Chapter 2 The present 2021
After 25 years magkakaroon ng reunion ang batch 1996. Silver anniversary ng class 1996.
Magkasamang nag shopping ang magkaibigang Verna at Charlotte. Inaanak ni Charlotte ang panganay na anak ni Verna, katuwang nya ang ibang ka grupo tanging si bernadette at Ken lang ang di nya nakuhang mga sponsor ng panganay nya dahil di niya makontak ang mga eto ng mga panahon na yun. Pagkatapos ng graduation sa high school ay palaging magkasama ang magkaibigang Verna at Charlotte. Paminsan minsan lumalabas sila ng kambal na si Christine at Chris, dahil halos freelance naman ang dalawa kaya sila madalas ang nagyayayaan kung mag shopping o mag window shop, pampatanggal stress nila.
“Nabasa mo ba Verna, May class reunion ang batch natin, nasa Facebook page ang reunion ng batch 1996. Attend ka ba? Tanong ni Charlotte habang namimili ng damit na gagamitin nya sa isang function sa darating na buwan. Ayaw ni Charlotte na nag uulit ng damit kapag umaattend ng importanteng function. Magarbo si Charlotte.
“Oo ah! Long awaited yan imagine mo 25 years na pala tayong graduates sa Rizal High. Asan na kaya ang iba natin kasama! May news ka ba Kay Bernadette? Di ko sya nakikita sa fb. Si Ken lately Lang na locate ni Carl, si kambal kaya?" Nagsasalita habang nasa kabilang linya ng mobile. “ May number ako ni kambal, si Carl naman isa sa organizers, si Andrea naman may sariling pediatric clinic naman yan sa may Bagong Ilog kaya madaling mapuntuhan at I guess alam na din nya.” sabay abot kay Charlotte ng orange gold na Versache dress.
“Excited na ako, sana lahat ng katropa natin umattend, miss ko na mga kwentuhan at mga kalokohan natin. “
“Si Bernadette ang alam ko pumasok sa kumbento sa Sisters of Mary convent, puntahan kaya natin, alam ko bawal sila mag fb hahahaha."
"Ano ka ba? Modern na ngayon lahat nasa social network na, ultimo mga misa nasa fb na, mga prayer healing, lahat nasa fb na po ano.” nagvibrate ang cellphone, may nag message
“Sabagay may tama ka dyan.”
“Problema ko nito ano isusuot ko sa reunion, syempre pabongahan yan. Alam mo ba na si Wendy sa section 2 yung valedictorian nila parang princess na sya. Palagi na Kay Vicky Belo Panay retoke ginagawa sa katawan. Hahahahaha!" bulalas ni Verna, kakaunti lang kasi ang damit ni Verna dahil may mga anak na nga siya halos sa mga anak na lang sya bumubili ng mga bagong gamit at damit, sa sarili nya , naghihintay na lang sya kung regaluhan siya ng asawa nya o may good samaritan na magbigay.
"Sya ba yung nakapangasawa ng Chinese yung may ari ng malaking building sa tapat ng Rizal high ." tsismosang tanong ni Charlotte.
"Oo yun nga, napakaswerte nya, maganda kasi sya at matalino din, isa sya sa pinalad na maging maswerte sa buhay."
“Si Jackson Kilala mo ba ? Yung varsity player natin sa basketball, nasa ginebra na sya sa PBA, big time na din. si Andrea B. Na classmates natin, artists na din kaso ngayon puro bit roles na lang madalas mother role o auntie role na ang sa mga movies at television. Marami rin sa batch natin ang mapapalad." Sagot ni Verna.
“Basta Charlotte, attend tayo ha sunduin mo ako ng car mo, alam mo naman si Bennie laging gamit car namin at malamang di ako ihatid nun sa venue, kilala mo naman ang asawa ko killjoy pagdating ba sa ganyan.”
“Oo mare ko, don’t worry sabay tanong darating at magkalat ng lagim sa reunion.” Bulalas ni Charlotte. Sa isip ni Charlotte gagawa sila ng eksena ni Chris na magiging memorable at napakasaya ng homecoming.
"Open mo nga fb mo, naka data lang kasi ako, naka add ka ba sa fb page ng batch natin?” Tanong ni Verna.
“Oo, teka check ko nga! Check ko Kung Ano ang announcement nila.”
Search ni Charlotte sa iphone12 nya ang fb page ng batch 1996 at eto ang nakasulat.
“Calling all batch 1996
Grand silver homecoming
February 14, 2021
6 pm
Shangrila plaza hotel
Grand ballroom
Kindly contact the following persons for attendance
Thru fb or cellphone
Carl Diaz 00639795860
Menchie Costales – 006399964678
Andrei Ocampo – 00639165555
Evelyn Dimaano – 00639554340