“Wendi, musta nasagutan mo bang lahat.” tanong Carl.
“Nakupo, ayaw kong magsinungaing pero ang hirap, pinagpapawisana ng mga singit ko hahaha!” tawanan silang lahat sa kantina. Pagkatapos kumain ay nagsibalikan na sila sa library. Maaga pa kaya ang iba kinuha ang notes at nag rereview samantalang si Kenneth, Bernadette at Andrea at wala lang, naghihintay ng oras.
Eksakto 1:30 dumating si Mam Ramos at ang 3 pang proctor, nag distribute ng questionnaire at answer sheet. Natapos ang final examination ng 4:30 pm walang labis walang kulang sa oras.
“PweuH, ang hirap, lahat ang hirap.” sabi ni Chris
“Bahala na kung ano ang outcome ng result, tingnan na lang natin sa Bulletin kapag ipinaskel na ni Maam.”
“Pinagpapawisan ako kanina ng malapot sa Math. Parang 8 out of 15 lang makuha ko.”
“Ako din, grabe 15 problem solving lang, medyo tricky pa ang tanong, hay naku.”
“Korek ka dyan, ganyan din ako baka 8 out of 15 din hahahha.”