Five years ago.
"B*tch ang diyosa mo!" puri ng kaibigan ko sak'in slash manager slash ang ceo ng company na pinagta-trabauhan. Ako ang Top model ng pinas at sila ang naghahandle sa akin.
Nginitian ko lamang ito na nagsasabing I know right na kinairap nito sakin. Tinawanan ko nalang ito dahil sa ginawang pag-irap. Natawa nalang ako sa pinangagawa nito dahil panay ang irap nito sakin na akala mo ay kinagwapo nito. Nakaupo ako ngayon sa harap ng vanity mirror habang tinatanggal ko ang make-up ko dahil katatapos lang ng photoshoot ko today para sa isang cover magazine. Ayaw ko kasi sa lahat ay 'yung nags-stay 'tong make-up sa mukha ko.
"Ang perfect mo talaga, how to be you po." puri nito ulit. Tinignan ko lang ito habang nakataas ang isang kilay bago ko sinagot ito na kinatawa lang niya.
"Nag-iisa lang ako." proud kong sagot.
"Ay pak! gusto ko yan. So nasan naba ang magaling mong asawa? 'yung asawa mong bugnutin." he asked.
"Papunta na siguro yun." sagot ko.
"Na sabi mo naba?" bigla nitong tanong na kinagulat ko.
"N-no..." alanganin kong sagot rito. Ang tinutukoy niya ay ang pagbubuntis ko, yes buntis ako pero hindi ko parin nasasabi kay Travis ang asawa ko. Dahil kilala ko siya baka hindi niya tanggapin ang anak namin. Dahil malinaw naman na hindi normal ang pagsasama namin bilang mag-asawa. Pinagkuskos ko ang mga palad ko dahil sa kaba na nararamdaman dahil hindi ko alam kung tatangapin ba niya ito.
Napansin niya ata ang pananahimik ko kaya nilapitan ako nito at niyakap hindi kona napigilan pa ang maiyak dahil sa tuwa na may kaibigan ako na ganito na maasahan at masasandalan.
"Tahan na sayang ang ganda wag ka ng umiyak." pagpapagaan nito sa loob ko.
"Let go na yung sipon mo napupunta sa damit ko er..." maarte nitong tulak sa'kin na kinanguso ko na lang pero assual inirapan lang ako nito. Iniayos ko muna ang sarili ko bago tumayo at umupo ulit sa harapan ng vanity mirror pero bago iyon nagpasalamat muna ako sa kaniya na kinatango nalang nito bago ako tinalikuran dahil ipa-pack padaw nito ang mga dala naming gamit. Siya ang CEO pero sumasama siya pag may photoshoot ako katwiran nito ay mas maganda daw ang kinakalabasan pag nandito siya. Nasanay na rin naman ako na lagi siyana andiyan, siya na rin nga ang manager ko dito. Actually siya na lahat.
"Thank you." pasasalamat ko rito bago ako tuluyang tinalikuran. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa ginawa niya. Ngayon ang problema ko nalang ay kung paano ko sasabihin sa asawa ko ang pinagbubuntis ko. Napabuntong hininga nalang ako bago napagpasiyahang tumayo dahil tapos narin naman ako tanggalin ang kolorete na inilagay sakin.
Pagtayo ko ay siya namang pagtunog ng telepono ko sa ibabaw ng vanity ko. Napangiti nalang ako ng makita kung sino ang caller na tumatawag. I cleared my throat first before answering the call.
"Hello?" bungad ko rito.
[Are you done.] malamig na tanong nito, napasimangot nalang ako dahil sa lamig nitong magsalita.
"Yes." simpleng sagot ko.
[Go outside, i'm here.] and after he said that he hung up the phone. Kinakibit-balikat ko nalang ang ginawa nito dahil sanay naman na ako sa ganitong treatment pero minsan hindi parin mawala-wala sakin ang hindi sumama ang loob.
Ng marinig ko 'yon ay nagpaalam na ako kay Pat para umuwi. Paglabas ko ng pinag-shootingan namin bumungad sa akin ang isang lalake na nakasuot ng suit, nakasandal ito sa sasakyan niyang mas mahal pa sa pinagsama-samang sport scar sa buong bansa dahil maliban sa nag-iisa lang ito, mga high quality ang ginamit na materyales rito. Sandali ko muna itong pinasadahan ng tingin bago lumapit rito. Nakikita ko kung paano mangunot ang noo nito marahil sa kanina pa siguro ito narito. Lumapit na ako bago pa lalong umasim ang mukha niya.
"Honey!" tawag ko rito. Lumingon ito pero blanko lamang ako tinignan. Nakaramdam ako ng kirot dahil lagi nalang ganito ang trato niya sa'kin. Pero hindi ko nalang pinapansin dahil alam ko naman na ganito talaga to parang pinaglihi sa sama ng loob.
"Where do you want to eat." He asked pagkasakay palang ng sasakyan.
"Kahit saan." sagot ko rito. Pinaharurot nito ang sasakyan, sa buong byahe ay hindi kami nagkibuang dalawa hanggang sa makarating na kami sa isang mamahaling restaurant.
Pagpasok namin rito dumiretso agad kami sa isang private room. Pag-upo namin wala parin kami kibuan kung hindi lang dumating ang waiter.
"Can i take your order Ma'am/Sir?" The waiter asked us.
Nauna ng pumili si Travis ng pagkain niya at ganon nalang din ang inorder ko. Tahimik lang kaming kumakain ng maamoy ko ang wine nitong iniinom ay bigla akong nakaramdam ng pagkahalukay ng sikmura hindi ko na nagawa pang magpaalam dahil mabilis ako tumayo at nagtungo sa malapit na restroom.
Pagdating ko sa loob ng restroom mabilis kong tinakbo ang isang cubicle at paluhod na umupo at sumuka rito. Sumuka ako ng sumuka. Nanghihina akong napaupo sa lapag. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil sa biglaang pagsama ng pakiramdam ko. Ng mahimasmasan pinilit kong makatayo para maayos ko ang sarili, chineck ko muna ang mukha ko sa salamin ng makitang maayos naman ito ay agad din naman ako bumalik sa table kung nasaan ang asawa ko.
Pagbalik ko palang, napansin ko agad ang blanko nitong titig na kina-kaba ko.
"Tell me, are you pregnant." matigas na tanong nito na kinalukob ng takot ko. Hindi ako nakakibo at tahimik lang na nakatayo sa harapan niya.
"TELL ME!!" sigaw nito na kinalundag ko.
"Y-yes." kagat labi kong sagot. Nanahimik lang ito saglit na tila'y nag-iisip ng mas lalo kong kinatakot. Padabog nitong hinugot ang telepono sa bulsa. At mabilis na nagtipa ng numero at inilagay ito sa kaliwang tainga.
"Hello, Dr. Gonzales go to my house now." kausap nito sa tingin ko ay isang Doctor, na mas kinatakot ko.
"A-anong gagawin mo?" tanong ko.
"We need to get rid that thing."
"What? No!"
"Yes! Fvck you!" galit nitong sigaw sakin.
"Hindi mo pwedeng gawin yan, anak mo 'to!!" sigaw ko pabalik.
"So? I don't care!" napatanga nalang ako sa sinagot nito sa'kin. Napatakip nalang ako ng bibig at nagtuloy-tuloy narin ang mga luha sa mga mata ko.
"I warn you."
"Pakawalan mo nalang ako at ilalayo ko ang anak ko sayo." suhestiyon ko rito.
"Mas hindi ko gagawin yan, kung gusto mo lumayo sakin kailangan munang mawala yang anak mo!" mababakasan mo dito anag matinding galit sa kaniya.
"P-pag ba.. pinaalis ko 'to mamahalin mo na ako?" mahinang bulong ko pero sapat na para marinig nito.
nagtiim ang panga nito at tinitigan ako saglit bago sagutin ang tanong ko.
"Alam mong ayaw kong magka-anak sayo." kinayuko ko ang sinabi nito. Para akong binasag nang paulit-ulit.
Lalong nabasag ang puso ko sa sinabi nito. Namanhid narin ang buong katawan ko dahil sa matinding sakit na nararamdaman.
Akala ko mahal niya ako.. Akala ko makakabuo na ako ng pamilya kasama siya..
"Mamahalin mo ba ako pag ginawa ko ang gusto mo?" I asked weakly and glance at him. Wala parin tigil ang mga luha ko sa pagpatak dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
"You know i can't love." paglilinaw niya.
"You can." bulong ko na mas kina dilim ng mukha nito.
"Kaya mo bang mawala ang anak mo?" nanghihina kong tanong dito.
"Yes." he said.
"I-i hope hindi mo pagsisihan." walang gana kong sabi rito.
"I won't."
"I will do what you want basta sa ikakasaya mo."
"Thank you." pagkasabi niyang yon, tinalikuran ako nito na parang walang nangyare. Naiwan ako roon durog at luhaan. Napaupo ako sa sahig at napahawak sa tiyan dahil sa sobrang panghihina.
"B-baby i'm sorry, mahal lang talaga ni Mama ng sobra si Papa. Patawarin mo ako anak." I murmured and silently crying.
Sa loob ng byahe tahimik lang kaming dalawa. Umasa na baka magbago pa ang isip nito pero nadismaya lang ako ng hindi ito kumibo hanggang makarating kami sa bahay.
Pagbaba palang namin ng sasakyan sinalubong na agad kami ng Doctor. Inalalayan ako nitong maka upo. Inutusan rin ako nito na isuot ang isang night gown.
Pagtapos ng isang oras sa ER, umalpas nanaman ang mga luha ko.
My baby's gone.
Wala na ang baby ko..
Yan agad ang pumasok sa isip ko pagkamulat palang ng mga mata ko. Nanginginig kong hinawakan ang impis kong tiyan kung nasaan ang anak ko na ngayon ay wala na.
Tama na Sandra, you had enough. Stop the illusion na mahal ka niya kahit alam mong hindi.
Tahimik lang akong umiiyak ng biglang pumasok si Travis. My dala-dala itong brown envelop. Ibinato niya sakin ito at naupo ng tahimik sa katapat ng kama ko. Binuksan ko ito. Nanlamig ako sa tumambad sakin at ang papeles na nasa loob ay isang..
Annulment Papers.
"W-whats the meaning of this?" nanginginig kong tanong rito.
"I also put a checked inside, 100 million to be exact sapat na para sa kabayaran ng pagpapakasal mo sakin sa loob ng limang taon." He said.
I didn't reply this time. Natawa nalang ako sa lahat ng nabasa kong nakasulat rito.
"100 million lang ba ang halaga ko sayo?" hinanakit kong sigaw rito.
"Nahiya kapa sana ginawa mo ng 200 million you know why? kasi p*kyu ka." I laughed sarcastically despite of my tears streaming down on my cheeks.
"Get out, i will sign it basta umalis ka sa harapan ko ayaw kitang makita." malamig na sabi ko rito.
Matapos kong pirmahan ito, mabilis ko ring inampake ang mga gamit ko. Iniwanan ko nalang sa ibabaw ng side table ang annulment paper namin kasama ng 100 million na checked na binigay niya dahil hindi ko kailangan ng pera niya.
This is it..
Kailangan ko ng umalis..
Nawala ang baby ko..
Wala ng natira sakin..
Hindi ko napansin na lumuluha nanaman pala ako. Pinunasan ko ito at mabilis na lumas ng kwarto kung saan ako na-admit. Nanghihina man pinilit ko parin makaalis. Paglabas ko ng kwarto nasalubong ko si Travis na blanko lang ang emosiyong makikita mo sa mukha. Nilapitan ako nito akmang hahawakan ako nito ng umatras ako na kinagulat niya.
I see pain sa mga mata niya pero agad rin itong nawala. Wala siyang karapatan para masaktan at hindi ko kailangan ng peke nitong drama.
"Where's the annulment." he asked.
"Nasa loob." malamig kong sagot rito. Sandali kaming nagkatitigan ngunit nagbawi ito ng tingin at naglakad ng paalis ng bumulong ako na hindi niya kailan man inakala na masasabi ko iyon.
"I-i hate you." i murmured pero sapat na para umabot sa pandinig niya. Huminto naman ito sa paglalakad, lumingon ito at sinalubong ang mga mata ko na luhaan.
"I fvcking hate you, Travis." galit na galit kong sabi rito.
"I don't care."
"Hindi kita mapapatawad. Goodbye, Travis."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya, tinalikuran kona ito at naglakad na paalis. I had enough. Pagod na pagod na ako.
Sa huling pagkakaton bumuhos ang mga luha ko. Pinunasan ko ito at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na ako babalik, hinding-hindi na.