CHAPTER 22
"Oh dito ka pala natulog?" sabi ni Aster na nakahawak sa ulo nya.
"Kumain ka na, nagluto rin ako ng soup." sabi ko habang naghuhugas ng mga pinaglutuan ko. Alam ko kasi na may pasok pa siya at baka hindi siya makapagtrabaho ng maayos kung sumasakit ang ulo niya.
Umupo na sya sa dining area at hinilot-hilot ang sentido niya, kaya ako na ang kumuha ng plato nya at ng mangkok para sa soup at innilagay yun sa harap nya, binuksan ko rin ang mga pagkain sa lamesa para makakain na siya.
"Kumain ka na ba? tsaka bakit ba nandito ka pa? hindi ka ba hinahanap ng asawa mo?" tanong ni Aster habang nagsasandok ng soup.
HIndi pa ako nakakasagot sa kanya dahil sakto naman na biglang tumunog ulit ang phone ko at nakita ko na si Sky na naman, kagabi pa siya tumatawag kaya sinagot ko na kasi baka nag-aalala sya sa kakontrata nya sa kasal.
"Sagutin ko lang." paalam ko kay Aster. Tumango lang sya kaya pumunta ako sa balcony nya.
"Hello." sagot ko sa tawag.
"Finally you answered, are you okay? saan ka? " agad niyang sabi.
"Maya-maya uuwi na rin ako." sagot ko.
"I'll pick you up, saan ka?"
"Hindi na, ayos lang ako." sagot ko naman.
"Are... we okay? may nagawa ba ako?" tanong nya mula sa kabilang linya.
Hindi ako agad nakasagot dahil kahit naman may nagawa siya ano naman, kasama naman sa kontrata namin yun, kung gusto niyang humarot sa iba ay ayos lang, kasi nga diba wala naman talaga dapat expectation sa marriage na 'to. Ginawa lang namin 'to kasi takot kami na mag-isa sa future, na mas okay na 'to kaysa sa wala. Kaya wala akong karapatan na magalit o magtampo sa kanya sa pagpunta niya kagabi kahit alam niyang nandoon ang ex nya, dahil sa totoo lang wala naman talagang kami kahit pa kinasal kami.
"Wala naman, sige na, may pasok ka pa." sagot ko na lang.
"You sure?" tanong nya ulit at halata sa tono niya ang pag-aalala.
"mmhh.." sagot ko.
"Okay sige, ingat ka sa pag-uwi and I'll see you later."
"Okay, Bye." huling sabi ko sabay baba na rin ng tawag.
Pumasok na ulit ako sa loob at nakita ko na humihigop lang ng soup si Aster at hindi kumakain.
"Bakit hindi ka kumakain?" tanong ko.
"Hinihintay kita." sagot nya.
"Ahh.."
Hindi pa naman talaga ako nagugutom pero dahil hinintay ako ni Aster ay kakain na lang din ako. Kumuha na lang din ako ng plato at ng maliit na mangkok.
Tahimik at dahan-dahan lang akong kumakain dahil sa totoo lang ayoko pang umuwi, pero hindi naman pwede kasi baka kung ano pang isipin ni Aster.
"May problema kayo ng asawa mo no?" sabi ni Aster bago sumubo ng pagkain.
"Wala naman." maikling sagot ko.
"Ano bang nakita mo kahapon noong pumunta tayo sa bar?" tanong ulit ni Aster na hindi pa rin nakatingin at tuloy-tuloy lang sa pagkain.
Hindi ako nakasagot.
Napabuntong hininga sya, "Kung ano man yun, pag-usapan nyo muna, kaysa gumawa ka ng sarili mong conclusion."payo ni Aster na ngayon ay nakatingin na sa akin.
Kung normal lang yung sa amin ni Sky siguro pwede pang pag-usapan, pero sa lagay namin sa tingin ko hindi naman kailangan.
"Sige." sagot ko na lang.
"Kaya 'wag mo ng bagalan kumain at umuwi ka na." duktong pa niya.
"Oo na."
Hanggang makaalis kami sa condo ni Aster ay iniisip ko pa rin kung paano ko haharapin si Sky na parang wala lang sa akin yung nakita ko kagabi. Pero bago pa man ako makaisip ay huminto na ang sasakyan ni Aster sa tapat ng bahay namin, may dinaanan pala siyang shortcut kaya mabilis lang ang naging byahe namin.
Pagkababa ko ng sasakyan nya ay may sinabi muna sya bago umalis, "Mag-usap kayo ah."
Tumango na lang ako, alam ko naman na concern lang si Aster pero kung alam niya lang ang sitwasyon ko ngayon, baka magalit pa siya kay Sky.
Nasilip ko na wala na ang sasakyan ni Sky kaya alam ko na pumasok na siya kaya papasok na ako, pero may tumawag sa akin kaya napahinto ako sa pagbukas ng gate.
"Hello po mommy?" Sagot ko.
"Hija pwede ba tayong magkita ngayon?" Tanong niya mula sa kabilang linya.
Napakunot na lang ang kilay ko at napaisip kung ano kaya ang pag-uusapan namin dahil ang seryoso ng pagkakatanong niya sa akin.
"Pwede naman po, send nyo na lang po sa akin yung location."
" Okay hija."
Binaba na rin nya ang tawag at isinend na sa akin ang location kung saan kami magkikita kaya agad akong nagbook ng masasakyan papunta roon.
Nang makarating ako ay nandoon na siya at umiinom na ng kape, lumapit ako sa kanya para bumati at umupo na sa upuan sa tapat nya.
"Kanina pa po kayo? sorry po medyo natraffic lang po, may gusto po kayong kainin, oorder po ako." Medyo nahihingal pa ako kasi medyo malayo yung binabaan ko dahil tinakbo ko na at traffic.
"I'm okay hija, thank you." Nakangiti niyang sabi.
May lumapit na waitress at umorder na lang ako ng lemonade dahil nauhaw ako.
Nang makainom na ako, "Bakit nyo po pala gustong makipagkita? May problema po ba?" Tanong ko.
"Wala naman hija, may gusto lang sana akong ipakiusap sa'yo." Sagot naman niya.
"Ano po yun?"
Hinawakan nya ang dalawang kamay ko.
" Can you convince Sky to take over the hospital? Baka makinig siya sayo, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko para magkabati sila ng daddy niya." malungkot niyang pakiusap.
Napatingin ako sa kamay kong hawak nya, "Naiintindihan ko po pero sorry po hindi ko po magagawa."
Naramdaman kong lumuwag ang hawak niya sa kamay ko.
"Siya lang po ang makakapagdesisyon para sa sarili nya at kung bibigyan niyo lang din po sya ng pagkakataon, may mga bagay din po siyang kayang gawin na magiging proud po kayo, kung sana hahayaan niyo lang po siyang magdesisyon para sa sarili niya." Duktong ko pa.
Napabitaw sya sa pagkakahawak kaya ako naman ang humawak sa kamay niya.
"Magtiwala lang po kayo sa kanya." Nakangiti kong sabi.
Ramdam ko ang frustrations niya sa sitwasyon ng mag-ama niya pero may mga bagay lang talaga tayo na hindi dapat kontrolin at isa na doon ang buhay ng ibang tao, kahit gaano pa sila kaimportante sa atin at kahit gaano pa natin sila kamahal, dahil sila lang ang may kakayahang gumawa ng rasyonal na desisyon para sa kanila.
Nang matapos kami mag-usap ng mommy ni Sky ay nauna na siyang umalis, isasabay pa sana niya ako pero sinabi ko na lang na may dadaaan pa ako, pero sa totoo lang naman talaga ay gusto ko lang maglakad-lakad.
Naramdaman kong may sasakyan na dahan-dahan akong sinusundan kaya huminto ako para makita ko kung hihinto rin ba ito at tama ako huminto nga.
"Cordelia!" Sigaw ni Jacob pagkababa ng bintana niya.
"Saan ka? Hatid na kita. " alok nya.
"Hindi na, ayos lang ako. " naiilang kong sagot.
Sakto namang bumuhos ang malakas na ulan. "Tara na. " sabi nya ulit.
Kaya kahit naiilang ako sa kanya ay sumakay na lang ako dahil sobrang lakas ng ulan at wala naman akong dalang payong. Pagkasakay ko ay may kinuha siyang towel sa backseat at pinunasan nya ako bigla sa may malapit sa dibdib ko kaya napaiwas agad ako.
"Ako na. " walang emosyon kong sabi sa kanya sabay kuha ng towel.
"Okay" sagot nya sabay taas ng kamay nya bilang pagsuko.
Habang nasa byahe kami ay wala syang tigil sa pagsasalita, nakakailang pa na minsan may mga paghawak siya sa akin na nabibigla ako, tumatawa lang siya kapag alam niyang napapansin ko.
"So si Sky pala ang first mo sa lahat? " nakangisi niyang sabi.
Hindi ko alam kung bastos lang ba talaga sya o nasa isip ko lang yun.
"Hindi mo naisip na subukan sa iba?" Tanong niya pa nang hindi ako sumagot sa una.
"Anong sinasabi mo?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"You know, it's never too late to try..." sabi nya bago huminto sa tapat ng bahay namin.
"Just let me know if you want." Nakangisi niyang sabi.
"May asawa na ako." walang emosyon kong sabi sa kanya.
Lumapit siya sa akin para bumulong, "Come on, do you really believe Sky is loyal to you? Think again, babe." sabi niya sabay tanggal ng seatbelt ko.
Lumabas ako ng sasakyan ni Jacob na nangingilid ang luha, at siya naman ay umalis na.
So meron pala talaga? may nangyari na ba sa kanila?
"Bakit magkasama kayo ni Jacob?" Napalingon ako kay Sky na nakatayo na pala sa tabi ko at kararating lang din.
Hindi ko masagot ang tanong niya dahil ang daming tumatakbo sa isip ko.
Biglang tumunog ang phone niya kaya sinagot nya, "Kyle, bakit?" Narinig kong sabi nya sa kausap nya.
Nanghina naman ako nang marinig ko iyon.
"No, hindi naman ako busy. What's up?"
Napaiwas ako ng tingin.
"Okay, I'll be there." Sabi niya.
Pinanood ko lang siyang umalis dahil parang wala na akong lakas na umalis sa kinatatayuan ko. Si Kyle pa rin pala talaga, siya pa rin, pero ni minsan ba... kahit segundo lang, hindi ba talaga naging ako?