FORTY-TWO
“I hope I’ll have a chance to taste you tonight.” Hindi ko na napigilang matawa sa asawa habang inaayos ko ang suot nitong necktie. Ngayon, hanggang sabi na lang siya tungkol sa bagay na iyon lalo pa’t hindi siya makabwelo sa akin. Kagabi kasi, sa mismong gitna pa namin nakatulog ang anak at hindi siya makasingit.
Mabilis kong hinalikan sa labi ang asawa at tinapik ang balikat. “I’ll wait for you tonight.”
Mas lalong nalukot ang mukha niya kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang tumawa nang tumawa.
Mabilis kong hinawakan ang mga kamay ng asawa at iginiya palabas ng kwarto. Ngayon ang unang araw ni Darius sa trabaho and I can’t let her come to the office late.
“Wow, ang pogi–” Mas lalong nag-ayos ng tindig si Darius at nagmayabang dahil sa sinabi ni Kendall. “–ni Park Seo Joon. Oppa!” dagdag na sabi ng babae saka tumingin sa cellphone niyang hawak.
Nakataas ang kilay niyang bumaling muli sa kapatid saka ipinakita ang wallpaper niyang mukha ng isang korean artist.
Bumungkaras ako agad nang tawa kaya mas lalong sumimangot si Darius. Dali-dali ko naman itong niyakap ang hinalik-halikan.
Ganito kasimple lang ang buhay namin sa mga nagdaang taon. Wala na akong hihilingin pa. Sobrang saya kong nakikitang masaya ang lahat sa piling ng isa’t isa.
Back then, hindi ko naman talaga hiniling ang magarang pamilya. Iyong buwan-buwan kailangang magpunta sa mararangyang salu-salo. I wanted the simplest family.
Nagmula man ako sa isang failed marriage, sobrang saya ko pa ring binigyan pa ako ng pagkakataong maging masaya kapiling ang bagong pamilya ngayon.
Napakarami ko nang napagdaanan pero napakasaya kong nagawa kong maranasan ang ganitong buhay.
“Mag-ingat ka, okay? I’ll message you ‘pag paalis na kami ni Marides, also if pauwi na kami–”
“Fely, are you sure–”
“–and you don’t have to worry about that, husband. Alam ko na ang bilin mo, I’ll order some of your bodyguards to accompany us.”
Kagabi ay napag-usapan na namin ang tungkol sa paglabas. Ani ko, mas magandang maipasyal ko rin si Marides agad kahit sa pinakamalapit na mall at park lang. Sinabi kong gusto ko rin makausap ang anak. I wanted quality time with her. Sabi ko kay Darius, pupwede namang ulitin namin ang pagpasyal kapag off na niya sa trabaho.
Nakakabored din kasi sa bahay. Nasa trabaho si Tina pati na si Kendall kaya naisipan kong umalis din kasama ang anak.
“Please, keep safe. I’ll see you later. Mauuna na ako,” mabilis na sabi ng asawa saka ako pinuno ng mga halik. He often does that especially kapag hindi nakakakuha kinagabihan. Madalas ko na lang tawanan ang asawa. He’s really an angel – our angel.
Pagkaalis ng asawa at habang tulog pa ang anak ay wala akong ibang ginawa kundi ang maglinis ng bahay. Sa labas na kami magla-lunch ni Marides para hindi ko na rin kailangang magluto sa bahay.
Maigi kong inilista ang mga pupuntahan para maging organize ang pag-alis. Hindi ko pa rin kasi kayang itaya ang kaligtasan ko at ng anak. Hindi na naalis ang pagiging paranoid sa akin kahit pa noong nasa Australia kami.
Kasama ang dalawang bodyguard na inutusan ni Darius ay maligalig kaming nagpunta sa park, hindi ko na sila sinabihang lumapit sa amin dahil ayaw kong makita sila ni Marides. I told them na pumwesto malayo pero sapat na para makita kami at makatakbo agad kung mayroon mang mangyari.
Hindi naman matawaran ang saya ng anak ko nang makita ang napakarami ring mga bata, mukhang excited na excited siyang makipaglaro kahit pa hindi niya naman kilala ang mga ito.
Ginawa naming maglatag ng baong picnic mat sa lugar. Hindi napipigtas ang tingin ni Marides sa mga batang halos kaedad niyang naglalaro. Nakita ko ang minu-minutong pagtingin ng anak sa akin na parang may gustong sabihin. Napangiti na lang ako doon. “You want to play with them?”
Halos matunaw ang puso ko sa sunod niyang pagtango. Mabilis ko siyang iginiya patayo at inalalayan sa paglakad papalapit sa mga hindi kilalang bata.
Pinagmamasdan ko lang ang anak pero hindi ko magawang mapaluha. Parang kailan lang pinangarap kong magkaroon ng anak pero pinaniwala akong malabo na ang kagustuhan kong iyon. Nagawa kong gumawa nang napakalaking pagkakamali, nagawa kong lapitan ang maling tao. . . they ruined me, nagtagumpay silang sirain ang buhay ko nang gano’n gano’n lang.
Hinding-hindi ko sila kayang patawarin.
Hinding-hindi ko, kahit kailan, susubukang patawarin ang mga taong iyon.
Napakaraming hirap ang pinagdaanan ko pero tuwing nakikita ko ang pamilya, tuwing nakikita ko ang anak ay parang nakakalimutan ko ang lahat. Kapag nakikita ko si Marides parang sinasalakay ng purong kasiyahan ang sistema ko.
Nagawa man akong pahirapan ng tadhana, ng buhay, masayang-masaya akong hindi ako sumuko.
“Mami! Pee! Need to pee!”
Dahil walang suot na diaper si Marides ay mabilis ko itong nilapitan at binuhat. Marahan ko na ring niligpit ang picnic mat lalo pa’t walang ibang magbabantay noon saka naghanap ng malapit na comfort room.
Nang makaihi ay balik na sa pagtawa si Marides. Napakarami niyang kwento na nahirapan na akong maintindihan. I am glad na talagang napalaki namin siya nang maayos, malayo sa gulo, malayo sa lahat ng sakit.
“Mami, are you crying?” Kung hindi pa siya magsasalita ay hindi ko pa mapapansin ang pag-iyak. Mabilis kong pinahid ang mga luha at hinarap ang anak.
“I’m just happy–”
“Happy. . . smile,” mabilis niyang gagad saka ipinakita ang malaki nitong ngisi na para bang tinuturuan akong ngumiti.
“Thank you for making Mami happy. . .” Hindi ko na napigilang humagulgol.
Hawak ko ang anak sa kanang kamay at masayang-masaya ito habang naglalakad nang may batang lalaking biglang bumangga rito dahilan para bumagsak sa lupa ang dalawang bata. Mabilis akong naalarma lalo na noong may lalaking humila nang malakas sa batang lalaki dahilan para mapaiyak ito nang tuluyan.
Nang makatayo ay halos kaladkarin niya ito. Para bang nakaramdam ako ng pagkainis kaya pagkatapos kong aluin at buhatin ang anak ay sinundan ko ang lalaking karga-karga na ngayon ang batang lalaki.
“Excuse me, Sir, pasensya na po pero hindi niyo po dapat ginagawa ‘yun sa bata. Baka mapilayan po ‘yang anak niyo," mabilisan kong sabi mula sa likuran nang naglalakad na lalaki. Napansin ko namang huminto ito at gano’n na lang ang gimbal ko noong harapin niya ako.
“Felicity. . .”
Pakiramdam ko ay nawalan ng lakas ang mga tuhod ko nang mapagmasdan kong muli ang mukha niya. Rumagasa ang mga luhang hindi ko inasahang lalabas pa sa mga mata ko.
Akala ko, pagkatapos ng lahat, pagkatapos ng tatlong taon ay mawawala na ang sakit na nakadagan sa puso ko pero hindi. Hindi gano’n kadali – napakahirap dahil napakasakit.
Seeing his face today. . . parang bumalik ang lahat ng hirap na napagdaanan ko, iyong mga araw na ginusto ko na lang mamatay, iyong mga araw na gusto ko na lang lunurin ang sarili ko at patayin sa gutom.
Akala ko, hindi na kikirot. Akala ko, tuluyan nang nabura sa memorya ko si Cornell.
“Cornell,” mahina at parang bulong ko na lang na sabi.
Ang una nitong paghagulgol ay nasundan nang napakarami. Hindi na niya nakontrol ang sarili dahil tuluyan na itong bumagsak sa daan.
Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang igiya at tulungan patayo pero napako rin ang mga paa ko sa daan.
“Tara na, ‘nak. Maggagabi na. . . uwi na tayo.” Malinaw na kay Marides ko iyon sinabi pero hindi ko magawang maalis ang mga mata ko sa lalaking kinakapos na sa paghingang nasa harapan ko.
Sa pagkakataong iyon ay nagawa kong pagmasdan ang batang na nasa gilid niya, kamukhang-kamukha niya iyon. . . ang anak na labis niyang pinapangarap – sa akin, pero nagawa niyang makuha sa iba.
Mabibigat man ang paa ay nagawa kong ihakbang iyon. Hindi kami dapat magkita. Hindi na pupwede.
“Mami. . .”
“Felicity, please. . .” Habang tumatagal na naririnig ko ang mga daing nito at hagulgol ay parang paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko. “Gusto kong magpaliwanag. . . please, pakinggan mo ako. Mag-usap tayo.”