CHAPTER 13

Wala akong matinong tulog siguro ay dahil na rin sa kaba dahil ikakasal na ako ngayong araw. Dito natulog si Aster sa apartment kasama namin ni Stella dahil nag-movie marathon kami at para matulungan din nila ako mag-ayos. Si Sky naman ay hindi ko na nakausap simula nung sa bahay, wala na rin akong binago sa contract dahil ayos naman lahat kaya mamaya na lang pagkatapos ng kasal ko ibibigay sa kanya.

Wala na rin halos gamit dito sa apartment ko bukod sa sa mga gamit ni Stella dahil siya na ang bagong uupa dito. Halos lahat ng gamit ko ay nasa bahay na namin ni Sky, dinala ko yung iba noong may duty sya para wala sya sa bahay.

Dahil maaga pa nga ay nagluto muna ako ng almusal naming tatlo. Habang nagsasaing ay nagtsaa muna ako. Pinuntahan ko ang gown ko na naka hanger sa sala. Habang umiinom ay pinagmasdan ko ito. Gown 'to ni mama noong ikasal sila ni papa, nasa akin 'to dahil ako lang naman ang natira dito sa pinas.

"Goodmorning." Napalingon ako kay Aster na kakagising lang at nagkukuskos pa ng mata.

"Goodmorning, luto na yung ulam, kanin na lang. Magkape ka na muna may mainit na tubig na dyan."

Tumango naman sya pero pumunta muna sya sa banyo para maghilamos at umihi. Pagkalabas nya ay dumiretso sya sa kusina para magtimpla ng kape, pagkatapos ay tumabi sa akin habang nainom ng kape at ako naman ay tsaa.

"Kinakabahan ka?" tanong niya na hindi lumingon.

"Oo. Natatakot rin na baka nagkamali ako." sagot ko naman habang nakatingin lang sa gown.

"Walang sigurado sa buhay, kaya para malaman mo kung tama ka o nagkamali ka, kailangan mong subukan para wala kang pagsisisi sa huli." sabi ni Aster sabay inom ng kape.

Hindi ako sumagot kaya naman inakbayan ako ni Aster sabay bulong...

"Update mo kami kapag daks ah." sabay tawa.

"Ano ka ba!" sabi ko sabay hampas sa kanya.

Maya-maya ay nagising na rin si Stella kaya kumain na kaming tatlo. Hindi sila papasok ngayon dahil tutulungan nila ako sa pagaayos. Mamayang hapon pa ang kasal namin ni Sky kaya kahit mamaya pa kami magsimula mag-ayos, sinabihan ko rin naman kasi sila na simple lang ang gusto kong ayos tsaka kami-kami lang din naman.

Pagkatapos kumain ay nagsiharap muna sila sa kani-kanilang mga laptop kaya ako naligo muna para mawala ang mga nasa isip ko. Dinala ko ang phone at speaker ko para makapagpatugtog habang naliligo.

Ginamit ko yung body scrub na binigay ni Aster sa akin, pangparelax daw yun. Pero habang nag-sscrub ako ay tumutunog ang phone ko kaya tinignan ko kung sino yun.

Natawag si Sky, video call pa. Sinagot ko naman pero pagkasagot ko ay nanlaki lang ang mata pero hindi nagsasalita.

"Uy anong nangyari sayo?" tanong ko naman.

"I'll call you back." sabi nya sabay baba ng tawag.

Anong nangyari doon?

Pagkalapag ko ng phone ko ay may narealize ako.

Napatingin ako sa katawan ko at narealize na naliligo pala ako! Napakuyumos ako ng mukha pero nakalimutan ko na may sabon pa pala yung isa kong kamay kaya nalagyan yung mata ko. Napasigaw ako sa hapdi kaya kinatok ako ni Stella.

"Huy, ayos ka lang?" tanong nya.

'Oo, nalagyan lang ng sabon yung mata ko.' sagot ko naman.

Nag-shower ako para mawala ang hapdi. Feeling ko naman wala syang nakita kasi may sabon naman, grabe nakakahiya baka kung ano isipin nya!

Nang matapos ako maligo ay pumunta na akong kwarto para itext sya.

"Uy, sorry kanina. Nakalimutan ko naliligo nga pala ako." Paunang text ko sa kanya.

"I'm sorry din, wala naman akong nakita." reply nya.

Napatingin ako sa dibdib ko.

"I mean, wala akong nakita kasi may sabon naman." text nya pa.

"Ahh ok ok." reply ko.

"Bakit ka nga pala tumawag?" text ko pa.

"Just wondering if you're okay" reply nya.

"Ayos lang naman ako, medyo kinakabahan lang. Ikaw?" text ko.

"Ako rin. haha" reply nya.

"Sigurado ka na ba?" text nya.

Hindi ako nakareply agad.

"Oo naman. Ikaw ba?"

"Yes..." reply nya.

*

"Aray." reklamo ko dahil natusok ni Stella gilid ng mata ko.

"Sorry sorry." sabi nya sabay tawa ng maikli.

Si Stella ang nag-mamake up sa akin habang si Aster naman sa buhok ko.

Maya-maya ay natapos na rin sila.

"So pretty!" tili ni Stella.

"Nakikita ko na ang rason bakit naging straight bigla si Sky." sabi naman ni Aster na naka pamewang pa.

"Baliw."

Nang makita ko ang buong itsura ko sa salamin ay napanganga rin ako sa galing nila Stellaat Aster.

' Ang galing nyo, napagmukha nyo akong tao." puri ko sa kanila.

"Girl..." sabi ni Stella sabay hawak sa balikat ko at iniharap ulit ako sa salamin.

"Wala kami masyadong ginawa, ikaw lang yan." sabi nya sabay yakap mula sa likod ko.

Lumapit din si Aster.

"Kaya I believe, magkakaroon na agad ng kalaro ang baby ni Stella."

Hinampas ko ulit si Aster, kanina pa 'to nangaasar. Nag-aasaran pa kami nang makita namin ang oras na baka malate na kami kaya dali-dalu naming hinablot lahat ng gamit namin. Pero bago ako sumakay sa kotse ni Aster, ay pinicturan nila ako ng medyo aesthetic daw.

Buti na lang din at walang traffic kaya on time kaming dumating. Sila Aster at Stella muna ang naunang lumabas para i-check kung ano na nangyayari sa loob. Bumalik si Aster at kumatok sa bintana ng kotse.

"Tara na Lia, ikaw na papasok." Nakangiting sabi nya.

Huminga ako ng malalim bago ako lumabas ng kotse ni Aster. Inalalayan nya akong lumabas at pagkalabas ko ay inayos nya ang belo ko at ang gown. Nang makita na niyang maayos ay ngumiti sya sa akin na parang naiiyak pero pinipigil nya.

Tumabi ako kay Stella na nakatayo sa may nakasara pang pinto. Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Eto na yun, ikakasal ka na sa kanya." sabi ni Stella habang naiiyak na nakatingin sa mga mata ko.

Niyakap ko silang dalawa at maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng simbahan.

Nakita ko agad si Sky, ang taong mahal ko, na naghihintay sa may altar. Pinapangarap ko lang 'to noon, ang ikasal sa taong mahal ko. Habang papalapit ako kay Sky, mas lumalala ang pag-iisip ko na tumakbo na at wag na lang ituloy ang kasal, pero tuwing mapapatingin ako sa kanya, napipigilan akong gawin ito.

"Hi" sabi ni Sky matapos niyang kunin ang kamay ko.

Isang salita lang nya, nawala lahat ng pangamba ko.

"Hi" sagot ko sa kanya.

Naging matiwasay ang naging seremonyas.

'You may now kiss the bride." announce ng pari.

Humarap kami sa isa't isa at inangat nya ang belo ko.

"Ayos lang ba?" tanong ni Sky.

Tumango lang ako bilang sagot.

Unti-unti siyang lumapit hanggang sa magtama na ang mga labi namin. Biglang nagpalakpakan naman ang mga bilang namin na bisita kaya napakawala na ako sa halik. Nagkatinginan kami ni Sky. Kahit siguro bigyan ako ng isang libong rason para hindi mahalin si Sky, sya pa rin ang pipiliin ng puso ko.

Kasal na kami at tama si Aster, walang sigurado kaya mas pipiliin kong tumaya para malaman ko kung mananalo ba ako o matatalo, kaysa pagsisihan ko na hindi ako sumubok.