CHAPTER 18
"Oh gising ka na pala anak." sabi ni mama nang mapansin nyang bumaba ako sa hagdan.
"Wala kayong pasok ngayon, suspended ang klase, dapat natulog ka pa." sabi naman ni papa habang nagkakape sa may dining table.
Alam ko na agad na walang pasok dahil nag-group message na si Stella na wala nga daw pasok, pero dahil alam kong may pasok pa sila sa work ay bumangon na ako ng maaga dahil ako lang ang maiiwan sa bahay. Sila ate at kuya kasi ay nasa college na at may pasok pa rin sila kahit bumabagyo na.
"Ma pa, 'wag na lang kaya kayo umalis, ang lakas ng ulan at ng hangin oh." sabi ko sa kanila.
"Anak, ayos lang kami, tsaka may bubong naman yung kotse ng papa mo." biro ni mama.
Hinain na ni mama ang breakfast ko at tsaka lumapit sa akin para humalik sa noo ko.
"Huwag kang mag-alala, mag-iingat kami ng papa mo at ikaw alam ko naman na maglilinis ka ng bahay, pero 'wag mo kalimutan kumain ah, meron dyang food sa ref iinitin mo na lang." sabi ni mama at kinuha na nya ang gamit nya na nasa tabi ko.
Lumapit din sa akin si papa at humalik din sa noo ko.
"Hindi mo mamamalayan, nakabalik na kami." sabi ni papa bago sya lumapit kay mama.
Pumunta ako sa pinto pagkalabas nila dahil pinapanood ko silang pumasok sa kotse ni papa. Sabay nila akong kinawayan habang nakasilip sa bintana ni papa.
"Bye anak."
.... Bigla akong nagising na nakahiga sa bed ng emergency room at narealize ko na nananaginip lang pala ako, hindi na rin masakit ang sikmura ko dahil may naturok na ata sa aking gamot. Paglingon ko naman sa kanan ko ay nakita ko si Sky na natutulog at nakahawak sa isang kamay ko.
"Sky.." paos na tawag ko sa kanya, medyo matagal siguro akong nakatulog at nanuyo lalamunan ko.
Ginalaw-galaw ko rin ang kamay ko kaya nagising sya.
"Hey... masakit pa ba?" sabi nya sabay haplos sa ulo ko.
Umiling ako.
"Water." bulong ko.
Agad naman syang tumayo para bumili ng tubig na hindi malamig sa canteen, maya-maya ay bumalik na rin sya dala-dala ang bottled water na binili nya.
"Here." binuksan niya ito bago ibigay sa akin.
Agad ko itong ininom.
"Maya-maya uuwi na rin tayo, tsaka nasa akin na rin yung mga medicines na kailangan mong inumin para sa stomach ulcer mo."
Tama nga ako, ulcer.
Gaya ng sabi ni Sky, maya-maya ay umuwi na rin kami pagkatapos akong i-check ulit ng doctor.
Nasaktuhan naman namin ang traffic dahil rush hour na tapos naulan pa.
"Magkano pala yung mga gamot ko?" mahinang tanong ko.
"Cordelia, you're my wife and that's my family's hospital, you don't have to pay."
Tumango na lang ako, tama nga naman, baka kapag nalaman pa ng mommy nya na binayaran ko yung mga expenses ko sa hospital baka magtaka pa yun.
"I'm sorry." napalingon ako sa kanya nang sabihin niya iyon.
"I understand you were offended and hurt by what I said to you, and alam ko rin na ginawa mo lang yun kasi hindi ka makahindi kay mommy." sabi niya habang nakatingin lang sa manibela.
"And I also apologize if you felt na nanghihimasok ako sa family matters mo, alam ko na hindi ka okay sa kanila pero just like you, nahirapan lang din akong humindi."
"Kaya noong nagalit ka kanina I realized na ganoon pala yung naramdaman mo sa sinabi ko sayo, kaya I'm really sorry." this time ay tumingin na sya sa akin.
"Sorry din at thank you sa pag-asikaso kanina." nakangiting sabi ko sa kanya.
Kaya naman ay napangiti na rin sya, pero napalitan din ito ng tawa dahil sa biglang tumunog ang tiyan ko.
"Sorry." sabi ko sabay hawak sa tiyan ko.
"Anong gusto mong kainin?" tanong nya.
"Pizza." nahihiyang sagot ko.
Tumawa sya ng mahina dahil sa sinabi ko.
Sakto rin naman na hindi na naulan at umusad na rin ang trapiko kaya naghanap na kami ng madadaanan na pizza house. Nang may nakita na kami ay nagpark na sya.
"May drive thru naman ah?" komento ko.
Naglean sya sa akin para tanggalin ang seat belt ko at tsaka nagsalita.
"Mas masarap ang pizza habang mainit pa." sabi nya sabay layo sa akin at labas ng kotse.
"Marunong naman ako magtanggal ng seat belt ah." bulong ko sa sarili ko.
Pagkalabas ko ay sumunod ako sa kanya na nauna ng pumasok sa loob ng pizza house. Pagkapasok ko ay nakita ko na umoorder na sya. Nag-aabot ako ng pera pero 'wag na daw dahil libre nya bilang peace offering kaya hindi na ako nagpumilit at naghanap na lang ng uupuan naming dalawa.
Maya-maya ay umupo na rin sya sa tapat ko at inilapag sa table ang number na binigay sa kanya. Nakatingin lang sya sa labas habang pinapanood ang pag-ulan ulit sa labas. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at nagkunwaring may ginagawa sa phone ko pero ang totoo ay pinipicturan ko sya ng palihim.
Nang lumingon sya ay napaayos ako ng hawak sa phone ko sabay exit at punta sa instagram. Buti na lang din at mabilis ako dahil sumilip sya sa phone ko, sakto naman na nasa bungad ng pagbukas ko ay si Ji Chang-wook na may bagong pinost na picture kaya dinoble tap ko iyon para hindi makahalata si Sky.
Maya-maya rin naman ay dumating na ang order namin, inuna ko munang lagyan ang plato ni Sky bago ako kumuha ng sa akin. Lalagyan ko sana ng hot sauce pero pinigilan nya ako,
"Bawal muna." awat nya sa akin.
Sinunod ko naman sya dahil siya ang nurse sa aming dalawa.
Tahimik lang kaming kumain dahil pareho na rin kaming gutom at nakakatahimik talaga ang panahon ngayon kasi umuulan na naman.
Umuulan...
Naalala ko na naman ang panaginip ko.
"Alam mo, noong wala akong malay... napanaginipan ko sila mama at papa, yung huling beses ko silang nakita bago yung aksidente." kwento ko bigla kay Sky.
"Umuulan din noon, wala kaming pasok kasi suspended yung klase. Wala sila ate at kuya kasi pumasok sila. " Hindi umiimik si Sky na para bang hinihintay niya lang na ituloy ko ang kinukwento ko.
"Pinigilan ko sila noon eh, sabi ko malakas yung ulan tsaka hangin. Pero ayos lang daw sila sabi ni mama tapos binilin nya na may pagkain sa ref at 'wag ko daw kalimutan kumain. Si papa naman sabi nya hindi ko daw mamamalayan, nakabalik na raw sila... pero 'di na sila bumalik noong araw na yun."
"Noong papasok sila sa kotse ni papa, kumakaway silang dalawa tapos yung huling sinabi sa akin ni mama, bye anak... hindi ko alam na yun na pala yun." napabuntong hininga ako.
"May tumawag na lang noon sa bahay tapos sinasabi nila na wala na daw ang mga magulang ko at pinapapunta kami sa hospital." walang luha na pumapatak sa mata ko pero yung puso ko alam pa rin yung sakit.
"Sorry, nakwento ko lang.... kain na tayo ulit." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Maybe your dream is their way of telling you na ayos na sila kung nasaan man sila ngayon at 'wag mong papabayaan ang sarili mo, niremind ka pa nila na kumain." sabi ni Sky.
"Miss ko na sila sobra."
Hinawakan ni Sky ang kamay ko, "I know na masaya sila kasi alam nila na kahit wala na sila, naging maayos ka at proud sila sayo." mahinahong sabi ni Sky habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
"Tingin mo?" tanong ko sa kanya.
"Naniniwala ako." nakangiting sagot nya sa akin.