Chapter 2
NAGISING si Haven dahil nahihirapan na siyang huminga at masikip na halos hindi na siya makagalaw. Pilit niyang iminulat ang mga mata at gano’n na lang ang pagtataka dahil hindi naman kulay blue ang wall ng room niya. She scanned the room. It’s so manly, pati ang amoy nito ay gano’n din. Busy ang mga mata niya sa pag-scan ng kwarto nang biglang may gumalaw sa tabi niya. Kusang namilog ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ‘yon.
He is sleeping peacefully beside her while his one arm wrap around her waist. Bahagya siyang gumalaw dahil naiipit na talaga siya. Pero mahina lang itong umungol at siniksik ang ulo nito sa leeg niya.
“Let me go.” She frowned. But deep inside her, she wants to stay like this. It feels like she belongs to him and she always feel safe every time she’s with this man.
Dahil natutulog pa talaga ito, nagkaroon siya ng pagkakataon na titigan ang mukha nito. He has this messy hair pero hindi naman ‘yon nakabawas sa kaguwapuhan nito bagkas mas lalo lang itong nagmukhang hot sa paningin niya. Ang linis at ang puti din ng kutis nito. Unang tingin pa lang, malalaman mo na agad na hindi siya basta-basta lalaki lang. May ibubuga ika nga. Then the one side of his lips suddenly curves up.
“Staring is rude,” he said in a husky voice.
Sa gulat niya, bigla niya na lang itong naitulak nang malakas dahilan upang mahulog ito sa kama.
“Ouch! You hurt my sexy butt, woman!” He groaned.
Umupo siya para tignan ito. Bahagyang nakapikit pa ang mga mata nito at nakahawak sa bandang balakang. Hindi niya na napigilan ang sarili at tumawa nang pagkalakas-lakas. Kahit mawala ang poise niya ay ayos lang dahil talagang katawa-katawa ang itsura nito. She couldn’t imagine that a handsome famous businessman in front of her was damn funny.
“You should see your face. It’s priceless!” she said while laughing.
Tumigil lang siya sa pagtawa nang maramdaman niyang nakatitig ito sa kanya. Unti-unti itong tumayo at lumantad sa kanya ang magandang katawan nito, pati na rin ang eight packs abs nito na nakikipag-eye to eye sa kanya. He’s wearing his black plain boxer shorts and for Pete’s sake, topless ito. Ngayon niya lang ‘yon napagtanto kaya bago pa man siya mag-iwas ng tingin ay may malambot na bagay na ang dumampi sa maninipis niyang labi.
Bahagya siyang natigilan dahil sa kakaibang dulot ng halik na ‘yon sa katawan niya at bago pa siya mawala sa sarili ay nahawakan na ng kamay niya ang isang unan at inihampas ‘yon sa hangal na nanghalik sa kanya.
“Pervert! You jerk!”
She heard him laugh habang hinuhuli ang kamay niya. “I’m just shutting you up because you’re laughing at me but if you want more, that’s fine with me.”
Namula siya sa sinabi nito dahil hindi naman siya ipinanganak kaninang madaling araw para hindi maintindihan ang ibig sabihin nito.
Sinamaan niya ito ng tingin nang biglang may maalala.
“What did you do to me?!”
Niyakap niya ang sarili hindi dahil natatakot pa din siya sa ginawa nitong pananakot sa kanya kagabi. Naka-get over na siya doon. Natatakot siya dahil baka may ginawa itong masama sa kanya no’ng natutulog pa siya. Baka pinagsamantalahan siya nito.
Namutla ito at nag-iwas ng tingin.
She’s scared dahil baka kinuha nito ang virginity niya pero wala naman siyang kakaibang nararamdaman sa sarili niya. Normal pa din naman at ang damit niya ay gano’n pa din, pero hindi dapat siya magpakapanatag. Kailangan niya pa din masiguro kung may nangyari ba o wala.
Hindi pa din ito nagsalita at mukha itong guilty dahil hindi ito makatingin nang diretso sa kanya. Sa asta nito, parang may ginawa talaga ito sa kanya. Kaya naman hindi niya napigilan ang sariling ‘wag magalit.
“How dare you stole my virgi—”
“Look, Haven, it’s not my intension. Hindi ko sinasadya na—”
“Panagutan mo ako!” sigaw niya dito.
Para naman itong nakakita nang aparasyon dahil nanlalaki ang mga mata nito nang tumingin sa kanya.
“What? Ano ‘yung sinabi mo?”
Hinampas niya ito ng unan dahil napaka-insensitive nito. Her mother always told her that a woman’s body is a temple of God. It should be well-taken cared off.
“Panagutan mo ako!”
Tumawa ito nang nakakaloko. “Bakit naman kita pananagutan?”
“Because you stole my virginity!” she shouted. How dare him?!
***
HELL, Alaric couldn’t imagine na matatawa siya nang ganito. Akala niya pa naman nagagalit si Haven dahil sa ginawa niyang pananakot dito kagabi.
“Because you stole my virginity!”
Namumula ang mukha nito. Hindi niya alam kung dahil sa galit o something. Basta, natatawa siya ‘pag nakikita ito sa gano’ng itsura. Kanina pa din siya nito hinahampas ng unan. At imbes na maasar siya, nage-enjoy pa nga siya sa ginagawa nito sa kanya.
“I didn’t do anything. You’re still a virgin?” he teased. Kuminang nang kusa ang mga mata niya sa sariling tanong niya.
“What do you mean?” she asked na mukhang nahimasmasan na at tumigil na din ito sa ginagawa nitong paghahampas ng unan sa kanya.
“Wala akong ginawa sa ‘yo kaya virgin ka pa din.” He winked.
She sighed in relief pero hindi nagsalita pa bagkus ay inirapan lang siya nito dahilan para matawa siya nang bahagya.
“Get up. I’ll drive you home after breakfast. Anyway, I already called your father last night about you. I didn’t know that Mr. Saul Mendoza, the CEO of SME is your father.” Small world, eh?
***
“SWEETHEART, I’m glad you are safe. Pinag-alala mo kami ng Daddy mo. Lucky that Alaric made a call to inform us na magkasama kayo.”
Humalik sa pisngi ni Haven ang ina niya at bumaling sa katabi niya.
“Good morning, hijo. Nice to meet you.”
“No problem, Tita. I’m glad to be here,” wika ni Alaric at bumeso sa Mommy niya.
“Haven, why you didn’t tell us about your boyfriend? Come on in, Mr. Karaffa. Nice to finally meet you. Dito ka na din mag-breakfast,” sabi naman ng Daddy niya na kababa lang galing sa kwarto ng mga ito.
Nalukot ang maganda niyang mukha. “Dad, he’s not my boy—”
“Pleasure to meet you, Sir.” Inilahad nito ang kamay sa ama niya at tinanggap naman nito agad ‘yon.
She looks at him with what-the-hell-did-happened look. Nagkibit-balikat lang ito.
“Call me Tito, hijo.”
“Sure, Tito.”
She excuses herself and went upstairs to change her clothes. She’s wearing a sleeveless floral dress above the knee and she tied her hair.
“I agree with that, Tito. That’s a great idea.” It’s Alaric voice talking with her father while her mother looked at her.
“Come, hija. Sit beside Alaric,” aya nito sa kanya.
Napaupo ito nang diretso nang saktong makaupo na siya sa tabi nito. Nag-umpisa na siyang kumain nang biglang bumulong ito sa tainga niya dahilan kung bakit halos maibuga niya ang iniinom niyang orange juice.
“Babe, you smell good. What’s your shower gel?” he whispered.
“Cherry blossom,” she murmured then after that, he laughs.
Hindi niya napigilan ang sarili na tignan ito. May sapi ba talaga ang lalaking ito? Dahil bigla na namang tumawa mag-isa. Tumingin sa kanya ang ama niya at tipid lang na ngumiti habang ang ina niya naman ay mukhang nage-enjoy sa pinapanood.
“Sorry for laughing big time. I just can’t help it,” he finally said while fighting another laugh.
“Stop laughing, jerk!”
“Haven.” Her father in a warning tone.
“I’m sorry.” Bahagya siyang yumuko dahil naaasar na talaga siya.
Sinipa niya ang paa nito sa ilalim ng lamesa. Hindi siya mahilig manakit ng tao pero Alaric is an exception. Lagi na lang siya nitong pinagtatawanan at ngayon, sa harap pa talaga ng magulang niya. Naririnig niya ang mahihina nitong tawa dahil sa ginagawa niya. Matibo ba talaga ang lalaking ito? Sinong tao ang sinasaktan na ay natutuwa pa? Pero maya-maya lang ay nagpaalam na ito sa kanila.
“I have to go. Thanks for the breakfast,” ani nito at tumayo na.
Tinignan siya nito at itinaas ang dalawang kilay. “What?” she mouthed.
“Hija, hatid mo muna sa labas si Alaric.”
So, kaya pala ito nakatingin sa kanya. Bumuntong-hininga siya at tumayo na. Iniwasan niya ang kamay nitong hahawakan sana ang braso niya.
“Girlfriend,” bulong nito.
Marahas siyang lumingon dito at nag-iwas din agad ng tingin dahil halos tumama ang mukha niya sa ilong nito.
Inihatid niya ito hanggang sa malaki nilang gate. Nagmamasid lang din ang security guard nila sa hindi kalayuan pero wala naman sa kanila ang paningin nito.
“Drive safely,” sabi niya nang aktong bubuksan na nito ang pintuan ng sasakyan nito. Lumingon ito sa kanya at ilang hakbang lang ay nasa harapan niya na ito. “What?” Nautal pa siya.
Iniharang nito ang isang kamay sa gilid niya at unti-unting inilapit ang mukha sa kanya. ‘Yon na naman ‘yung malakas na tibok ng puso niya. Kusang pumikit ang mga mata niya nang maramdaman ang hangin mula sa bibig nito na tumatama sa maamo niyang mukha.
She slowly walked backwards dahil hindi niya kaya ang presensya nito na gano’n kalapit sa kanya though nakatabi niya na ito matulog. Ibang case naman kasi ‘yon. Sa kakaatras niya, may malamig na bagay siyang naramdaman mula sa likuran niya.
Inimulat niya ang mga mata at tila gusto na lang sana ipikit ulit ‘yon dahil ayaw niyang makita ang malapad na ngiti nito. Obviously, alam nito na kaya siya pumikit ay dahil naghihintay siya na muli na namang mahalikan ng binata. Pilit niyang ikinalma ang sarili at itinulak ito.
“Umalis ka nga sa harapan ko. Naiipit na ako.”
“You want me to kiss you?” tila nang-uuyam na tanong nito sa kanya.
“Of course not. Ang kapal talaga ng mukha mo.”
“So why did you close your eyes? It means you’re waiting for something.”
“Get out. Think what you want to think, pervert!”
“Am I? How come?” he asked in disbelief. Hindi na siya sumagot at inirapan ito. Maniac ang lalaking ito. “I will pick you up tomorrow night. Be ready.”
“But—”
“I don’t accept no for an answer, Haven,” he said and hop in to his car before driving away.
She decided to stay at the garden and dialed Nadia’s number.
“Hello, Nads.”
“Yes, Haven? What’s up?”
“I’m good. Hmm, can we talk? I mean, can we have our lunch together with Iesha?”
Alam niya naman na hindi siya kayang tanggihan ng mga ito. Mahal niya ang mga kaibigan niya. Para sa kanya, mga kapatid niya na ito dahil na din nag-iisang anak siya. Kaya siguro napalapit siya nang gusto kay Nadia at Iesha.
Isa pa, nagkakasundo kasi sila halos sa lahat ng bagay though iba-iba ‘yung course na kinuha nila pero hindi naman nakaapekto ‘yon sa pagkakaibigan na mayroon sila ngayon.
Mahilig siya sa mga bagay na kakaiba at walang kapareho. She also tried modeling. She enjoyed it very much. Pero dahil sa sobrang pagod, hindi kinaya ng katawan niya. She decided to stop but her manager keep telling her na anytime ay pwede siyang bumalik. Pero mukhang malabo na ‘yon dahil alam niya sa sarili na kapag natapos na siya sa pag-aaral ay haharapin niya na ang buhay bilang CEO ng kumpany nila.
Kung sana may kapatid na lang siyang lalaki, siguradong ‘yon ang magma-manage ng business nila. Iniisip niya nga minsan na mabuti pa si Iesha, may Kuya Randall kaya ito ang namamahala ng negosyo ng pamilya ng mga ito. Mabuti na lang ay may dalawa siyang kaibigan na laging nandiyan para sa kanya.
“Hello. Haven, are you still there?”
Napaigtad siya sa nagsalita sa kabilang linya. Masyadong malalim ang iniisip niya kaya siguro hindi niya namalayan na sumagot na pala ang kaibigan.
“Yes, Nads. Ano nga ulit ‘yon?” Bahagya pa siyang natawa sa sarili.
“I will send you the address. Nagpa-reserve na si Iesha.”
“Okay. See you later.”
“You have something to explain later. I saw you last night.”
She gulps. “What do you mean?”
“You can explain later, Haven my dear.”
“Yeah. See you.” And she ended the line.
Papasok na sana siya sa loob ng bahay nila nang maalala ang sinabi ni Alaric sa magulang niya. Boyfriend? Hindi niya ito boyfriend! Wala siyang ideya kung bakit sinabi ‘yon ng binata kanina. Mukhang kailangan niya itong makausap nang masinsinan.
Hindi lahat ng bagay, makukuha nito nang gano’n lang kadali. Hindi siya makakapayag na maging isa sa mga babae nito.
“I will play his game but I will make sure I’m going to win the game.”