CHAPTER 13 - Chaos
The sun is too bright today... I was excepting to rain even just once today, pero hindi, masyadong mataas ang araw ngayon.
"Hay, nakakaawa ang parents nina Noe at Mayra. Iyak nang iyak sila kanina sa libing ng dalawa." Tumango lang ako sa sinabi ni Klinnia.
"Kahit na may ginawa silang hindi maganda kay Weyla. Hindi parin nila deserve ang nangyari sa kanila." Malungkot na sabi naman ni Monique.
I've learned that Mayra and Noe are cousins... Hindi sila nakaligtas sa pagsabog. I feel so sorry, this is my fault. I should have at least bring Mayra with me, at hindi ko siya iniwan sa rooftop ng lumang gusali.
"What are you thinking?" Tanong ng katabi ko. Nasa balcony kami ngayon ng kwarto niya dito sa headquarters nila.
"Nothing... It's just that, life really is short, hindi mo alam kung kailan ka mawawala sa mundong ito."
Naramdaman ko naman ang kamay niya sa balikat ko at inilapit pa ako sa kaniya. Muka tuloy kaming magkayakap ngayon.
"But it doesn't mean na hindi na tayo magiging masaya.. Life maybe short, hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari sa susunod. Pero ang alam ko lang... I can't live without you." Mahina siyang natawa at hinalikan ako sa noo. Ngumiti naman ako at iniyakap ang kamay ko sa bewang niya at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
I really hope nothing will happen... I really wish we will stay like this forever. Sana walang mag bago.....
"Goodness Zy! I'm calling you almost five hundred times already, but you're not answering your damn fucking phone! A—"
"Teka nga! Ano ba kasing kailangan mo?" Hindi ko na pinatapos si Miiver sa mga sinasabi niya. Ang daldal, hindi nalang sabihin kung bakit siya tumawag. Psh.
"Where are you?" Napailing nalang ako dahil sa tanong niya.
"Yun lang? Yun lang ang dahilan ba —"
"Just answer, Zy!" Pangbabara niya naman. Nang-gagaya pa to. Ano bang problema ng lalaking to.
"Nasa headquarters ako ng kings ngayon, bakit?" Sagot ko nalang.
Natahimik naman siya sandali. Wierd talaga ng lalaking to...
"You have to go back to your condo unit." Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi niya.
"Pero hating gabi na." Inip na sabi ko sa kaniya. Napalingon naman ako kay Xzevier na natutulog sa kama.
Napailing nalang ako nang maalala ang nangyari ka gabi... We almost did it... Tsss..
"Zy anjan ka pa ba?" Napabalik naman ako sa reyalidad dahil sa malakas na sabi ni Miiver sa phone.
"Ow, sorry.. Ano yun?" Mahinang sambit ko.
"I heard nagkagulo daw sa condominium kung saan ka tumutuloy kaya tinawagan kita. I thought you're at home, nandiyan ka pala headquarters ng DSG."
"What? Nagkagulo?" Kunot noo kong tanong.
"Yes. And sa fifth floor nangyari ang gulo."
Biglang kumalabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.
"Fi-fifth floor?" Nauutal kong sambit. Naging tahimik naman si Miiver then I heard him gasped after.
"Shit, you're living in fifth floor, right?" Mas lalong lumakas ang kaba ko dahil sa sinabi niya.
"Zy? Are you—" Hindi ko na nadinig ang sunod na sasabihin niya dapat dahil agad akong lumabas ng kwarto. Madilim ang paligid dahil tulog na ang mga tao.
Shit sina Lola! Kailangan kong umalis ngayon, kailangan ko puntahan sina auntie. Pero pano ako aalis dito?
Napatingin ako sa isang susi na nakalagay sa center table sa sala. Agad ko itong pinulot, kay Lemuel ito...
"Pero hindi naman ako marunong mag drive." Sabi ko sa sarili habang nakatingin sa susi.
"Aish! Bahala na." Pinapanuod ko naman si auntie na mag drive. Siguro din marunong ako nito hindi ko lang maalala. Hindi na ako nagisip pa. Agad akong lumabas at pumunta sa kotse ni Lemuel.
Tiningnan ko ang cellphone ko. Wala man lang akong tawag o text na nareceive mula kay auntie or kay lola. Hindi maganda ang kutob ko dito!
"Okay how should I start this." Sabi ko sa sarili habang nakahawak sa manebela ng sasakyan.
Hindi ko alam kung anong sumapi sakin. Nakita ko nalang ang sariling mabilis na nag dra'drive patungo sa condo. Mabuti nalang at walang masyadong sasakyan sa kalsada.
Nang makarating ako sa condo ay mabilis akong pumasok at pumunta sa unit namin.
Pagkabukas ko ng pinto ng unit namin ay madilim ang buong paligid. Agad kong kinapa ang switch ng lights, and when it opens. Everything's a mess...
"Auntie!" Sigaw ko at tumakbo patungo sa kwarto nila ni lola.
"Lola!" Sigaw ko ulit. Walang tao sa kwarto nila. Kaya pumasok ako sa kwarto ko, pero wala din.
Puno ng kalat at basag na vase ang living room... Napaupo nalang ako sa sofa at napahawak sa noo ko.
"Shit! Asan kayo!" Napasapo nalang ako sa muka at tumingin sa mga basag at kalat sa sahig.
Dumapo ang tingin ko sa isang red card na may ribbon pa na black, at may Orge sign. Agad ko itong pinulot.
"Ano to.." Ani ko habang tinitingnan ang card sa kamay ko.
My Ynna,
I've been looking for you. How are you? Do you miss me? Don't worry I'm already here infront of your condo unit. I think, it's time to see you again.
Chi ;)
"What's this!?" Tanong ko sa sarili.
Kay auntie ang card na to? Sino ang letcheng Chi na to!
"Zy!" Napalingon ako sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok si Miiver.
"What the.." Gulat na aniya habang nakatingin sa paligid.
"Where's your auntie and lola?" Tanong niya naman. Pero umiling lang ako.
"I guess, may kumuha sa kanila." Sabi ko at ipinakita ang hawak kong card.
Kinuha niya naman ito at tiningnan.
"Chicago Orge."
Kunot noo naman akong tumingin sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Chicago Orge. Number three famous gang in the world and also a Mafia.... They are based in Japan, so why are they here?" Seryosong aniya.
"Chivo Wong, ang leader nila... Mukang magkakilala sila ng auntie mo."
Napahawak nalang ako sa noo ko dahil sa mga sinabi niya...
Biglang nag ring ang phone ko kaya agad ko itong tiningnan at sinagot ang tawag.
"Auntie!" Agad na bungad ko, nakatingin lang si Miiver sa akin.
"Weyla tulungan mo kami. Weyla you —"
Hindi natapos ni auntie ang sasabihin nang biglang naputol ang tawag.
"Auntie! Shit!" Padabog kong inilagay ang cellphone sa sofa.
"Give me your phone." Ani Miiver. Alam kong nadinig niya ang sinabi ni auntie dahil naka loud speak ito.
"Let's go. They need our help." Sabi niya naman at hinawakan ang kamay ko at tumakbo kami palabas.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya nang makarating kami sa kotse niya.
"Sa HQ." Sagot niya at nagsimulang paandarin ang sasakyan.
Mabilis kaming nakarating sa sinasabi niyang HQ. Kaninong HQ naman to? Isang malaking gate ang bumungad sa amin may isang nakaitim na lalaki ang nag bukas nito.
Isang malaking bahay ang nasa likod ng gate. Agad kaming lumabas at sinundan ko lang naman siya.
"Welcome back, Zy." Nakangiting aniya.
Napatingin lang ako sa buong bahay. Walang tao sa loob, kami lang dalawa ang nandito sa living room. Medjo malaki ito kumpara sa headquarters nina Xzevier.
"Teka? Anong sabi mo?" Takang tanong ko. He said HQ kanina, diba? And he said welcome back... Anong ibig sabihin niya don?
"Welcome back to our home, Zy." Aniya ulit.
Kahit madami ako tanong ay hindi na ako nag abalang sabihin sa kaniya. Kailangan ko munang mahanap sina auntie at lola.
"We have to trace them, gamit ang cellphone number na ginamit ng auntie mo." Tumango lang ako dahil sa sinabi niya.
Nasa basement kami ngayon ng malaking bahay. Nasa isang kwarto kung saan computers ang nandito.
Seryosong naka tutok lang si Miiver sa computer habang nakatingin lang ako sa ginagawa niya.
"Found them." Aniya at agad na tumayo.
"Asan sila, Miiver?" Agad na tanong ko.
"Later... We have to prepare." Napabuntong hininga nalang ako at tumango.
Lumabas naman kami sa computer room at pumunta sa isang kwartong puno naman ng mga weapons.
"Wow..." Hinaplos ko ang ilang baril na nakalagay sa mahabang mesa.
"I can see through your eyes that you like the view."
Nilingon ko naman si Miiver na naka cross arm at nakangiting pinagmamasdan lang ako.
"Matagal na mula ng huling ginamit natin ang mga yan." Aniya at lumapit sa isang baril, hindi ko alam kong anong tawag don.
"So, I'm not really a simple student after all... Puntahan na natin sina auntie."
Tumango lang siya at lumabas na. Tumingin ulit ako sa paligid at lumabas. Pero biglang nagring ang phone ko.
Xzevier....
Napabuntong hininga nalang ako at inilagay sa silent ang cellphone ko.
"Tayong dalawa lang ba ang pupunta don?" Takang tanong ko kay Miiver.
Nasa living room na kami at inaayos niya ang gamit na dadalhin namin.... Hindi siya sumagot sa akin at nagkibit-balikat lang.
Gago. Pano kung marami ang tauhan ang Chivo'ng iyon –_–
Hindi nalang ako umimik pa. Hanggang makaalis kami. Nasa daan lang ang tingin ko. Habang mabilis naman ang pagpapatakbo niya ng sasakyan... Two am palang kaya madilim pa.
Nakarating kami sa isang lugar kung saan may medjo mataas na malawak na bakod. Ipinarada niya ang sasakyan sa madilim na parte ng kalsada.
"Tara." Aniya at lumabas ng sasakyan. Sumunod naman ako sa kaniya.
"Kailangan natin mahanap kung saang lugar inilagay ang auntie at lola mo... Wag kang lalayo sa akin ha." Sabi niya. Tumango lang ako at nag simula siyang umakyat sa bakod. Nang makarating siya sa taas ay inilahad niya ang kamay para makaakyat din ako.
Hindi naman naging mahirap sa akin na maka-akyat. Wala kaming ingay na pumasok sa loob ng malaking bahay. Marami ang mga lalaking nakabantay at may mga hawak na mahahabang armas.
Pinapatulog ni Miiver ang mga nadadaanan niya. Ako naman ay nakabantay at nakasunod sa likod niya.
"Hoy!" Sigaw ng isang lalaking nakakita sa amin pero agad din naman siyang natumba dahil binato siya ng isang matulis na bagay ni Miiver.
Agad niya akong hinila at dumeretso na sa loob ng malaking bahay... Mas madami pala ang tao dito sa loob. Psh -,-
Iniwasan lang namin na makita kami ng kahit sino...
May isang hinablot si Miiver at dinala sa pinagtataguan namin at tinutukan ito ng baril.
"Sino kayo!?" Tanong agad ng lalaki.
"Wag kang maingay o ipuputok ko to sa bunganga mo... Sagutin mo ang itatanong namin... Saan niyo nilagay ang kinidnap niyo." Sunod sunod na sabi ni Miiver dito.
"Hindi ko alam ang sinasabi niyo!" Ani ng Lalaki. Pinagpapawisan na nga siya nag mamatigas pa -_-
"Sige, madali akong kausap." Miiver used his cold and serious voice.
"Sa-sandali.. sandali! Ang mag nanay na Navar ba ang hinahanap niyo?" Utal-utal na sabi ng lalaki.
"Nasa third floor sila." He added.
Tumango lang si Miiver at pinalo ang leeg nito gamit ang baril, ayon tulog...
"Let's go.." Aniya sakin. Tumango ako at sumunod sa kaniya.
Sa likod kami dumaan dahil may hagdan doon patungo sa second floor... Nang makadating kami don ay nadinig naming nag kagulo sila kaya nag tago kami sa isang maliit na pasilyo.
"Mukang nalaman na nilang nandito tayo." Bulong niya sa akin. Hindi naman ako umimik at pinakiramdaman ko lang ang mga nagtatakbuhan... Mabuti nalang at madilim sa gawi namin.
Nagkatinginan kami ni Miiver nang makadinig kami nang putukan mula sa labas.
Who could it be? May mga kalaban ba sila na sumugod ngayon...
"We need to rush." Ani Miiver at hinawakan ang kamay ko at mabilis na hinila ako palabas sa pinagtataguan namin.
"The fuck!" Asik ko nang bigla kaming paputukan ng mga natitirang kalaban dito sa second floor.
Bumitaw si Miiver para barilin ang kalaban... Napailing nalang ako at kumuha ng baril.
This would be a bloody night... Sunod sunod ang pagkalabit ko sa baril. Hindi ko na halos mabilang ang napapatamaan namin.
Kung hindi lang dahil sa kaguluhan sa labas hindi kami mapapasabak ng ganito ngayon. Psh...
Inis akong tumayo habang patuloy na bumabaril sa mga nagtatangkang barilin ako.
This is damn frustrating. I need to see auntie and lola if they are safe!
Mabilis akong umakyat ng hagdan patungo sa third floor. Habang si Miiver ay nakasunod sa akin.
Hindi masyadong marami ang taong nakabantay dito. Sa tingin ko headquarters ito nila. Mukang pinaghandaan nila na may susugod talaga sa kanila ngayon. Hindi naman kasi required na mag stay ang buong gang sa iisang bubong. Psh.
"Zy three o'clock!" Dinig kong sigaw ni Miiver.
Agad kong itinutok ang baril sa right side ko.. Hindi ko alam na may tao pala don, mabuti nalang nasa likod ko si Miiver at nakabantay sa mga sumusugod sa likod.
Nakarating kami sa huling kwarto ng third floor. May padlock ang pintoan mula sa labas kaya binaril ko ito. Nang mabuksan ko ito ay nakita ko agad si auntie na nakagapos sa kama at may takip ang bibig.
"Auntie!" Agad akong lumapit sa kaniya at tinanggal ang takip sa bibig niya.
"Weyla.." Umiiyak niyang sambit. Kinalagan ko naman agad siya.
"Weyla ang lola mo..." Garalgal niyang sabi at niyakap ako ang mahigpit.
"Asan si Lola, auntie!?" Nagaalala kong tanong sa kaniya, pero umiling lang siya at iyak nang iyak.
"This is all my fault! This is all my fault!" Sunod sunod niyang sabi habang umiiyak.
"Shh, auntie... Tell me where lola is... We are going to help her out." I gave her an assurance look.
"We're going to save her." Seryoso kong sabi. Auntie's still crying kaya medjo nagtagal kami sa kwarto.
We're about to go out nang may biglang pumasok. Kaya itinago ko si auntie sa likod ko at itinutok ang baril sa bagong dating.
"Easy, easy..." Isang lalaking mistiso at naka formal suit at may mga kasama siyang apat na armadong lalaki.... Nakataas kunyare ang mga kamay niya pero naka ngisi naman siya.
"It's good to see you again... Miiver Automa." Nakangisi ito habang nakatingin kay Miiver.
Taas kilay naman akong nakatingin kay Miiver na seryosong nakatingin lang sa lalaki.
"Chivo Wong..." Miiver mentioned.
"You can put down that gun, Automa." Nakangiting ani ng Chivo Wong.
"Then, tell them first." Sabi ni Miiver. Sumenyas naman yung Chivo Wong sa apat na kasama niya. Tumingin naman sa akin si Miiver at tumango, kaya ibinaba ko na ang baril.
"What are you doing here anyway with that... Who is she?" Muka siyang hindi kalaban dahil sa tono ng pananalita niya. Muka siyang masayang makita ang isang kaiban. Pwe!
"None of your business... Why did you took the Navar?" Seryosong sabi ni Miiver.
"Why don't you ask that woman." Nakangising sagot ni Chivo Wong habang nakatingin kay auntie na mahigpit ang kapit sa damit ko.
"She's a damn lair... She borrowed a million dollar, and she run away! It took me almost two years to find her!" Galit at malakas niyang sabi at tinutukan si auntie ng baril.
"Try or you'll die." I coldly said while my gun is pointed at him.
Tumawa siya ng malakas at itinutok sa akin ang baril.
"I remember someone who exactly say the same words, when she's pissed—"
Hindi niya na naituloy ang sasabihin nang biglang may nag paputok ng sunod sunod sa likoran nila.
Natumba ang apat niyang kasama kaya siya nalang ang natira.
"Weyla!" Nagulat ako nang makita si Xzevier kasama si Dennis.
Agad siyang lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit.
"Why the hell you're here!? I was worried. You're not answering your good damn phone." Sunod sunod niyang sabi nang kumalas siya sa pagkakayakap sakin.
Napatingin ako kay Miiver na seryosong nakatingin lang sa amin.
"Weyla!" Dinig kong sigaw ni auntie kaya napatingin ako sa kaniya.
"Enjoying your little reunion?" Nakangising sabi ni Chivo habang nakatutok ang baril kay auntie na hawak niya na.
Pano niya nakuha si auntie nang ganon ka-dali! Fuck him!
"Put down your gun Wong!" Seryosong sabi ni Miiver habang nakatutok kay Chivo ang baril.
"Nah-ah..." Umiling iling pa siya at dahan dahang umatras patungo sa pinto.
"Weyla!" Sigaw nang sigaw si auntie sa pangalan ko habang umiiyak.
"Damn!" Damn you Chivo Wong! I will kill you!
Nakasunod kami sa kanila habang papalabas sila ng pinto. Nakututok lang ang baril niya auntie habang si Miiver at Dennis naman sa kaniya.
"You're going to follow your mother in hell." Rinig kong bulong ni Chivo kay auntie na naging dahilan ng malakas na pagiyak niya.
What the heck! Anong ibig niyang sabihin!.. I can feel my blood going up to my head. I'm about to explode with this anger! Kanina pa ako na iinis! Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko pag sumabog na ako!
"Stop following us!" Inis na sigaw ni Chivo sa amin.
"No! Release her!" Inis na sigaw ko naman sa kaniya. Pero tumawa at umiling iling lang siya.
Putangina! Kanina ka pa talaga!... Itinaas ko ang hawak na baril at seryoso siyang tiningnan.
"Weyla..." Dinig kong banggit ni Xzevier sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin.
Tiningnan ko si Chivo nang mabuti habang nakatutok ang baril ko sa kaniya... Masyado silang malikot. Pero sa ulo niya itinutok ang baril kay auntie.
Kinalmot ni auntie ang right hand ni Chivo na nakahawak sa kaniya, sunod nito ang pagpaputok ko ng baril sa isang kamay niya.
Napasigaw at napaupo agad si auntie. Binaril naman ni Miiver sa bewang si Chivo Wong.
"Arrrghhh!!!!" Dahan dahan siyang napahawak sa tama niya at napahiga habang iniinda ang sakit.
"Auntie!" Agad akong lumapit at yumakap sa kaniya.
"Weyla, si mama?!" Humagulgol siya sa balikat ko.
"Hindi auntie... Nagsisinungaling lang siya, hahanapin natin si lola." Sabi ko sa kaniya at hinagod ang likod niya.
Napatingin naman ako kay Xzevier, Dennis at Miiver na nakatingin lang sa amin.
Agad kaming bumaba sa second floor at nadatnan namin si Kyle at Clinton na may mga pasa sa muka.
"Nasa likod pa ang grupo ni Lemuel. Madami pa ang kalaban don.." Sabi ni Kyle kena Xzevier.
"Dito ka lang." Sabi ni Xzevier sakin. Tumango lang ako at mabilis naman silang tumakbo paalis.
Napatingin naman ako kay Miiver... Kailangan ko mahanap si lola.
Tinawag ko ang isang kasama kanina nina Kyle at ibinilin si auntie.
"Hahanapin ko si Lola, auntie... Please dalhin mo siya sa sasakyan." Sabi ko sa kanila, tumango naman si auntie at yumakap sa akin.
Tumingin ako kay Miiver at tumango. Agad kaming bumaba sa ground floor at madami kaming nakitang mga nakahandusay. Hindi ko iyon pinansin at diretso sa ibang bahagi ng bahay.
"Zy..." Dinig kong tawag ni Miiver kaya lumingon ako sa kaniya. Nakatingin siya sa isang pathway sa gilid ng bahay.
Walang ano-anong tumakbo kami patungo sa baba ng pathway... Madilim kaya ginamit ko ang flashlight ng cellphone ko... I turned it off nang makakita ako ng liwanag.
"Fuck!" Inda ni Miiver nang biglang may pumalo sa kaniya.
May sumugod sa aking lalaki mabuti nalang nakaiwas agad ako. Sinuntok ko siya sa muka at tinadyakan sa binti. Hinawakan ko ang ulo niya at hinagis siya sa pader dahil para mawalan ito ng malay.
"Tara na." Sabi ko kay Miiver at nauna na.
What the f!... Madami pa nga ang kalaban -_-
Sunod sunod na sumugod ang mga kalaban namin. I think they are ten? I kicked and punched them. I manage to avoid their attacks pero hindi lahat.
Nasuntok ako ng isa sa muka, naramdaman kong pumutok ang labi ko. Tangina naman. Sunod ay natadyakan ako sa tiyan.
I won't lose this shit! Umayos ako nang tayo at nagsimulang lumaban ulit.
Hindi ako bihasa sa ganito, yun ang alam ko. Pero base sa nakikita ko ngayon. It's just like, I live with this kind of life before.
Napahawak nalang ako sa sariling batok nang mapatumba namin silang lahat after ilang minutes. Tumango ako kay Miiver at mabilis na naglakad at pumasok sa isang kwarto.
"What the!... Lola!" Gulat na ani ko nang mabuksan ko ang pinto. Agad akong lumapit sa kaniya. At tinanggal ang transparent na bag na nakatakip sa buong muka niya.
"W-we-weyla... A-ap-apo k-ko." Nahihirapang sabi niya.
"Lola..." Naramdaman kong tumulo ang luha ko.
"We-weyla... Pa-patawarin mo k-kami."
Yun na ang huling nadinig ko mula sa kaniya bago niya tuluyang ipikit ang mga mata. Napasigaw nalang ako at yumakap ng mahigpit sa kaniya.
Weyla, kahit anong mangyari mag iingat ka palagi.
Hindi ko man siya tunay na lola o kamaganak. Mahalaga parin siya sakin.
Kahit kaylan ikaw bata ka! Ang tigas ng ulo mo!
"Lola..." Umiiyak na banggit ko. Naramdaman ko naman ang kamay ni Miiver sa likod ko.
I clinched my fist and tumingin ng matalim sa mesang nandito sa loob.
Agad akong tumayo at kinuha ang baril ko. Sumulyap ako kay lola na walang buhay na nakasandal sa upuan, at mabilis na tumakbo paalis. Nadinig ko pang tinawag ako ni Miiver pero hindi ko siya nilingon.
Dumeretso ako sa likod kung saan madami pa raw ang kalaban.
Agad kong binabaril ang sinumang kalaban na nakikita ko. I am damn mad right now! At gusto kong pumatay!
Sinipa ko ang lalaking nagtangkang suntukin ako at binaril siya sa dibdib.
Nakita kong nakikipagaway si Kyle at Clinton. Habang si Dennis at Lemuel sa isang banda na nakikipag barilan sa mga taong nasa taas ng hall.
May mini hall pala dito. Nakita ko agad si Xzevier sa loob na may mga kalaban.
Hindi ko na sila pinansin at nakisali nalang... I can't even count kung ilan na ang nabaril ko o kung ilan ang napatay ko na.
I'm sure they're worried about my actions right now, dahil alam kung ibang-iba ako ngayon.
Xzevier immediately went beside me after we finally finished our enemies. Hindi ko siya or sila pinansin at naglakad nalang paalis at pabalik kay auntie.
"Weyla!" Umiiyak na banggit ni auntie at yumakap sa akin.
"Auntie... I'm sorry." mahinang sabi ko at mahigpit siyang niyakap.
"Nailagay ko na siya sa kotse." Ani Miiver. Tumango lang ako. Alam kong si lola ang tinutukoy niya... Humiwalay ako nang yakap kay auntie at pinunasan ang muka niya.
"Dalhin mo na siya sa sasakyan." Sabi ko kay Miiver at ibinigay ang kamay ni auntie sa kaniya.
Lumapit naman ako kay Xzevier habang kausap niya sina Kyle. Lumingon naman siya sakin at ngumiti.
"You sure walang may masakit sayo?" Tanong niya na naman sa akin.
"Oo okay—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla kaming nakarinig ng mga putok ng baril sa dereksiyon namin na nagmumula sa rooftop ng bahay.
"Fuck!" Inis na asik ni Xzevier.
Napalingon naman ako sa iba na nagtatago sa mga pader.
Napatingin naman ako sa kaliwang kamay ko na nadaplisan.
"Shit, you're bleeding!" Natatarantang sabi niya habang nakahawak sa kamay ko.
"Okay lang ako." Inagaw ko mula sa kaniya at kamay ko. Napangiwi nalang ako sa sakit.
Napatingin ako sa kabilang bahagi at nakita ko si Miiver na tinatakpan ang nakahandusay na si auntie Yana.
Auntie!!!!!!!!
Nanlaki ang mata ko at biglang uminit ang ulo ko. Kinuha ko agad ang baril at mabilis na tumakbo paalis.
"Weyla!" Nadinig kong sigaw ni Xzevier pero hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagtakbo at nagtago ng tumigil ang pagbaril sa amin, agad na nagpaputok naman kami sa kaniya.
Tumayo pa ako at naglakad ng kunti para matamaan ko siya.
Nagsimula siyang magpaputok ulit.. Tangina mo Wong, dapat sa ulo nalang kita binaril kanina!
Kahit medjo malayo ay nakita kong natamaan namin siya. Nahulog ang baril nito kasunod ang pagkabagsak niya don sa sahig. Tumakbo naman agad ang mga kamasa namin patungo sa loob ng bahay.
"Weyla!" Tumatakbong lumapit sa akin si Xzevier at agad na yumakap sakin.
Napalingon ako sa gawi ni auntie at Miiver. Auntie...
Maglalakad na sana ako patungo sa kanila nang biglang may tumama sa akin.
"Weyla!!!!" Dinig kong sigaw ni Xzevier.
Natamaan ako sa balikat, kasunod nito ay sa noo. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Bumagsak nalang ako sa isang matigas na bagay. And everything turn black.
****