Chapter 9
Cyrus —
“What the fvck?!” malakas na sigaw ko na umalingawngaw sa buong bahay. Mabilis akong tumakbo papunta kay Dania at sinalo siya.
Shit ka, woman! Why did you do that? Grabe grabeng kaba ang nararamdaman ko ngayon dahil sa ginawa niya sa sarili niya.
Nagmadali akong tumakbo papuntang pinto habang buhat-buhat siya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang sinusulyapan siya lalo na at naliligo na siya sa sariling dugo niya dahil sa pagsaksak niya sa tapat ng puso niya. A fvcking shit!
Nang makarating ako sa hospital ay agad akong sumigaw at tumawag ng nurse hanggang sa may dumating nang stretcher. Agad kong hininga si Dania roon at agad naman nilang dinala ito sa emergency room.
Napapikit na lang ako nang mariin habang naririnig ang boses niyang nagsasabi ng mga hinanakit sa ‘kin kanina. Na hindi siya aso para pasunudin ko at hindi siya baboy para pagsamantalahan ko. Napakagago ko pala. Pero masisisi n’yo ba ‘ko? Malaki ang galit ko sa kaniya. Malaking malaki.
Si Dania? Si Dania ang dahilan kung bakit hindi ang mahal ko ang asawa ko ngayon. Galit na galit ako sa kaniya. Buti na lang at hindi ako natiis ni Lyka at pumayag pa rin siyang maging girlfriend ko. Oo, girlfriend ko na siya kahit may asawa na ‘ko. Hindi ko talaga mahal si Dania kaya bakit ko pipilitin ang sarili ko?
After all, my dad passed away because of her, because of her. She was the one who killed my father, she was.
“Mommy! Daddy! I’m home,” sigaw ko pagkapasok na pagpasok ko pa lang sa loob ng bahay namin. Kakagaling ko lang ng school. I’m a grade 5 student that time.
But mukhang wala pang tao dahil walang sumasagot sa ‘kin so I just shrugged my shoulder at tatalon-talon na umakyat sa hagdan para pumunta sa kwarto ko. Maliit pa lang ang bahay namin noon at hindi pa kami unaasenso kaya walang maids.
“Ahh! Mommy!” May narinig akong tili ng boses babae at mukhang bata pa iyon kaya napatigil ako sa paglakad. “Ayoko sa ‘yo! Ayoko sa ‘yo!” Narinig ko na naman kaya napatingin ako sa baba. May narinig akong ingay galing sa kusina kaya agad akong tumakbo pababa.
Mayamaya pa ay iyak na ang naririnig ko kaya mabilis akong pumasok sa kusina pero agad din akong natigilan sa nakita ko.
“D-Dad . . .” naiiyak na sabi ko nang makita kong nakahandusay si daddy sa sahig habang nasa ibabaw niya ang isang batang babae na may hawak ng kutsilyong nakasaksak sa puso ni daddy. “A-Anong ginawa mo?” Nawala ako sa wisyo at agad na lumuhod para hawakan si daddy.
“W-Wala akong kasalanan . . . wala akong kasalanan!” paulit-ulit na sabi ng batang babae na ‘yon na hindi ko naman kilala kung sino.
“Daddy! Daddy!”
That’s the saddest memory I have 21 years ago. Nang malaman kong ikakasal ako sa isang babaeng hindi ko naman kilala ay pinaimbestigahan ko agad si Dania. Bukod sa binusted ako ni Lyka niyon, mas lumala ang galit ko sa kaniya nang malaman kong siya ang batang babae na ‘yon. She killed my dad.
Hindi ko sinabi kina mom ang tungkol doon. Hindi rin kasi nila alam na si Dania iyon. Just great lang dahil sinabi ko sa sarili ko noon na ako ang magpapahirap sa kaniya.
Napahilamos na lang ako sa mukha ko dahil hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko ngayon lalo na at sigurado akong critical ang lagay niya. ‘Di ba ito naman ang gusto ko? Why can’t I just be happy?
“Mr. Waston.” Napatayo naman ako nang may doctor na lumapit sa ‘kin. She removed her mask at hinarap ako. “Your wife is in critical condition. Natamaan ang kaniyang puso dahil sa ginawa niyang pagsaksak dito,” sabi nito kaya napakunot ang noo ko.
“How? Maliit lang ang pinangsak—”
“No, Mr. Waston. Mahaba ang pinangsaksak niya sa sarili niya. Actually, may mga bubog na naiwan sa katawan niya. Pagkasaksak niya ng parte ng nabasag na vase ay mayroong mga maliliit na bubog ang naiwan sa loob at napakahirap kunin ng mga ‘yon kaya mahihirapan talaga kami sa operasyon na ‘to,” mahabang lintanya niya na ikinatango ko lang.
Umalis ang doctor kaya umalis na rin ako. Tinawagan ko muna ang mga magulang niya at umalis na. Pumunta ako sa isang bar na lagi kong pinupuntahan at nagwalwal. Gusto kong magpakalasing dahil sa mga nangyayari.
Bhella —
I’m on my way to Dania’s house, bibisitahin ko lang siya dahil baka bugbog sarado na naman ang babaitang iyon. Hindi ko siya nakausap kahapon dahil pumunta ako ng Baguio at isa pa may mga pasalubong ako para sa kaniya.
Nangunot ang noo ko nang makita kong may isang lalaking nasa tapat ng bahay nila Dania at mukhang tinitingnan kung may tao sa loob. May kotse ring nakaparada.
Bumaba ako ng kotse at nilapitan ang lalaki. “Hi?” Napaigtad naman siya at napatingin sa ‘kin. “May kailangan po kayo?” tanong ko.
“Ah ‘di ba, dito nakatira si Cyrus?” tanong niya na ikinatango ko. “I’m Fred Rodriguez, his friend, pero mukhang wala namang tao sa loob dahil kanina pa ako nagdo-doorbell,” pakilala niya at kunot noo ulit na humarap sa bahay. “And who are you?”
“I’m Bhella, Dania’s friend. Bibisitahin ko sana siya,” sagot ko at pumasok sa loob dahil bukas naman ang gate. “Bukas ang gate, bakit hindi ka pumasok?” tanong ko.
“Privacy. Baka mapagkamalan akong magnanakaw,” kibit balikat na tugon niya na ikinatango ko lang at pumasok na sa loob ng bahay pero napatigil din kami pareho.
“What the hell?!” gulat na sabi ko nang makita ko ang itsura ng buong bahay. Sobrang kalat!
May mga basag na vase sa sahig, ang ilang gamit ay nakakalat na rin, at ang mga upuan ay hindi na nakaayos!
“Anong nangyari dito?” tanong naman ni Fred nang makita niya rin ang loob ng bahay.
Napatingin ako sa sahig nang may nakita akong dugo roon. The fvck? Kaninong dugo ito?
Magpa-panic na sana ako pero may tumawag sa ‘kin. “Hello?”
“Hello, Bhella. Puwede bang puntahan mo muna ang kaibigan mong si Dania sa hospital. Aalis kami.” Si tita pala ito, mommy ni Dania.
“Hospital po?” paninigurado ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.
“Yes. Cyrus called me na nasa hospital ang magaling naming anak. Wala kaming oras para puntahan pa siya dahil lang sa mga kagagahan niya,” sagot niya na nappakuyom ng kamao ko. “St. Lukes Hospital.”
Ako na mismo ang nag-end call at inis na itinago ito.
Mga walang kwentang magulang! And bakit nasa hospital si Dania?! Ano na namang kagaguhan ang ginawa ni Cyrus sa kaniya? Hinarap ko si Fred na nakakunot noo sa ‘kin.
“Nasa hospital daw si Dania.” Napaawang naman ang bibig niya sa sinabi ko kaya mabilis na lang akong pumasok sa kotse ko. “St. Lukes Hospital!” Pinaandar ko na ang kotse ko paalis at sumunod naman siya.
Pagkarating na pagkarating ko sa hospital ay nagtanong agad ako sa nurse kung nasaan si Dania pero bago ito makasagot ay may humahangos na nurse agad ang dumating.
“Si Patient 5147!” sabi nito at nataranta agad ang ibang nurse bago nagsuotan ng mask. Mabilis silang tumakbo.
“Wait, miss!” Hinila ko ang isa. “Sino ‘yon? Anong nangyayari?” tanong ko.
“Si Mrs. Waston po— kailangan ko nang umalis!” Agad siyang tumakbo paalis kaya napatakbo rin kami ni Fred.
Ang bestfriend ko, ang bestfriend ko!
King ina.
Maraming nurse ang pumasok sa operating room at nagmamadali talaga. Anong nangyayari?!
Oh please, Lord. Save my bestfriend, please save her. I really really love my bestfriend.
“This is shit. Anong nangyayari?” kanina ko pa naririnig na nagmumura si Fred sa isang tabi. “Nasan na ngayon si Cyrus?” Nabosesan ko ang galit sa boses niya kaya hindi ko maiwasang magtaka sa inaasta niya.
“Alright, last one. Please hold her,” narinig kong sabi ng doctor galing sa loob. “Nice job. Thank you, nurses.”
Ano na kayang nangyayari?
“Doc! Hindi nagre-react ang katawan niya!”
Kinakabahan na ‘ko dahil sa mga naririnig ko kaya hindi ko maiwasang mapaiyak. Ano kayang nangyari sa bestfriend ko at nandito siya?