Chapter eight
Sa mall na din kami inabot ng tanghalian kaya sabay na din kaming kumain sa isang mamahaling restaurant doon, katakang takang hindi na nagbayad si bossing para sa mga kinain namin.. Nasa paligid pa din ang ilang tauhan ni bossing nakasunod lang ang mga ito saan man kami mag punta, kumain na din sila sa katabing mesa kung saan kami kumain ni bossing.
Pagkatapos naming mananghalian sinabi ni bossing na kailangan nya munang dumaan sa office nya kase kailangan nyang pirmahan ang ilang importanteng mga papeles. Sya pala ang acting CEO ngayon, Kaya sa kanya naka atang ang importanteng responsibilidad sa kumpanya.
Medyo malayo pa ang bahay nya mula sa office kaya sinama nya nalang din ako. Hindi na nakaka alangan ang suot ko dahil white dress na hanggang tuhod na ang suot ko ngayon. Mapag kakamalan na yata akong syota ni bossing sa ayos ko. Natawa ko sa naisip.
Tuloy tuloy kami na pumasok sa opisina ni bossing. Lahat ng madaanan namin ay bumabati sa amin, particular na kay bossing. Rinig ko din ang ilang bulungan na nag tatanong kung sino ako na kasama ni bossing. Naupo lang ako sa isa sa mga couch sa loob ng opisina ni bossing. Naka upo sya sa lamesa nya at busing busy na nagbabasa ng kung ano anong mga papeles.
"Excuse me sir. Ms. Marga is here."kumatok at deretsong pumasok ang sekretarya nya na nagpakilalang si Ina.
"Let her in."sagot ni bossing dito na hindi manlang lumingon sa kausap.
"Hi babe."malanding turan ng babae na pumasok dito sa opisina ni bossing. Tumingin pa ito na nakataas ang isang kilay sa akin. Maganda sya kung tutuusin pero parang ganyang mga mukha yung kontrabida sa mga palabas. Inirapan ko ito kahit nakatalikod na sa akin. Akala mo kung sino pader naman'natawa ako sa isip. Wala naman kasing boobs tapos mukhang wala manlang suot na bra.
"That's her babe?"tanong nito kay bossing at sumulyap sandali sa akin at nag derederetso na sa gawi ni bossing. Hindi manlang ito nahiya dahil malanding umupo ito sa kandungan ni bossing at parang wala manlang pakialam sa presensya ko.
"I miss you babe."Turan nito at sya na din ang nauna na humalik kay bossing. Akala mo ito suso kung makasipsip. 'Live show mga bhhee.'ang sakit naman sa heartsung ko matapos akong tukain ni bossing kaninang umaga iba naman ang tinutuka nito ngayon. Ito siguro yung sinabi nyang gf nya .'May gf naman pala bat naghanap pa ng fake jowa.', tukoy ko sa pag papanggap namin. Dahan dahan akong tumayo at tahimik na lumabas mula sa opisina ni bossing. Ayokong maka saksi ng nag aasawahan ng live.
Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan ng makalabas kung nasaan sila bossing.
"Uff muntik na ngang maging round girl . Ano ba tawag dun sa taga bilang?"balik tanong ko din sa aking sarili.
"Ayos lang po kayo?"nagtatakang nakatingin si Ina sa akin dahil kinakausap ko ang aking sarili.
"Ayos lang ako Ina. Muntik na akong makapanood ng bold sa loob."sagot ko dito.
Natawa ito sa sinabi ko."Yan yung gf ni sir, pero tignan mo palang itsura halatang masama ang ugali. Minsan nga napag selosan din ako nyan kahit wala naman akong ginagawang masama."sumbong nito sa akin. Mukhang magkakasundo kami sa pang babash dun sa pader.
"Maganda lang naman mukha nya pero pader."sabe ko kay Ina.
"Pader?"takang tanong nito sa akin.
"Oo pader! hinawakan ko ang magkabilang suso. Wala syang bundok dito, sa kanya patag kung baga parang kapatagan. At maihahalintulad din sa isang pader."sabe ko dito na kinabunghalit nya ng tawa.
Tutal hihintayin ko lang naman sila bossing na matapos sa milagrong ginagawa nila sa loob ng opisina nya, naisipan ko nalang na sumama kay Ina papunta sa pantry para mag hanap ng tsibog at magtimpla na din ng kape habang hinihintay na matapos ang dalawa.
Halos mag aalas singko na ng makita namin na lumabas ang pader este ang jowa ni bossing. Andito ako ngayon naka upo at nakikipag chikahan pa rin sa secretary ni bossing na si Ina. Narinig kung tumunog na ang intercom na malapit kay Ina, sinagot nya ito at sinabing si bossing daw iyon, pinasabi lang sa akin na maghintay lang sandali at uuwi na kami.
Wala pang sampong minuto ng lumabas na nga si bossing mula sa opisina nya. Agad nyang nahanap kung nasaan ako . Naglakad na sya palapit sa akin.
"Let's go."wika nito at nauna ng naglakad papunta sa elevator.
"Bye Ina. Nag enjoy akong kachikahan ka at nabusog ako dun, grabe! Wag kang mag alala at sasabihin ko kay bossing na isama ako dito paminsan minsan ."Paalam ko sa bagong kaibigan .
"Sige Tinang kita nalang ulit tayo next time."ngumiti ito.
"Are you coming with me or are you going to sleep here?"si bossing iyon na nagsalita mula sa nakabukas ng elevator .
"Masyado ka talagang mainipin bossing. Nagpapaalam pa yung tao e!"ungol ko dito.
"We didn't come here to find you a new friends, remember that."
"Dapat nga malamig ang ulo na to kase nakapag paputok pero hindi , aba eto at kay sungit sungit pa din ng hudyo.''bulong bulong ko habang naglalakad papasok sa elevator.
"Watch your mouth woman, I can hear you."
Minabuti ko nalang na itikum ang aking bibig mahirap na at baka ipatapon ako na to.
"Bossing yun ba yung gf mo?"tanong ko dito ng makasakay na kami sa sasakyan nya."maganda nga sya, pero masama ugali, bagay nga kayo."bulong ko lang yung huli na sinabi ko, mahirap na at baka makotongan ako ng Mr. masungit nato.
"It's none of your business."masungit pa din nitong sagot."Grabe ka talaga bossing ang sungit sungit mo. Akala mo ka hindi nasarapan sa halik ko a . Ouch it's hurt ."hinawakan ko pa ang bandang puso ko at umarteng nasasaktan.
"You're impossible . Im not paying you to ask me my personal life. Just do what I told you to do and keep quite."tumahimik na din ako dahil mukhang wala sa mood talaga itong kasama ko . Kaya halos wala kaming kibuan pabalik sa mansyon nya. May ilang tumawag kay bossing, rinig kung tungkol sa trabaho iyon.
Ako, hindi si Mark pero tahimik lang. Inenjoy ko nalang ang mga nakikita ko na mga nag tataasang gusali at establishments. Hindi ganito kaunlad sa probinsya namin, ibang iba talaga ang pamumuhay sa syodad at sa probinsya.