CHAPTER 7

TULUYAN na nga silang hindi nagkibuan hanggang sa makarating sa opisina ng mga Saavedra. Naroon na ang lahat ng mga may kinalaman sa pagpipirmahan, si Simon na lang ang wala, nagtungo muna ito sa kanyang opisina, samantalang si Jemima ay nagpunta sa comport room.

Habang nasa CR siya ay narinig niya ang pag-uusap ng ilang mga employee ng naturang company.

“Nako! Nakita ko na naman si Sir Simon, ang gwapo talaga ni sir, mas gwapo pa siya do’n sa mga foreigner na investors na bisita natin ngayon,” sambit ng isa sa mga boses babae na naririnig niya habang nasa loob siya ng isa sa mga cubicle.

“Nako, huwag na nating pagpantasyahan si Sir Simon, may asawa na raw iyon e, kakasal lang pala noong isang buwan,” sabat naman ng babaeng kausap rin nong isa.

“Ay ganon ba, edi si Sir Poul na lang, ang gwapo rin ni Sir Poul, bakit kaya ang gagwapo ng mga apo ni Ma’am Chanda?” iyong ang mga usap-usapang naririnig niya mula sa labas habang naroon pa rin siya at nakaupo sa bawl.

“Mga stupidang ito! Tse! Ako pang uungusan niyong lahat, hindi niyo lang alam na iyang mga pinagpapantasyahan niyo, parehong nasa mga kamay ko na!” mayabang niyang sambit sa kanyang sarili, habang itinaas pa ang isang palad, habang hawak ang tisue at nilukot iyon sa mga kamay niya. At saka inihagis pataas, Sakto namang lumabas iyon sa cubicle at nakita ng lahat.

Nagtilian at natakot ang mga kababaihan, at sama-samang nagmamadaling lumabas! “Ano iyon! Nako may multo yata rito eh!” sambit ng mga ito habang nagtatakbuhan. Halos hindi siya magkamayaw sa pagtawa habang nasa loob pa rin ng cubicle, nang makatapos siya sa ginagawa ay lumabas na siya at naghugas ng kamay. Matapos niyang wisikan ng alcohol ang mga palad at ipinahid sa magkabilang kamay, muli pa niyang tiningnan ang sarili sa salamin, sinipat niyang maigi kung maganda pa rin siya.

Nang palabas na siya ay may mga kalalakihang dumaan sa harapan niya, iyong ang mga Japanese investors daw, ngunit lingid sa kaalaman nila na may mga kriminal na nakatakas sa bansang iyon, at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad doon sa salang pangi-scam.

Mabuti na lang at mahilig siyang manood sa isang foreign channel, at ang isa sa mga lalaking scammer ay nakilala niya. Gusto sana niyang pumasok sa loob ng conference room sa pag-aakalang naroon na si Simon sa loob, gusto sana niyang pigilan si Simon, kaya lang ay hindi siya pinapapasok ng ilang security roon.

“Kuya papasukin mo ako sa conference room, may kailangan lang akong siguruhin!” nagmamadali at halos maghesterikal niyang sabi sa lalaking nakaharang sa may pintuan.

“E, Ma’am, kabilin-bilinan po kasi sa amin, huwag magpapasok ng kahit na sino, nandyan kasi mga foreign investors e,” sabi ng isang empleyado.

Mabuti na lang at nakita siya ni Simon, bigla na lang siyang hinila nito at dinala sa isang silid na naroon din lang, “Anong nangyayari sa iyo?”

“M-mabuti na lang nandito ka pa, ang akala ko naroon kana sa loob ng conference room,” nag-aatubili niyang sagot.

“Baki nga? Hindi ka naman siguro magpupumilit doon pumasok kung hindi importante.”

“Oo, para kasing may mali, iyong isang lalaking kasama ng investors, parang nakilala ko siya, isa siya sa mga wanted sa Japan,” sabi pa niya sa asawa.

“Ano! Are you sure?” Napapahawak sa sariling baywang si Simon, ngunit hindi naman niya ito kinakitaan ng malaking pagdududa. Nagulat pa sila ng biglang bumukas ang pintuan, iniluwa noon si Poul.

“Ano pang ginagawa mo rito Simon? Oras na ng pirmahan, alam mo namang kailangan pang pag-aralan ang mga kontrata,” sabi ni Poul sa kanila habang nagpapalipat-lipat ang tingin nito.

DAHIL sa kanyang nalaman, naagapan nila Simon ang pirmahang kamuntik nang maganap, mabuti na lang at nasabi niya ang issue tungkol sa bansang Japan, nakumpirma nila ang bagay na iyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan nila sa local na pamahalaan, doon upang malaman kung totoo ngang may nakatakas na mga salarin at dito sa Pilipinas nagtungo.

“Mabuti na lang at may matalinong babae dito sa ating kumpanya, kung hindi malaking problema ang kakaharapin natin, good job!” Sabay apir ni Poul sa kanya. Pinaunlakan naman niya ang ginawa nito, para naman kasi sa kanya ay pamamaraan lang iyon ng pasasalamat ng binata.

“P’wede ba! Umuwi ka na nga,” mahina ngunit may himig na pagalit na sabi ni Simon sa kanya.

“Bakit naman ba? Dapat nga Insan, I-congratulate mo siya, hindi iyong palagi mo na lang sinisinghalan, good job naman siya ngayong araw na ito ah?” sabat ni Poul. Hindi na lang kumibo si Simon, kahit na halatang naiinis sa binata.

“I don’t care, isa pa bumalik ka na nga sa office mo, tigilan mo na ang pakikipaglandian mo sa asawa ko, hindi pa tapos ang six months, at wala pa akong desisyon,” singit nito patungkol sa panukala ng binata.

“Nako, sige na umalis ka na Poul, bukas itatanong ko kay Papa, kung p’wedeng ako na lang ang secretary mo, kasi sabi mo wala kang secretary,” sabat niya sa pag-uusap ng dalawa.

“Talaga! Well aasahan ko iyan ha, Jemima my loves!” masayang tugon ni Poul, at sumasayaw pang lumakad palabas naman ng opisina ni Simon.

“Pwede ba? Huwag kang pa-sweet do’n, irespeto mo naman ako, asawa mo ako diba, kung mayroon man kaming deal, it’s a deal between us!” Nakasimangot at masungit na bulyaw na naman ni Simon.

“Bakit ba, hindi ba ako p’wedeng makipagkaibigan sa ibang tao?”

“P’wede naman, pero hindi kay Poul! At iyong sinasabi mo na magiging secretary ka niya, hindi p’wede iyon!”

“At bakit naman hindi p’wede? Diba sabi mo sa Papa mo, ayaw mo ng secretary? O di kay Poul na lang ako magtatrabaho! Kasi pakiramdam ko naman lahat ng gagawin ko ayaw mo, lahat ng ginagawa ko para mag-work itong realtionship na ito ayaw mo! Ano pa bang gagawin ko, para lang tanggapin mo ako?” naiinis na naihilamos ni Jemima ang mga kamay sa sariling mukha.

“Stupid! Sa tingin mo okay ang ginagawa mong pagpapaselos sa akin?”

“Ikaw ang stupid! Ano, sa tingin mo, pinagseselos lang kita? Matagal ko nang tinanggap na may iba kang mahal! Bakit ko pa gagawin iyon?”