CHAPTER 8 - Black Boar vs. Weyla and Xzevier
Days had passed. At halos palagi kaming magkasama ni Xzevier. Palagi siyang nasa cr at pinapanood ako. Oo as in, pinapanood akong maglinis. Hindi ko nga alam actually kung bakit palagi siyang nandiyan. Palagi rin niya akong isinasabay pauwi at papasok sa paaralan.
"Finally tapos na ang punishment ko!" Masayang ani ko at napasandal naman ako sa wall sa labas ng cr.
Hindi na talaga ako makikipagaway pagclass hours or hindi kaya ay mag pahuli lalo na kay Mr Vallejo. Syempre hindi natin malalaman kung kelan na naman ako nila babalikan -_-
"Let's go, you need to rest." Ani ng kasama kong si Xzevier.
Nagtataka talaga ako sa inaasta ng lalaking 'to. He's actions parang may meaning, pero duh, hindi naman ako assumerang frog, tsaka wala naman siyang sinasabi.
"Sige." Yun lang ang sinagot ko at nagsimula na kaming maglakad paalis.
At least diba, may service ako everyday
*Evil laugh
Pero everytime na magkasama kami, marami parin ang mga nagchi chismisan. Minsan kung magisa ako sa hallway, nadidinig ko nalang ang mga pangalan naming pinaguusap ng mga chismosa.
Halos one month palang ako dito sa RU, one month ko palang silang kilala, pero ang dami ng nangyari. Kahit nakakainis nung una naging medjo maayos din naman.
Napatigil kaming dalawa sa paglalakad patungo sa sasakyan niya nang may nakita kaming mga lalaking nakapalibot dito, ang iba ay may dala pang baseball bat.
"Sino sila?" Mahina kong tanong habang nakatingin sa mga lalaki.
"Zandros, kanina pa kami naghihintay ba't ang tagal mo namang lumabas, nainip tuloy kami sa labas kaya pumasok nalang kami.." Nakangising ani ng isang lalaking halos kasing tangkad lang ni Xzevier.
Naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang kamay ko, kaya napalingon ako sa kaniya.
"Black Boar..." He muttered and still looking coldly to that gang.
Pano sila nakapasok sa parking area ng RU, asan ang dalawang guard na nagbabantay sa gate?
"May kasama ka palang magandang binibini... Magandang buhay sayo!" Nakangisi itong lumapit sa amin pati narin ang iba.
Hinawakan ni Xzevier ang kamay ko ng mahigpit and he stepped forward at inilagay ako sa may likoran niya.
"Xzevier?" Pero imbis na kabahan ako sa mga lalaking halos nasa sampo, bakit parang nagaalala lang ako kay Xzevier.
"Asan nga pala yung apat? Ay oo nga pala! Nakaalis na sila..." Nakangisi sabi nung lalaki. Siguro siya yung leader nang gang nila.
"Tss, tss, tss, pano ba yan sampo kami, isa ka lang?.. Hmm.." Napatingin ito sa akin at tiningnan ako mula sa paa hanggang sa ulo.
Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Xzevier sa kamay ko.
"Kung ibigay mo nalang siya samin—"
Hindi na naituloy nang lalaki ang sasabihin dahil nasuntok na siya ni Xzevier. Kaya napaatras ako ng kunti nang bitawan niya ang kamay ko.
Nagsisuguran naman yung iba kay Xzevier pero parang wala lang sa kaniya kung lumaban.
Kaliwat kanan ang suntok at sipang ibinibigay niya. Kahit na isa lang siya ay napapatumba niya ang mga nagtatangkang lumapit sa kaniya. Kahit na ang iba ay may dala pang baseball bat.
Ngayon ko lang siya nakitang nakipag away—
"Tumigil ka!"
Nanlaki ang mata ko nang may humablot sa akin at tinutukan ako ng kutsilyo sa leeg.
Napatigil naman si Xzevier pati ang iba at lumingon sa amin.
"Weyla!" I can already see anger in his eyes and worries at the same time.
Hindi niya nakita ang paparating na kalabang may dalang baseball bat kaya napalo siya sa baywang.
"Xzevier!" Malakas kong sabi sa pangalan niya.
"Sige lumpohin niyo yan! Para makabawi naman tayo sa nalagas satin!" Sigaw ng leader nilang nasa likoran ko na siyang may hawak sa akin.
"Bitawan mo ko!" Malamig kong ani, pero tinawanan niya lang ako.
"Bibitaw ka o bibitaw ka?" Napatigil siya sa pagtawa pero mas naramdaman ko lang ang kutsilyo sa leeg ko.
"Wag kang mag matapang, magandang binibini." Bulong niya sa tenga ko.
Inis akong napapikit at napalingon kay Xzevier na nakaluhod na sa semento. Hindi siya nakakalaban ng maayos dahil sakin!
"The hell!" Inis na bulong ko.
Mabilis at parang experto kong hinawakan ang kamay niyang may hawak nang kutsilyo. At sa ilang segundo lang ay napagpalit ko na ang pwesto naming dalawa. Ako na ngayon ang may hawak ng kutsilyo at nakatutok ngayon sa leeg niya habang mahigpit ang hawak ko sa kamay niya sa likod.
Tinadyakan ko ang paa niya kaya napa luhod at napa sigaw siya.
Hinipan ko ang buhok kong nakatakip sa kaliwang mata ko at inip na tumingin sa mga kasama niyang napatigil at napatingin sa amin, ganon din si Xzevier na may pasa na sa labi.
"Should I kill him?" Idinidiin ko pa ang kutsilyo sa leeg nito, kaya tudo iwas naman siya.
Nakita kong napaatras ang iba, kaya mahina akong natawa.
"Taposin niyo na yan!" Sigaw ng leader nila..
Abat ang tapang, hindi na tatakot sa hawak ko, ano kaya kung tutuhanin ko na?
Nagsimulang mag laban na naman sila, hay, hindi ba nila alam na mag isa lang si Xzevier? Well at least, he isn't worried that worried sakin like kanina. He can use his full strength.
At sa nakikita ko, sanay na sanay talaga siya sa bakbakan, tsss... Kahit na nasusuntok siya at nasisipa, parang wala lang sa kaniyang ibalibag, pagtatadyakan at lumalaban pabalik sa mga kalaban.
"Ano ba yan... Mauubos na sila, oh." Natatawa kong sambit dahilan para magmukang walang laban ang leader nila na hawak ko.
"Hoy! Tumigil kayo!" Malakas na sigaw ng guard na may kasamang dalawang pulis.
Iniwas ko ang kutsilyo at malakas na itinulak ay hawak ko kaya napasubsob siya sa semento, pero agad din naman itong tumayo at mabilis na tumakbo sa mga kasamahan niya. Tatakbo sana sila dahil palayo pero naharang sila ng pulis.
"Coward." I whispered as I walked towards Xzevier.
"Sir, sorry po. Binantaan at tinakot kami. Tumawag muna kami ng pulis bago makaresponde." Ani nang guard.
"Okay lang." Sagot naman ni Xzevier na nagpapagpag ng damit niya.
Tiningnan ko lang ang sugat niya sa muka. Lumingon naman siya sakin, kaya napaiwas nalang ako nang tingin at lumapit sa pulis. Ibinigay ko ang kutsilyong gamit ng leader kanina na naagaw ko.
"Xzevier? Yung sugat mo..." Ani ko nang pumasok kami sa sasakyan niya.
"Hayaan mo na."
"Tsss.. May dala akong alcohol at band aid, linisin muna natin." Kinuha ko sa bag ko ang alcohol at ang band aid.
Mabuti nalang may dala na akong ganito. In case magkapasa na naman.
"Ayoko niyan."
Takang napalingon naman ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.
"Cut lang naman to. Hindi na kailangan niyan." Aniya at hinawakan pa ang sugat sa kilay niya.
"Psshh..." Hindi ako nakinig at hinawakan ang muka niya.
Kumuha ako ng kunting tissue since tissue lang ang meron ako, na nilagyan namng alcohol at inilagay sa sugat niya.
Napa 'aw' naman siya dahil sa hapdi. Tsss.. Nasasaktan siya sa alcohol sa suntok hindi -_-
"Aray, dahan dahan." Reklamo niya, dahil mas diniinan ko lang naman ang sugat niya.
"Ang arte nito." Binitawan ko na ang pagkakahawak sa muka niya at kinuha ang band aid.
Hinawakan niya ang kamay ko nailalagay na sana ang band aid sa sugat niya.
"What!?" Taas kilay kong tanong.
"How did you do that?" Tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Ang alin?"
"Yung kanina..." Seryoso niyang sabi ulit. Napaiwas nalang ako nang tingin ng maalala ang ginawa ko kanina sa lalaki... Napaisip tuloy ako...
"I don't know.. Self defense..?." Sagot ko nalang.
Bumitaw naman siya sa pagkakahawak sa kamay ko kaya itinuloy ko na ang pag lagay ng band aid sa sugat niya.
Habang nasa byahe kami, hindi ko parin maiwasang maalala ang nangyari kanina.
Biglang nag flashback ang ginawa kong pag agaw ng kutsilyo at ang mabilis na galaw na ginawa ko para magkapalit kami ng pwesto.
How did I do that? I was actually surprised. It seems like my body just moved by itself.
I didn't remember anything that I trained to defend myself...
"You okay?"
Napalingon naman ako kay Xzevier na nagaalalang napasulyap sa akin.
"Yup." I nodded my head a bit at ibinalik and tingin sa daan.
"I'm sorry about that. Hindi talaga tumitigil ang gang na yon."
Tumango nalang ulit ako at tumingin sa labas ng bintana.
Even your mind will forget, your body and your heart will stay as who you are.
Biglang akong may nadinig na boses sa isip ko. Boses ng isang lalaking sa tingin ko ay bata pa. Napahawak ako sa ulo ko gamit ang right hand ko, dahil bigla itong sumakit pero agad din namang nawala.
The whole weekend ay nasa loob lang ako ng condo, hindi ako lumabas kahit isang besis.
Nagtaka nga si auntie dahil madalas akong tumambay sa roof top pag weekend pero nakakapanibago daw ngayon.
Yes, I feel really strange this past few days. Dahil sa mga wierd na napapanaginipan ko. At wierd na mga biglang pumapasok sa isip ko.
"Weyla? Lumabas ka na jan. May naghahanap sayo dito." Dinig kong sabi ni auntie mula sa labas ng kwarto ko.
Mula kasi nang lumabas si Lola sa hospital, nagsama na sila sa kwarto ni auntie, kaya solo naman ako sa kwarto.
Sumulyap naman ako sa wall clock, at 7:15am na kaya kinuha ko nalang ang bag ko at lumabas.
"Sino namang —"
Napangin ako sa taong nakaupo ngayon sa sofa at kaharap si auntie. Si Lola tulog pa siguro.
"Oh, Weyla? Anong tinutunganga mo diyan? Sabi ni Xzevier, sabay daw kayong papasok." Ani auntie. Pano niya naman nakilala si Xzevier?
Tinaas ko naman ng kilay si Xzevier. Bakit naman siya nandito...
"Ah auntie. Mauuna na po kami." Aniya at tumayo.
"Oh, sige. Balik ka dito next time ah." Nakangiting sabi ni auntie kay Xzevier.
"Sure." He smiled at lumapit sa akin.
"Alis na kami auntie." Ani ko. Binigyan naman ako ni auntie nang malapad na ngiti.
"Sige, madami kang ikwekwento mamaya hehe. Ingat."
Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya. Tumingin naman ako kay Xzevier at naunang maglakad palabas.
"Anong ginagawa mo don?" Tanong ko pagkalabas namin sa unit.
"Wala, bawal ba?"
"Psh! Bawal." sabi ko at naunang maglakad sa kaniya.
Nang makadating kami sa university ay madaming students ang nagkalat sa hallway.
Agad naming nakita si Klinnia at Monique na naglalakad palapit sa amin.
"Anong meron bat nagkalat ang mga students? Mag ta'time na ah." Takang tanong ko sa dalawa.
"Walang class na naman ngayong umaga, dahil nagpatawag ng meeting ang secretary ng Dean, dadating ang mga shareholders ng university." Sagot ni Klinnia..
"Sa KR nalang muna tayo tumambay." Pagaaya ni Monique.
Tumango naman si Xzevier kaya naglakad na kami patungo sa building kung san ang KR.
Don kami nag stay buong umaga. Since may mga pagkakaabalahan naman kaming laruin. Naks talaga ang kwarto ng mga hari, tsss...
"Bibili lang kami ng lunch." Sabi ni Kyle. Lumabas naman siya kasama si Lemuel at Clinton.
"Wash room muna tayo." Pagaaya ni Monique sa amin ni Klinnia.
Tumango nalang ako at lumabas na kami ng room.
"Anong score niyo ni Xzevier?" Napakunot noo naman ako dahil sa biglang tanong ni Klinnia.
"Ikaw ha, hindi ka nagkwekwento." Sabi naman ni Monique.
"Anong sinasabi niyo." I remain chill and cool habang nasa daan lang ang tingin ko.
"Sus, alam naming may something, Weyla." Ani Monique.
"May sinasabi ba si Xzevier? Like... Alam mo na?" Napataas naman ako ng kilay because of what Klinnia said and I glance at them.
Umiling naman ako and looked straight to the hallway.
I know what they mean. But I only see Xzevier as a friend. Dahil hindi pwede.... He already have a girlfriend, at si Tallia 'yon. Hindi ba nila alam?
Nang matapos kaming mag cr ay bumalik na din kami agad sa KR.
Nakadinig agad kami nan nag tatawanan mula sa loob.
"Eh! Next time nalang." Dinig kong sabi ng isang babae.
"Tallia..." I mumbled her name as I saw her sitting in the couch beside Xzevier.
"Unnie!" Masayang bati ni Klinnia at Monique.
"Hi girls!" Tumayo naman si Tallia at nakipagbeso sa dalawa.
"Hi Weyla." Bati niya sa akin at hinalikan ako sa pisnge. Ngumiti naman ako at naupo sa tabi ni Klinnia.
"Why are you here? Wala ka bang pasok?" Tanong naman ni Monique.
"Hmm.. You heard about the meeting ng mga shareholders? Mom is here kaya sumonod naman ako, wala naman akong pasok today, at ang boring sa bahay no." Nakanguso niyang sagot.
"Si Kuya Tristan, asan pala siya?" Tanong naman ni Klinnia.
Bakit niya naman tinatanong kung asan si Tristan... Napatingin naman ako kay Xzevier na nakatingin lang pala sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Napatingin naman ako sa labi niya nang ngumisi siya.
Lunatic... Ano naman kayang problema nito -_-
"Well, nasa Korea na naman siya ngayon." Dinig kong sabi ni Tallia. Kaya umiwas nalang ako nang tingin kay Xzevier at tumingin kay Tallia at Monique.
"So, makiki-lunch pala ako hehehe... I bought foods, too." Nakangiti nitong ani sa lahat.
"Wah! Of course Unnie." Masayang sabi ni Monique.
"Let's go!" Tumayo silang dalawa at pumunta sa malaking mesa sa likoran at nag simulang mag ayos dala ang mga pinamili nilang pagkain.
I was watching Tallia habang nag aayos sila sa mesa kasama sina Lemuel at Dennis while Xzevier is just sitting on the couch at may kinakalikot sa phone -,-
While we are having our lunch ay nakatutok lang ang atensiyon ko sa pagkain. Habang nagkwekwentohan sila. I remain silent habang nakikinig lang.
"Gosh! I still remember Xzevier was crying really hard that time when he got a scar, iyak siya nang iyak dahil sa alcohol na inilagay." Nagtawanan naman sila dahil sa sinabi ni Tallia.
"I didn't even really think Xzev will be this... Who he is right now..." Dugtong nito.
Napatingin naman ako kay Xzevier na nagsasalubong ang kilay dahil pinagtatawanan siya ang mga kasama namin.
"Well, even you, you, you, and you..." Pagturo niya sa mga lalaking natitira.
Napatawa naman sina Klinnia at Monique nang tudo. Napakamot nalang ng ulo si Lemuel at Dennis. Natatawang napailing naman si Clinton at Kyle.
"Tallia naman.. Nakakahiya kay Weyla. Sabihing ang iyakin pala namin noon. Nag crash sa bike, nasugatan, nagiiyak, tapos takot sa alcohol." Nakangusong sabi ni Lemuel.
"Anong namang nakakahiya don? Mga bata pa naman tayo don 'no! I was just seven that time... And I'm sure Weyla experienced childhood days like that, too."
Napaisip naman ako dahil sa sinabi ni Tallia. Napangiti nalang ako ng pilit at napatitig sa pagkain ko.
After we had our lunch ay lumabas muna ako. I decided to go to the garden. I'm sure tatawagan naman ako ni Monique pag hanapin nila ako.
Nakatingin lang ako sa mga bulaklak at sa mga butterfly na lumilipad at dumadapo dito.
I'm sure Weyla experienced childhood days like that, too.
Childhood.... Why I don't even know who I am... I don't know who I am... I don't know who really am I... I don't really know my fucking self!
I remembered nothing.
I just walked up in the hospital, Lola Marina and auntie Ynna were by my side.
They called me Weyla...
And they just told be na na-hit and run ako kaya nag-agaw buhay ako sa hospital. Six months in coma... At nang lumabas kami ng hospital ay umuwi kami ng pilipinas.
It all started in Japan... Should I go back there para maalala ko lahat?
I even asked one time kung may baby pictures ba ako, hanggang sa paglaki ko but they said. Wala daw. It was my mom who have my pictures, but she's already dead.
I know nothing but just a name.. Weyla Navar...
****