Chapter 28 A day before the final examination
Bago ang final examination ay nagsimba ang magnificent 8, humingi sila ng spiritual guidance at nag offer din ng isang dosenang itlog. Pinagdasal nila na sila sila pa rin ang nasa top at wala sanang malaglag sa kanila. Solido ang pagkakabarkadahan nila, napamahal na ang bawat isa sa kanila at nangako pa na kahit saan man sulok ng mundo ay magkikita kita at magkokontakan sila. Natapos ang misa at naglakad lakad ang grupo sa may plaza sa tapat ng simbahan, samantalang ang 5 babae ay nagtirik ng kandila.
Pagkatapos nilang magsimba ay sinundo sila ng Daddy at Mommy ng kambal sa may plaza at ite treat daw sila ng tanghalian sa isang sikat na restaurant sa may kapasigan.
“Kumusta na kayo?” bati ng mommy ni kambal.
“Ok naman po!” sagot ni Bernadette.
“Pag igihan nyo, last hurray nyo na eto.”sabi ng daddy ni kambal
“OO nga po. Nag rereview naman po kami ng solo din bukod sa group study po.” tambad ni Kenneth.
“Very good! I wish you all the luck! Kain na tayo andyan na ang pagkain natin.”
Masayang nagkukwentuhan at nagbibiruan ang daddy, mommy at ang grupo. Dumating ang waiter may dalang ice cream na panghimagas at isang cake, nakasulat sa cake. Congrats! Magnificent 8.
Nanlaki ang mata nila, kahit sila kambal di alam na may ganitong pakulo ang magulang.
“Para sa inyo yan mga anak, natutuwa kami ni Mommy kasi pag aaral ang nasa isip at prioridad nyo.”
“Dad may kukuhanin lang ako sa land cruiser, sandali lang, Chris, Carl at Kenneth samahan nyo ako.”
“Opo Mommy.” sumama na sina Ken at Carl.
Pagdating nila sa kainan may dalang limang paper bag ang mga eto at tinanggal ni mommy ang mga laman.
“Para sa iyo eto Andrea. Eto kay Verna, kay Charlotte, kay Bernadette at sa aking love si Christine.” walang kaalam alam si christine sa gesture ng daddy at mommy nya kaya napaiyak eto, sumunod na din ng iyak ang ibang babae.
“Syempre di pahuhuli ang mga lalaki, para sa iyo Ken, Carl at Chris.” Naiyak na din si Chris. Napakabait ng Daddy nila kaya mahal na mahal nila ni kambal.
Sa di kalayuan dumating si Sir Enrico, may usapan pala sila ng daddy ni Chris at nag excuse sandali.
Niyakap ng mga babae ang mommy ni Christine, ganun din ang mga lalaki. Naluluha sila sa kagalakan.
“Hep hep hep, malulukot damit ko Hahaha!” Pabiro ni mommy.
“Hala, open nyo na yan, di ba pag gifts binubuksan di tinatago.” tawanan ang lahat.
Excited lahat sa pagsira ng giftwrapper.
“Napakaganda po!” kinikilig na sabi ni Verna
“Wow! Fave color ko! Siyang siya si Charlotte
“Thank you po ng marami! Sabi naman ni Bernadette habang excited na inoopen ang box nya, nanlaki ang mga mata kasi etong eto ang gusto nya di nya lang masabi sa mama nya kasi napakamahal. Bigla nyang niyakap ang mommy ni christine.
“Sana nagustuhan nyong lahat , gusto ko yan ang isuot nyo sa graduation kaya maaga pa lang binigay na namin ni Daddy ang gift sa bawat isa sa inyo.”
Tanging si Christine lang ang di nagbukas ng gift.
“Bakit honey, ayaw mo ba ng gift ko!”
“No, Mom sa house na lang ayaw kong umiyak sa ngayon hahaha basta i love you Mom and Dad to the moon and back !”