THIRTY-FIVE
"Oh my God, Kuya! I felt him! Sumipa siya, sumipa– ano ba!" Wala na lang akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan ang dalawang magkapatid na nasa tapat lang ng tiyan ko. Pawang nakaluhod ang mga ito at nagsisiksikan.
"Three months pa lang 'yan, anong sumipa?"
Bumungkaras ako ng tawa sa pinaggagagawa nila. Ginagawa nilang parang santo ang tiyan ko dahil sa minu-minutong paghawak at paghaplos nila rito.
"I wonder what it feels like if you have a breathing baby in your stomach. Ano kaya sa tingin mo, Ku–"
"Kendall Esmeralda Porter, ano ba!"
Halos kapusin lalo ako ng hininga roon, "Esmeralda?"
Bagsak na ang balikat ni Kendall na parang pikon na. "Hell no! Hindi ko 'yun pangalan. Mahilig lang talagang idagdag ni Kuya."
Hindi na maipaliwanag ang gusot sa mukha ni Kendall dahilan para pagtawanan na iyon nang pagtawanan ni Darius. Master din 'to sa asaran.
"Kasi ganito 'yan–"
"Kuya naman, eh!"
"'Yung ex niyan nung college, pinagpalit siya sa ML. Ghinost, tapos nalaman-laman namin naadik sa laro, grandmaster pa lang naman. Mga halaga ng kapatid ko, pangmythic eh!" Sa sobrang lakas ng tawa ni Darius, nakahawak na ito ngayon sa tyan niya. Ang lalaking ito talaga, napakalakas mang-asar sa kapatid.
Hindi na lumipas ang ilang minuto at tuluyan nang umalis sa kwarto si Kendall na mukhang nagdadabog. Mabilis kaming nagkatitigan ni Darius, seryoso na ngayon ang mukha niya ma para bang hindi man lang kinapos ng paghinga. "Hala ka. Manunuyo ka ngayon, boy."
Patawa-tawang lumakad si Cornell palabas at hinabol ang kapatid. Susundan ko sana ito nang biglang tumunog ang doorbell. I hurriedly go there to check at nakangiting bumungad sa akin si Tina pagkabukas na pagkabukas ko ng gate.
"How's the bride?" Ngumisi ako nang malawak sa tanong niya. Iginiya ko sa kaibigan ang daan papasok sa bahay.
Simula noong dito na ako pinatitira ni Darius sa bahay nila, hindi ko na rin siya napansing bumalik sa condo niya. Paminsan-minsan na lang din ako nakakabisita sa dati naming bahay ni Cornell — tuwing may kukunin na lang na gamit o kung ano.
Sa tatlong buwang nakalipas, pakiramdam ko hindi nakakasunod ang isip at katawan ko. Parang wala akong ibang magawa kundi tumanggap nang tumanggap ng mga bagay.
Na-file na ang annulment sa korte. Ginagawa nang mapabilis ang annulment process pero hindi ko masasabi kung hanggang kailan iyon magtatagal. Sa tatlong buwan kasing iyon ay hindi pa umaattend si Cornell na siyang mas makakapagpabilis ng proseso. Nakakalap na rin naman kami ng sapat na ebidensya at mga witnesses para makapagpatunay doon kaya sigurado na kaming ilang buwan na lang ang kailangan naming antayin.
Nagawa naming pag-usapan ni Darius ang kasal. Pareha kaming gustong gawin iyon bago ako manganak at bago pa lumaki ang tyan ko kaya puspusan din ang ginagawa naming preparations. Labis-labi ko ring naaappreciate ang tulong mula kay Tina at Kendall. . . wala na akong ibang hihilingin pa.
Masaya ako sa tuwing gumigising ako sa umagang katabi si Darius at sa batang lumalagi na ngayon sa tiyan ko. Hindi ko magawang maipaliwanag ang maramdaman.
It felt so true. . . na siyang mas ikakasaya ko pa.
Talagang magkakaroon na rin ako ng sariling pamilya.
Si Darius. . . he can make me feel everything. Iyong lahat ng naging paghihirap ko mula kay Cornell ay nagawa niyang burahin kahit sa maiksing panahon.
"Good morning, Miss Carlos." napasinghap ako sa biglaang pagdating ni Darius sa tabi ko. Ngumuso lang si Tina sakanya saka humarap sa akin.
Nang magkakilala ang dalawa, nagkaroon pa ng asar-buddy si Tina. Pare-pareha iyang mga ‘ya pero mga asar talo rin naman.
“Aalis na nga ako. Nagdidilim paningin ko,” ratsada ni Tina. Dali-dali nitong tinungo si Kendall na tawang-tawa na sa gilid. Hindi na iyon pinansin ni Darius, bumaling ito sa akin. “Ready ka na, Misis?"
Mabilisan akong tumango at saka sinalikop ang mga kamay sa kamay niyang kanina pa pala nakahawak sa kamay ko. Ang lalaking ito talaga, maloko — pero nakakakilig pa rin.
Pakiramdam ko, may pakpak ang puso ko at malayang lumilipad sa kung saan.
Sa ilang buwan na lang, makukuha na namin ang hinahangad. Tuluyan na akong mahihiwalay sa lalaking walang ibang ibinigay sa akin kundi ang sakit. Tuluyan na akong mahihiwalay may Cornell.
This time. . . I'm pretty sure that I'll be free from all the pain.
Naiwala ko ang iniisip nang pinisil-pisil ni Darius ang kanang kamay para kunin ang atensyon.
May babae ng kinakausap si Tina. Katulad ng napag-usapan, ngayon darating ang wedding organizer at mukhang siya na nga iyon. Namawis agad ang kamay ko sa kaba.
This is it!
Talagang sa ilang buwan na lang ay tuluyan na akong haharap sa panibagong buhay. I really do wish for the best. Hinding-hindi ko makakalimutan ang lahat ng sakit na pinagdaanan pero sapat na sa aking malamang hindi na iyon mauulit.
Sa totoo lang, napakahirap magtiwalang muli. Mahirap sumugal sa pangalawang beses pero hindi ako nahirapang magtiwala ulit kay Darius. Hindi ito mahirap mahalin. . . Hindi mahirap suklian ang lahat ng ginagawa niya sa akin dahil siya iyong taong hindi ka hihingian ng kapalit sa lahat. He waited for me to overcome. . . to move on. Inaantay niya ang desisyon ko sa lahat.
Hindi niya sinala ang ugaling ipapakita sa akin. Kitang-kita ko ang bawat ugaling ipinapakita niya; kung paano ito bilang kapatid, kaibigan, boss, at kasintahan.
He's the most passionate man I know. Mahal na mahal niya ang ginagawa niya, ang trabaho, pati na ang mga taong nakapaligid sakanya.
Kakakilala nga lang nila ni Tina ilang buwan na rin ang nakakaraan pero alam ko na agad kung gaano ito ka-concern sa kaibigan ko.
If you'll have a chance to meet him, mapatutunayan niyo rin ang sinasabi ko — he's precious.
Siya iyong lalaking alam kong hindi dapat pinababayaan at sinasayang.
We both have a painful past we thought we won't overcome. Hanggang ngayon, binabagabag pa rin siya ng pagkamatay ng mga magulang, sinisisi niya pa rin ang sarili dahil doon. He's scarred because of what happen. Hindi naman namin magagawang timbangin at ipagkumpara ang sakit — hindi iyon ang mahalaga. . . for atleast we are fighting — with each other.
I don't know if this a good catch for Darius; wala itong asawa, samantalang ako napakagulo na agad ng buhay dahil sa palpak na marriage. Nang malaman iyon ng public, katulad ng inasahan ko kay nakakuha kami ng magkakaibang opinyon. Maraming hindi sumang-ayon. They started to hate Darius for picking an indecent woman, which is me.
But instead na ipagtanggol niya ang reputasyon niya sa mga tao, instead na habul-habulin niya iyon para sa trabaho ay mas pinili niya akong ipaglaban.
Hindi niya tinigilan ang mga masasamang salitang ibinabato ng tao sa akin hanggang biglang sa paggising ko na lang ay wala na ang lahat.
"–are you okay?"
Mabilis akong nagpakurap-kurap, napansin kong nakatigin na silang apat sa akin — si Kendall, Tina, si Darius pati na ang wedding organizer na kinuha.
"Fely?"
What's wrong with me? Siguro ay dahil sa pagbubuntis. Nitong mga nakaraang araw rin kasi ay nahihirapan ako sa pagpo-pokus.
"I'm fine. I'm sorry. . ."
Tumayo agad si Darius at marahan akong binuhat patayo. He's always like this, iniisip ata nito na nabibigatan na ako sa tyan kaya pati pagtayo ko at paglalakad ay umaalalay siya. "Excuse us. I just need to talk to my bride," deretsahang sabi ni Darius sa mga naroon na nakakuha agad ng mga ngisi nila.
Dahan-dahan kaming naglakad palayo, pakiramdam ko nga ay lumilipad pa rin ang utak ko kung saan-saan. Sabi naman ng doktor ay normal din ito, kaya wala naman kami dapat ipag-alala. Kaya lang itong si Darius, ultimo pananahimik ko ay alalang-alala pa rin siya.
"Wife–" Hinampas ko ito nang mahina kaya agad siyang natawa. Magsasalita pa lang itong muli nang tumunog ang cellphone nito. Dali-dali niya itong kinuha sa likod niyang bulsa at sinagot.
Ang ngumingising si Darius ay naging seryoso. Ilang beses itong sumang-ayon sa kausap bago magpasalamat at magpaalam. "What is it?" I asked him.
"How are you? May nararamdaman ka bang kakaiba?" Hindi ko ito sinagot at kaagad siyang niyakap. Hindi na nito kailangang magsabi kung ano marahil ang nararamdaman. The reaction to this face is very evident at pansin na pansin ko iyon. "I'm okay. 'Wag ka nang mag-alala."
Mabilis itong tumango-tango. I felt his body relaxed. "Si Attorney Adler. Pinaalala niya lang 'yung hearing bukas. He told me na pangatlo na 'to, if Cornell didn't come tomorrow, wala na tayong magiging problema at mag-aantay na lang tayo ng resulta."
Mabilis niya akong hiniwalay sa yakap, tinapatan nito ang mukha ko sakanya. "Kung pwede nga lang kidnap-in ko muna si Cornell para sigurado na bukas–" Agad itong natigil nang tumalim ang tingin ko. "–I know, I can't do that. Mananalo rin naman tayo sa kaso, that's Attorney Adler."
Hinaplos-haplos ko ang mukha ng lalaking mapapangasawa, pilit itong pinapakalma. "Calm down, will you? The annulment will be granted, we will be married soon enough. 'Wag ka nang mag-alala. This will be over soon."
Humalakhak na ito nang kaonti kaya tuluyan na akong nakahinga nang maluwag. "Will you be my bride, then?"
Natatawa akong tumango. Dinikit ni Darius ang noo sa noo ko, ang tingin nito ay nasa mga labi kong muli. "How about we ditch them? Nandoon naman si Tina. . ."
Tumawa agad ako nang tumawa. Ang lalaking ito talaga! "You can't do that. Kailangan tayo do'n– Darius!" Hinapit niya akong agad papalapit sakanya kaya ako napasigaw. Nasa kusina lang kami ng bahay at nasa living area naman ang mga kasama.
Naipikit ko agad ang mga mata nang makitang sumubok itong halikan ako.
"Kuya, ambagal mo talaga! Ipalit ka na lang kaya namin sa pagong?" Mabilis kong naitulak papalayo si Darius. Pinandilatan ko siya at agad na naunang maglakad pabalik.
Doon nga at nakasalubong ko si Kendall na bumubulong-bulong pa. Wala na akong nagawa kundi ang tumawa nang tumawa, binabalewala ang bagay na bumabagabag sa akin — ang magiging sitwasyon namin kinabukasan.