Chapter seven

Dito kami tumuloy sa isang malaking mall dito sa manila. Feeling ko mawawala ako dito kapag nalingat ako kay bossing. Napaka laki ng hakbang ni bossing at halos takbo at lakad ang ginagawa ko para makasunod lang sa kanya.

"Huy bossing! Dahan dahan lang naman kung maglakad ka akala mo ka may hinahabol."puna ko dito at hinawakan ang laylayan ng polo nya.

"Stop ruining my polo. Why are you grabbing like a kid?"as usual nagsusungit na naman ang aswang.

"E kase naman pwede kanamang maglakad ng normal, masyado kang G na G."pagsusungit ko din dito.

Huminto ito sa paglalakad at humarap sa akin. Mukhang nagalit ko na naman ang lolo nyo.

"Get in."utos nito. Tinignan ko ang hinintuan namin. Isa itong salon. Pero napagka laki laki.

Ng hindi ako nag lakad ay sinamaan ako nito ng tingin at nauna ng pumasok sa salon.

"Good morning sir."malanding bati nung bakla.

Pagkatapos ay tumingin lang sa akin na nakataas ang kilay."How can we help you sir?"tanong ng bakla kay bossing.

"Do her a make over."

Lumapit ang bakla sa akin at naglakad paikot sa akin." Pwede naman sir. Maganda ka iha kulang ka lang sa make over."baling nito sa akin .

Hinila ako nito at inutusang magpalit ng white robe na ibinigay nito sa akin .

Lumabas ako at pinaupo sa isang bangko na mukhang high tech. Hinanap muna ng mga mata ko si bossing. Mahirap na baka iwanan ako dito wala akong pambayad .

"Just relax dear ."si bakla habang may nilalagay na kung ano ano sa buhok ko. May isa pang lumapit sa akin at kinuha ang dalawang paa ko, at isa pa sa bandang kamay. Nakaka relax ang ginagawa nila sa akin. Hindi ko namalayan na naka tulog ako ng dahil sa pinag gagagawa nila sa akin, pero bigla akong nagising sa sakit na nagmula sa kilay ko. "Aray ko poo inang ko!"biglang upo ko at hinawakan ang kilay.

"Sorry ma'am pero need pong bawasan ang kilay mo, masyadong makapal."ani ni bakla at hinila ulit ako para mahiga. Tinuloy nyang bunutan ang kilay ko.

"Sabeng aray!"daing ko dito at akmang kokotongan ito pero mabilis itong lumayo ."masakit nga e! Bat kailangan nyo pang pakialaman ang kilay ko? Bossing oh!"sumbong ko kay bossing na napalapit na din sa amin dahil sa ingay ko.

"Lay down woman! Let them do the their work ."tignan mo to! Imbis na ako ang kampihan ako pa nga ang napagalitan. Wala akong nagawa kung hindi muling humiga. Talagang masakit at hindi lang dun natapos ang kalbaryo ko dahil pati ba naman mga bulbol pusa ko sa katawan inalis nila. Waxing daw ang tawag dun! Katakot takot na mura ang inabot nila sa akin. Pero hindi ko sila mapahinto dahil nasa tabi lang si bossing. Ng matapos sila sa mukha ko . Sinunod nila yung buhok ko. Matapos ang halos isang oras na kung ano anong ginawa nila sa katawan ko. Narinig ko nalang na nag salita si bakla.

" And done! Wow madam akalain mong mukha ka palang dyosa. Kulang ka lang sa make over."Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa bakla na may kagagawan ng pasakit sa katawan ko. Sinabi nitong tumayo na ako at tignan ang itsura ko sa salamin . Tumayo ako at nag lakad para tignan ang mukha ko.

"Wowww!"malakas na anas ko. "Bossing ako ba talaga to? Ang shalla, nag mukha akong tao."Hindi pa ako nakuntento at hinawakan at tinignan ang buong anggulo ng mukha ko. Grabe parang hindi ako ito. Pinalitan din nila ng kulay ang buhok ko. Ash gray daw ang kulay nito. Grabe talaga makaka pangasawa na ako ng kano nato.

"You look like a woman now, act like one."si bossing na nakatingin din sa akin mula sa salamin sa harapan ko.

"Job well done."baling nito sa mga nag make over sa akin.

"No biggie sir. Please come again."sagot ng mga ito.

Naglakad na si bossing para mag bayad. Ako ay pumunta na sa cr para Maka pagpalit ng damit ko. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa pagmumukha ko.

Pagkatapos namin sa salon umakyat kami sa pangatlong palapag ng mall. Narinig ko si bossing na may tinawagan sandali, at sumunod ay pumasok na kami sa isang botique . Nagulat ako kase walang tao sa loob nito at bukod dun pinasara din ang tindahan matapos namin na pumasok.

"Bakit kailangan nila isara bossing?"usyoso ko kay pogi .

"Because I said so."maigsi nitong sagot. Iba talaga ang mayayaman.'naisip ko.

"Hello sir."bati ng isang magandang dilag na nagtatrabaho dito .

"Hi! please I need a dress for her. For a party and casual and formal wear."sagot ni bossing sa dalaga.

"Sure sir. Let's go miss ganda I will help you choose."nakangiti nitong baling sa akin. Nakakakilig naman tinawag nya akong ganda.

Pumwesto kami sa mga dresses. Ang gaganda naman nito .

"Try this ma'am."binigay nya sa akin ang isang blue dress na may mahabang hiwa sa mga hita .

"Ano ba yan. Feeling ko sisilip ang pempem ko dyan e."reklamo ko dito.

Natawa ito sa sinabi ko pero sinigurado nyang bagay daw ito sa akin at safe magsuot ng may ganitong hiwa sa bandang hita. Kaya wala akong nagawa kung hindi pumasok sa fitting room. Di na daw kailangan ng bra kase my foam na sa bandang dibdib.

Natulala ako sa itsura ko matapos maisuot ang gown . Grabe may pa cleavage ang lola nyo at lalong naging tayong tayo ang mga suso ko sa dress na ito. Pinasadahan ko ng tingin ang bandang hita ko na may hiwa. Hindi na masama. Hindi ako maputi pero makinis naman ako kaya hindi na masama kung mag susuot man ng may ganito kalaking hiwa.

"Ma'am are you done?"rinig kung tanong ni saleslady mula sa tapat ng pinto kung nasaan ako.

"Ayan na."sagot ko at naglakad na para lumabas.

"Wow! ma'am you look gorgeous."puri nito sa akin at hinila ako para ipakita kay bossing ang ayos ko.

Kita ko ang pagkabigla sa itsura ni bossing. Pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Tumagal pa nga ang tingin nito sa bandang dibdib ko. Kita ko ang ilang beses na pag lunok nito pagkatapos ay tumingin muli sa mukha ko.

"I don't like it! Too daring."balik na naman sa pagsusungit ito. Wala akong nagawa kundi maghanap ng ibang dress. Nakailang ulit pa ko ng pag fifit pero naiinis na ako kay bossing dahil lahat nalang ng isuot ko ay ayaw nito. Kung sya kaya mag dress ng masyahan sya, amf!

Last na to' inis kung turan sa sarili. Color peach na dress ito na tube din pero hindi naman masyadong daring sa bandang dibdib. Hapit na hapit ang bewang at hubog ng katawan ko dito. Simple lang sya pero elegante na kahit akong wala namang taste sa damit e nagustuhan ko ang isang ito.

Lumabas akong muli para ipakita kay bossing ang suot ko .

Medyo natulala ang lolo nyo .

"That suits you!"wika nito at sinabi sa dalaga na hanapan din ako ng bag at heels na nababagay sa suot ko .

Hindi pa natapos dun dahil pinag shopping talaga ako ni bossing ng napaka daming damit. Mula pambahay hanggang sa pang rampahan . Nakaka pagod pero abot hanggang tenga ang ngiti ko. Madalang lang ako makabili ng mga bagong damit . Kaya para talaga akong bata sa sobrang saya ko ngayon.