Chapter 5
NAPALUNOK si Haven nang makita niya si Alaric sa labas ng rest house na may kausap na magandang babae. Nakasuot ito ng summer shorts at puting sando. Litaw na litaw tuloy ang biceps nito.
Dumako ang tingin niya sa babae. Kung ganda lang din ang pag-uusapan, hindi ito magpapatalo. Sopistikada, at makinis din ang kutis nito. At ang katawan ay parang isang modelo. The woman looks familiar. Hindi niya lang masabi kung saan niya ito nakita.
“Haven, hurry up! Kuya Randall and Nadia are waiting,” sigaw ni Iesha na nauna na pa lang maglakad sa kanya at sukbit ang malaking bag nito na dinala yata ang buong wardrobe nito. Dali-dali siyang naglakad at sumunod sa kaibigan.
Maganda ang lugar. Ma-presko ang hangin at ‘yung mga puting buhangin ay kumikinang dahil sa sikat ng araw. Malinaw din ang kulay asul na tubig sa dagat. Ang galing naman ni Randall dahil natagpuan nito ang lugar na ‘yon.
Parang isang paraiso.
“Hello, everyone! Please to meet you my two beautiful best friends, Nadia and Haven,” pagpapakilala ni Iesha.
Nagsilapitan sa kanila ‘yung iba at nakipagkamay. ‘Yung iba ay nakilala na din kasi nila dati. Naglakad papunta sa direksyon niya ‘yung babaeng kasama ni Alaric kanina.
“Hi, I’m Elise.” Nakangiti ito at mas maganda pala ito sa malapitan. No wonder nagustuhan ito ng binata.
“Haven.” She smiled back and shook her hand.
Sumunod naman agad dito si Alaric at umakbay dito. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. ‘Yung ngiting hindi nang-aasar.
“It’s nice to see you here, Haven.”
Napatingin siya sa braso nitong nakaakbay kay Elise. Napansin yata ng babae na nakatingin siya kaya tinapik nito ang kamay ng binata.
“Let go,” Elise uttered. Natawa lang ang lalaki at inalis din naman ang braso nito sa balikat ni Elise.
May kung ano’ng kumurot sa bandang dibdib niya sa nakita. Para kasing matagal nang kakilala ni Elise si Alaric dahil sobrang close ng mga ito. ‘Yung closeness na sana magawa niya din sa binata pero hindi yata mangyayari ‘yon dahil mas gusto yata nito na asarin na lang siya hanggang sa mamula siya sa galit.
Nagpasya siyang lumabas muna at magpunta sa tabing dagat. May mga tao din na palakad-lakad at may mga dim lights sa mga puno upang magsilbing liwanag sa daan. Umupo siya sa buhangin at niyakap ang dalawang binti. Napatingin siya sa kalangitan na puno ng bituin at ang ganda lang nitong pagmasdan mula sa puwesto niya.
“Sabi nila, ang bituin ay parang ‘yung taong mahal mo pero hindi pwedeng mapa-sa ‘yo. ‘Yung bang malaya kang pagmasdan siya sa malayo pero wala kang kakayahang hawakan ito. ‘Yung makita mo lang siya, napapangiti ka na. Hindi man ikaw ang kasama niya, kuntento ka na dahil alam mong doon siya mas sasaya, kung sino man ang pinili niyang makasama.”
She talked to her mind. Kapag mag-isa talaga siya ay nabibigyan niya nang kabuluhan kahit isang maliit na bagay.
“Hi there, beautiful.” Napaigtad siya sa nagsalita at umupo sa tabi niya.
Of course, alam niya kung kanino presensya ‘yon pero hindi niya ito nilingon.
“Kamusta ka na?” usal niya na nasa bituin pa din ang atensyon.
“I’m good, medyo busy. Malapit na ang graduation n’yo, right?” tanong nito na batid niyang nakatingin na din sa kalangitan.
“Yes, and my parents can’t wait to see me wearing an office attire.”
“I can’t wait to see you wearing your pencil cut skirt,” he teased.
Napatingin siya dito at gano’n din ito sa kanya. Wala siyang mabasa na emosyon sa mukha nito pero naiilang siya sa paraan nang pagtitig nito na para bang pinag-aaralang mabuti ang mukha niya.
Nag-iwas lang siya ng tingin dahil humangin at kasabay no’n ay ang paghapdi ng mga mata niya. May impakta yata sa paligid na trip si Alaric. Masyadong selfish ang impakta sa gilid-gilid dahil ayaw na may katitigan ang binata.
“Ouch! My eyes.” Hindi niya maimulat ang mga mata niya dahil parang may nakaharang.
“Let me see.” He cupped her face with his palms. “Open your eyes, Haven.”
“Ayaw. Mahapdi,” reklamo niya habang nakahawak siya sa braso nito at ang isang kamay niya ay nasa lap nito.
“Sige na. Just try it para hindi na humapdi ‘yang mata mo.” Sinubukan niyang buksan ang mga mata nang paunti-unti at nararamdaman niya ang pag-ihip ni Alaric sa mga ‘yon. “Okay na?”
“Mahapdi pa din pero kaunti na lang. Dito sa right eyes, mayroon pa. Mahapdi pa din.” Tinuro niya pa ang kanang mata niya ng daliri. Para tuloy siyang batang nagsusumbong dahil inagawan ng laruan.
Muli nitong inihipan ang mata niya. “Ayan, okay na ba? Hindi na mahapdi?”
She nodded and open her eyes. “Yes. Thank you, Alaric.”
Hinawakan muli nito ang mukha niya to check kung okay na ba talaga ang mata niya. Tila hindi naman alintana dito na magkalapit ang mukha nila. He caresses her face and lean forward.
“Sweetheart.” She heard Elise’s voice calling him on their endearment. Napaigtad siya kaya dumampi ang labi nito sa kanya.
“Damn!” he cursed.
“I heard that.”
“I’m sorry.” Inalalayan siya nitong makatayo at pinagpagan ang buhangin sa binti niya.
“Nandito ka lang pala. Let’s eat na.”
Sigurado siyang hindi nakita ni Elise ‘yung hindi sinasadyang kiss nila ni Alaric dahil naglalakad pa lang ito papunta sa kanila no’ng mangyari ‘yon at hindi naman masyadong maliwanag ang puwesto nila.
“Sumabay ka na sa amin mag-dinner,” aya ng binata pero tumanggi siya.
Nakaramdam siya ng guilty sa sarili. Bakit ba nakalimutan niyang may girlfriend na ito?
“Hihintayin ko na lang sina Iesha.”
His forehead knotted. “Are you sure? Ikaw lang ang mag-isa dito at madilim pa.”
“I’m fine, Alaric. Don’t mind me.”
“Sweetheart, I’m hungry na,” maktol no’ng isa.
Nag-isang linya ang labi niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit naaasar siya nang tawagin nitong ‘sweetheart’ si Alaric kahit alam niya naman na tawagan talaga ‘yon ng dalawa.
“Yeah, right. Kumain na kayo, baka umiyak pa dito ‘yang girlfriend mo.”
Natahimik ang mga ito. Siya naman ay naglakad na palayo. Nakakainit ng ulo ‘yung dalawang kaharap niya.
***
“SO, what’s with her?” Elise asked Alaric.
“Sino?”
“Nah, don’t be too obvious, Kuya. Haven, of course.”
Nag-angat siya ng tingin mula sa laptop nang marinig ang pangalan na binanggit nito.
“What about her?” At nagpatuloy siya sa pagtipa kuno. Wala na sa ginagawa niya ang atensyon niya kundi nasa babaeng binanggit ng kausap niya.
“I think you like her and she likes you too.”
“You think so?”
“Yes. She’s acting like a jealous girlfriend kanina.”
“I don’t think so. Madali lang talaga siyang maasar.” Lihim siyang napangiti dahil totoo naman na pikunin si Haven. Kaya nga lagi niyang inaasar.
“Matagal mo na siyang kilala?” takang tanong nito.
“No, not really. I just met her four months ago, I guess.”
“Okay. Let’s talk about that some other time. Let’s make a deal first.”
“Deal? Para saan?” Ano naman ang naiisip na kalokohan ng babaeng ito?
Umayos ito ng upo. “If I can make her jealous then you will be going to introduce me to one of your friends. Stain Helvetius. Deal?”
Nagningning ang mga mata nito nang mabanggit ang pangalan ng kaibigan niyang senador.
“No, Elise. Go back to your room.”
“Please, Kuya?” She begs using her puppy dog eye.
Pinsan niya si Elise sa mother side niya but he treated her like his little sister. In born na ang pagiging malambing nito kahit kanino at sanay na din siya sa tawag nito sa kanya. Sweetheart. Dahil kahit sa Kuya nito ay gano’n din ang tawag nito.
Hinawakan niya ito sa braso at iginaya papunta sa pinto dahil kanina pa ito dumadaldal sa kanya. Maya-maya, sumiksik ito sa kanya at bumulong.
“Haven is here, Kuya. Hug me! Bilis!” Kinuha nito ang kamay niya upang mayakap sa kanya. Napapailing na lang siya sa ginagawa ng pinsan niya.
Paakyat ng hagdan si Haven. May hawak pa itong paper bag dahil pangatlong pinto ang kwarto niya from the right ay mabilis siya nitong nakita dahil pang-anim naman na pinto ang kwarto nito.
May kung ano’ng dumaan sa mata ng dalaga na hindi niya maipaliwanag kung ano dahil mabilis din itong nag-iwas ng tingin at dali-daling binuksan ang silid nito. Marahan niyang inilayo sa kanya si Elise.
“Silly.”
“Did you see her face? Ang selosa naman ng future girlfriend mo, Kuya. She’s jealous!” Impit pa itong napatili.
What? Jealous? No, she can’t be. Don’t be.