Chapter 3
MARIING ipinikit ni Haven ang mga mata niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla na lang pumapasok sa isip niya ang imahe ni Alaric. Nakakaloka ang lalaking ‘yon! Malakas siyang bumuntong-hininga bago lumabas ng sasakyan.
She’s wearing a high-waisted shorts and apple green hanging blouse. She tied her brown hair in a messy bun and didn’t even bother remove her black sunglasses. With her black purse and four inches stilettos, she walks inside the hotel like a ramp model. Sanay naman siya na tinitignan ng mga tao kaya hindi niya na lang pinansin ‘yon at naglakad patungo sa front desk ng nasabing hotel.
“Good day, Madam,” bati ng receptionist. “May reservation po ba kayo?”
“Ah, yes.”
“What’s your name, Madam?”
“Andrina Haven Mendoza.”
Magalang na ngumiti sa kanya ang babae saka hinanap ang pangalan niya sa monitor.
“Si Miss Lavonia Iesha Austria and Miss Princess Nadia Estrella po ba ang kasama n’yo?”
“Uhm, yes.”
“Table 127 po, Miss Haven.”
“Okay. Thank you.”
“Thank you din, Madam.”
‘Yon lang at nagtungo na siya sa kung nasaan ang table na ‘yon. Hindi gano’n kadami ang tao dahil talagang ang mga may pera lang ang may kakayahang magpunta at magpa-reserve sa hotel na ‘yon.
“You are two minutes late,” reklamo ng kaibigang si Iesha. Bumeso lang siya dito at lumingon kay Nadia na ngayon ay nakaupo na at may hawak na glass of wine.
“Haven, I saw you last night with Alaric,” Nadia said and crosses her legs. “Care to share?” Tumaas ang sulok ng labi nito nang hindi siya makasagot.
Akala kasi niya maaga itong umuwi kahapon kaya hindi na siya nag-abalang tawagan ito para sana dito na lang sumabay pauwi.
“Really? Are you guys are dating? Or something? Is he a good kisser?” bulalas ni Iesha na nanlalaki ang mga mata at napatayo pa sa kinauupuan. “Answer me, Haven! He is my brother’s best friend and they are business partners. He is such a good catch!”
Sa kanilang tatlo, si Iesha ang pinaka-madaming sinasabi. Hindi niya nga alam kung bakit architect ang kinuha nito. Mukhang mas bagay dito ang mass com. But that is one she likes about Iesha. Walang takot ipakita kung ano ang nararamdaman nito. She knew her brother. Si Randall known for being playboy. No wonder nagkasundo ito at si Alaric. Sasagot na sana siya nang dumating ang order nila. Save by the bell.
“Girls, let me eat first bago n’yo ako isalang sa hotseat,” ani niya pa.
Sa totoo lang, ayaw niyang pag-usapan ang binata kasi una niya pa lang itong makita hindi na maalis sa isip niya ang guwapong mukha nito at mapang-akit na ngiti. Aminin niya man o hindi, attracted siya kay Alaric. Sino ba’ng hindi? Aware na din siya kung gaano ito kasikat pagdating sa larangan ng negosyo pati mga na-link na babae dito ay nalaman niya din.
“May business sila ni Kuya Randall sa Singapore,” basag ni Iesha sa katahimikan. “May bago din silang resort na nabili and I think malapit na mag-opening ‘yon. Pagkatapos siguro ng renovation.”
“Talaga?”
“Madami din siyang babae.” Muntik na siyang maubo sa sinabi nito kaya tuloy ay nginisian siya ng kaibigan. "Puro fling lang ‘yon pero may magandang babae talagang isinasama ‘yon kapag a-attend ng mga business party.” Ang daming alam ni Iesha. Binalingan niya si Nadia na as usual ay tahimik lang na nakikinig.
“Sino naman ang babaeng tinutukoy mo, Lavonia Iesha?” Si Nadia na ang nagtanong na sana ay itatanong niya. Nag-isip muna si Iesha saglit. “Gumagawa ka lang yata ng kwento.”
“Hindi, ‘no!” maagap na sambit nito. “Si Elise Aguilar ‘yung laging kasama ni Alaric sa mga party.”
“Elise Aguilar? The lingerie model?” curious na tanong niya.
Tumango-tango ang kaibigan. “Nakuha mo, friend. Siya nga.”
Tila nangliit siya sa ideyang ‘yon. That Elise is a famous lingerie mode. The perfect example of a Goddess.
“Okay.”
“May business party nga tonight at sigurado akong pupunta ang mga ‘yon,” dagdag pa nito. “Pwede tayong magpunta, gusto n’yo? May access kami ni Kuya Randall do’n.” Umiling si Nadia na halatang ayaw sa mga ganoong klaseng pagdiriwang. “How about you, Haven?”
“Hmm. Actually, I have a date tonight with him,” nahihiyang sabi niya.
“Goodness! Bakit ngayon mo lang sinabi?” Napahilot pa ito sa sintido nito. “So, may something na sa inyo?”
Tumabingi ang ngiti niya nang makita ang labis na pagkinang ng mata ni Iesha. Palagay niya, nakakaisip na naman ito ng kabulastugan.
Kaya nga siya nakipagkita sa mga kaibigan para kahit papaano mawala sa utak niya ang lalaking ‘yon pero ito at main topic pa nila.
“Wala kaming something. Bigla niya na lang akong inaya makipag-date sa kanya o kung date ba ang matatawag ‘yon dahil business party naman pala ang pupuntahan namin.”
Siguro hindi pwede si Elise Aguilar kaya siya ang inaya ni Alaric. That man! Ano’ng akala nito? Panakip-butas siya? Sa inis niya ay naubos niya ang laman ng plato niya.
Hindi din naman sila nagtagal doon dahil may emergency at kailangang umalis ni Nadia. Syempre, sumama sa kanya si Iesha para makita ang guwapong doctor doon na pinagpa-pantasyahan nito. Siya naman ay nagpasya na dumaan muna sa mall.
“Ma’am, nasa baba na po si Sir Alaric,” imporma sa kanya ng katulong nila nang katukin siya nito sa kwarto niya.
“Okay, Manang. Pakisabi po na pababa na ako.” Dali-dali niyang inayos ang sarili. And she grabbed her silver purse with crystals around it.
She’s wearing a backless fitted black dress above the knee and wore her four inches silver sandals kahit na matangkad na siya. Sigurado namang mas mataas pa din sa kanya si Alaric. She put a light makeup on her angelic face with brown sparkle contact lenses on her eyes.
Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan at nakita niyang nakaupo sa couch ang binata while he has magazine on his hand. Mukhang hindi naman talaga nito binabasa. Siguro dahil naiinip lang ito kaya kumuha ng isa. Lalo itong gumwapo sa suot nitong white polo long sleeve that folded up to his elbow and new haircut din ito. He seemed to be stiffed nang makita siya pero agad din naman itong tumayo at naglakad papalapit sa kanya.
“Stunning,” he uttered.
Marahan nitong hinawakan ang kamay niya at hinalikan ang likod no’n. Naramdaman niya na naman ang kuryenteng gumapang sa katawan niya sa ginawa nito.
She forced a smile. “Thank you, handsome.” Muntik niya nang matutop ang bibig dahil sa lumabas na salita do’n.
“I know. It’s a pleasure to hear it from you. At least alam ko na ngayon na tinablahan ka ng charm ko.”
Nagsisi siya kung bakit hindi niya napigilan ang sarili na purihin ito.
“Let’s go. Baka ma-late pa tayo,” aya niya dito na agad namang hinawakan ang kamay niya pero hindi na siya nagprotesta pa.
It’s a five-star hotel kaya hindi na siya magtataka kung napapaligiran din sila ng mga mayayamang tao sa bansa. She used to it.
He snakes his arm around her waist when they entered the room and walk with pride on his face. Maraming nagpa-flash na camera sa harap nila so all they have to do is to smile. May mga media din at mga iilan lang din na reporter. Mahigpit din ang seguridad ng hotel dahil na din siguro mga mabibigat na tao ang naroon at mahalaga ang safety ng mga ito. They find their seats at awtomatikong may lumapit na waiter sa kanila at naglagay ng wine sa table nila.
“I’m glad to see you here, hijo.” An old man patted Alaric’s shoulder and motioned his head to her. “And who is this beautiful lady?” Halos kasing edad lang ito ng ama niya at malamang, ito ang nagpa-party.
“She’s the only daughter of Mr. Saul Mendoza. Meet Haven.”
“Nice to meet you, Ms. Mendoza. Enjoy the party,” wika nito at umalis din agad.
May iilan pang lumapit sa kanila to congratulate Alaric for his achievements. Actually, nangangawit na nga ang labi niya kakangiti.
“Hey, you okay? Gusto mo na bang umuwi?” Napansin yata na nabo-bored na siya which is good dahil gusto niya na talagang umuwi. She nodded as an answer.
Isa pa, inaantok na din siya and besides, kanina pa sila do’n at marami din itong ipinakilala sa kanya. Halos lahat ay businessman at hindi niya na nga maalala ‘yung iba pero at least kilala ng mga ito ang ama niya. She admires Alaric kung paano ito makipag-usap sa mga lumalapit sa kanila. Makikita mo talaga na pure business ang lahat. You can sense how intelligent he is. Playboy, yes, but you can call him a responsible one, not to the women, but to his career and business. He is indeed a businessman with a heart.
Almost eleven in the evening na nang ihatid siya nito sa bahay nila. This time, she tries real hard na ‘wag nang makatulog ulit dahil baka matagpuan niya na naman ang sarili sa kama nito.
“Thanks for the ride.” Akmang bababa na siya ng sasakyan nang hawakan nito ang braso niya kaya naman napalingon siya dito. Magtatanong sana siya kung bakit kaya lang, nagdampi na ang mga labi nila.
He gently kisses her. Hindi niya alam ang gagawin dahil huminto ang paggalaw ng katawan niya. Naramdaman siguro nitong na-estatwa siya kaya marahan nitong kinagat ang pang-ibabang labi niya dahilan para magkaroon ito ng pagkakataon na palalimin ang halik.
She answered his kiss even she tries not to. He held her nape to deepen the kiss, tila ba uhaw ito at siya lang ang makakapawi sa nararamdaman nitong ‘yon.
“You taste sweet,” he whispered in the middle of the kiss.
Hindi niya alam kung ilang minuto silang nagbabakbakan ng halik kaya naman pareho silang habol ang hininga nang pakawalan nito ang labi niya.
Silent. Awkward.
A playful smile curves on his lips when he looked at her. Pakiramdam niya, nangangamatis na sa pula ang mukha niya. Sana hindi ‘yon napansin ng kaharap at mabuti na lang ay hindi nakabukas ang ilaw ng sasakyan nito. Gusto niyang batukan ang sarili kung bakit tinugon niya ang mga halik nito.
“Don’t you dare look at me that way!” ngitngit niya at pilit umaastang hindi apektado sa mga halik nito.
“Why?” tanong nito na nakadukwang sa kanya.
“I didn’t expect that kiss!”
“Don’t you like it?” Kahit madilim ay kitang-kita niya ang pagkislap ng mga mata nito at mapanuyang mga ngiti.
Hindi siya nakapagsalita. Nalunok niya na yata ‘yung dila niya. Lihim niyang minura ang sarili. May mga pagkakataon pala talaga na hindi mo masasagot ang mga salitang ‘yes’ or ‘no’.
He moves closer and kiss the top of her head. “Thank you for coming with me. Good night, Haven.”
“Good night. Bye.” Dali-dali siyang lumabas ng sasakyan. Baka kasi pigilan na naman siya nito.
Pabagsak siyang humiga sa kama habang hawak ang labi niya. Hindi dapat siya pumayag na basta-basta na lang siya nitong hahalikan. Baka isipin nito ay katulad din siya ng mga babaeng nagkakandarapa dito. Hinding-hindi niya gagawin ‘yon. Hindi siya gano’ng klase ng babae. Ayaw niyang matulad sa mga babae nito. Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa isip niya. Ang dami kasing kinuwento ni Iesha tungkol kay Alaric kahit hindi niya naman ginusto na malaman ang mga ‘yon.
Nagpagulong-gulong siya sa kama niya. Nag-iisip siya kung ano ang gagawin dahil lalong nagugulo ang utak niya dahil kay Alaric.
Hindi kaya… In love siya sa lalaki?