Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

Kabanata 1

Sandra Point of View

Five years later.

"Sandra palinis naman ng table 5." utos ng manager ko. I nodded bilang pagsagot rito.

Tinungo ko ang table na lilinisin ko, mabilis lang ang paglilinis na ginawa ko dahil nga hindi naman ganun karami ang ino-oder ng mga mayayaman. Pagtapos kong malinis ito bumalik ako sa head quarters para sana makapagpahinga ng lumapit sa'kin si Khairo ang katrabaho ko dito sa pinagtatrabauhan ko.

"Sandra pinapatawag ka ni Boss." sabi ng katrabaho ko sa'kin na kinatungo ko na lang.

Agad akong tumungo sa opisina ng manager ko dito sa pinagtatrabauhan kong hotel. Oo tama kayo ng nabasa hotel isang mamahaling hotel. Alam ko naguguluhan kayo na ang isang top 1 model ng pilipinas ay isa nalang ngayong housekeeper sa isang hotel. Gusto ko ng tahimik na buhay, gusto ko ng simpleng buhay nalang, kaya pinili ko ang ganitong trabaho.

ng makarating ako sa opisina ng boss ko ay kumatok muna ako sa pinto nito bago tuluyang pumasok.

"Ma'am pinapatawag niyo raw ako?" magalang kong wika rito.

"Pakilinis ang suit 12, dahil may bagong guest para sa room na iyon." sagot nito ng hindi ako tinitignan at inabot nalamang sa akin ang keycard para sa tinutukoy niyang kwarto.

"Sige po." tipid na tugon ko rito at nagmadaling umalis kasama ang mga gamit na gagamitin ko sa paglilinis.

Ng makarating ako sa suit na kailangan kong linisin my lips twisted when i saw the living room. Sa itsura kasi nito parang sinalanta ito ng bagyo. Nagkalat ang mga laruan, damit, mga pinagkainan na take out food at marami pang iba. I let out a deep breath and decided to start cleaning ng makauwi ako ng maaga ngayon.

Kuskos dito, walis doon, vacuum rito. Paulit-ulit ko iyong ginawa sa bawat parte at sulok ng buong suit na'to. Pinalitan ko na rin ang mga cover ng kama at mga kurtina nito sa bawat bintana. Ng matapos kong linisin ang buong suit ay lumabas na ako dala ang lahat ng gamit ko at iilang basura na nakuha ko sa kwarto na 'yon

I rolled my eyes and shook my head when my phone vibrating inside my pocket. Tumabi muna ako sa isang gilid bago ko ito sinagot.

"What the hell! after five long years na-contact na rin kita!" sigaw nito sa'kin kaya nailayo ko ang telepono sa tainga ko.

"I miss you too." sarcastic kong sagot rito at umirap kahit hindi ako nakikita.

Naiintindihan ko naman siya kung bakit ganon na lang ang reaksiyon niya dahil sa laging pag-iwas ko sa mga tawag niya sa'kin sa loob ng limang taon.

"Sandra, hindi mo sinabing may anak kana pala." nashock ako sa sunod nitong sinabi.

"W-what?"

"Kasama ko ang anak mo ngayon." he said.

"Paano?" naguguluhan kong tanong rito, at paano niya nakilala ang anak ko.

"Nasa 7/11 kasi ako tapos may nakita akong bata sa harap ng counter na kinukulit 'yong cashier na doon daw nagwowork ang Mommy niya so dahil naging curious ako kaya nilapitan ko ito and to my surprise parang nakita ko sa kaniya ang itsura mo kaya i asked him kung sino ang Mommy niya at ayon nga sinabi niyang ikaw." mahabang lintaya nito.

Nakaramdam ako ng kaba dahil hindi ko alam na lumabas pala ang anak ko, mahigpit na bilin ko rito ay huwag lalabas pero mukhang sinuway ako ng batang iyon. Napakamot nalang ako sa sarili kong ulo dahil sa stressed na nararamdaman ko sa mga oras na'to.

"Nasan si Sandro?" tanong ko rito.

"Nasa back seat ng sasakyan ko kumakain ng ice cream." sagot nito. Nakahinga naman ako ng maluwag ng malamang na sa maayos naman ito.

"Pakibantayan mo muna si Sandro." pakiusap ko rito.

"Naman walang problema, basta marami kang dapat ikwento." sagot nito sa'kin.

"Oo na." sagot ko pabalik rito. Matapos ang usapang iyon ay...

Bumalik na rin ako sa trabaho dahil baka makita ako ng mataray kong boss at sitahin na naman ako nito lalo na't mainit ang dugo nito sa'kin.

It was past 6:30pm when i finished my job and 7pm to be exact when i reached my condo unit. Bago ko pa mabuksan ang pinto ng unit ko ng kusa itong bumukas at iniluwa nito ang taong hindi ko inaakalang makikita ko pa pagkatapos ng limang taon.

"Pat," I uttered with a surprise.

Tinaasan lang ako ng kilay nito at inirapan at tumingin sa hawak nitong sandok na sa tingin ko ay nagluluto ng hapunan.

"Hindi kana dapat umuwi," sagot nito.

"Why? bahay ko 'to." inirapan lang ako nito at nilampasan. Feeling at home itong pumasok sa loob ng bahay.

"Asan si Sandro?" tanong ko rito.

Nginuso naman niya kaya sinundan ko ito ng tingin at nakita ko ang anak ko na tahimik na naglalaro ng kong ano sa cellphone niya. Sinamaan ko ito ng tingin dahil hinayaan nitong makahawak ng cellphone ang anak ko, dahil hindi ko talaga 'to hinahayaan makahawak ng cellphone dahil bata pa.

"What?" mataray nitong tanong. Inirapan ko na lang 'to at nagtungo sa kinaroroonan ng anak ko.

"Baby.." malambing kong tawag rito.

Lumingon naman ito at ng makita ako ay patalon ako nitong niyakap ng mahigpit. Hinalik-halikan ko ito sa noo dahil sa sobrang pagka-miss ko rito.

Nang biglang bumalik sa alaala ko ang nangyre five years ago...

Akala ko nawala na sa'kin ang baby ko.. Pero mabait pa rin ang diyos dahil hindi niya ako pinabayaan at ibinigay niya sa'kin ang cute at makulit na batang 'to.

Tandang-tanda kopa noong araw na'yon kung gaano ako nashock sa tuwa dahil akala ko tuluyan ng nawala sa'kin ang baby ko.

(FLASHBACK)

Ng makaalis ako sa puder ni Travis mabilis ako pumara ng sasakyan paalis ng impyernong lugar na'yon. Iyak lng ako ng iyak sa loob nang sasakyan ng araw na'yon dahil nawala na ang lahat sa'kin.

Pero mabait pa rin ang diyos dahil hindi niya ako pinabayaan. Ng magring ang cellphone ko sa bag mabilis ko itong kinuha at sinagot.

"Hello."

[Hello Mrs. Montemayor---]

"Ms. Montreal." pagcocorrect ko rito.

[ Y-you still have your baby." diretsahang sabi nito na parang bombang sumabog iyon sa pandinig ko ng sabihin nitong buhay pa sa sinapupunan ko ang baby ko. Para akong nabuhay muli sa balitang iyon. Lalong bumuhos ang mga luha ko sa sobrang galak ko sa ibinalita niya.

"R-really? t-thank you." sinsero kong sabi rito.

[I'm sorry. ] hingi nitong tawad sa'kin.

[Hindi ko kaya pumatay ng bata dahil may buhay rin ito, at may anak rin ako.] paliwanag nito na sobrang nagsisisi sa ginawa.

"Salamat talaga Doc. tatanawin ko to ng buong-buo."

[Hindi na kailangan, alagaan mo ang baby mo.]After she said that she hung up the phone.

Napahawak ako sa impis ko pang tiyan at tahimik na nagpasalamat sa diyos na hindi ako pinabayaan.

Dahil noong mga panahon na iyon literal kong naranasan ang pagkabuhay ng mabalitaan kong buhay pa pala ang baby ko. Kaya simula noon pinilit kong magpakalayo-layo at mamuhay nalang nang simple.

Naputol ang pagbalik tanaw ko sa nakaraan ng tawagin ako ng anak ko.

"Mommy." he said.

"Yes, Baby?"

"I'm hungry." nakanguso nitong sagot sa'kin na kinatawa ko nalang dahil sa sobrang cute nito.

Sobrang gwapo kahit sa murang edad palang nito aaminin ko na nakuha niya ang kaunti sa'kin pero lamang pa rin ang genes na nakuha nito sa Ama, lalo na ang mga berde nitong mga mata. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi namana nito ang ugali ng Ama kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Baby, Papa Pat cooked you something delicious." biglang singit ni Pat sa anak ko. Mabilis naman lumapit ang anak ko sa kaniya.

Ng matapos itong malapagan ng pagkain ang anak ko bumaling sa akin ang tingin nito na kinatango ko nalang dahil gusto nitong mag-usap kami. Pumunta nalang kami sa may veranda ng bahay upang mag-usap. Iniwan muna namin si Sandro sa kusina dahil busy naman itong kumakain.

"Nagwowork ka pala as housekeeper." simula nito.

"Yes."

"Ayaw mo nabang bumalik sa pagmomodelo?" he asked na kinailing ko.

"Gusto ko ng tahimik na buhay Pat." sagot ko rito.

"Dahil ba to sa Ama ni Sandro?"

"Aaminin ko kalahati n'on haha." pilit kong tawa.

"But it's been five years Sandra." sabi nito, na kinapantig ng tainga ko.

"Yeah, five years but the pain is still here!" nangigigil kong sagot at itinuro ang puso ko.

"Yes, five years pero yung sakit andito pa rin. Muntik ng mawala sa'kin ang anak ko dahil sa taong iyon."

" I'm sorry."

"Okay lang maayos naman kami as you can see kaya kong buhayin ang anak ko ng walang kahit na anong tulong. " matapang kong sabi rito.

"I know kaya sobrang proud ko sayo." malambing nitong sabi sa'kin. Nakaramdam ako ng sobrang ligaya at para nitong hinaplos ang parte sa akin ng pagiging ina ko.

"R-really.." this time tuluyan ng nabasag ang boses ko napahagulgol ako ng marinig ang mga salitang iyon, after five years my isang tao rin ang nakita ang lahat ng pagod at sakrapisyo ko.

"P-pat pagod na pagod ako." sumbong ko rito.

"Sshuu." pagpapatahan nito.

"Pinilit ko, kinaya ko kahit mag-isa ako."

"Kaya nga proud ako pero ngayon my kasama kana. Kasama mona ako." yakap-yakap ako nito nang mahigpit.

"Salamat." nag ngitian kami matapos n'on, pinunasan ko narin ang mga luha ko.

Ng matapos ang kadramahan naming dalawa nagkwentuhan muna kaming dalawa, sinulit namin iyong ilang taon na hindi namin pagkikita. Puro tawanan lang ang maririnig mo sa loob ng unit ko. Ngayon lang din ako sumaya at ngumiti ng ganito pagkatapos ng limang taon na naging busy, mabuhay lang ang anak ko. Iba parin pala ang nabibigay ng totoong kaibigan lalo na sa mga panahong wala kang malapitan.

One thing i realized after all the pains and sufferings i'd been through. Seeing my son and being able to hold him all my sacrifices were worth it.

Chương trướcChương sau