Chapter 10
Bhella —
“Nasaan na ba si Cyrus? Wala man lang ba siyang balak na bumisita rito?” Naiinis na tanong ko kay Fred habang naghihintay kami sa labas ng operating room.
“Kanina ko pa siya kino-contact. Naka-off ang phone niya,” sagot naman niya kaya napapadyak na lang ako ng paa.
Wala talagang mga kwenta!
Naaawa na tuloy ako sa bestfriend ko. Lagi siyang nandiyan kapag mayroong isa sa amin ang may sakit o problema, lagi niya kaming kino-comfort, even her parents ay kino-comfort niya kahit pinagtatabuyan siya ng mga ‘yon. Dinadamayan niya kami pero ngayon? Wala man lang gustong dumalaw sa kaniya maliban sa ‘min. Hay, bakit kaya naging ganiyan ang kapalaran niya?
Ilang oras na kaming naghihintay rito pero wala pa ring doctor ang lumalabas kaya nag-aalala na talaga ako.
“Excuse me.” May lumabas na doctor kaya agad kaming napatayo. “Where is Mr. Waston?” tanong nito kaya napailing ako.
“Umalis po.”
“I need to talk to him. He needs to know—”
“Sa ‘kin n’yo na lang po sabihin, Doc,” sagot ko. “I’m her friend.”
Tumango naman siya. “Follow me,” sagot niya at lumakad na paalis kaya tumingin ako kay Fred at tumango lang siya. Sumunod na ‘ko sa doctor.
After namin mag-usap ng doctor ay agad akong nakahinga nang maluwag dahil stable na ang lagay ni Dania at natanggal na raw ang mga bubog na naiwan sa katawan niya. Kaya pala siya nandito dahil sinaksak niya ang sarili niya. Gaga talaga, buti na lang at nagawan nila ng paraan.
“Ano raw?” bungad ni Fred pagkalabas na pagkalabas ko ng office ni Doc. Buti pa ‘tong si Fred, nag-stay rito at may concern pa.
“Okay na raw siya. Nailipat na ba siya ng room?” tanong ko na ikinatango niya. “Tara na.” Lumakad na kami paalis at pumunta sa room ni Dania.
“Bibili muna ako ng pagkain at susubukan kong contact-in ulit si Cyrus,” paalam ni Fred na ikinatango ko lang kaya lumabas na siya.
Tumingin ulit ako kay Dania.
“Hi bess,” sabi ko. “Ayos ka lang ba? Gustong gusto na kita itakas para hindi ka na maabutan ni Cyrus dito,” dugtong ko. “As if naman na dadalawin ka niyon. Kilala ko na ang asawa mo.” Hay. “Masyado siyang demonyo para puntahan ka rito.”
“Gusto kong gumising ka na diyan at sana sa paggising mo, magising ka na rin sa kahibahangan mo dahil sinasaktan mo lang ang sarili mo. Ikaw mismo ang nagpapahirap sa kalagayan mo,” naiiyak na sabi ko sa kaniya “Please naman, bess. Although hindi ko alam ang pinagdadaanan mo kay Cyrus, nakikita ko pa rin ang paghihirap sa mga mata mo. Ang pagmamahal nakakapaghintay, Dania,” dugtong ko at nagpunas ng luha.
“Gising ka na diyan,” huli kong sinabi bago hinalikan ang kamay niya.
Dania —
Nagising ako sa isang kwarto na puro puti lang ang paligid. Naamoy ko ang karaniwang naaamoy ko sa atmosphere ng hospital kaya alam kong nasa hospital ako.
“Bhella . . .” tawag ko kay Bhella na natutulog sa upuan. Napaangat naman siya ng ulo at nanlaki mata nang makita ako.
“Dania!”
Tumingin-tingin ako sa paligid. Si Bhella lang pala ang nandito at wala ang asawa ko. Aasa pa ba ‘ko? Wala namang pakialam sa ‘kin iyon.
“Huwg mo nang hanapin ang asawa mo.” Napatingin naman ako kay Bhella. “Sa two weeks na nandito ka, kahit isang beses ay hindi siya pumunta rito at binisita ka,” dugtong niya na ikinakirot ng puso ko. Sakit, e. Two weeks na pala kong nandito tapos hindi man lang siya dumaan.
“Bakit ba kasi naligtas pa ‘ko, pwede namang matulu—”
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo, ha?!” Nagtaas ng boses si Bhella kaya napahinto ako at napatingin sa kaniya, nakatayo na siya at nakaduro ang daliri sa ‘kin. “Hindi mo alam kung anong klaseng kaba ang naramdaman ko nang malaman kong nandito ka! Tapos sasabihin mong sana natuluyan ka na lang? Ano bang pinaggagawa mo sa sarili mo, Dania?” naiiyak na sunod-sunod na sambit niya kaya napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin.
“Bakit? Para saan pa kung mabuhay ako? Ang anak ko, wala na. Kinuha na siya sa ‘kin! Ang pamilya ko, wala man lang silang pakialam sa ‘kin kahit katiting. Ang asawa ko, wala rin. Ayaw niya sa ‘kin! Lahat ayaw sa ‘kin! Sinasaktan lang nila ‘ko physically and emotionally! Ano pang saysay ng buhay ko, an—”
“Ako!” sigaw niya na nagpatigil sa ‘kin at naiiyak na tiningnan siya. “Ako! Hindi mo ba ako naiisip? Kaibigan mo ako, ano sa tingin mo ang mararamdaman ko ‘pag nawala ka? Masakit, Dania! Masakit!” puno ng hinanakit na sabi niya kaya napahagulgol na rin ako. “Please, don’t down yourself. Don’t say that you are worthless, because you are worth it and a deserving person! And they just can’t see your worth!” dugtong niya kaya napatango-tango na lang ako.
“Sorry, I’m sorry,” umiiyak na paumanhin ko at mabilis niya ‘kong niyakap. “Ayoko na. Pagod na ‘ko, ilayo mo na ‘ko sa kanila, please?” pakiusap ko. Naramdaman ko naman na tumango-tango siya.
“Oo, dahil hindi ko na talaga hahayaang bumalik ka sa impyernong bahay n’yo ni Cyrus,” matigas na sabi niya. “Hindi ko na hahayaan na madala ka ulit dito sa hospital.”
“Salamat. Salamat, bes.”
“Lalaban ka, okay? Lalaban ka. Gaganti ka sa lahat, sa lahat-lahat ng nanakit sa ‘yo. Hindi mo na dapat sila hahayaang saktan ka. Hindi mo deserve ang mga masasakit nilang sinasabi sa ‘yo at ang mga pananakit nila.”
Tumango naman ako at itinataktak sa isip ko ang mga sinabi niya. Nagpapasalamat ako na mayroong akong siya. Siya lang ang tanging kakampi ko at nagmamahal sa akin.
“Dahil deserve mong mabuhay na lumalaban at masaya. Magbabagong buhay ka, okay?”
Ngumiti ako sa kaniya at tumango nang paulit-ulit. May tao pa palang naniniwala sa akin at siya ‘yon, ang bestfriend ko.
“Oo, Bhella. Lalaban na ‘ko.”