THIRTY-SIX
"Felicity, calm down." Binigyan ko nang nag-aalalang tingin si Tina bago umupong muli. Naramdaman ko rin ang marahang paghaplos-haplos ni Darius sa mga kamay ko.
"He wouldn't come." Sabay-sabay kaming napatingin kay Attorney Adler. "Pagkatapos ng araw na ito, wala na tayong ibang kailangang gawin kundi mag-antay."
Nakailang buntong-hininga ako. Bago tuluyang itigil ang hearing iyon. Kinumpirma nilang hindi na dadating si Cornell dahil lagpas na ito sa itinakdang oras ng korte. Nagbigay pa nga sila ng kaonting palugit pero wala talagang anino ng lalaki.
Ilang sandali pa ay naglabasan na ang mga tao roon pero napakalakas pa rin ng kalabog ng puso ko. At least now, alam na namin na matutuloy ang kasal.
Ilang buwan na ang napreparations at pag-aantay. Sana talaga hindi pa ganoon kalaki ang tyan ko pagdating ng araw na iyon.
"Darius, cr lang ako. Antayin niyo na lang ako rito," deretso kong sabi sa lalaki na ngayon ay kausap na si Attorney Adler.
"Will you be okay? Sasamahan kita–"
"No need. Baka makita ko rin si Tina at Kendall dyan sa hallway. I'll be with them," paliwanag ko pa. Buti at hindi na rin siya nagpumilit, madali lang naman kasi ako. Kailangan ko lang mag-ayos pagkatapos ay hahanapin ko na rin ang kaibigan.
Napakaaga pa para sa pananghalian pero napakaingay na ng tyan ko. Nagmadali ako sa pagpunta sa banyo, inayos ko ang sarili at umihi na rin. Ilang minuto lang ang tinagal ay pabalik na ako sa lugar nang mapansin ko ang maliliit na patak ng kung ano – no, hindi ito basta kung ano lang. Patak iyon ng dugo.
Magulo ang isip ko noong sinubukan kong sundan ang malliit na patak ng dugo na iyon. Nag-aalangan ako kung tama ba ang iniisip dahil ako lang ang nakapansin nu'n sa daan. Despite the doubt, nagtuloy-tuloy pa rin ako sa pagsunod.
Ganoon na lang ang gimbal ko nang mahanap ko ang taong pinagmumulan ng dugong iyon.
"Cornell"
Mabilis akong nilingon ng lalaki. Simpleng puting t-shirt at pantalon lang ang suot nito. Nakahawak siya sa may tagiliran, ang kanang kamay niya ay punong-puno na ng dugo.
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa nakita. Kinumpirma lang nang mabilis niyang paglingon ang lahat ng naiisip ko. Si Cornell nga iyon. . . and he was stabbed.
"Cornell. . ."
Nang makita niyang ako ang tumawag sakanya ay mabilis siyang tumakbo papalayo. I was out of my mind for a few minutes dahil nagawa ko siyang sundan habang punong-puno ang sarili ko nang mga katanungan.
Why is he here? Bakit siya duguan?
Maybe, I really need to follow him. Alam kong sakanya lang ako makakakuha ng sagot.
What the hell is he doing here? May plano pa siyang magpunta sa hearing?
"Cornell! Please!"
Mas binilisan ko ang pagtakbo, pilit akong nag-iingat tuwing may hagdan akong kailangang daanan. Something's not right.
Bakit ng ba hindi nagawang magpunta ni Cornell sa tatlong beses na hearing na iyon? Noon, iniisip ko lang na baka tuluyan na itong sumuko katulad ng sinabi nito sa huli naming pag-uusap pero ngayong nakita ko siya rito ay parang nabago ang lahat ng iniisip ko. Para bang natakot ako para sa lalaki.
Bumalik sa akin ang sinabi ni Zeina noong narinig ko silang dalawang nag-uusap. Her father. . . he wants me dead.
Hindi ko pa nagawang sabihin iyon kay Darius dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari. What if maging risk iyon sa amin? Sa magiging anak ko?
"Ate?"
"Huy, Felicity! Are you okay? Saan ka pupunta? Why the hell are you running?" Nagpakurap-kurap ako sa sunod-sunod na tanong ni Tina.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Gusto kong ilabas ang lahat ng nararamdaman. Gusto kong i-kwento sa kanila ang nakita pero natatakot akong baka madamay rin sila. What if nagsisimula nang kumilos ang tatay ni Zeina? But, why? Bakit ako? Bakit kami? I don't even know him!
Inantay kong kumalma ang pagkalabog ng puso ko bago ko sila ngitian. Umiling na lang ako at niyaya na sila pabalik. Ang mga dugong nasa dinadaanan ay natatapakan na ng mga tao at hindi na napapansin.
This place is full of busy people. Paano pa nga ba nila mapapansin iyon?
Matatapakan, mapapahid ng mga mamahaling sapatos pagkatapos ay wala na. Magiging malinis na ulit ang daan.
Sa mga minutong nagdaanan, nas nahirapan akong i-pokus ang sarili. Konkreto na ngayon sa akin na hindi ito dahil sa pagbubuntis.
Si Cornell. . . bakit ngayon ko pa siya kailangang makita?
Bakit siya duguan? Bakit siya naroon mismo sa lugar ng hearing?
Bakit siya nagpunta?
"Fely. What is it? Tell me." Nahimigmigan ko ang nag-aalalang boses ni Cornell. Nasa sasakyan pa kami kasama si Kendall at Tina. I was out of my mind! Ilang minuto na ba akong tulala at wala sa sarili?
I was really torn. Hindi ko alam kung kailangan ko pa bang sabihin sa kasintahan. If yes, ano kaya ang mangyayari? Would that thing affect us? Our wedding?
Gustuhin ko mang mas maging tapat sa lalaki ay pinili ko ang gawing sekreto ang lahat. I'll tell him soon. . . kapag nagawa na naming ayusin ang lahat.
For now, paulit-ulit kong susubukan na maiwala iyon sa utak ko. I should focus more on our wedding lalo pa't hindi na malabong mapadali ang annulment.
Hindi dapat ako ma-stress dahil labis na maaapektuhan noon ang anak sa sinapupunan. I really need to get a hold of myself for Darius. . . for my family.
"Fely–"
"I'm okay. These past few days hindi ko lang maintindihan ang nararamdaman ko. Maybe, I am just overwhelmed. We're hitting the goal," masuyo kong sabi. Sinakap ko ring lungunin ang mga kasama sa likuran para hindi na sila mag-alala.
For now, I need to solve this alone.
Marami na ring problemang kinakaharap si Darius at ayoko nang dagdagan pa ang mga iyon.
Pinili naming umuwi ng deretso sa bahay at magtake-out na lang ng pagkain.
Sinubukan kong makisabay sa mga kasama pero hindi ko na rin nagawa. Aligaga ako sa pag-iisip ng ikikilos. I need to do something. . . or atleast find out who he is.
"Wife, where are you going?" Bahagya kong nilingon si Darius, bahagyang nanginginig ang kamay. Hindi ako magaling magsinungaling pero sana hindi ako magfail sa reaksyon kahit ngayon lang.
"M-May kukunin lang ako sa kwarto. I'll be okay," sagot ko. Halos makurot ko pa ang sarili dahil sa pagkainis sa pagkautal.
"Are you really sure? Samahan na kita–"
"No, no. You don't need to. Bababa ako agad. I'm hungry, too." Nang tumango ang lalaki ay para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.
Nilapitan niya ako nang madali saka hinalikan sa noo. Pagkatapos ay pinaderetso niya na ako sa itaas.
Nagmamadali ako pero nag-iingat sa dinadaanan. Sumisirko na sa isip ko ang kapahamakang pwede naming makuha kung sakaling totoo ang sinasabi ni Zeina. I need to know something. Hindi ako papayag na mananatili na naman akong mahina sa labang ito.
I'll become stronger. . . for my family.
Hinay-hinay kong isinarado ang pinto ng kwarto at kinuha ang telepono. Hindi ako nagkamali ng tinawagan. Sa ilang ring lang ay nasagot niya itong agad.
"Hani, I need your help. . . I need you to find someone for me."