CHAPTER 4 - Saviour
"La, aalis muna ako." Agad na bungad ko kay Lola na nasa kusina.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya agad. Napakamot nalang ako ng ulo. Baka hindi na naman ako payagan, tsss..
"May bibilhin lang po sa National Book Store." Sorry 'La, wala naman talaga akong bibilhin. Gusto ko lang lumabas since saturday naman at kanina pa talaga ako na bobored -,-
"Bukas nalang, para masamahan ka ni Ynna." Aniya habang hindi nakatingin sa akin. Sinasabi ko na ngaba!
"Pero 'La, importante po 'to, sige na po." Nagmamakaawa ko. Please please please, sana payagan ako :(
"Sige na pero umuwi ka bago dumilim." Biglang sabi ni Lola.
"Yes! Thank you 'La." I kissed her cheeks and madaling lumabas nang condo.
It already one o'clock in the afternoon, kaya madami pa akong oras para mamasyal.
Agad akong pumara ng taxi at nag pa hatid sa Mall. I decided na pumunta nalang sa national book store para bumili ng book, para na rin hindi sabihin ni Lola na nagsisinungaling lang ako hehe.
I'm staying almost an hour inside the book store. Madami rin namang nandito, since weekend, mostly students. Hindi naman madaling mag hanap ng magandang book, and I'm enjoying staying here naman.
"Ops, sorry." I uttered after dropped the book na hawak hawak ko ng may biglang akong nakabangga, pati narin ang hawak niya. Agad namin itong pinulot pareho.
"Sorry, I didn't —" Naputol ang dapat na sasabihin ko ng makilala ang taong nabunggo ko. Agad akong napatayo, at ganon din siya.
"Xzevier—"
"Hon?" Napalingon naman ako sa babaeng biglang sumulpot sa likuran niya.
"What happened?" Takang tanong nito.
"Nothing, I just bumped to someone." Bored na ani Xzevier sa kasama niyang babae.
I admit she's gorgeous, ang ganda ng mapupungay niyang mata, plus her long dark brown hair really suits her.
"Oh." Nakangiting tumingin sa akin ang babae at lumapit kay Xzevier. I just remain staring at them blankly.
"You know her?" Tanong niya kay Xzevier habang nakangiting nakatingin parin sa akin.
What's with this girl? Kanina pa siya tingin nang tingin at nakangiti pa sa akin.
"Tallia let's go." Inip na sabi ni Xzevier sa kasama.
I sighed and umiwas nalang nang tingin at bumalik sa paghahanap ng pwedeng mabiling libro.
I heard them arguing, pero hindi ko masyadong madinig. And I also don't like eavesdropping kaya I decided na pumunta sa malayo sa kanila.
I stayed almost half an hour before kong maisipang bayaran ang napili kong books.
It's already three o'clock, and medjo nagugutom na rin ako. Hindi nga pala ako naka pag lunch.
Kaya pumasok ako sa isang fast food chain and I ordered food. Since mag isa lang ako, everyone are secretly glancing at me. Ano na namang meron!? Hindi ko nalang ito pinansin at nagsimulang kumain.
I am already half an hour staying here, I am just slowly eating my dessert. And reading the book that I bought.
Until isang tao ang naupo sa harapan ko.
"Hi, Weyla." He chuckled and smirked. Kunot noo naman akong tumingin sa kaniya.
"Lemuel Andrews." I simply mentioned his name.
"Wow, you know my name." Masaya niyang ani. Tsss, play boy.
Isinara ko ang librong binabasa ko at naka kunot noong tiningnan siya.
"Anong kailangan mo?" I asked.
"Wala naman, hehe." Naka pout pa niyang ani.
"Then you can leave." Ani ko at Ibinalik ko ang tingin sa libro.
"Ang bad mo naman. Pinapaalis mo ang gwapong tulad ko?" Kunyare malungkot niyang sambit.
What's up with this guy? Noong isang araw lang grabe kung pag tripan nila ako sa school.
"Naka drugs ka ba? Bakit parang nag iba naman yata ang hangin?"
"Grabe ka naman. Si Kyle lang naman ang medjo bad mood pag dating sayo. And I'm your fan, what you did was awesome." Natatawa niyang sabi. Napakunot noo nalang ako at uminom ng water.
"Uy dude!" Lemuel waved his hand at nakatingin pa siya sa entrance.
Napalingon nalang ako and there I saw Xzevier and the girl who named Tallia. Napaiwas nalang ako nang tingin at masamang tumingin nalang kay Lemuel.
"Hi Tallia babe!" Nakangiting bati ni Lemeul dito at nakipag beso pa.
"Geez Lemuel.. Oh, who is she?" Nakakunot noong tumingin sa akin yung Tallia.
"Oh, ikaw yung kanina." She said as she smiled brightly and naupo sa tabi ko.
"Hi I'm Tallia Zerra, and you are?" She said and she offered a hand shake.
"Weyla." I simply answered.
"Nice to meet you, Weyla... Kaya pala feeling ko kanina magkakilala kayo ni Xvevier." Natatawang niyang sabi. Napatingin naman ako kay Xzevier na omoorder.
"Nagkita na kayo kanina?" Takang tanong ni Lemuel.
"Yup. Sa national book store." Si Tallia na ang sumagot sa tanong nito.
Nang dumating ang order nila ay walang ingay lang silang kumain. Pasimpleng napairap nalang ako. Ano na namang ginagawa nila sa table ko? Marami naman ang table diyan. Tsk!
Since patapos na ako, ay inubos ko nalang ang dessert ko.
Suddenly my phone rung kaya nag excuse ako sa kanila para sagutin ang tawag.
"Bakit, Auntie?" Agad na bungad ko.
"Weyla... Umiwi ka na..." I can hear her sobbing.
"Auntie, what happened?" Nag aalala kong tanong. Napatingin naman sa akin ang mga taong biglang naki-table sakin -,-
"Umuwi ka na.." Yun ang huling nadinig ko bago naputol ang tawag. Bigla akong kinabahan, anong nangyari!?
"Weyla, you okay?" Nagaalalang tanong ni Lemuel.
"Kailangan ko nang umuwi." Parang any second ay mag brebreak na ang boses ko.
"Bakit may nangyari ba?"
"Anong nangyari?" Magkasabay na tanong ni Xzevier at Tallia.
"Hindi ko alam." Napahilamos nalang ako ng muka.
"Kailangan ko na talagang umuwi." Mahinang sabi ko. Agad kong inayos ang mga binili ko at tumayo.
"Nice to meet you Tallia.... Mauna na ako." Hindi ko na hinintay pa ang response nila at mabilis na naglakad palabas.
Habang nag hihintay ng taxi, ay hindi ako mapakali.
"Shit naman, bakit walang dumadaan!" Inis na bulong ko sa sarili. Halos ten minutes na akong naghihintay ng taxi pero walang dumadaan!
Kinuha ko nalang ang cellphone ko and I tried calling Auntie Ynna, pero hindi niya sinasagot.
Inis kong ibinaba ang cellphone at napatingin sa black Lamborghini na biglang nag stop sa harapan ko.
Nagulat ako ng lumabas mula dito si Xzevier.
Anong namang kailangan nito, tsk.
"Nagmamadali ka diba. Sakay na." Nagtatakang tumingin lang ako sa kaniya dahil sa sinabi niya
"Si Tallia?" Takang tanong ko. Syempre kasama niya girlfriend niya, tapos iiwan niya?
"May dala siyang sasakyan... Come on, I thought you're in a rush. Kanina ka pa lumabas pero hindi ka pa nakakaalis dito." Inip niyang ani. Ang inipin naman nitong taong to -,-
Kapalan na ng muka. Sumakay na ako sa front seat. Wala kaming imik sa byahe, while I tried contacting auntie but she's not answering her damn phone. I tried contacting Lola too, pero ganon lang din.
Nang makarating kami sa parking lot ng condo. Kahit nag tataka man pano nalaman ni Xzevier na dito ako nakatira ay hindi na ako nag tanong pa.
"Thank you so much, Xzevier. I owe you a lot." Mabilis na sabi ko at hindi ko na hinintay pa ang response niya at agad akong lumabas ng kotse at tumakbo patungo sa elevator.
Mabilis akong nag tungo sa room namin. Mas lalong lumalakas ang kaba sa dibdib ko.
"Auntie!" Malakas at nag aalala kong sigaw nang makapasok ako.
"Auntie! Lola!?"
"Weyla..." Napalingon ako sa pinto ng kwarto ni Lola.
"Auntie! Anong nangyari?" Nagaalala kong tanong.
"Si- si mama. Yu-yung lola mo." Biglang nanlaki ang mata ko dahil sa nadinig.
"Anong nangyari kay lola!?" Hindi mapakaling tanong ko.
"Inataki siya ng stroke.." Napatakip nalang ako nga bibig dahil sa sinabi ni Auntie.
"Asan siya, Auntie?"
"Nasa hospital siya ngayon. Minomonitor ng mga doctor."
"Hindi ko kakayaning mawala sa akin si mama, Weyla." She started crying, niyakap ko nalang siya habang pinipigilan ang luhang namumuo sa mga mata ko.
"This is my fault, kung hindi lang ako umalis."
"Weyla, no, at three o'clock nakauwi na ako. Nangyari yun habang nandito na ako. Walang may kasalanan. Wag mong sisihin ang sarili mo." Lumambot nalang naman ang muka ko dahil sa sinabi ni auntie.
Agad kaming umalis sa condo at pumuntang hospital.
Ang Lola kong masiyahin at masigla ay nakaratay ngayon sa hospital. Ang makita ang kalagayan ni Lola ay masakit sa dibdib.
Hindi ko iniwan si Lola, habang si Auntie ang umaasikaso sa mga kailangan namin, lalo na ang mga kailangan ni Lola.
"Matulog ka na, Weyla. May pasok ka pa bukas." Ani auntie, I just nodded at nahiga sa couch.
Auntie would get mad kung hindi ako pumasok. Ayokong dagdagan ang stress niya.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naabutan ko pang natutulog sa isang single couch si Auntie. Malungkot na napangiti nalang ako at pumuntang banyo.
Private room ang kinuha ni Auntie para daw comfortable kaming lahat, lalo na syempre si Lola. Alam kong nahihirapan si Auntie, nag leave pa nga siya sa trabaho niya para lang mabantayan si Lola.
I was hoping na walang mangyaring hindi maganda sa school ngayon, dahil hindi ko kakayaning makitang mag alala si Auntie.
"Weyla, are you alright? Kanina ka pa walang kibo." Nagaalalang ani Klinnia.
"Oo nga. May nagyari ba?" Nagaalalang tanong din ni Monique. Napangiti nalang ako sa kanilang dalawa at umiling.
Nang mag lunch time ay hindi ako sumabay sa kanila. I stayed at our classroom dahil wala akong gana.
Nang makaramdam ako nang tawag ng kalikasan ay pumunta ako sa comfort room.
Kahit anong gawin ko, hindi talaga ako tinatantanan ng mga bullies.
"Please not this time." Mahinang ani ko pero sapat na para marinig nila.
"Woa, si Weyla Navar ay nagmamakaawa." Natatawang sabi ni.. sino ngayon ulit? Ah basta isa sa buntot ni Mayra.
"Ano ka ba Hazel, baka naduwag na... I heard what happened with your encounter with the Clowns, Lol." She's Bernice, i guess. Natawa lang naman sila ni Hazel. I wonder where Mayra is, hindi naman kasi nila ito kasama at dalawang lalaki lang ang kasama nila.
"I don't have time for this, please excuse me." Inip na sabi ko.
Lalampasan ko na dapat sila pero hinablot ni Bernice ang braso ko at tinulak.
"Where do you think you're going!?" Nakangisi nitong ani.
"Hold her." Utos ni Hazel sa mga lalaki.
I really wanted to fight back but my body is not listening.
Tinadyakan nila ako kaya napaluhod ako. I heard gasped from some students na nanonood ngayon sa amin, and laughed from these bullies.
"Ano? Asan na yung tapang mo!?" Ani Hazel. Nakatanggap ako ng malakas na sampal galing sa kaniya.
"Ano lumaban ka!" Another slap form Bernice.
Tumulo lang ang luha ko and I am starting to feel dizziness again. Hindi lang dalawang sampal ang natanggap ko mula sa kanila. I just clinched my fist at nakatingin lang sa floor.
All I heard are laughing from the bullies and gasping and whispers from the other students.
"What's happening here!"
Alam kong ang hinahina ko ngayon. Can't even move my hands. Can't even fight back. And I'm just letting them humiliated me.
Natigil ang pang aapi nila sa akin sa hindi ko malamang dahilan. I saw a pair of black shoesn stopped infront of me, pero blurry.
"Weyla?"
Napapikit ako ng mariin dahil biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako dito gamit ang dalawa kong kamay.
Damn, bakit naman nakikisabay 'to!
"Weyla!?"
Someone held my hands na nakahawak sa ulo ko. I can't even open my eyes dahil sa sakit na nararamdaman ko sa ulo ko. Para itong hinampas nang isang malaking bato.
"Weyla, Weyla!!" All what I've heard before I loss consciousness.
When I opened my eyes, puti na kesame ang nakikita ko.
Napahawak ako sa ulo ko, and I remembered what happened.
"Weyla, buti gising ka na." It's Auntie, she seems very much worried.
"Asan ako auntie?" I asked and she sighed heavily.
"Nasa hospital ka."
Dahan dahan akong bumangon sa pagkakahiga at tiningnan ang buong paligid.
"Pano ako na punta dito?" Tanong ko ulit.
"Dinala ka nang mga kaibigan mo dito, may nambully daw sayo at nahimatay ka." Napayuko nalang ako dahil sa sinabi ni auntie.
"Sorry, Auntie." Mahinang bulong ko. I know auntie's worried, dinagdagan ko pa ang problema namin ngayon.
"Weyla, it's not your fault, okay?" Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Makinig ka, alam kong madami tayong problema ngayon. Pero wag mong sisihin ang sarili mo, please." I just nodded and auntie just smiled at me.
"Wala bang may masakit sayo?" Tanong niya naman. I shrugged my head as an answer.
"Si Lola?" Pagiiba ko nang topic, ayoko na malaman niya pa ang nangyari sa akin, alam ko kasing magtatanong at magtatanong siya.
"Nasa kwarto niya —"
"Siya lang mag isa? Auntie naman, puntahan mo na si Lola." Pag putol ko sa sasabihin niya. Alam kong walang kasama si Lola sa kwarto nito.
"Pero pano ka?"
"Auntie, I can handle myself... And don't worry, hindi naman malubha ang kalagayan ko... Sige na, pwede na naman siguro ako lumabas diba?"
"Hindi pa, inuobserbahan pa ng mga doctor ang palaging pagsakit ng ulo mo." Nagulat ako dahil sa sinabi ni auntie. Alam niya? Pero pano? Hindi ko naman si— aish! Yung sa condo, nakwento ko nga pala!
Hindi nalang ako umiik at tumango nalang. Pinagbilinan naman ako ni auntie na wag mag papasok kahit sino, babalik siya after mapakain si Lola since gabi na naman.
Nang makalabas si auntie ay napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa paghiga at napatingin sa bintana.
Something flashed in my head, ang napanaginipan ko kanina.
A little girl crying in front of a grave. She's crying nonstop, and there's a man standing beside her. Pinapatahan siya nito.
She murmured something at tumigil ito sa pagiyak, masamang tingin ang ipinukol nito sa kawalan. It's scary, sa idad niyang yan muka siyang papatay ng tao. Nagaalalang tumingin lang ang kasama nito sa kaniya.
Before that the little girl never smiled nor cried again. Her 10th birthday came, at madami ang bisitang dumalo. But she's didn't gave a damn. She stayed in the basement at naliligo sa sariling pawis.
Hindi masyadong maliwan ang mga images na nakita ko sa panaginip, at pa'palit palit ito ng scenario.
I heard someone entered my room kaya nawala ang mga iniisip ko.
"Ang bilis mo naman, auntie. I told you naman na I can handle myself. Lola needs you more than I do." Ani ko nang hindi nakatingin sa kaniya since nakatalikod ako sa gawi nito.
Narinig ko lang siyang naupo sa upuan at hindi ako inimik. Napabuntong nalang ako at umayos nang higa.
"Auntie naman, you—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin at napa bagong sa pagkakahiga nang makitang hindi pala si auntie ang dumating.
"Xzev—"
"How are you?" Tanong nito habang nakatingin sa mga mata ko. But hindi ko pinansin ang tanong niya.
"Pano mo nalamang andito ako?" Kunot noo ko namang tanong.
"Answer my question first." Inip na sabi nito. Napataas nalang ang kilay ko at umiwas nang tingin.
"I'm good... I'm fine now..." Nakita ko siyang mahinang tumango lang.
"Wala bang may masakit sayo?" Tanong niya ulit, at umiling nalang ako.
"Sigurado ka?" Nakakunot noo nitong tanong. Umiling lang ako at napabuntong hininga.
"Teka nga, pano mo ba nalamang nandito ako?" Tanong ko ulit sa kaniya, pero napatingin lang kami sa biglang pag bukas ng pinto.
"Weyla..." Nagtatakbong pumasok at yumakap sa akin si Monique at Klinnia.
"Girls.." Masayang ko silang niyakap pabalik.
"Nag alala talaga kami sayo. Ikaw naman kasi dapat sumama ka nalang sa amin mag lunch." Nakangusong pang ani Monique.
"Monique!" Pag suway sa kaniya ni Klinnia. Natawa nalang ako at napailing.
"Buti nalang may nag report sa amin. Kaya dali dali kaming bumalik sa floor natin..." Pagkwento ni Monique at naupo sa kama.
"... And alam mo ba, I even shouted at Xzevier kasi akala ko siya ang nangaway sayo, when we saw him na hawak hawak ka." Natatawang dugtong niya at nag peace sign pa kay Xzevier.
Kunot noo naman akong tumingin sa kanila..
"What do... you,.. mean?" Takang tumingin lang ang dalawa sa akin.
"Huh? Hindi mo ba alam na he saved you? At siya pa ang na dala sayo dito?" Nagtatakang sagot ni Monique.
"What?" I mumbled and looked at Xzevier who's just looking at me na nakataas pa ang kilay.
***