HINDI MAKAPANIWALANG nakatitig lang ako kay Glen. Anong nakain nito at hindi yata nagsusungit? Mukhang nasa mood yata ang lalaki.
At nang tumingin ito sa akin ay doon lang ako umiwas ng tingin.
Nakakahiya! Baka isipin pa nito na tinititigan ko sya... kahit na totoo naman. Hindi lang talaga ako makapaniwala na sumama sya sa amin kahit alam n'yang naririto ako, na talagang bago sa paningin ko.
"Walang pasok bukas dahil may seminar na pupuntahan ang ibang subject teachers natin. Nag-anunsyo na si Principal na wala munang klase para daw makapagpahinga naman ang mga estudyante lalo na at nalalapit na ang first quarterly exam." Mahinahong anunsyo ni Glen.
Pinakatitigan ko itong mabuti.
Hindi naman siguro ito nailalagnat, diba? Wala din itong sakit. So, anong mabuting espirito ang sumapi dito para maging ganito sya kahinahon ngayon?
Hindi kasi ito masungit kong magsalita at mas lalong hindi ako nito sinisiringan na malimit nyang gawin dati kapag nakikita ako o lumalapit.
Ito rin ang unang nagsisimula ng topic o usapan. Sobrang tahimik kasi ng table namin at tangin ingay lang ng plastic at pag-kain namin ang maririnig. Malamang ay hindi rin makapaniwala ang dalawa n'yang kaibigan kaya natameme din ang mga ito.
H'wag nyo nang tanungin si Ella dahil wala itong pake sa paligid nya basta may pagkain sa harapan.
Hindi ko mapigilang hindi pagmasdan si Glen habang nakikipag-usap kay Zan.
Nakakapanibago ang gago! Pero infairness ang gwapo ng gago. HUHUHU! I can't help but to giggle with my thoughts.
Joke lang sa gago ah. Baka mayari na naman ako kapag nalaman na tinatawag ko syang gago. HAHAHAHA!
"Hmm... Ano kaya kung mag outing tayo? Four days on a beach? Not bad right?" Suhestiyon ni Zander.
"SAKTO!!! May alam akong beach resort sa kabilang Villa. Kakilala ko ang may-ari kaya makaka-discount tayo sa entrance at cottage." Pahayag naman ni Josh.
"Girls, ano sa tingin n'yo?" Zan asked.
"Hah?" Umangat ang tingin ni Ella. "May sinasabi kayo?"
"Sabi ni Zan I love you daw," wika ni Josh.
"I love you too!" sagot naman ni Ella.
Namilog ang mga mata ko at napaawang ang labi. OH MY GOSH! WHAT THE HECK?!
"AAYYYIIIIIIEEEEEEEEE! ROR!"
"TANGINAAAAAAA!!! Ella h'wag kang ganyan, please lang!"
Nagwala naman si Zan sa narinig na pinagpapalo pa ni Josh sa balikat. Mukha silang batang yagit sa kanto na nag-aasaran dahil napansin ng crush nilang dumaan sa kanilang harapan.
Napasulyap naman ako kay Glen at nakita kong nakangiti ito habang pinapanood ang magugulo n'yang kaibigan. Agad din naman akong umiwas at binalik na lang ulit kina Josh ang paningin. Baka kasi kung ano pa ang isipin nito.
Nagpatuloy sa kaingayan at tuksuan ang dalawa. Napatingin tuloy sa amin ang ibang students na kumakain din dito sa cafeteria.
May ilang nagbulungan at ang iba naman ay todo kuha ng pictures sa tatlo, lalo na sa dalawang nagkakatuwaan.
Tumatawa lang si Ella na patuloy pa rin sa pagkain habang pinapanood ang dalawang siraulo.
"CHAROT LANG!!! Pagkatapos ng harot, dapat may kasunod na charot! HAHAHAHAHAHA!"
Natawa akong bigla sa pambabasag trip ni Ella. Umayos naman ng upo si Zan na tila ba natalo sa E-Sabong. HAHAHAHAHA! Ang ganda ng example ko diba? E-Sabong talaga? HAHAHAHA!
Malakas na tumawa si Josh dahil sa itsura ng kaibigang bagsak ang balikat na para bang dala lahat ng problema ng mundo.
"Matapos kang harutin, charot lang pala ang lahat." Pang-aasar nito.
Lakas ng trip!
"ELLA!" Pagtawag ni Zan.
"Ano?"
"SALAMAT NA LANG SA LAHAT!"
Malakas na tumawa kaming lahat.
Ella naman kasi, lakas makabasag trip. Kawawa tuloy si Zan. HAHAHA!
KINABUKASAN, wala pang alas-otso ng umaga ay nambubulabog na agad si Ella sa bahay namin. Tulog pa ako ay naipag-paalam na ako nito kina Mommy at Daddy. Sya na rin ang nagpack ng dadalhin kong gamit para sa 4 days outing naming lima.
Oo, lima talaga. Ako, si Ella, Josh, Zander at kasama si Glen. Tutal sya na rin naman ang nagbalita na walang pasok ngayong araw, tomorrow until the next next day, wala s'yang magagawa kundi ang sumama. Hindi ko nga rin alam kung paano ba napapayag ng dalawang kumag kahapon ang kaibigan nilang iyon.
Akala ko pa nga ay hindi ito sasama lalo na at kasama ako. Pero mukhang bumaliktad yata ang ikot ng mundo dahil hindi ito tumanggi o nagreklamo. Ito pa nga ang nagsuggest na van na lang ng family nila ang gamitin.
Mabilis namang napapayag ni Ella si Dad na talagang strict pagdating sa fieldtrip or outings. Nalaman kasi nito na kasama naman sina Glen kaya um-oo agad agad. Wala namang problema kay Mom basta ba hindi bad influence ang mga makakasama ko, isa pa basta si Ella malakas talaga sa kanila.
For the both families, para na rin kasing pamilya ang turingan namin. Kaya sobrang saya magkaroon ng bestfriend na kapatid na ang turingan sa isa't isa.
And I'm proud that Ella is my bestfriend slash sister, not by blood but by heart!
"Bakit parang ang dami mo naman yatang dalang gamit? Four days lang tayo sa resort at hindi isang buwan."
"Dapat lang talaga na madami akong dala dahil every hour ay magpapalit ako ng outfit for picture takings. Pang flex ko din iyon sa IG at Twitter, ano ka ba bespren."
Kaya naman pala.
Hilig nya kasi talaga ang magflex ng kanyang OOTD sa IG at Twitter. Minsan nga nakaka-ilang post sya sa social medias sa loob lang ng isang oras.
Pero take note, famous ang lola nyo. Dahil ilang minuto pa lang may ilang libong likes or hearts and shares na agad ang post nya. She has 3M followers in Twitter and IG by the way.
SANA ALL DIVAHHH?!
Ako lang yata ang hindi mahilig mag post sa social medias eh. Kung magpopost ako about kpop lang and nothing more.
Minsan nga dahil doon inaasar nya akong manang or unti-social.
Wala lang talaga akong trip sa mga ganyan. Pero kapag napagtripan ko, why not diba?
"Masyado kang O. A sa magpapalit ng outfit every hour. Baka naman si Manang Sally pa ang paglabahin mo n'yan pagbalik natin? Maawa ka naman uy!"
"Ako kaya ang naglalaba ng mga pinagpalitan kong damit. Masipag na'to bespren. Bagong-buhay is real!"
"Dapat lang!"
Nakarinig kami ng busina sa labas ng gate. Pinagbuksan naman ito ni Manang Mimi.
"Kayo pala mga iho. Pasok na lang kayo sa loob."
"Salamat Manang!"
Bumukas naman ang pintuan ng sala at pumasok ang tatlo. Nakarinig naman kami ng ingay mula sa kusina. Siguro si Mom na naman iyon.
At tama nga ako...
"Nandyan na ba sila?" Tanong ni Mom habang nakasilip sa siradura ng kusina.
"Hi, Tita!" Nakangiting bati ng tatlo.
"Oohhh, finally! Malapit nang matapos ang pagpi-prepare namin ng tito nyo. Nagluto kasi ako ng Bakemac na paborito nyo. Wait lang kayo d'yan mga bata."
"Take your time po Tita! Hindi naman po kami nagmamadali." Glen said.
Bumalik naman agad si Mom sa kusina. Narinig pa nga namin na pinamamadali na nito si Dad kaya nagkagulo silang dalawa sa kusina.
"Hi, girls! Mukhang ready'ng ready na kayo ah." Zan said.
"Ofcourse! We love beach, but we're not a bitch!"
Napailing na lamang ako sa mga pa-ganern ganern na nalalaman ni Ella.
"Magandang umaga Erish! Alam mo ba?"
"Na? Ang alin?"
"Na mas maganda ka pa sa umaga."
"KKYAAAAHHHHHHH!" Napatakip naman ako sa tenga ng bigla na lamang tumili si Zan na parang babae. Tumawa naman si Ella dahil sa kabaklaang taglay ni Zan.
Kalalaking tao ang lakas tumili.
"Tangin* ka Aguilar! Hindi ko alam na napabilang ka na pala ngayon sa federasyon."
"Tangin* ka rin Villaflor! Ngayon ko lang nalaman na dati ka palang comedian."
"Eto ba dala nyo?" Napatingin naman kami ni Ella kay Glen na s'yang lumapit sa amin at nagtanong.
"A-Ahh.. O-Oo! Actually kay Ella lang talaga ang mga iyan. Isang bag lang dala ko," nauutal na sagot ko.
Self bakit kailangan mautal pa?
"Seriously?? 'Yung totoo, saan ka pupunta Panget?" Hindi makapaniwalang tanong naman ni Zan habang nakatingin sa dalawang bag na dala ni Ella.
"Huwag nang madaming tanong Abnoy. Dalhin mo na lang ang mga iyan sa van para may silbi ka naman."
Sinunod naman ni Abnoy ang utos ni Panget kahit na nakabusangot ito. Magkasunod na lumabas ang dalawa, papunta sa van na s'yang sasakyan namin.
Oh diba? May callsign na agad ang dalawa. Si Abnoy at si Panget. Wala namang reklamo si Ella sa tawag ni Zan sa kanya kaya sure ako na she's comfortable with him.
Bukas-bukas baka Honey at Bee na ang tawagan ng dalawa. HAHAHA! Teka— AAAHHHHH! So meaning, no 5k si me kay Josh? Bakit kasi nakipagpustahan pa ako sa Unggoy na iyon?
"Ako na ang magdadala nito sa van." Kukunin na sana ni Glen ang bag ko pero mabilis ko iyong kinuha.
"A-Ano.. A-Ako na lang magdadala. Hindi naman mabigat eh."
"MGA BATA!"
Napatingin kami nina Mom na lumabas ng kusina. May dala si Dad na isang picnic basket na sigurado akong puno na naman ng iba't ibang putahe ng pagkain.
"Hindi pwedeng magutom ang prinsesa namin kaya dapat lang na ipagluto ko rin ang mga kaibigan nya na parang mga anak na rin namin. Oh, panu mag-iingat kayo sa dagat ah. Huwag masyadong maglilikot sa tubig."
"Mom hindi na po kami mga bata. Pero salamat sa paalala."
"Ah basta! For me babies ko pa rin kayo."
"Love, hayaan na natin ang mga bata." Inabot naman ni Dad ang picnic basket kay Josh. "Sige na, lumakad na kayo. Babyahe pa kayo ng malayo. Para makadating din kayo ng maaga doon. Oh, ingat sa pagdadrive ah. Kahit may lisensya na kayo, mag-iingat pa rin."
"Copy that Tito!" Sumaludo pa si Josh kay Daddy.
"Mauna na po kami, Tita at Tito." Paalam ni Glen.
Magsasalita pa sana si Mom nang hilahin na ito ni Dad papasok sa kusina. Sumenyas naman si Dad na lumakad na kami bago sila tuluyang mawala sa paningin namin.
Lumabas na kami ng bahay. "Guys! Let's go na!" Sigaw ni Ella mula sa shotgun seat ng van. Si Zan naman ang nakaupo sa driver's seat, meaning kaming tatlo ang magkakatabi sa passenger seat?
What the pakening?
Akmang kukunin ni Glen ang bag ko dahil siguro nahalata nitong medyo nabibigatan ako, pero binilisan ko ang paglalakad para makapasok na sa loob.
Nakita ko naman ang makahulugang ngisi ni Ella bago ako tuluyang pumasok sa loob.
Sumunod na pumasok si Glen at pumwesto ito sa gilid ko kaya napunta ako sa gitna, pagkatapos ay isinara na ang pinto. Nilagay muna ni Josh ang basket sa likod bago pumasok sa kabilang pinto which is sa kabilang gilid ko. Nang makapasok ay pinaandar na din ni Zan ang sasakyan.
"LET'S GOOOO!"
Mukhang tuwang tuwa naman si Ella samantalang ako at tense na tense dito sa likuran. Sigurado akong sinadya ito ng dalawa, kaya siguro naunang lumabas ang mga ito.
Ggggrrrrr! Yari talaga sa kin ang babaitang iyan mamaya pagdating namin sa resort.
Halos hindi ako himihinga dahil sa sobrang kaba. At dahil ako ang nasa gitna ang dalawa ay nararamdaman ko ang matinding tensyon sa pagitan ng mga ito.
"Breath Erish, breath!" Mahina pero may pang-aakit sa boses ni Glen nang bahagyang dumikit at bumulong ito sa tenga ko.
Pero imbes na huminga ng maluwag ay mas lalo lamang bumigat ang paghinga ko dahil sa bedroom voice ni Glen.
Bakit may gano'n? BAKIT?
Napapikit ako ng mariin. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na kabog ng aking dibdib dahil sa sobrang lapit ni Glen sa akin. Ramdam ko pa rin kasi ang mainit nitong hininga sa likod ng tenga ko.
Jusko Lord! Ilayo nyo po ako sa tukso.
Ngunit sa pagmulat ko ay isang pares ng mga mata ang natagpuan kong nakatingin din sa akin mula sa salaming nasa unahan, sa itaas na bahagi ng sasakyan. Pinagmamasdan at naghihintay sa magiging reaksyon ko sa ginagawa ng lalaking nagpapawala sa puso ko sa mga oras na ito. Puno iyon ng hindi ko maipaliwanag na emosyon. Maging ang reaksyon nya ay hindi ko rin maintindihan, tila ba nasasaktan na naguguluhan.
At ang tagpong iyon ay nagpagulo at nagpalabo sa nagwawala kong nararamdaman.