Chapter 1

“HAVEN?” Isang mahihinang katok mula sa labas ng silid niya ang tuluyang nagpagising sa natutulog niyang diwa. “Wake up now, sweetheart.”

Nag-unat muna siya at tinignan ang oras sa alarm clock niya na hindi naman tumunog. Pasado alas sais na ng umaga.

“Alright, Mom,” pupungas-pungas na sambit niya.

“We’ll wait for you downstairs.”

“Okay po.” Narinig niya ang mga yabag na papalayo sa silid niya at siya naman ay dumiretso na sa shower room niya.

Matapos ang ilang minuto ay bumaba na siya at sinabayan ang magulang niya kumain. Ang laki ng bahay nila pero tatlo lang naman silang nandoon, idagdag na lang ang hindi bababa sa sampu nilang kasambahay at mga security guards. Hindi naman sa nagrereklamo siya dahil nga nag-iisang anak lang siya pero feeling niya mas lalong sasaya kung may kapatid lang siya.

“Haven, I missed you.” Agad na humalik sa pisngi niya at yumakap sa kanya si Nadia nang makita siya nito mula sa parking lot ng university na pinapasukan nila.

“I missed you too, Nads,” aniya.

She looked around the university. It’s still the same though medyo lumawak lang nang kaunti. Napapalibutan pa din ito ng mga puno at mgagandang halaman. Ang presko talaga ng hangin sa unibersidad na ‘yon.

Yes, she’s still studying. She’s a graduating student taking Business Administration. Actually, she’s not into business but being a future CEO of Saul Mendoza Enterprise or SME, she needs to. She doesn’t want to disappoint her parents, especially her father. He worked hard just to keep their company to be on the top list.

“Where’s Iesha?” she asked in the middle of her thought.

“On her way na daw. Traffic is really sucks,” emotionless na sabi nito.

“Yeah, I agree.”

They both looks at Nadia’s cellphone when it suddenly rang.

“I will just answer this. Excuse me.” Tumango lang siya dito.

Dahan-dahan muna siyang nagmuni-muni at naglakad papunta sa malawak na hardin ng unibersidad. Ang Mommy niya ay mahilig sa mga halaman at bulaklak kaya hindi na nakapagtataka na makahiligan niya din ang mga ‘yon. Busy ang mata niya sa pagtingin sa mga iba’t ibang kulay ng bulakalk sa gilid ng kalsada kaya hindi niya na namalayan na may paparating na sasakyan.

“What the hell!? Magpapakamatay ka ba?” Napapitlag siya sa baritonong boses na ‘yon mula sa likuran niya kaya napilitan siyang tignan kung sinuman ang hangal na naglakas ng loob na sigawan siya.

A man inside the tinted black BMW car looks at her with so much irritation on his handsome face. She can’t help herself but to look at him. Madami na siyang nakitang guwapo pero iba ang karisma ng isang ito.

Those deep brown eyes that captivated in everyone’s soul. Those thick luscious eyebrows. His pointed nose and those lips that woman’s want to die for para lang mahalikan ito. Para itong lalaking lumabas mula sa isang magazine. She’s pretty sure na maganda rin ang pangangatawan nito. From the look of it, para bang ang sarap humilig sa matipuno nitong dibdib. At dahil na rin sa suot nitong navy blue fitted t-shirt, kitang-kita mula sa kinatatayuan niya ang mga muscles nito sa braso. Para bang ang sarap maglambitin do’n.

Masyado itong pinagpala.

“Excuse me?” he said, making her woke up from her reverie. She lifted her eyebrow and look at him. “Done checking me out?”

“Guwapo sana, ang yabang lang,” she murmured.

“What did you say?” tanong nito na nakakunot ang noo. Nasisinagan pa ito ng sikat ng araw.

Bakit ang guwapo pa din nito?

“Mister, next time ay bumusina ka naman. You almost killed me!” she said as a matter of fact.

“As far as I remember, I did it many times. You are just too pre-occupied.”

Ang walangya. Hindi man lang mag-sorry.

“Mister, ikaw na nga itong muntik maka-disgrasya, ikaw pa itong malakas ang loob.” Naiirita na siya at sigurado siyang kaunti na lang ay pamumulahan na siya ng mukha dahil sa inis sa lalaking ito. Bahagya niyang hinawi ang buhok niya na napunta sa mukha niya dahil sa hangin.

He flashed a smile, an evil smile. “Oh-oh, alright, babe. Hmn,” he paused. “I’m sorry? Can you forgive me?”

Babe?

Her forehead knotted this time. “Pardon?”

Then he laughed, showing his perfect white paired of teeth. Baliw ba ang guwapong nilalang na ito? Bigla na lang tumatawa. She noticed his dimple on his left cheek, makes him more handsome. Ang sarap nitong titigan sa gano’ng itsura.

Nang huminto ito sa pagtawa ay muli itong bumaling sa kanya. Hindi niya inaasahan ang pagtatama ng mga mata nila pero saglit lang ‘yon kasi ngumisi na naman ito sa kanya sabay kumindat. Damn!

Nakatingin lang siya sa papaalis na black BMW na bigla na lang siyang nilagpasan na parang walang naganap.

“What did just happen? That bastard!”

“Ms. Mendoza, can you please go to Mrs. Espiritu’s office on the 5th floor? I just need her signature here,” pakiusap sa kanya ng professor nila. Lumapit siya sa lamesa nito at kinuha ang folder na inabot nito. “Thank you.” Ngumiti lang siya dito at lumabas na ng administrator office.

Habang naglalakad siya sa hallway ay hindi sinasadyang nahulog ang folder na hawak niya kaya nagkalat ang laman no’n at hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pangalan na nakasulat do’n.

Mr. Alaric Ibrahim Karaffa

Sounds very familiar.

“The famous young businessman?” she asked herself.

She remembers the name because she always hears that name to her father and to his business partners but she doesn’t have any idea who he is or what he looks like.

She walks to Mrs. Espiritu’s office pagdating niya sa 5th floor and she knocked.

“Come in,” the voice from inside, said.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at muntik nang matulos sa kinatatayuan nang makita kung sino ang kausap ng may-ari ng university. The bastard!

Prenteng-prente itong nakaupo sa couch at nakatingin sa gawi niya na tila ba nasiyahan nang makita siya doon. Umaliwalas pa ang guwapong mukha nito.

What the hell is wrong with him?

“Good day, Ms. Mendoza. What brought you here?” The old lady adjusted her eyeglasses and smiles at her.

She smiles back and walk towards her kahit na kinakabahan siya sa hindi niya malaman na dahilan. Hell, ilang beses niya nang nakausap ang may-ari ng university pero hindi naman siya nakaramdam ng ganitong klaseng kaba at tensyon.

‘Was it because of the bastard who’s staring at you right now?’ tanong ng isang bahagi ng utak niya.

Pilit niyang inignora ang presensya ng lalaki. Tahimik lang din naman ito na mataman lang na pinagmamasdan ang bawat galaw niya.

“Thank you, Mrs. Espiritu,” ani niya nang mapirmahan na nito ang dapat pirmahan.

Maglalakad na sana siya palabas para makahinga na nang maluwag nang bigla siyang tawagin ng may-ari ng university.

“Anyway, Ms. Mendoza.”

She turns her back to her. “Yes, Ma’am?”

The old lady smiles and motioned her head to the only man inside the room. “I would like to introduce you to my handsome nephew, Alaric Ibrahim Karaffa.”

Kahit naka-air conditioned ang kwarto ay tila ba walang epekto ‘yon sa kanya dahil pakiramdam niya ay tagaktak na ang pawis niya kanina pa. Lalo lang lumala nang malaman kung sino ang lalaking kasama nila.

Alaric Ibrahim Karaffa, the famous young businessman, yet she doesn’t know him. What the hell is with her? She really needs to give time on other stuffs in life. Para naman alam niya kung sino ang mga taong makakaharap niya.

“Ms. Mendoza?” untag sa kanya ng matandang babae.

Ikinalma niya muna ang sarili at nginitian ang lalaking nasa harap niya na sa mga sandaling ‘yon, kanina lang prente itong nakaupo, ah? Ninja moves, eh?

“Hi.”

“Hello?” Inilahad nito ang isang kamay sa harap niya. “Name please.”

Kinuha niya ang kamay ng binata bago sumagot at parang nagsisi siya. Gusto niya na lang ulit ‘yon bawiin dahil sa kakaibang kuryente na bumalot sa kanya nang magdampi ang mga balat nila.

“I’m Haven Mendoza,” she said and pulled her hand against him pero lalo lang nitong hinigpitan ang pagkaka-hawak doon.

Sinimaan niya ito ng tingin nang hindi binitawan ang kamay niya. At sa panggigilalas niya ay dinala nito ang kamay niya sa may labi nito at hinalikan ng marahan. Napaigtad siya sa ginawa nito at mukhang naramdaman nito ‘yon kaya naman lalong lumawak ang pagkaka-ngisi ng lalaki. He’s looking at her behind his lashes habang ang kamay niya ay nasa labi pa din nito.

“Your name fits you. What a beautiful name you have, Haven.” And winked at her, making her blush. Para siyang nanigas nang mas lalo itong lumapit sa kanya at bumulong sa ibabang bahagi ng tainga niya. “I like it when you blushed, babe.”

Bigla niya itong naitulak dahil sa kakaibang kiliting naramdaman niya nang tumama ang mainit na hininga nito sa leeg niya. That is the first time she felt that kind of feeling. Unexplainable. Tuluyan na siyang lumabas sa opisina nang walang lingon-lingon.

It’s already seven in the evening pero wala pa ‘yung driver niya. Isang linggo kasi siyang banned sa pagda-drive dahil nagasgasan niya na naman ‘yung bagong sasakyan na binili sa kanya ng ama. Kinuha niya ang cellphone niya na nasa sling bag niya nang tumunog ‘yon.

“Yes, hello? Manong, sa’n na po kayo?”

“Nasiraan po, Ma’am Haven. Pasensya na po.”

She sighed. “Okay, Manong. Magta-taxi na lang ako. Please don’t tell this to my father.”

“Pero baka po ma—”

“Basta ‘wag kayong maingay kay Daddy.” ‘Yon lang at pinatay niya na ang tawag saka naglakad palabas sa gate ng university.

Abot-kamay niya na ang guard house nang may bumusina mula sa likod niya kaya gumilid siya. Gusto niya pang mabuhay nang matagal. Marami pa siyang pangarap sa buhay.

Tapos bumusina ulit. What the hell? Nakagilid na nga siya. Ano ba’ng problema ng isang ito?

Nilingon niya ito sa sobrang asar at nang ngiting-ngiting Alaric ang nabungaran niya. He looks hot wearing his three-piece black suit inside his black BMW. Fine, she admits it. Alaric is a drop-dead gorgeous man.

“What the hell is your problem, Karaffa?” He’s getting into her nerves.

“Oh? Calm down, babe. Mukhang wala kang sundo. Wanna ride with me?” Hindi mawala ang ngiti nito sa labi.

Inirapan niya ito dahil ayaw niya sa paraan ng pagngiti nito. Parang may gagawin na kalokohan.

“No, thanks. I can handle myself. Sanay akong mag-commute,” she lied. Never in her life na naranasan niya ang mag-commute.

“Okay. I heard in a TV news before that a lot of rapists in this place,” sabi nito na para bang tinatakot siya o pinapaalalahanan lang siya na delikado ang mag-commute, lalo na’t gabi na.

She doesn’t know exactly pero effective ang mga binitawan nitong salita. Napalunok siya at biglang kinabahan sa narinig. Pakiramdam niya ay nanginginig na din ang buong pagkatao niya. Hindi niya lubos maisip na matatakot siya nang husto at isipin pa lang na may mangyayaring masama sa kanya, hindi niya na maisip. Well, nagulo na ang utak niya dahil sa ideyang ‘yon.

Yumuko siya at piniling ang ulo nang paulit-ulit. Ayaw niyang may mangyaring hindi maganda sa kanya dahil siguradong malulungkot at masasaktan ang magulang niya.

“Please, drive me home,” she whispers but enough for him to hear. Mas maganda na siguro na itong lalaking ito ang kasama niya kaysa sa iba na hindi niya talaga kilala.

Dali-dali naman itong bumaba at inalalayan siya papuntang passenger’s seat at umikot pabalik sa driver’s seat bago tuluyang pinaandar ang sasakyan.

“Hey, you’re shaking. Are you okay?” untag ni Alaric sa kanya.

Ilang minuto na sila sa byahe pero hindi pa rin siya maka-move on sa narinig niya kanina. Matatakutin kasi talaga siya.

“I’m fine. Focus on the road.” But she can’t deny the feeling of being scared and unsafe.

Inihinto nito ang sasakyan at bigla na lang siya nitong kinabig palapit dito at niyakap. She wants to cry. Maybe because she feels safe now in his arms wrapped around her. Tila ba inalis ng yakap nito ang takot na nadama niya kanina lang.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan at naramdaman niya na lang ang sarili na unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata niya. Isiniksik niya ang ulo sa dibdib ng binata at hinayaan ang sariling lamunin ng antok pero bago pa man din siya panawan ng ulirat, she heard him muttered something.

“I’m sorry. I didn’t mean to scare you.”

***

SHE fell asleep. She looks exhausted. So, Alaric decided to bring Haven to his penthouse. Don’t get him wrong. He didn’t know where she lives and he doesn’t have a heart to wake her up just to ask her fucking address.

She looks so fragile. Maingat niya itong binuhat papunta sa penthouse niya at dahan-dahan na inilapag to his very own king-sized bed. His bed is his safe haven dahil dito lang talaga siya nakakapagpahinga nang maayos kapag sobrang busy at pagod sa trabaho. He never shares his bed to anyone, especially to women.

Kung baga sa babae, birhen pa ang kama niya kaya nga bigla siyang nag-isip kung dadalhin niya ba si Haven sa penthouse niya at papatulugin ito doon.

‘You’re just guilty for telling lies to her that’s why as a change, you let her sleep in your bed’. Anang ng isip niya. Siguro nga guilty lang siya sa ginawa niyang pananakot sa dalaga kanina.

He’s such a jerk for telling those lies. Wala naman talagang news about sa masasamang tao sa lugar na ‘yon. His aunt always makes sure na safe ang buong campus. He is hoping na makatulong ang yakap niya sa pag-alis ng takot nito.

Pinagmasdan niya ang mukha ng dalaga. She’s pretty, no she’s simply gorgeous na hindi mo pagsasawaan titigan araw-araw. Mapupula ang manipis na labi nito na mati-temp kang halikan.

Napangiti siya sa naisip. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha at bahagyang dinampi ang labi niya sa labi nito. He wants to deepen the kiss and feel her lips more but the woman moans a little at nag-shift ito ng puwesto patalikod sa kanya. Mabilis siyang tumayo at dumiretso sa mini-bar niya sa loob ng penthouse to get some drink. Pampatulog lang.

Haven Mendoza. Inalala niya ang pangalan ng dalaga sa isip niya. By that, he remembers someone same with her last name. The Great Saul Mendoza, her father.

He dialed his secretary’s number to ask for Mr. Mendoza’s private number or their residence phone number.

“Yes, Sir? May problema ba?” his secretary asked him.

“I need Mr. Saul Mendoza’s private number. Send it to my email. Urgent.”

“Okay, Sir. Copy.”

He turned on his laptop and wait for the number. In less than five minutes, one window popped up in the screen. Magaling talaga ang secretary niya. He dialed the number through his phone but hesitate to press the green button.

‘Come on, man. You need to talk to her parents and let them know that their princess is sleeping in your bed’. Ani ng isang parte ng utak niya.

He clears his throat. “Hello? Good evening. May I speak with Mr. Saul Mendoza?”

The online line spoke that brought chills to his body. “Speaking. Who are you?”

“This is Alaric Karaffa and I want—”

“The famous young businessman? What enter into your brain and make a call in the middle of the night?” The man chuckled.

He clears his throat once again and think what is the best words to tell. “I just want to inform you guys that your daughter is with me and—”

“What?! What did you do to my daughter?” another voice answered, maybe his spouse. “Boyfriend ka ba ng anak ko?”

Halos mahulog siya sa high-chair ng mini-bar nang marinig ang tanong ng ina ng dalaga.

“Answer me,” tila naiinip na anas nito.

“Yes. She is my girlfriend,” bulalas niya. And almost curse when he realized what he said.

“Where is she?” Isang baritonong boses ulit ang narinig niya sa kabilang linya. Hell, he’s sweating!

“She’s sleeping. Ihahatid ko sana siya kaya lang nakatulog siya sa byahe, Sir.” Fine, he’s a little bit nervous talking to one of the great businessmen in the world.

“Don’t disturb her sleep. Nangangagat ‘yan ‘pag naistorbo ang tulog,” biro ng ina ni Haven na bahagya pang tumawa.

“I expect you tomorrow morning with her. I would like to get to know you better for the sake of my daughter,” kalmadong wika ng ama ng dalaga.

“Expect me to come, Sir.”

“We will expect you. Thank you for taking care of my princess.”

“No problem. It’s my job, I guess.” Eh? He’s in trouble.

“We’re not done yet. See you tomorrow. Bye.” And the man ended the line.

Kumuha ulit siya ng maiinom. Beer naman this time. He’s thinking where to sleep. Funny, isn’t it?

“I won’t sleep in couch,” he said to himself. “No way!”

Nang mainitan na ang katawan niya dahil sa alak ay dumiretso siya sa banyo and took a quick shower. Pinihit niya ang doorknob ng silid niya para lang salubungin siya ng isang anghel na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama niya.

Dahan-dahan siyang humiga sa tabi nito hanggang sa makaisip na naman ng kapilyuhan. He snakes his arm around her waist and close his eyes.

He’s thinking about Haven’s beautiful face kapag nalaman nitong sinabi niyang girlfriend niya ito. Tiyak na mamumula na naman sa galit ang dalaga. He loves seeing her like that, being annoyed by him.

He’s smiling like an idiot right now.