Chapter 3
Nakasakay ang dalawa sa kabayo, pinayakap siya ng prinsipe sa tiyan ng prinsipe upang hindi mahulog ang prinsesa.
Pinasyal siya ng prinsipe sa ilang magandang tanawing alam niya.
Huminto sila sa damuhan malapit sa ilog. Sobrang linis at sobrang ganda ng paligid. Unang bumaba ang prinsipe upang alalayan sa pagbaba ang prinsesa.
"Sobrang ganda rito. Matagal tagal na rin ng lumabas ako sa palasyo at nakalanghap ng sariwang hangin," wika ng prinsesa.
Dumapo sa kaniyang balikat ang isang paru-paro. Kinuha niya at pinalipad.
"Pareho pala tayo. Kapag may problema ako at hindi agad nasusulusyunan, dito ako pumupunta, ang lugar na ito ay tinutulungna kang bigyan linaw ang lahat para makapag-isip ng maayos, tumingin siya sa prinsesa ng nakangiti.
"Simula ngayon kapag may problema ako dito na ako pupunta," wika ng prinsesa. Hinila ng prinsipe ang kamay niya.
"Halika pumunta tayo roon!"
Pinasyal ng prinsipe ang prinses sa buong kagubatan. May ilang nakitang magandang bagay ang prinsesa na ngayon niya lang nakita.
Namitas sila ng mga matatamis na prutas. Tinuruan ng prinsipe ang prinsesa na mangaso, gumamit ng sandata at ilan pang bagay na hindi alam ng prinsesa.
Nang padilim na bago umuwi ay umupo muna sa damuhan para panuurin ang paglubog ng araw.
Sumandal sa balikat ng prinsipe ang prinsesa."Alam mo gustong gusto ko talagang panuurin ang paglubog ng araw. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa tuwing pinapanood ang paglubog ng araw. Masayang natutuwa ako," wika ng prinsesa.
"Siguradong mapapadalas na ang pagpasyal natin dito. Kahit matanda na tayo, kahit matanda na tayo ay sigugraduhi nating makarating dito at mapanood ang paglubog ng araw!" wika ng prinsipe.
"Kung ikaw man ang nakatadhanang mapapangasawa ko, lubos akong magpapasalamat sa maykapal. Alam ko, ligtas ako sayo at higit sa lahat masaya ako sa piling mo."
"Masaya rin ako na pinagtagpo tayo ng tadhana. Alam mo ba, hindi sana ako pupunta sa kaarawan ng iyong ina dahil galling ako sa malayong paglalakbay kaya mas gusto ko noon na magpahinga nalang kaysa pumunta sa kaarawan. Pero gumawa ng paraan ang tadhana para tayo ay magtagpo, para makapunta ako rito. Kaya hindi ako nagsisisi!" ngumiti ang dalawa sa isat'isa.
Gabi ng inihatid ng prinsipe ang prinsesa sa kaharian nila. Iyon ang simula ng malalim nilang relasyon. Madalas ng bumisita ang prisipe sa kahariang Nahuna para makita at ipasyal ang prinsesa Amerenda.
Sa araw na ito bago namasyal ang dalawa. Kinausap muna ng amang hari at inang reyna ang anak nilang prinsesa. "Anak pupunta lang muna kami sa kaibigan nating kaharian.
Ilang lingo kami doon. Ikaw muna bahala sa kaharian. Alagaan mo sarili mo," wika ng amang hari.
"Opo ama."
"Ikaw rin Marla."
"Opo."
"Ibibilin ko muna sa iyo ang prinsipe, ang dalawa kong mumunting kayamanan!" Nakangiting wika ng reyna.
"Wala pong problema inang reyna!"
Nang umalis na ang amang hari at inang reyna, nagpaalam ang dalawa kay Marla na mamasyal na sila.
"Sige, ako na bahala rito. Magpakasaya kayo!"
Hapon ng makauwi ang prinsesa mula sa pamamasyal. Nakangiti siyang nakatingin sa prinsipe paalis ng palasyo.
"Nndito ka na pala prinsesa?"
"Ay, oo!"
"Kamusta ang pamamasyal?" Tanong niya.
"Masaya, sobrang saya!"
"Ay naku, halata naman sa mukha mo!" sabay ngiti ang dalawa.
"Sandali lang prinsesa. Maaari bang sabihan mo sa tagasilbi na dalhin ko sa silid ang pagkain."
"Hindi kaba sasabay sa akin?
"Hindi, pasensya na!" Nag-iba ang kaniyang boses, hindi gaya ng dati.
"Sige. Ayos lang!"
"Teka, may nakalimutan ako at pwede bang pagkatapos mong kumain pakidala ng damit ko sa silid ko?"
"Oh, sige."
Ilanga raw lumipas napansin ng prinsesa na nag-iba ang ugaling pinapakita ni Marla lalo na kapag nag uutos wala ng galang ang mga salitang ginagamit nito kahit sa kaniya.
Pero hindi lang siya umiimik. Binabalewala niya lang iyon.
Siya na lagi ang nagdadala ng damit ni Marla sa silid. Nakita niyang minamasahe ng kaibigan ang katulong si Marla.
"Ayusin mo naman sa pagmamasahe. Bilis! Ang sakit ng likod ko!"
"Opo." Nilagay ng prinsesa ang damit ni Marla sa harap ng upuan. Nang Makita niya ang prinsesa inutusan niya itong isara ang bintana dahil nalalamigan daw siya.
Lalong tumatagal ay lumala ang ugali ni Marla. Hindi na siya yung dating Marla. Nagsusungit na ito kahit kay prinsesa Amerenda.
Madalas niyang pinapahirapan sabay sinisigawan ang mga tagasilbi kahit nasa harap ang prinsesa.
Minsan, hindi nakayanan ng prinsesa kaya kinausap niya pero lahat ng payo at sinasabi niya ay binabalewala lang. Hindi pa nga siya tapos magsalita umaalis na ito.
Madalas din itong umaalis sa kaharian na may kasamamg ilang binatang mayayamang angkan.
Kaya nga minsan ay hindi sila nakakpamasyal ng prinsipe dahil walang maiiwan sa kaharian.
Pinagpapasensyahan niya nalang.
Kumakain sila ngayon. Tinawag ng prinsesa ang mga malapit niyang tagasilbi para sabayan sila sa pagkain, dahil wala naman mahahalagang tao sa loob.
Nagsalita si Marla, "Hindi pwede!" Napatingin ang prinsesa sa kaniya.
"Hindi dapat sumabay ang mga tulad nila sa tulad natin. Baka, madumihan ang upuan at hindi nababagay sa kanila ang mga pagkain na ito.
Kaya wag kayo umupo kung ayaw niyong maparusahan!" Natakot ang mga tagasilbi kaya hindi nila pinagtangkaang umalis sa kinatatayuan nila.
"Marla, napansin ko, nag-iba na ang ugali mo. Hindi ka naman ganito dati. Ano ba nangyayari sa iyo?"
"Dati palang ganito na ako. Bago pa ako makapasok sa kahariang ito.
Para hindi ka na mahirapan sa kakaisip sa pagbabago ko, sasabihin ko nalang ang totoo."
"Anong totoo?!" Pagtatakang tanong ng prinsesa.
"Oo, pagpapanggap lamang ang lahat ng kagandahang ugaling pinapakita ko. Para maawa kayo sa akin para at kukpkupin niyo ako," ngiti niyanh kuwento sa prinsesa.
Nagulat ang prinsesa sa mga sinabi sa kanya ni Marla.
"Sa totoo nga ay naiinis ako sayo. Nakakainis ka, alam mo ba iyo?
Kung isusumbong mo ako sa amang hari at inang reyna huwag mo nalang ituloy magsasayang kalang ng laway.
Hindi sila maniniwala sa iyo dahil hindi naman kapanipaniwala, baka ikaw pa ang mapasama o magmukhang masama kaya tumahimik ka nalang."
"Hindi sana ako maniniwala sa mga sinasabi mo pero sa mga pinapakita mong hindi maganda, baka totoo nga ang mga sinasabi mo."
'Kapag naging tunay na akong prinsesa sa kahariang ito, pantay na tayo ng katayuan lalo na sa harap ng lahat at pati ikaw tuluyang wala ng magagawa. Sinabi ng inang reyna sa kaarawan ko, idedeklarang ang pagiging bahagi ng pamilya at ang pagiging prinsesa." Tiningnan lang siya ng prinsesa habang tumatawa.
"Sa tingin mo, hahayaan ko mangyaria ang mga pinapangarap mo?"
"Sa tingin mo rin hahayaan kitang hadlangan ang mga pinapangarap ko?"