CHAPTER 11
Biglang tumunog ang phone ni Sky.
Naramdaman ko ang buntong hininga niya kaya napamulat ako at kitang-kita ko na kumagat sya sa labi nya bago siya lumayo at sinagot ang tawag.
Halos manghina naman yung tuhod ko sa nangyari kaya napakapit ako sa dingding ng sinisilungan namin at sakto rin naman na tumila na ang ulan. Nang kumalma na ang puso ko ay inayos ko na ang tayo ko.
" Alright, bye." sabi ni Sky pagkatapos ay binaba na nya ang tawag.
Halos mataranta naman ako kung anong gagawin ko, syempre ba naman after nung muntik na mangyari hindi ka ba matataranta doon.
Ang tagal nya bago humarap sa akin kaya pimirmi na ako sa pagkakatayo ko.
"Hatid na kita." cold na sabi nya.
"Uh... sige." mahinang sagot ko.
HIndi na sya sumagot pa at nagsimula ng maglakad pabalik kung saan kami naka park.
Hanggang sa maihatid nya ako ay tahimik lang sya kaya naman bago ako bumaba ay ako na ang nagsalita.
"Salamat sa paghatid, ingat ka." sabi ko.
Dahan-dahan kong inaalis ang seatbelt ko dahil baka sasagot sya pero tumango lang sya kaya naisip ko na baka pagod na sya kaya bumaba na ako para makauwi na sya.
*
Simula kagabi ay bahin na ako ng bahin, barado na rin ang ilong ko at sakit ng katawan ko.
"Uy sure ka ok ka lang? gusto mo 'di na ako umalis?" nag-aalalang tanong ni Stella sa akin.
"Ok lang ako, tsaka anong hindi ka sasama eh ikaw yung principal, siguradong kailangan ka doon." sagot ko naman.
"Sure ka ah, basta tawagan mo lang ako o kaya si Aster, pwede rin yung fiance mo kapag may kailangan ka ah." pagpapaalala ni Stella.
"Isipin mo sarili mo, wag mo rin pabayaan sarili mo buntis." sabi ko rin sa kanya.
Ayos na rin na aalis si Stella kasi baka mahawa ko pa sya, mukha rin kasing lalagnatin ako sa lagay kong 'to.
Nang makaalis na si Stella ay pumwesto na ako sa kama dahil dito ko na lang balak magwork kasi ang sakit talaga ng buong katawan ko. Kinuha ko muna ang digital thermometer para i-check yung temperature ko kasi ang init din ng pakiramdam ko.
Napahiga ako sa kama nang malaman ko na nilalagnat nga ako pero tumayo rin agad ako para kumuha ng gamot sa kusina. Napasapo ako sa mukha ko nang malaman ko na ubos na ang gamot kaya nagtext na lang ako kay Aster na baka pwede naman nya ako daanan ng gamot pagkalunch break nya.
"Aster, pakidaanan mo naman akong gamot pagkalunch break mo, nilalagnat kasi ako. Salamat." text ko kay Aster.
Pagkatext ko ay bumalik na ulit ako sa kwarto para humiga, hindi na lang siguro ako mag-wowork ngayon, hindi ko kasi talaga kaya kasi umiinit na rin yung singaw ng mata ko kaya ipinikit ko muna yung mga mata ko para matulog.
*
Nagising ako sa tunog ng pinto sa sala, siguro ay si Aster na yun kaya hindi na ako bumangon at pumikit na lang ulit dahil sobrang sakit na rin ng ulo ko. Maya-maya ay narinig ko na pumasok rin ito sa loob ng kwarto at naramdaman kong umupo sa kama ko.
"Have you eaten yet?"
Boses lalaki kaya minulat ko ng kaunti ang mata ko. Nagha-hallucinate na ata ako kasi naririnig at nakikita ko ang mukha ni Sky.
Umiling na lang ako sabay pikit ulit, dala lang siguro ng sakit ng ulo yun.
Tumayo si Aster at narinig ko syang lumabas ng kwarto pero maya-maya rin ay bumalik siya na may dala ng pagkain.
"You should eat first, lalo ka nyang manghihina kapag walang laman tiyan mo." sabi pa nya ulit.
Tinulungan nya akong bumangon, medyo naiilang ako kasi si Sky pa rin ang nakikita ko kay Aster.
Habang kumakain ay nauhaw ako.
"Aster, water." mahinang sabi ko.
Kahit kumakain ay halos nakapikit pa rin ang mata ko dahil nanghihina talaga ako. Tinulungan naman ako ni Aster na uminom. Nang matapos ako kumain ay inabot sa akin ni Aster ng gamot para makainom na ako.
Kaunti lang ang kinain ko pero hindi muna ako pinahiga ni Aster, pinasandal nya lang muna ako para kahit papaano ay nakakapahinga pa rin ako.
Nagising na lang ako na nakahiga na ako, nakakumot, at may towel sa noo. Sa tingin ko ay bumaba na ang lagnat ko dahil medyo bumalik na ang lakas ko. Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kwarto para umihi, napalingon ako sa bintana at nakita ko na gabi na pala, ang haba pala ng naitulog ko.
"Oh gising ka na pala., kumusta na pakiramdam mo? nakainom ka ba gamot kanina? nakita wala na laman medicine kit mo." casual na tanong ni Aster na nagluluto sa kusina.
"Ha? ba't tinatanong mo eh ikaw kaya nagpainom sa akin kanina." sagot ko naman.
Ihing-ihi na ako kaya pumasok na muna ako a banyo, maririnig ko naman sa dito kaya umihi na ako.
"Anong kanina, pagkaout ko tsaka pa lang ako pumunta rito, kung hindi pa ako tinext ni Stella hindi ko pa malalaman na may sakit ka!" sigaw nya para marinig ko sa banyo.
"Tinext kita, sabi ko magdaan ka ng gamot pagkalunch break mo, pumunta ka nga eh, pinakain mo pa ako." sigaw ko rin.
"Ako Lia wag mo akong pinagtritripan, hindi ako pumunta rito kanina." sabi ni Aster.
Napatakip ako ng bibig.
Si Sky?!
Napatingin ako bigla sa suot ko, naka white t-shirt lang ako at wala akong suot na bra tapos yung buhok ko ang oily tapos ang gulo kasi hindi ako naligo kanina!
Napakuyumos na lang ako ng mukha ko.
"Lia, labas na, kakain na. Iinom ka pa ng gamot." sigaw ni Aster.
Lumabas ako ng banyo na tulala.
"Anong nangyari sayo?" tanong ni Aster.
"Si Sky, si Sky yung pumunta kanina." nanghihina kong sabi.
"Oh eh ano naman? fiance mo naman yun."
Wala sa sariling tumango-tango na lang ako dahil iniisip ko kung itetext ko ba sya at mag-sosorry.
Pagkatapos kumain at uminom ng gamot, pumunta muna ako sa kwarto para i-text si Sky.
"Sorry kanina, hindi ko alam na ikaw pala yung natext ko, naabala pa tuloy kita." text ko sa kanya.
Pero hindi siya nag-reply, kaya naisip ko na maligo muna para bumaba ang body temperature ko. Pagkatapos ko maligo ay nakita ko si Aster na busy sa ginagawa nya at may kausap pa sa phone kaya dumiretso na lang ulit ako sa kwarto para magbihis.
Pagkabihis ay humiga ako sa kama at tinignan kung nagreply na ba si Sky pero wala pa rin kaya nagtingin muna ako sa instagram. Nakita ko na may ig story sya kaya tinignan ko iyon. Nasa rooftop bar siya kasama mga kaibigan nya. Ang dami niyang kasama at mukhang mga lasing na.
Naagreply ako sa last na ig story nya.
cor. qui: Ingat sa pag-uwi.
Pero kahit doon ay hindi siya nag-reply, siguro lasing na rin sya.
Naisip ko na mag-ig story din.
Selfie lang habang nakahiga. Agad naman naview iyon ni Stella at nagreply.
stellar_: Magaling na u?
cor. qui: medyo ok na.
stellar_: Good, tulog na ako. Goodnight, missyou!
cor. qui: Miss you. Goodnight!
Nagreply rin si Aster kahit nasa labas lang sya ng kwarto.
aster000: Tulog na.
cor. qui: maya.
Chineck ko kung viniew ni Sky at naka view nga sya.
"Nag-viview pero hindi nagrereply." bulong ko sa sarili ko.
May bago ulit syang ig story kaya viniew ko ulit.
Picture ng moon tapos may word na "rest", kaya nagreply ulit ako.
cor. qui: uwi ka na, rest ka na.
Pero hindi pa rin siya nagreply, anong problema nito? at talagang panay reply din talaga ako sa ig stories nya, nakakalakas pala ng loob ang lagnat.
Nag-ig story ulit sya, picture na ng city lights tapos nakacapslock na yung "rest" na word. Tingnan mo 'to, gusto na magrest pero hindi pa nauwi.
Hindi na ako nagreply sa ig story nya at nanood na lang muna ako ng movie habang nagpapatuyo ng buhok.
Pinicturan ko yung laptop ko kung saan nagplaplay yung movie at ipinost ko sa ig story ko. Hindi na nagreply si Aster dahil baka busy pa rin sa work nya kasi may mga deadline syang tinatapos.
Romance pinapanood ko at mayroong scene na mag-kikiss dapat sila pero hindi natuloy, tapos yung reaction nung lalaki sa movie ay katulad noong kay Sky na kumagat ng labi. Pero sa movie na 'to kaya nakakakilig kasi gusto ng lalaking bida ang bidang babae. Samantalang sa amin ni Sky, mukha namang nabigla lang si Sky kasi malabo naman na magustuhan ako ni Sky, ni-hindi nga nagrereply sa akin pagkatapos nung nangyari, nakapagparty pa.
"Ay butiki!" nagulat ako nang biglang may tumawag.
"Hello?" nagaalangang sagot ko, iniisip ko pa lang kasi sya tapos biglang tumawag.
"Bakit gising ka pa? bakit hindi ka nagpapahinga? " magkasunod niyang tanong.
Rinig ko pa rin ang tugtog kung nasaan siya, pero mas rinig ko ang kaseryosohan sa boses nya.
"Uh... Pinapatuyo ko lang yung buhok ko." nagaalangang sagot ko ulit.
"Sleep." matipid at seryoso niyang sabi.
"Ok po." napalagay tuloy ako ng 'po' kasi parang nanay ko yung nagpapatulog sa akin.
"Good." sabi nya sa kabilang linya sabay baba ng tawag.
Napakunot naman ako ng kilay at napakamot. Ano yung nangyari? lasing na ba yun?
TInigil ko na ang movie at pinatay ko na ang laptop, inayos ko ang unan ko at tsaka humiga na para matulog.
Pero bago ako matulog ay tumunog ulit ang phone ko.
its_sky: Goodnight, my Cordelia.
Hala? lasing na nga 'to.
cor. qui: Wag ka na mag-drive, lasing ka na. night!