CHAPTER 12

Ang bilis lumipas ng mga araw, naging busy kami sa kanya-kanya naming buhay ni Sky at kanya-kanya rin naming inasikaso ang mga kailangan sa kasal namin. Pinsan ni Sky yung pari na magkakasal sa amin, tapos nag-asikaso na rin namin noon yung mga papeles na kailangan kaya nakuha na rin namin. Wala kaming mga bisita kaya mabilis lang lahat, siguro kung may ginastusan man kami ay yung mga bulaklak lang na ilalagay sa simbahan dahil baka kung pati iyon ay wala, baka magtaka na ang mommy ni Sky. Hindi nga pala rin pupunta ang daddy ni Sky, yung mommy at ang kambal lang ang pupunta. Sa part ko naman ay ang dalawa ko lang bestfriends dahil hindi naman makakapunta ang pamilya ko. Hindi ko rin alam kung anong sinabi ni Sky sa mommy nya at hindi na masyadong nagtanong sa mga ganap sa kasal namin.

Kami naman ni Sky ay hindi madalas nagkakausap, mag-uupdate lang kami sa isa't isa kapag tungkol sa kasal namin. Hindi ko nga rin alam bakit bigla syang naging cold pero siguro pagod lang lagi sa work kaya hindi ko na lang din sya tinatanong, pero minsan kinakamusta ko sya pero matipid lang sya sumagot.

Pero ngayong araw magkikita kami kasi titignan namin yung bahay na binigay ng mommy niya sa amin. Tsaka magdadala na rin kami ng ilan sa mga gamit namin para hindi na kami mahirapan gaano, next week na kasi yung kasal namin.

Doon na lang kami magkikita sa bahay kasi magtataxi rin ako kasi may mga dala na akong gamit at ganoon din sya kaya hindi na ako sumabay sa kanya.

Pagkadating ko sa bahay ay nakita ko ng naka park ang kotse nya kaya alam ko na nandyan na sya. Medyo marami akong dalang gamit buti na lang at tinulungan ako ng driver na ipasok yun, nagbigay na lang ako tip.

Pagkapasok ko sa loob ay wala si Sky, siguro may binili lang sa labas. Sakto lang yung laki ng bahay walang second floor tapos medyo malaki ang space sa sala, yung kusina open lang, may kitchen counter at yun ang parang divider ng kusina sa dining table at sa sala. May dalawang room na magkatabi, siguro yung ia gagawing walk-in closet o kung ano man. Binuksan ko ang unang kwarto sa kanan, pagkabukas ko ay nandoon ang gamit ni Sky at meron na ring kutson ang kama, siguro dito ang kwarto namin. Pumunta naman ako sa kabilang kwarto par silipin pero nakita ko na may kama rin pero wala pang kutson.

"That's your room." Lumingon naman ako sa likod at nakita ko si Sky na nag-aayos sa kusina.

"Magkaiba tayo ng room?" tanong ko sa kanya. Pumunta na rin ako sa kusina at umupo sa upuan sa tapat ng kitchen counter.

"Yup, so we can have our privacy." sagot naman nya habang nagaayos ng pagkain sa cabinet.

Pagtingin ko sa pinto ng cabinet, may mga pangalan iyon kada pinto.

"Sa akin 'tong part na 'to, and sayo yung sa bandang kanan." paliwanag nya.

"Pagdating naman sa ref, akin na yung lower part tapos sayo yung itaas, ganoon din dito sa may lalagyan ng egg at sa freezer. Tapos dito sa may lalagyan ng vegetables, nilagyan ko na ng divider, sayo yung kanan akin yung kaliwa." paliwanag nya habang nakabukas ang ref.

Pagkatapos nya mag-ayos sa kusina ay pumunta muna sya sa kwarto nya at naiwan ako na mag-isa dito sa kusina na pinoproseso ang mga sinabi nya. Tinignan ko ang dalawang kwarto pagkatapos ang mga cabinet sa kusina na may mga pangalan namin...

Oo nga pala, ano bang iniisip ko. Hindi pala kami magpapakasal dahil sa pagmamahal, dahil nga lang pala sa takot na mag-isa. Kahit naman mahal ko sya, hindi naman ibig sabihin noon na matututunan nya akong mahalin. Ano bang naisip ko at nag-ilusyon ako na kahit papaano kapag kinasal kami ay magtuturingan kaming mag-asawa, oo nga pala... hindi nya nga pala ako mahal.

Tumayo na ako para ayusin ang mga dala kong gamit sa kwarto ko. Habang nag-aayos ako ay may kumatok sa pinto kahit nakabukas iyon.

"You need help?" Tanong nya.

"Hindi na, kaya ko naman. Yung ano nga pala... yung contract." sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Uh... Nakalimutan ko, dalhin ko na lang sa apart--" pinutol ko ang sinasabi nya.

"E-mail mo na lang sa akin para kung may gusto akong idagdag o baguhin madaling i-send." sabi ko

"O-ok." nauutal niyang sabi.

"Dito na nga pala ako mag-stay para makapag-ayos din." habol nya pa.

"Ok." maikling sagot ko.

Pagkatapos ay umalis na siya at nakahinga na ako ng maluwag.

Nang matapos ako mag-ayos ay aalis na sana ako pero pinigil ako ni Sky.

"Dinner ka muna." pagyaya nya.

"Hindi na, baka nagluto rin kasi Stella. Uwi na ako." sabi ko sabay ngiti ng bahagya. Naglakad na ako papunta sa pinto nang magsalita na naman sya.

"Hatid na kita." sabi nya ulit.

"Sky... wag na." sabi ko nang hindi humaharap sa kanya.

Pagkatapos noon ay hindi ko na siyang hinintay na magsalita pa ulit at tuluyan na akong lumabas sa pinto. Bilis-bilis rin akong naglakad papunta sa gate at lumabas. Pagkasara ko ng gate ay huminga muna ako bago naglakad-lakad. Sa may gate na ng subdivision ako nagbook ng masasakyan.

Sobrang traffic noong nasa highway na kami kaya nagsalpak muna ako ng earphones at tsaka nag-soundtrip.

(Pasalubong by Ben&Ben, Moira Dela Torre.)

Buong byahe ay paulit-ulit lang na tumutugtog ang kanta na pinapakinggan ko.

Pasalubong naman sa aking nararamdaman...

Ang sarap sabihin kay Sky ng mga linyang yan, pero wala, ginusto ko rin naman kasi 'tong sitwasyon namin kaya hindi ako pwede mag-demand o mag-expect sa kanya.

"Dito na po tayo." sabi ng driver.

Pagkaabot ko ng bayad ay pumasok na ako sa gate. Nagtataka ako kasi ang dilim ng bahay, wala apa ata si Stella, nagugutom pa naman na ako.

"Surprise!" Biglang sigaw nila Stella at Aster, bumukas na din ang ilaw kaya nagulat ako sa ginawa nila.

Ang daming pagkain tapos naglagay sila ng projector at may nakalatag sa sahig na kumot. May mga nakasabit din na design kaya nakakatuwa.

"Anong meron?" nakangiti kong tanong sa kanilang dalawa.

"Syempre ikakasal ka na kaya dapat may party tayong tatlo!" sabi ni Stella.

"Tama tama." duktong pa ni Aster.

" 'Wag nyong sabihin na may mga matso dancer na dadating?!" tanong ko.

"Gusto mo ba? nako bakit 'di mo sinabi na gusto mo pala ng mga ganun!" sigaw ni Stella.

"Hoy buntis, tumigil ka, wala akong sinabi." sagot ko naman.

Nagtawanan naman kaming lahat.

Pinaupo nila ako sa kumot na nakalatag.

"Teka, mamaya na tayo mag-start ng movie marathon, maliligo muna ako." sabi ko.

"Hindi, ok na yan." sabi naman ni Aster.

Tumabi silang dalawa sa kin, si Stella ay yumakap sa akin at si Aster naman ay ipinatong ang ulo sa balikat ko.

"Ano ba meron?" naguguluhan kong tanong.

"Basta." sabi ni Aster sabay pindot sa remote na hawak nya at nag-play na.

Pero hindi movie ang lumabas sa white screen kundi mga pictures naming tatlo at may mga solo ko simula pagkabata.

Tawanan ang nangibabaw sa aming tatlo habang pinapanood namin ang video na ginawa nila para sa akin.

Pagkatapos ng video ay tumayo si Stella at pumwesto sa harap ko.

"Cordelia, masaya ako para sayo. Sa dami ng pinagdaanan mo sa buhay mo, deserve mong mahalin ng taong mahal mo. Kaya sana, ipangako mo sa akin na magiging masaya ka ha? kung hindi man, kung iiyak ka man, kung may mga pagkakataon na masasaktan ka, huwag kang magdalawang isip na tumakbo sa amin, kasi kahit anong mangyari, magkakaibigan tayo forever." sabi ni Stella na umiiyak na.

Umupo na ulit sya sa tabi ko at niyakap ako. Si Aster naman ang tumayo at kitang-kita ko na pinipigilan nyang umiyak.

"Mahal kita kasi para na kitang kapatid, kayong dalawa ni Stella, kaya gusto ko na maging maayos yung lagay nyo. Kaya alagaan mo sarili mo, yun lang siguro, at sana maibigay ni Sky yung deserve mong pagmamahal dahil kamahal-mahal ka." sabi ni Aster sabay ngiti at luhod para yumakap.

Sobrang naappreciate ko sila, si Stella alam kong may mabigat syang pinagdadaanan pero pinili nya pa ring pasayahin ako ngayon. Si Aster, hindi talaga cheesy at magaling sa words yan si Aster, kaya ngayon sobrang naappreciate ko yung sinabi nya.

Nagyakapan pa kaming tatlo bago kami ni Aster mag-inom, bawal si Stella kaya juice lang sa kanya.

Habang nag-iinom ay nanonood kami ng horror.

"Namatay yung aso." sabi ko sabay iyak.

Pero ang totoo ginagamit ko lang yun na dahilan para makaiyak.

Gustong-gusto ko i-text si Sky, gustong-gusto ko maging clingy sa kanya ngayon, gusto ko syang makita pero hindi ko magawa.

"Tapos na yung movie." sabi ni Stella.

"Namatay yung aso." ulit ko dahil hindi natigil ang luha ko sa pagtulo.

"Aww.." sabi ni Stella at niyakap niya ako na parang nagpapatahan ng bata.

Tawa naman ng tawa si Aster sa gilid ko kasi umiiyak daw ako, hinampas naman sya ni Stella.

Tumayo si Stella para kumuha ng tubig.

Kinuha ko naman ang phone ko at binuksan ang ig ko. Nakita ko na may ig story si Sky kaya inopen ko yun.

Picture lang ng binabasa nya.

Ewan ko rin pero parang ang lakas ng loob ko na magreply sa ig story nya.

cor. qui: Amishu.

Pagkatapos noon ay nawalan na ako ng malay dahil sa hilo.