FORTY-THREE
“I loved you. . .” Nanatili ang mabibigat kong titig sa lalaki. Prente lang itong nakaupo sa tapat ko na parang naging normal na ang pag-iyak sakanya.
Mula sa kinauupan, sa isang maliit na coffee shop, ay tanaw ko si Marides at ang batang lalaking kasama ni Cornell na busy sa paglalaro.
“I love you, still.” Patagal nang patagal ay mas lalong lumala ang panginginig ng kamay niyang nakapasok sa mesa. “I’ll love you always.”
I loved him, too. Napakaraming bagay ang pupwede kong sabihin para mapatunayang totoo iyon. Minahal ko siya sa pinakaunang araw hanggang sa kahuli-hulihang beses, hanggang sa hindi ko na kayanin ang sakit. Binigay ko rin ang lahat ng kaya ko, inubos ko ang sarili ko.
“Cornell, tama na–” mabilis kong sabi. Hindi iyon ang gusto kong marinig ngayon. Gusto kong marinig ang paliwanag niya sa kung paano kami umabot sa ganito. Kung paano niya kinayang tiising araw-araw akong nasasaktan. . . Kung paano niya magawang ilagay ako sa sitwasyong alam niyang hindi ko kailanman kakayanin.
Kung bakit sa iba niya tinupad ang mga pangako niya.
Gusto kong malaman ang lahat. . . pero hindi ibig sabihin no’n na maibabalik pa namin ang lahat sa dati.
“Si Zeina, Cornell, patay na ba talaga siya?”
“It wasn’t Zeina’s fault.”
Gusto kong pagsisigawan ang lalaki. Paanong ginagawa niya pang ipagtanggol ang babae? Noong mga panahong, sarap na sarap sila sa isa’t-isa. . . noong mga panahong masayang-masaya sila sa pagkakaroon ng anak, sinasakal ako ng sakit. . . para akong kandilang unti-onting nauupos at nauubos.
Hindi ko na napigilang pakawalan ang isang butil ng luha pero nagtuloy-tuloy iyon hanggang sa naging basang-basa na ang pisngi ko.
“Kagagawan ‘to lahat ni Zaccarias Rockwell. Our accident, sinadya niya ang lahat ng iyon at kasama iyon sa plano niya. He. . . He was after you, Fely.”
Ramdam na ramdam ko na ang milyon-milyong punyal na paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko. “I don’t even know him! Bakit ako? Bakit sinira nila tayo?”
“But you knew the woman he loved,” tapat na sabi ng lalaki. Diretso ang tingin nito sa mukha ko kaya sigurado akong kitang-kita niya ang takot na sumilay sa mga mata ko. “Your mother.”
Hindi ko na nagawang ibuka ang bibig. Ang mga luha ko na ang nagpapahayag ng nararamdaman.
“It was your mother’s infidelity. Ayon sakanya, pinagtaksilan daw umano siya ng nanay mo at nagawang magpabuntis sa iba. Gusto niyang maghiganti sa nanay mo but he can’t do that. Hindi pa, dahil hindi niya pa alam kung nasaan siya. So he planned to do everything to see her, to make her come out at kasama ka roon. Iniisip niyang kung sasaktan ang anak niya, mapipilitang lumabas ang mommy mo–”
“I don’t even know that woman! Hindi ko alam kung kilala niya rin ako! Hindi ko alam kung magpapakita siya para sakin. Hindi ko alam kung nasaan siya or kung buhay pa ba siya! Cornell! Ano ba? Paano titigil si Zaccarias?” I just lost my calm. Kung totoo nga ang sinasabi ni Cornell, nasa panganib pa kami dahil hindi pa nagagawang lumabas ang babaeng inaantay ng Zaccarias na ‘yun.
“I’m sorry. . . I–I tried to protect you–”
Hindi ko na napigilan ang bumungkaras ng pilit na tawa dahil sa narinig mula sa lalaki, “Protect me?”
“Fely–”
“You tried to protect me? Cornell, you fucking ruined me! Naubos ko! Mas inuna kitang isipin kaysa sa sarili ko! Inuna kong mahalin ka kasi sa sarili ko–” Hindi ko na natuloy ang sinasabi. Parang sa isang iglap nalunok ko ang mga gustong isumbat sa lalaki.
“Please, listen, Fely. I did. He threatened me first. He told me na kapag hindi kita nilayuan, papatayin ka nila. All I wanted was to save you. Fely. . . kahit kailan, hindi ko sinadyang masaktan ka. Hindi ko, kahit kailan, kinayang makita kang umiiyak. Hindi ko ‘to ginusto. Hindi ako naging masaya ng wala ka, Felicity, pero kailangan kong tiisin ‘yun kasi ayokong totoohin niya ‘yung sinasabi niya. Gusto niyang sirain ang lahat ng sa’yo, gusto niyang magsuffer ka rin katulad ng mama mo–”
“No!” Ilang beses kong kinumbinsi ang sariling huwag pakinggan ang kahit anong sasabihin ng kaharap pero sapat na ang marahas na panginginig ng mga kamay ko para makumpirmang pumasok na sa sistema ko ang sinasabi ni Cornell. “How dare you lie to me? Bakit ka nagsisinungaling sakin hanggang ngayon?”
Hindi ako papayag na maging mahina ulit sa harapan niya. Sapat na ang ilang buwan para makita niya kung gaano ako kasira dahil sa kagagawan niya. “Ginusto mo ‘yun, Cornell! Ginusto mong lumapit kay Zeina! Gusto mong angkinin ang babae para magkaanak sakanya. Gusto mo siya! Mahal mo siya! ‘Wag na ‘wag mong sasabihin sa aking prinotektahan mo ako at hindi ka naging masaya kasi nakuha mo na ‘yung lahat! Desisyon mong pumayag, desisyon mong magpagamit sakanila. It was your fucking choice. Stop saying nonsense!”
Sa sobrang pagwawala ay bumagsak na ako halos sa lapag. Dahil doon ay mabilis akong nilapitan ni Cornell pero mabilis ko lang siyang pinagtutulak palayo sa akin.
“They’ve planned everything. Fely, listen. Totoong gusto ako ni Zeina. Totoong gusto niya ako at ginamit iyon ng Zaccarias na ‘yun para gantihan ka. He used every way possible para magkrus ang landas nating tatlo. Pinalabas nilang hindi ka na magkakaanak, binigyan nila tayo ng gap sa relationship natin pagkatapos ay saka niya ako kinausap. Fely, wala akong alam!”
Pakiramdam ko ay nawala ako sa sarili. Naririnig ko ang sinasabi ng lalaki pero hindi ako tumitigil sa kakapadyak at iyak, gusto ko siyang paalisin, gusto ko siyang itulak palayo pero habang ginagawa ko iyon ay mas lalo lang niyang hinihigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Hindi ko na naisip kung ano ang sasabihin ng mga nakakakita. Wala na iyon sa utak ko. Sa isang iglap, pakiramdam ko bumalik ang lahat ng sakit na naranasan ko sa sa piling ni Cornell. Lahat ng isinakripisyo ko, lahat ng tiniis ko at lahat ng kaawa-awa kong sinapit.
Para akong sinasakal ng totoo. . . hindi ko gustong tanggapin at papasukin iyon sa utak ko pero kusa itong humahanap ng paraan.
“I. . . I wanted you safe. I promised to keep you safe at hinding-hindi ko, kahit kailan, kalilimutan ang pinangako kong iyon.” Hinuli niya ang takot na mga mata ko pagkatapos ay hinaplos-haplos ang pisngi, kitang-kita ko ang mga luhang nag-uunahan ding bumagsak sa pisngi ng lalaki.
“Gusto kong protektahan ka kahit pa buhay ko ang maging kapalit no’n, Felicity. I’ve made a big mistake as well, pero masaya akong nasa mabuti kang kalagayan. Masayang-masaya ako para sa’yo.”
Bumalik ang mga masasayang alaala ko kasama si Cornell. Iyong unang beses na paglipat namin sa sariling bahay. . . ang unang beses na nagtabi kami sa pagtulog at ang unang beses na gumising akong katabi ko siya. Ang maiinit na yakap pagkatapos ng mahabang oras sa trabaho. . . ang masasayang pagkukulitan kapag day-off. . . We were the perfect couple. Nagawa naman naming maging masaya ng kami lang dalawa kaya bakit pa kailangang mangyari ang lahat ng ito?
“I love you so much. . . Kasiyahan ko na lang ngayon ang makita kang masaya sa iba. Sana. . . sana hindi ako natakot sa sinabi niya, sana ay mas ipinaglaban kita at mas prinotektahan noong sinabi niyang papatayin ka niya. Lahat. . . Lahat ng ginawa ko sa harap mo noon ay ideya nila at wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang sumunod dahil ayaw kong mapano ka–”
“You should've fucking told me! Mag-asawa tayo! Cornell, mag-asawa tayo! Sa hirap at ginahawa! We promised Jesus! Magkasama dapat tayo sa lahat, you should've told me–”
Hindi ko na mahabol ang hininga. Pakiramdam ko ay ilang sandali na lang ay tuluyan na akong mahihimatay pero hindi. . . Hindi ko pupwedeng isarado ang mga mata ko.
“I’m sorry. . .”
Parang ang dalawang salitang iyon ay ang siyang inaantay na lang ng puso ko para tuluyang mawarak. Sa ganoon kabilis na panahon ay pakiramdam ko, nasira akong muli. Pagkatapos nito, hindi ko na naman alam kung paano magsisimula.
“Napakarami kong pinagsisisihan. I must admit that it was my fault. Kaya kahit gustong-gusto ko ng bawiin ang mga sinabi ko sa’yo noon, kahit gaano na kita kagustuong yakapin kapag dumating ka sa bahay galing sa trabaho, pilit kong isiniksik sa isip ko na kailangan kitang layuan para matagal pa kitang makita. . . para hindi ka nila saktan, para hindi ka mawala. Kailangan kong tiisin tuwing naririnig ko ang paghikbi mo kahit sinasakal na noon ang puso ko. Kailangan kong balewalain ang mga pakiusap mo. . . Kailangan kong pekein ang nararamdaman para ikaw na mismo ang umalis sa tabi ko pero, Felicity, wala ni isang araw na kinaya kong wala ka.
“Wala akong plano manggulo, sa totoo lang. Hindi ko na iniisip na pabalikin ka pa sa buhay ko kasi wala na akong mas kasing saya pa ngayon na nasa tabi mo na si Kendarius. Kaya ko lang ginustong makipag-usap sa’yo, para linawin ang lahat. . . Pasensya ka na kung pinapahirapan pa kita ngayon, kung sinasaktan na naman kita. . . kung binibigyan ko na naman ng bigat ‘yang dibdib mo. Wala akong balak manggulo, Fely. Matagal ko nang natanggap na hindi na pwede, pero gusto ko pa ring malaman mo kung gaano ako nagsisisi. Kung gaano ko pinagsisisihan ang lahat, kung paano ko gabi-gabing naiisip na ‘paano kung ipinaglaban kita at hindi kita binitawan noon?’ but then, I’ve realized, ulit-ulitin man ang parte na iyon ng buhay natin. . . paulit-ulit kong pipiliin ang desisyon kong iyon. Felicity, hindi man kita habangbuhay kasama. . . Masaya na akong alam ko sa sarili kong habambuhay kitang puprotektahan.”
Mas humigpit ang haaak niya sa kamay ko habang pilit akong hinahagkan. “Kaya hindi mo na kailangang matakot, ha. Hindi mo na kailangang ma-paranoid kapag lalabas, hindi mo na kailangang magkaroon ng masamang panaginip tuwing gabi sa takot na baka gantihan ka ni Zaccarias kasi nandito ako. . . Nandito si Cornell, Felicity. Hindi man kita magagawang makasama araw-araw, hindi man kita magagawang makita. . . mahawakan o mayakap, masayang-masaya na ako na alam kong masaya ka. . . Mahal na mahal kita, Felicity. . . Thank you for making me complete for the rest of my life.”
Sa labis na pag-iyak ay ramdam na ramdam ko ang pamamanhid ng buong katawan. Bago ko pa man maipikit ang mga mata, narinig kong nagsigawan ang mga taong naroon. Malabo man ang paningin, kitang-kita ko si Darius na nasa ibabaw na ni Cornell habang tuloy-tuloy na pinagsusuntok ang lalaki.
“Darius. . .” mala-bulong ko na lang na sabi bago tuluyang bumagsak ang talukap ng mga mata.