Chapter 4

ILANG buwan na lang ay iti-takeover na ng ama ni Haven sa kanya ang posisyon nito. She’ll face the reality of being an heiress. Her parents will be there to support her, of course.

She decided to live to her condo na rin na ang ama niya ang bumili mismo. Advance gift daw. Kaso hindi naman nila gano’n kadali napapayag ang ina niya tungkol sa pagbubukod niya. May kondisyon pa nga ito na dapat daw ‘pag weekend, doon siya sa bahay nila mag-stay. Kahit naman siguro hindi sabihin ‘yon ng ina niya ay pupuntahan niya pa din ang mga ito.

She moved in two months ago. No’ng una, nahirapan siya dahil hindi naman siya sanay mag-isa. Hindi rin siya marunong masyado sa gawaing bahay pero dahil na din sa kagustuhan niya magpaka-independent ay kinaya niya at achievement na para sa kanya ‘yon.

She’s cooking her favourite carbonara when she heard a knock from her door. Kumunot ang noo niya dahil may doorbell naman bawat unit ng condominium.

“Surprise!” Iesha welcomes her with big hug nang pagbuksan niya ito ng pinto.

“What brought you here?” Kung gaano katahimik si Nadia ay siya namang ikinaingay ng kaharap niya.

“Dinadalaw ka. Ayaw mo yata. Sige, uuwi na ako.” She turned around and face the door.

But she, on the other hand, stays still. Alam niya naman kasing umaarte lang ang kaibigan niya.

Iesha faces her once again. “Hindi mo man lang ba ako pipigilan?” Umiling-iling siya habang kagat ang isa niyang daliri. Iesha sighed at hinawi siya para makadaan ito. Umupo ito sa couch na animo isang reyna at ngumisi sa kanya. “I have something to tell you pero bago ‘yon, tignan mo muna ‘yung niluluto mo dahil ayoko masunog ng buhay.”

Nanlaki ang mata niya at dali-daling pinuntahan ang niluluto niya. Medyo nagrambulan lang ang pasta pero hindi naman nasunog lahat. Pinagpatuloy niya muna ang ginagawa bago bumalik ulit kay Iesha na nanonood na ng TV news.

“Ang guwapo niya, ‘di ba?” sabi ni Iesha na tutok na tutok ang mata sa guwapong lalaki sa screen pero para sa kanya, isa lang ang guwapo sa paningin niya.

“Who’s that?”

“Dr. Casimir Harrison Alejo ang nakalagay, e.” And she turned off the TV no’ng hindi na ipinakita ang mukha ng guwapong doctor.

“Ano ulit ‘yung sasabihin mo?”

“Oh, it’s about Nadia.”

“What about her?” she asked curiously.

Busy ang kaibigan nitong mga nakalipas na araw dahil malapit na ang board exam nito. Naunang nag-aral si Nadia kaysa sa kanila.

“I think, she’s pregnant.”

“What?!” she shouted dahil nabigla naman talaga siya. Wala namang boyfriend si Nadia. ‘Yon ang alam nila.

“God! Haven, my ears!” maktol nito at tinakpan pa ang tainga nito.

May nag-doorbell, siguro si Nadia na ‘yon pero bago siya tumayo at pagbuksan ang kaibigan ay tinignan niya muna si Iesha.

“Your joking, right?”

“Ask her if you don’t believe in me.”

“Of course, I will ask her.”

“You’re busy?” Nadia asked her nang pagbuksan niya ito. Nainip siguro kakahintay.

“Hindi. Ang kulit kasi ni Iesha.”

Nagkibit-balikat lang ito at umupo sa harap ni Iesha. “Nasabi mo na ba kay Haven?”

Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ni Nadia at tumingin siya dito. “So totoo nga?” Hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumingin sa kanya ang kaibigan. “Umupo ka nga muna, Haven. Yes, it’s true.”

Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Iesha at Nadia pero huminto sa huli.

“Kailan mo ipapakilala sa amin ang ama ng baby mo?”

Nadia’s eyes widened in disbelief upon hearing Haven’s question.

“What do you mean? What are you talking about?”

They glared at Iesha na pilit na ngumiti sa kanilang dalawa at nag-peace sign pa. Naisahan na naman siya ng kaibigan. Puro talaga ito kalokohan. Such a brat.

Pinagbabato nila ito ng pillow na nasa couch niya pero tawa lang ito nang tawa. Maagang tatanda ang magiging boyfriend nito ni Iesha dahil sa kalokohan ng kaibigan.

“Girls enough!” She raised her hands. “You two, what brought you here?”

Kilala niya ang mga kaibigan niya. Hindi pupunta ang dalawa sa kanya nang wala lang. Lahat nang gagawin nila ay may dahilan. Sigurado siyang may plano nang nabuo sa isip ng dalawa bago sumabak sa gyera.

Iesha cleared her throat. “My brother invites us to their new resort somewhere. Exciting, isn’t it? Knowing my Kuya’s friends, I’m pretty sure uulan ng mga guwapo at macho doon.” Impit itong napatili. Pinagsiklop pa nito ang dalawa nitong kamay kasabay ng pagkislap ng mga mata nito.

“Tonight na tayo aalis kaya hindi pwedeng tumanggi. I already bought you swimsuit,” Nadia added then smirked.

Kinuha niya ang heart shape na throw pillow sa tabi niya para yakapin at tumingin sa mga paa niya na tila ba may kung anong bagay doon na nagbigay sa kanya ng interes. Ginalaw-galaw niya pa ang mga ‘yon.

Alam niyang naghihintay ng sagot niya ang mga kaibigan kaso umiiral ang pagiging pilya niya. Lihim siyang napangiti nang maramdaman niyang nakatitig na ang dalawa sa kanya at mukhang kinakabahan sa maririnig nila.

“Hmmm.”

“Haven Mendoza!” banggit ng dalawa sa pangalan niya.

“Fine. Count me in besides gusto ko din makapag-relax muna. Masyadong stress sa university.”

“Susunduin namin kayo ni Kuya Randall mamaya,” ani ni Iesha. “Nadia, are you going to stay here tonight?”

Nadia nodded. “Yes, para isang sunduan na lang.”

“Much better. Wait lang, girls, puntahan ko muna ‘yung niluluto ko. Dito na kayo kumain ha?” Natahimik ‘yung dalawa at nagkatinginan. Kumibot-kibot ang labi niya. Siguro ayaw ng mga itong tikman ang niluto niya. “Okay lang kung aya—”

“Of course not. Nagugutom na din kami. Right, Nadia? Hindi pa tayo kumakain kanina pa,” wika ni Iesha habang si Nadia ay tumango-tango lang.

Tumungo na siya sa kusina para ipatikim sa mga kaibigan niya ang medyo sunog na pasta ng carbonara niya. Nagpaalam din naman agad ang dalawa pagkatapos kumain.

Nakaupo siya sa kama niya habang nag-aayos ng mga damit na dadalhin niya nang biglang may pumasok na naman sa utak niya.

Malaki ang posibilidad na magkita sila ni Alaric doon dahil best friend ito ni Randall. According to Iesha, busy ang magkaibigan dahil may bagong branch ang mga ito sa Singapore pero most of the time, si Alaric lang ang nag-aasikaso dahil mas malaki ang shares nito.

He didn’t bother to contact her, kahit phone calls lang. Siguro ay nakalimutan na siya nito at napabalita din kasi ito na may girlfriend from Singapore. Hindi lang siya sigurado kung totoo o chismis lang ‘yon. But somehow, iniisip niya na magkikita sila doon at syempre, aminin niya man o hindi, nami-miss niya na ito.

***

“JOIN us, man. May ipapakilala ako sa ‘yo.” Boses ‘yon ni Randall nang saguin ni Alaric ang tawag nito.

“I’m not interested, man. Alam mo naman na—”

“Pupunta ang mga kaibigan ng kapatid ko and I also invited Prince to come. Kauuwi niya lang from Paris.”

Alexus Prince Naves, their long-lost friend. He already met Iesha—Randall’s bratty sister and Nadia, the best friend.

“Okay, man. See you there.” And the line was cut off. He really wants a cold shower and good sleep. Papasok na siya sa kwarto niya nang muling tumunog ang cellphone niya.

“Sweetheart, can we go to the resort together? Randall invited me but Mom wouldn’t allow me to drive that far.” Isang malambing na boses mula sa kabilang linya ang nagsalita.

“Yes, sure. I’ll pick you there at 5 PM tomorrow.”

“Thank you. I love you talaga! See you tomorrow.”

“No problem, Elise. Good night.” He heard her giggles. Ang babaw talaga ng kaligayahan nito. Napapangiti tuloy siya.

He took a cold shower and lay down to his bed. He closed his eyes only see her beautiful face.

Haven Mendoza.

He doesn’t want her to be one of his women because he has this feeling na masasaktan siya kapag nangyari ‘yon. Kaya kung maaari, ayaw niyang magpakita ng motibo dito na mayroon siyang interest dito.

He always makes sure that his women know the score between them or where they stand in his life para in the end, hindi siya guguluhin ng mga ito kapag nakipaghiwalay na siya.

Yes, he admits it. Attracted siya sa dalaga una niya pa lang itong nakita kasi talaga namang maganda ito pero hanggang doon lang ‘yon at wala siyang balak palalimin pa ang feelings niya dito. Mahirap na…