Chapter 2

Maya-maya dumating ang reyna Entrea ng kahariang Ramas at kasama ang pamangkin na si Prinsipe Waru.

"Sa wakas nandito na kayo Reyna Entrea at Prinsipe Waru!" nakangiting wika ng hari.

"Oo nga, akala ko hindi na kayo makakadalo," wika ng Reyna.

"Paumanhin kong napaghintay namin kayo. Pasenya na talaga!" Paghingi ng paumanhin ng Reyna Entrea.

"Ang mahalaga ngayon ay nandito na kayo. Maupo na kayo!"

Nasa kaliwa ang reyna Entrea pati ang pamangkin niya at nasa kanan si Prinsesa Amerenda kaharap ang prinsipe.

Tumingin ang Prinsipe kay Prinsesa Amerenda ng mapansin iyon ng Prinsesa ay umiwas siya ng tingin dahil nahihiya siya.

Napansin ito ni Marla at may binulong siya sa Prinsesa, "Sa tingin ko napupusuan ka ng prinsipe, kanina pa siya nakatingin sayo!" Lalo siyang nahiya sa sinabi ni Marla.

"Ano, baka, may dumi lang ako sa mukha!" Nahihiyang sabi niya.

"Anong dumi? wala!"

"Paano mo naman nasabi may gusto siya sa akin?"

"Kita naman eh, halata rin sa kanya. Tingnan mo hanggang ngayon nakangiti pa rin siya."

"Nakatingin pa rin?"

"Oo, baka matunaw ka niyan sa katititig niya."

"Ano ka ba!"

"Huwag ka nga mahiya diyan buti nga nahanap mo na ang papakasalan mo."

"lawak naman ng pang iisip mo!"

"Oo, tsaka mukhang mabait naman siya, eh."

"Sa katunayan, ang bills ng pintig ng puso ko, unang beses to mangyari sa akin!" Galaka na kuwento niya kay Marla.

"Ibig sabihin na gusto mo rin siya? Huwag kang maga-alala nandito naman ako, ako ang bahala sayo."

"Salamat ha! hindi ko alam talaga ang gagawin ko!"

"Oo, ako bahala!"

Binati ng Reyna Entrea si Reyna Siwas.

"Maligayang kaarawan Reyna Siwas!"

"Maraming salamat Reyna Entrea, matagal din hindi tayo nagkita, ako'y natutuwa nandito kayo!"

"Oo, matagal na nga ng huli kayong bumisita sa kaharian namin. Naalala ko tuloy ang mahal kong hari"

"Paumanhin napunta tayo sa usapan na iyan."

"Ayos lang. Matagal ko ng tanggap wala na siya. Kailangan magpatuloy. Alam mo, ganun talaga ang buhay."

"Sasabat muna ako sa usapan ninyo. Si prinsipe Waru ba, ang magiging susunod na hari ng kahariang Ramas?" tanong ng hari kay reyna Entrea.

"Oo, kaya nga naghahanap kami ng mapapangasawa niya." sagot ng reyna sa kaniya.

Sumabat ang prinsipe Waru,"sa tingin ko natagpuan ko na ang babaeng papakasalan ko." nakatingin siya kay prinsesa Amerenda na nakangiti habang nagsasalita.

"Mahal na reyna maaari ko bang malaman ang pangalan ng prinsesang kaharap ko?"ntanong ng prinsipe sa inang reyna.

"Prinsesa Amerenda, ang pangalan niya," nakangiting sagot ng reyna.

"Magandang pangalan sa isang prinsesang a." hindi makatingin ng deretso ang prinsesa sa sinabi ng prinsipe.

"Totoong maganda ang nag-iisa niyong tagapagmana, nagmana ang ganda sa ina niya!" nakangiting tumingin kay Reyna Siwas si reyna Entrea habang pinupuri ang ganda ng prinsesa.

Tumingin ang prinsipe sa haring Landon at reyna Siwas. "Maari niyo po ba akong pahintulutang hingin ang kamay niya. Gusto ko na siya ang mapangasawa ko.

"Oo naman!" wika ng hari at reyna.

Tumingin ang prinsipe sa prinsesa.

"Maaari ba kitang maisayaw mahal na prinsesa?"

Tumingin ang prinsesa sa prinsipe. Sa katunayan, hindi niya alam ang gagawin o ano ang sasabihin. Buti nalang nandiyan si Marla.

"Oo raw mahal na prinsipe!"

Tumayo ang prinsipe, inabot ang kamay sa pinsesa. Kinuha ni Marla ang kamay ng prinsesa at inabot sa prinsipe. May binulong siya sa prinsesa. "Kaya mo yan!"

Nakatinging nakangiti si Marla pati na ang hari at ang dalawang reyna sa dalawa habang sumasayaw.

Hindi pa rin mapakali ang prinsesa at hindi makatingin ng deretso sa mata ng prinsipe.

"Ayos ka lang ba prinsesa?" tanong sa kaniya ng prinsipe.

"Huwag mo ako intindihin, ayos lang ako." Nakangiti sa kanya ang prinsipe.

"Teka lang mahal na prinsesa, may dumi ba ako sa mukha?"

"Wala naman. Bakit?"

"Pero bakit ayaw mo tumingin sa akin. Ayos lang sabihin mo ang totoo na ayaw mo sa akin."

Bigla siyang napatingin sa sinabi ng prinsipe.

"Hindi naman sa ayaw kitang tingnan. Hindi lang talaga ako sanay sa ganito lalo na sumayaw."

Nilapit ng prinsipe ang mukha niya sa mukha ng prinsesa. Pakiramdam ng prinsesa ayaw gumalaw ng katawan niya.

"Masanay ka na dahil madalas na kitang isasayaw dahil ikaw ang napili kong mapapangasawa kaya madalas na tayong magkita lalo na pag naikasal na tayo." Nakangiting wika sa kaniya ng prinsipe.

Lalong bumilis ang tibok ng puso niya sa mga sinabi ng prinsipe.

"Sobrang ganda mo, lalong nahuhulog ang puso ko sa iyo. Teka lang, pwede bang kausapin mo ako na parang kaibigan dahil ako lang ang nagsasalita rito kanina pa. Pwede ba iyon mahal kong prinsesa?"

"Ay, oo, pasensya na talaga

Paumanhin sa mga kinikilos ko, nahihiya tuloy ako sayo."

"Basta kausapin mo na ako?"

"Oo na." sabay ngiti silang dalawa.

Sobrang gabi na rin at may pupuntahan pa ang reyna Entrea at prinsipe Waru kaya nagpaalam na sila.

Bago umalis lumapit ang prinsipe sa prinsesa. "Maari bang sunduin kita rito bukas at mamasyal tayo?" Anyaya niya sa prinsesa.

"Oo naman!" Pareho silang nakangiti sa isa't isa. Nagpaalam at umalis na sila.

Nakangiti ang prinsesa at dobleng saya ang naramdaman nito na parang hindi niya maipaliwanag.

"Mahal kong prinsesa, ayos lang ba na si prinsipe Waru ang mapapangasawa mo?",

Tanong ko sa kaniya ng hari.

"Opo ama, nakikita ko naman po mabuting tao siya!"

"Mabuti naman!"

"Natutuwa ako na may napupusuan na ang ating mahal na prinsesa," galak na sinabi ng reyna.

"Sige na, maaari na kayong pumunta sa silid upang makapahinga at kami magpapaiwan muna rito."

"Opo," sagot ng dalawa.

"Malaki na nga ang anak natin," wika ng hari.

"Oo nga," sagot sa kaniya ng reyna.

Bago natulog, nagkuwentuhan muna ng sandali ang prinsesa at si Marla. Pinag-usapan nila si Prinsipe Waru.

Kinabukasan maagang gumising ang prinsesa, naghanda siya sa pagsundo sa kaniya ng prinsipe.

Tinulungan siya ni Marla na maghanap ng magandang damit na susuutin.

"Ito, ayos ba?? maganda ba?!" Pinakita niya kay Marla.

"Oo, lalo kang gumanda sa soot mo. Hindi na iyan papakawalan pa ng prinsipe!" ngumiti ang prinsesa sa sinabi ni Marla.

Nakita ng dalawa sa bintana ang pagdating ng prinsipe kaya lumabas agad ang dalawa sa loob ng kaharian. Nang Makita ng prinsipe ang prinsesa lalo siyang nabighani sa ganda ni prinsesa Amerenda, lumapit sa kaniya ang dalawa.

"Ang ganda mo!" Ngumiti ang prinsesa sa sinabi ng prinsipe.