Chapter 15
Ang mga nakapaloob sa kontrata namin ay dapat walang makakaalam, every year ay irerenew namin ang kontrata, open relationship kami meaning kung sakali man na gusto naming humarot sa iba ay ayos lang, nakalagay din doon ang equal na hati sa gawaing bahay at mga gastusin, walang pilitan sa pag-attend ng mga family gatherings, at kung sakali man na piliin ng isa sa amin na umalis sa kontrata ay hindi pipigilan. Wala na akong dinagdag o tinanggal dahil wala rin naman ako maisip at kung aabot pa kami ng ilang taon ay irerenew naman namin iyon kaya baka kapag dumating ang araw na iyon ay may maisip na ako.
Itinago ko na sa envelope ang copy ko ng contract namin at tsaka ko nilagay sa closet ko para kung sakali man na may pumunta ay walang magtatangkang i-check ang closet ko.
"Naka ready ka na?" tanong ni Sky pagkatapos niyang kumatok sa pinto ko.
"Ah, oo. Lalabas na ako." sagot ko naman.
Isinara ko na ang bag kong may laman ng damit at ang isa ko pang bag na may laman na mga iba pang personal na gamit. Sabi ng mommy ni Sky sa text nya sa akin ay beach resort daw ang binook nya para sa amin kaya naman nagdala ako ng mga swimwear na hindi ko alam na meron pala ako, naalala ko na lang na binilhan pala ako nila Stella nito noong nag-swimming kami pero hindi ko rin naman nagamit kasi umulan nung nag-outing kaming tatlo.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Sky na nagsscroll ba o nagtetext sa phone nya habang naka sandal sa kitchen counter, sino kaya tinetext nya?
Nang maramdaman nya ang presensya ko ay napaayos na sya ng tayo.
"Let's go?" tanong nya at tumango naman ako.
Hindi na pala kami magdadala ng kotse kaya sabi ni Sky pinakiusapan na lang daw nya sa Jacob na ihatid kami sa airport. Paglabas naman ay saktong dating din ni Jacob.
"Hi Cordelia, nice to see you again." bati nya sa akin.
Ewan ko ba pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa Jacob na 'to.
"Hi." matipid na bati ko sa kanya.
Pagkatapos namin magpasok ng mga gamit ay umalis na rin kami. Nasa harap si Sky at ako naman ay nasa backseat, tahimik lang kaming tatlo buong byahe pero naiilang ako nang makita ko na patingin-tingin sa akin sa rear-view mirror si Jacob, hindi ko na lang pinansin at nag-phone na lang.
Grabe ang tuwa ko nang finally ay nakarating na kami sa airport kaya dali-dali kong ibinaba ang mga gamit ko. Pagkababa ng gamit ni Sky ay nag-usap sila saglit.
"Have a safe flight, bye Cordelia." paalam ni Jacob.
'Di ko alam kung nakita rin ba ni Sky pero nag-smile si Jacob na parang ang creepy o ako lang nag-iisip noon.
Habang naghihintay kami sa airport ay may mga lumalapit na mga American na lalaki kay Sky at hinihingi ang number nya kasi type sya pero tinatanggihan nya iyon.
"Uy, bakit 'di mo binibigay may mga itsura naman ah? baka i-add ka sa mga messaging app sayang." sabi ko sa kanya.
"Hindi ko sila type." sabi nya sa pinaka malambot nya na voice na narinig ko.
"Bakit ano bang type mo?" sabi ko na medyo natatawa.
"Secret, walang clue. Bakit ikaw, ano ba type mo?" sabi nya naman.
"Uhh... hindi ko alam, hindi ko naiisip yan." sagot ko naman.
Gusto ko sana sabihin na sya ang type ko; yung mabait, gentleman, matalino, marespeto, makapal kilay, may kissable lips, katamtaman lang ang pagkaputi, matangkad at sige isama ko na yung palakaibigan.
Pero ayoko sabihin.
"Tara na, tayo na yun." yaya ko sa kanya nang marinig ko ang flight namin na inaannounce.
*
Sa two hours naming flight ay tulog lang kami dahil sa pagod simula pa noong kasal namin na dalawang araw pa lang ang nakakalipas. Nang makalapag na ang eroplano ay nabuhayan na agad ako ng dugo dahil kaunti na lang nasa beach na kami!
Paglabas namin sa airport ay may nakaabang na na kotse sa amin para ihatid kami sa sakayan ng bangka dahil nasa isang isla yung pupuntahan namin na beach resort. Pagkasakay ng bangka ay isang oras pa ang binyahe namin bago kami makarating sa isla.
"Careful." sabi ni Sky habang inaalalayan akong bumaba sa bangka.
Pagkadating namin sa isla ay may motor na naka abang sa amin para ihatid kami sa beach resort na pupuntahan namin. Pakiramdam ko tuloy pagdating sa beach resort, imbis na maggala ako, matutulog ako sa pagod dahil sa byahe.
Nang makarating kami sa beach resort, si Sky ang nakipagusap sa front desk para sa pinareserved ng mommy nya. Buti nga kasama ko si Sky kasi kung ako lang mag-isa baka nahiya na ako magtanong sa front desk. After noon ay may tumulong sa amin para sa gamit at hinatid na kami sa room namin.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay napanganga na lang ako sa ganda ng view sa kwarto namin. Kitang kita ang beach, kaunti lang din ang mga tao halos yung iba pa ay mga foreigners dahil magssurf sila. Nilibot ko ang kwarto namin, sa sobrang laki ng kwarto namin parang isang buong bahay na ito. Pinuntahan ko ang banyo at grabe may bathtub! parang ang sarap maligo. Pagkapasok ko naman sa pinaka kwarto ay nandoon din si Sky at nakatingin sya sa kama, napanganga ako nang makita na iisa lang ang kama.
"Sa sala na lang ako, ikaw na lang sa kama." sabi ko sa kanya.
"No, you take the bed. Ako na lang sa sala." pagtutol nya.
Hindi na ako tumanggi kasi gusto ko rin naman talaga sa kama, kaya pagkalabas nya ng kwarto ay tumalon agad ako sa kama para humiga at maya maya nga ay nakatulog na ako.
*
Tanghali na nang magising ako kaya lumabas na ako sa kwarto at nakita ko na parang kakatapos lang ni Sky magluto ng pagkain.
"Wow, marunong ka pala magluto." bati ko.
"Uy, gising ka na pala. Sakto food is ready." sabi nya sabay lagay ng buttered shrimp sa lamesa.
"Grabe ang bango." puri ko sa niluto nya.
Nag-sign of the cross ako bago kumain.
Pagkatapos kumain ay ako na ang nagprisinta maghugas at sinabihan ko sya na magswimming na at nabigla ako nang bigla na lang nyang hinubad ang t-shirt nya at lumabas para pumunta sa may dagat. Napawisik tuloy ako ng tubig gripo sa mukha ko.
Nang matapos akong maghugas ay nagpalit na rin ako pangswimming, hindi naman gaano ka-tirik yung araw kaya ayos lang siguro na mag-bikini. Yung unang susuotin ko ay triangle bikini top at high cut ang pang-ibaba pero magsusuot din muna ako ng crop top kasi titignan ko pa yung alon kung pwede mag-swimming.
Pero bago ko isuot ang crop top ay nag-mirror selfie muna ako sa banyo at tsaka pinost sa instagram.
"Ay ang hot naman ng BFF ko!" comment ni Stella.
"Dibdiban naman pala ang labanan." sunod na comment ni Aster.
Nagulat ako nang magcomment din ang isa sa kambal na kapatid ni SKy na si Hailey.
"Enjoy gorgeous!" comment nya.
Lumabas na rin ako ng banyo para makapagswimming na. Pagdating ko sa may dagat ay nakita ko si Sky na nasa dagat na parang kakatapos lang lumangoy. Kumaway ako kaya kumaway din sya, tumingin-tingin muna ako sa paligid bago ko hinubad ang crop top na suot ko.
"Hintayin mo 'ko!" sigaw ko pero hindi sya sumagot at nakatingin lang sya sa akin sabay hagod sa buhok nyang basa.
Nang makarating ako sa pwesto nya ay winisikan ko ang mukha nya dahil hindi sya nagsasalita.
"Uy anong nangyari sayo?" tanong ko.
"Wala, tara langoy na tayo." sabi nya sabay sisid sa tubig. Sumunod na lang ako sa kanya.
Pero maya-maya ay bigla akong napaahon nang maramdaman ko na pinulikat ang paa ko.
"Ano nangyari?" ahon din nya.
"Pinulikat ako." sagot ko.
Bigla akong binuhat ni Sky papunta sa buhanginan. Pagkalapag nya sa akin ay agad nyang hinilot ang paa kong pinulikat. Habang hinihilot nya ang paa ko ay hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya. Napapaisip tuloy ako kung ganito din ba sya sa mga kaibigan nyang babae, maalaga rin kaya sya sa kanila? kasi ayokong umaasa sa mga pinapakita nyang kabaitan sa akin.
"Okay na?" tanong nya sa akin.
"Uh, oo ayos na. Salamat."
After noon ay naisipan na naming bumalik sa loob dahil dumadami na rin ang tao sa beach area.
Magbibihis na sana ako kaso hindi ko maabot ang tali ng top ko kaya lumapit ako kay Sky para ipatanggal iyon.
"Sky, pwede pahila ng tali hindi ko kasi matanggal." sabi ko sa kanya sabay talikod.
"Ha?" tanong nya.
"Pahila lang." sagot ko.
Hindi sya nagsasalita kaya hindi ko alam kung nahila na ba nya.
"Okay na ba?" tanong ko.
"Oo... okay na." mahina niyang sagot.
Lumingon ako para magpasalamat pero nakita ko syang parang namimilipit at may nakaharang na unan sa may bandang tiyan nya.
"Okay ka lang ba? gusto mo ikaw na muna?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"A-ayos lang ako, wag mo na ako intindihin." sagot nya.
"Sure ka ah?"paninigurado ko at sumagot naman sya ng okay sign kaya pumasok na ako sa banyo, ang weird nya ah.
*
Nang dumating ang gabi, nagyaya si Sky kumain sa may resto bar dito sa resort. Nagsuot lang ako ng long maxi dress at si Sky naman ay naka white shorts lang at black t-shirt.
Habang umooder si Sky para sa aming dalawa ay nakikinig lang ako sa banda na kumakanta sa stage. Nang matapos sila kumanta ay inopen nila ang stage para sa mga gustong kumanta na guests.
"Kanta ka."napalingon ako sa biglang sinabi ni Sky.
"Diba kumakanta ka? noong highschool tayo nakita at narinig kitang kumakanta sa music room ng school natin." kwento nya.
"Ang tagal na noon ah, tsaka isang beses ko lang ginawa yun buti natandaan mo pa."
"Oo naman, ang ganda kaya ng boses mo kaya paano ko makakalimutan." sagot nya. "Yung boses mo yung tipong kaya kong pakinggang kumakanta ng paulit-ulit." duktong nya pa.
'Weh?" natatawang tanong ko.
"Oo nga, kaya kumanta ngayon." sabi nya sabay hawak sa braso ko.
"Ayoko nakakahiya ang daming tao." sagot ko.
"Hindi ka naman nila kilala, tsaka bakit ka mahihiya, you have a great voice, sige na please..." pilit nya pa.
"Sige na nga, para sayo."pagpayag ko sa kanya.
Lumapit ako sa may stage para sabihin na kakanta ako kaya pinaakyat na nila ako sa stage. Nagpalakpakan naman ang mga tao nang makita ako. Sinabi ko sa gitarista ang kakantahin ko kaya nagstrum na sya. Ang kakantahin ko ay 'Terrified' by Katharine McPhee.
"You by the light is the greatest find
In a world full wrong you're the thing that's right" napatingin ako kay Sky na nakangiting nanonood sa akin.
"Finally made it through the lonely to the other side
You said it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark
And I'm in love
And I'm terrified" Kung tutuusin yung kantang 'to, eto yung nag-dedescribe ng nararamdaman ko ngayon.
"And nothing's worse than knowing you're holding back
I could be all that you needed if you let me try..." mga linyang gusto ko sanang sabihin ng diretso kay Sky, na nasasaktan ako kapag nararamdaman ko at nakikita ko na naglalagay sya ng mga linya sa aming dalawa kapag aasa na ako sa kanya.
" 'Cause it fills me up and holds me close whenever I'm without you
You said it again my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
Watching the shadows burning in the dark
And I'm in love
And I'm terrified
For the first time and the last time in my only life, life, life
In my only life" Pagtapos ko sa kanta.
Nagpalakpakan naman ang mga tao at nakita ko pa si Sky na tumayo habang pumapalakpak. Nagpasalamat ako sa naggigitara bago bumaba ng stage. Bumalik na ako sa table namin ni Sky at hanggang ngayon ay nakangiti pa rin si Sky.
"Ang ganda talaga ng boses mo, bakit hindi ka mag-audition sa mga singing contest sa tv?" sabi nya habang nakapatong ang braso nya sa likod ng upuan ko.
"Hindi naman ako bagay doon." sagot ko.
Saktong dumating na ang mga pagkain na inorder ni Sky.
"Bagay, ako na nagsasabi sayo." sabi nya sabay ngiti.
Napangiti na lang din ako, hindi ko kasi akalain na matatandaan nya yung pagkanta ko noon, ni-hindi ko nga alam na may nakarinig pala sa akin noon.
Pero kumakanta na talaga ako bata pa lang ako, si papa ang nagturo sa akin paano kumanta pero siguro nung nawala sila ni mama nakalimutan ko na rin na marunong at gusto ko nga pala pagkanta.
"Salamat... salamat kasi pinaalala mo yung matagal ko ng nakalimutan sa sarili ko."
Yung pangarap ko.