Chapter 1 The beginning

Nagsimula lang lahat sa Rizal High School ang alma mater naming group, binansagan kaming ' the magnificent 8' ng mga teachers namin. Kasi kami yung palaging nasa top 10, tumaas bumaba man ang rank lagi yung andun sa top. Ang pangalan namin ay Andrea, Verna, Carl, Charlotte, Kenneth, Bernadette, Christine at Chris. Ang Rizal high school ay isa sa mga school na binigyan ng parangal ng Guinness World Book of Record sa pinakamaraming high school student around the world. Eto ay napalawak , malaking oval , sariling laboratory, home economics building, malaki at malinis na kantina at ang bawat building ay hangggang 4 na palapag. Ang likod ng Rizal High school ay ang pamosong Pasig River na nagkokonek sa mga bayan ng Marikina, Pasig, Pateros, Mandaluyong.

Fourth year student na kami at huling taon na namin sa Rizal High School. Isang umaga katatapos lang ng Pilipino subject at abala lahat sa pag gawa ng proyekto sa Science para sa Science week biglang nagtanong ang isa sa grupo.

“Ano kaya magiging buhay natin after our college?" Tanong ni Carl.

“Ako gusto ko maging pediatrician doctor!" Ana ni Andrea

"Ako civil o structural engineer, yan kasi gusto ng papa ko para sa akin." Sabi ni Kenneth.

"Si Ken lagi na lang gusto ng magulang ang nasusunod, wala ka bang sariling isip ." Bungad ni Chris.

"Yan din naman kasi gusto ko Chris di naman sa papa ko o sa mama ko Lang. " sagot ni Ken.

"Ah ako, basta gusto ko making flight stewardess o fashion model." sabi naman ni Christine.

"Ako gusto ko makapasok sa network, kahit ano , kahit maging PA hahahaha basta nasa network!" aniya ni Chris habang nagkukulot ng buhok ni Charlotte.

“Ikaw Bernadette, ano pangarap mo?" tanong ni Ken.

“ isang homemaker o Madre.” Nagtawanan ang lahat.

"Ang babaw naman." Sabi ni Christine.

"Sabagay manang ka kasi, sayang ang beauty mo gurl! saad ni Verna.

Masayang nagkukwentuhan ang magbababarkada ng pumasok si Maam Edwina Ramos, ang class adviser ng 4 - Anahaw . Nagtapos ng masteral ng English si Mam Ramos sa University of the East at sa kasalukuyan ay tinatapos ang kanyang thesis para sa doctorate. Napakahusay magturo ni Mam Ramos at magsasampung taon na siyang teacher sa Rizal High. Naunang magturo si Mam Ramos sa eksklusibong paaralan ng mga babae sa Pasig bago napunta sa Rizal High.

“Class our final examination will be at the end of this month, you all have time to review, those in the top of the class will be given an examination one week before the schedule. “ sabi ni Maam Ramos.

“And by the way, see me after your Science Subject, Kenneth, Andrea and Bernadette.” ulit ni Mam Ramos.

Lumabas na ang resulta ng final examination at naipaskel na sa bulletin board ang mga top at sa inaasahan ang mga pangalan ng magnificent 8 ang nasa top.

1. Kenneth Gaston - Class ‘96 Valedictorian

2. Bernadette Aguas - Salutatorian

3. Andrea Contreras

4. Chris Andrew Roxas

5. Christine Roxas

6. Carl Lewis Diaz

7. Verna Dimaguiba

8. Charlotte Benavides

9. Wendy Naperal

10. Joseph Dioquino

"Congrats Kenneth!" Puri ng mga teachers at mag kaklase nya. Si Kenneth Gaston ang class valedictorian at si Bernadette Aguas ang. salutatorian.

"Congrats pare, di ka talaga matinag sa number 1." sabi ni Chris at Carl Kay Ken.

"Congrats Bernadette, ang galing ninyong dalawa palagi kayo ang top 1 and 2 . Di namin kayo maungusan hehehehe ." sabi ni Andrea.

'Si Ken, di pa yan masyado nag aaaral, Baka stored knowledge ba sa utak mo yan." Sabi ni Verna.

"Bernadette punta ako sa mag house nyo mamaya ha, may kukuhanin ako sa table nyo may naiwan akong gamit dun habang nag rereview tayo". Saad ni Andrea, nakalimutan nya ang kanyang red notebook na maymga reviewer sa math at physics subject, na naiwan nya sa may ilalim ng table.

"Okay!" sagot naman ni Charlotte, kahit di sya ang sinasabihan, kasi alam naman nya ang palaging sagot lang ni Bernadette ay okay sa lahat ng mga tanong. Halos lahat ng ugali ng mga kagrupo nya ay alam na ni Charlotte at alam nya ang kilos at galaw ng bawat isa, magaling syang mag psychologize ng tao.

"Class your toga is now available, you can go to the library and for those who has pending payments kindly settle it now or tomorrow. Tomorrow i will distribute the invitation letters for the graduation. Your valedictorian speech Kenneth is it ready?" paalala ni Maam Edwina Ramos .

Nagpapraktis si Ken ng valedictory speech nya ng pumasok ang Principal. Si Principal Adelaida Del Mundo ay nakapagtapos ng kanyang Doctorate sa Unibersidad ng Pilipinas, strikta, kagalang galang, mabait at may puso sa mga estudyante. Dati siyang Principal sa Sta. Mesa National High School, malayo sa tirahan kaya nagpalipat sa Rizal High ng malaman na magreresign na ang dating principal. Mahigit labinlimang taon na siyang Principal ng Rizal High School. Tumayo ang lahat at bumati.

“Good Afternoon, Principal Del Mundo.” tumango lang ang principal at lumapit at kinamayan nya si Ken.

“Congrats Kenneth! May i see your speech.” sandaling tumigil si Ken at inabot ang speech na ginawa at pinagpuyatan nya ng ilang araw.

“Very good. Are you the one who prepare your Valedictory speech?”tanong ni Principal Del Mundo.

“Opo, principal.” magalang na sagot ni Ken.

April 23, 1996,

3pm

Rizal High School Oval

Class 1996 Graduation Rites