CHAPTER 9
"Dinner's ready!" Naputol ang katahimikan sa gitna naming tatlo nang sumigaw ang mommy ni Sky.
Umubo rin ng kunwari ang ate ni Sky para maging light ulit ang atmosphere. Hindi ko rin alam kung bakit parang bumigat yung atmosphere dahil ba sa sinabi ko, may mali ba sa sinabi ko? Bakit masama ang tinginan ng mag-ama sa isa't isa? dapat ba hindi na lang ako sumagot?
Hinatak na kami ni ate Helena papunta sa dining table.
Habang kumakain ay panay daldal lang si ate Helena at ang mommy ni Sky, paminsan-minsan ay sinasama nila akong dalawa sa usapan dahil yung mag-ama ay tahimik pa rin hanggang ngayon at naka focus lang sa kinakain nila.
Napatingin ako kay Sky na seryosong kumakain, very unusual yung nakikita ko ngayon kay Sky. Kilala ko sya bilang palangiti at palakaibigan pero ngayon ang nakikita ko ay isang tahimik at hindi ngumingiting Sky. Bawat tao talaga ay may sariling istorya na bitbit na hindi alam ng ibang mga tao, siguro kasi takot tayo na mahusgahan o takot tayong ipakita ang kahinaan natin.
Napatingin ako sa mommy ni Sky nang isali na naman nila ako sa usapan nila ni ate Helena.
"Ikaw hija, ilan ang gusto mo maging anak? nako, I have a feeling na sobrang cute rin ng mga magiging apo ko sa inyo ni Sky." nakangiting sabi nya sa akin.
Anak? thirty na ako pero never ko pa naisip kung gusto ko ba magkaanak o ilan ba ang gusto ko. Siguro kasi alam ko sa sarili ko na hindi pa ako financially stable para sa ganoong bagay at ayokong maging kawawa yung mga anak ko kung sakali man. Ayokong maging retirement plan ko ang mga anak ko, dahil gusto ko kapag magkakaanak man ako, gusto ko maibigay ko sa kanila ang buhay na malaya silang mangarap at i-pursue ang gusto nila.
Hindi tuloy ako makasagot kasi hindi ko alam kung isasagot ko ba yung totoo o mag-iimbento na lang ako?
"Maybe the reason why she can't answer a simple question, is because she knew that her fiance will not let her conceive one. You know, bakla lang sya." sabi ng daddy ni Sky sabay inom ng wine na akala mo ay may nasabi syang amusing pakinggan.
Huminga ako ng malalim.
Ang motto ko talaga in life, hindi ko rerespetuhin ang hindi karesperespeto.
"I'm sorry sir, pero siguro mas gugustuhin ko na lang po na hindi magkaanak kung katulad nyo lang po ang magiging lolo ng magiging anak ko." tumayo ako at humingi ng tawad sa mommy at ate nya.
Hinawakan ko ang braso ni Sky at hinila sya patayo.
"At sir, hindi bakla LANG ang anak nyo, he's gay but it doesn't mean that he's less of a person. Because he's smart, kind, friendly, and an even better person than most of the people including you, sir."
Tuluyan ko ng hinatak si Sky palabas ng bahay nila. Nang makarating kami sa tapat ng kotse nya ay huminto kami, hindi pa rin kumakalma ang puso ko, kung after noon ay piliin ni Sky na hindi na ako pakasalan, ayos lang. Basta hindi ko babawiin yung sinabi ko dahil yun ang totoo at mali rin na pinaparamdam nya sa anak nya na parang kapansanan ang pagiging bakla.
Nang mapansin ni Sky na mataas pa rin ang emosyon ko ay pumunta siya sa harap ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Hindi ako nakatingin sa kanya dahil lumilipad pa rin ang utak ko at sobrang init pa rin ng buong mukha ko dahil sa inis.
"Hey." mahinang sabi nya.
Parang may spell yung isang salita na yun dahil napatingin ako sa kanya. Narealize ko na sobrang lapit pala ng mukha nya sa mukha ko.
Tinitigan nya ako ng ilang segundo tsaka ngumiti at niyakap ako.
"Thank you." mahinang sabi nya habang hinahaplos haplos ang likod ko.
"It's... the first time someone stood up for me." duktong nya habang patuloy pa rin sya sa paghaplos sa likod ko.
Napakalma ako ng mga haplos nya sa likod ko.
Nanatili pa kami sa ganoong posisyon bago nya ako pinakawalan.
"Let's go?" nilahad nya ang kamay nya.
Ngumiti ako sabay tango at abot ng kamay ko sa kanya.
*
"Lia, gising may bisita ka."
Napasabunot naman ako sa buhok ko sa inis kasi antok na antok pa ako.
"Sino ba yun? sabihin mo tulog pa." Nanghihina kong sabi sabay taklob ng unan sa mukha.
"Ah sige, sabihin ko sa nanay ng pakakasalan mo na tulog ka pa."
Walang anu-ano ay napabangon ako agad sa pagkakahiga.
"Ano? Sinong nandyan?" paninigurado ko.
"Nanay ng fiance mo, nasa sala nagkakape." sagot naman Stella.
Napasapo ako sa bibig ko.
Anong ginagawa niya dito? Sasabunutan nya ba ako dahil sa nangyari kagabi? o sasabihin niya ba sa akin na hindi siya boto sa akin at oofferan na nya ako ng milyon para layuan si Sky?
"Huy, ano 'di ka lalabas?" sabi ulit ni Stella sa akin na nakapamewang.
Huminga ako ng malalim, inayos ang buhok at tsaka lumabas ng kwarto.
"HIja, I'm sorry nagising kita." bati ng mommy ni Sky.
Ngumiti ako ng alanganin at tsaka umupo sa bean chair.
"Ok lang po, pero bakit nga po pala kayo nandito?" tanong ko.
Nagbuntong hininga sya bago sumagot.
"Sa totoo nyan hija, gusto kong humingi ng pasensya dahil sa nangyari kagabi." sabi nya habang nakatingin sa akin.
Nabigla naman ako kasi ang akala ko ay nagalit sya dahil sa inasal ko kagabi. Aminado naman ako na naging bastos rin ako kagabi pero alam ko rin naman yung dahilan kung bakit ko yun nagawa.
"Gusto ko rin pong humingi ng tawad sa inyo po, hindi ko lang po kasi kayang magbingi-bingihan sa mga narinig ko po kagabi." paliwanag ko.
"It's ok hija, wala kang dapat ihingi ng tawad." she paused for a bit to drink.
"It started when Sky confessed to us about his sexuality, highschool siya noon. Close sila ng father niya noon pero after that confession, nagbago lahat. That's why I can't blame you for answering, actually I'm thankful because you did that for my son." duktong nya.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko na nasa ibabaw ng hita ko.
"Kampante na ako kasi alam kong nandyan ka na lagi sa tabi nya."
Hindi ko alam ang isasagot ko kaya hinawakan ko rin ang dalawa niyang kamay at tsaka ako tumango at ngumiti. Ngumiti rin sya bago bumitaw at may kinuha sa loob ng bag nya.
"Eto nga pala hija, niregister ko kayo ni Sky sa family planning seminar at bridal fair din."sabi nya sa akin sabay abot ng details
"Po?" nabigla kong tanong.
Pinipigil ko talagang magsalita kasi di pa ako nakakapag-toothbrush wala naman kasing banyo sa kwarto ko.
" Diba nakakaexcite, for sure maeenjoy nyo yun. Oh sya, aalis na ako." sabi nya sabay kuha ng bag nya at tayo.
Tumayo rin ako.
"Breakfast po muna tayo bago po kayo umalis." yaya ko.
Nako sana may niluto na si Stella.
"Hindi na hija, may salon appointment pa ako, next time na lang." sabi nya.
"SIge po.
Basta message mo lang ako hija if may need pa kayo, ok?" sabi nya sabay hawak ulit sa kamay ko habang nakangiti.
"Thank you po." sagot ko.
Niyakap niya muna ako bago tuluyan na umalis.
*
Lumipas ang mga araw at dumating na nga yung araw kung kailan kami aattend ni Sky sa isang family planning seminar na inarrange ng mommy nya. Napagkasunduan namin ni Sky na susunduin nya ako para sabay kaming darating sa venue.
Umalis na si Stella at hindi muna rin daw sya uuwi mamaya kasi bibisita raw muna sya sa kanila kaya mag-isa ako ngayon sa apartment. Si Aster naman bihira ko makita kasi sobrang busy nya ngayon, lagi niyang sinasabi ngayon na gusto na nya magresign, actually lagi nya yana sinasabi kapag nasstress sya pero never naman nya ginawa kasi malaki yung sahod nya doon.
Nakaayos na ako nang biglang tumawag ang mga kapatid ko sa group chat naming tatlo. Iniisip ko pa nga kung sasagutin ko kasi baka biglang dumating na si Sky, pero sinagot ko na rin kasi alam ko na saglit lang din naman 'to.
Kaso sakto naman ng pagkasagot ko ay ang pagpasok ni Sky sa apartment ko, sinabihan ko kasi sya na pumasok na lang sya kapag 'di ako sumasagot kasi baka 'di ko sya marinig na dumating.
"Pumasok na ako kasi pagkahawak ko sa gate bumukas, muntik na nga ako masalubsob." sabi nya sabay tawa.
Naistatwa naman ako sa kinatatayuan ko kasi 'di ko alam gagawin ko, ipapakilala ko ba si Sky? Ngayon talaga? balak ko kasi sana kapag nandito na sana sila sa Pinas.
Pero bago pa man ako makasalita ay sumilip na si Sky sa laptop ko at bumati sa mga kapatid ko.
"Good Morning po, I'm Sky, Cordelia's fiance."
Napaligon ako sa kaliwa ko kung nasaan sya, nabigla naman ako kasi sobrang lapit nya pala sa akin. Nakaupo ako habang siya ay nakatayo pero naka bend sya para makita sya ng maayos sa laptop, matangkad kasi sya.
Nang hindi nya ako narinig na nagsalita ay lumingon din sya sa akin.
"Goodmorning love." sabi nya sabay halik sa pisngi ko..
Umubo naman ng kunwari ang ate ko kaya napabalik kami ni Sky ng tingin sa kanila ni kuya.
"NIce to meet you Sky, kami nga pala ang ate at kuya ni Cordelia, mabuti na rin na nandito ka kasi may sasabihin kami." sabi ni Ate.
"Ano yung sasabihin nyo?" naguguluhan kong tanong.
"Hindi pala kami makakauwi sa kasal mo, nasa hospital kasi yung pamangkin mo, kailangan nya magstay dun ng matagal para dun sa treatment." sabi ni kuya.
Napatingin naman ako kay ate.
"Hindi ako pwede umalis sa trabaho, kasi kapag nnagleave ako baka mawala sa akin yung promotion na hinihintay ko." paliwanag naman nya.
Napatango na lang ako.
"Ano pa nga ba."sabi ko sabay end na ng call.
Wala akong naramdaman, kahit gulat wala, siguro kasi nasanay na ako na wala sila, na mag-isa lang ako.
*
Tahimik lang ako sa buong byahe namin ni Sky, nararamdaman ko naman na lumilingon-lingon sa akin si Sky, ramdam ko na may gusto siyang sabihin pero pinili na lang din nyang hindi na lang umimik buong byahe namin.
Hanggang sa magsimula ang seminar ay tahimik lang kaming dalawa na nakikinig sa nagsasalita sa harap. Matapos ang isang oras ay biglang sinabi na mag-icebreaker daw muna kami kaya lahat ay pinatayo at pinagilid ang mga upuan. Pagkatapos ay pinapunta kaming lahat sa gitna dahil maglalaro daw kami ng paper dance kaya inabutan kami isa-isa ng dyaryo.
Tahimik kong inilatag ang dyaryo na inabot sa akin, lumuhod din si Sky pero tinitigan nya lang ako, nagpapanggap ako na hindi ko sya nakikita na nakatitig sa akin kasi ayoko magsalita, wala akong gana magsalita ngayon.
Nung tumayo ako ay tumayo rin sya pero nakatitig pa rin sa akin.
Maya maya pa ay nagsimula na ang laro.
Unang hinto ng tugtog madali pa kasi malaki pa ang buka ng dyaryo, pero habang tumatagal paliit din ng paliit ang dyaryo.
Huminto na naman ang tugtog kaya napatalon ako sa dyaryo muntik na ako ma-out of balance pero nahatak ako agad ni Sky kaya napayakap ako sa kanya. Nakatingin na sya sa akin ng tingnan ko sya
"Be careful." mahinang sabi nya.
Napatingin ako sa labi nya at napalunok, nahiya bigla ako sa sarili ko kaya umiwas ako ng tingin. Nagsisigawan naman ang mga iba naming kasama pati na rin ang host ng seminar dahil tinutukso kaming ang sweet daw namin, buti na lang ay tumugtog na ulit.
Natapos na ang game at nanalo kami ni Sky, hindi ko alam na competitive pala itong si Sky. kaya balik na ulit kami sa discussion.
"Matanong ko nga kayo, ilan ba ang gusto nyong anak at bakit?" tanong ng host ng seminar.
Isa-isa silang nagsabi kung ilan ang gusto nila, ang madalas na sinasabi ay dalawa, tatlo, meron pang isa lang ang gusto. Noong kami na ang tatanungin ay si Sky ang kumuha ng mic.
"Siguro kung kaya ng asawa ko, gusto ko ng twelve. Gusto ko kasi marami para kapag wala ako sa bahay namin dahil sa trabaho, hindi mawawalan ng kasama yung asawa ko at hindi siya malungkot."
"Wow, ang dami." biro ng host.
Napatawa naman ako ng matipid kaya ngumiti siya sa akin.
*
Pagkatapos ng seminar ay niyaya nya akong kumain, tinanong nya ako kung saan ko gusto pero ang sabi ko sa kanya kahit sa fast food na lang, kaya pumunta kami sa isang fast food chain para mag-take out, sa apartment ko na lang daw kami kumain.
Nang makarating kami sa apartment ko ay inayos ko na agad ang pagkain sa lamesa para makakain na kaming dalawa ng dinner. Tapos na ako mag-ayos kaya pinaupo ko na sya, nakita ko naman na nililibot nya ang mata nya.
"Nasaan si Stella? ‘di ba dito siya nag-sstay?" tanong nya habang umuupo.
"Oo, pero ngayon hindi muna sya uuwi kasi umuwi muna sya sa bahay ng parents nya."sagot ko naman.
Tumango-tango naman sya.
"Salamat nga pala, kasi hindi ka nagtanong. Napapagod na kasi akong intindihin sila at nahihirapan ako paano ipapaliwanag sa ibang tao yun." sabi ko habang naka tulala sa plato ko.
HInawakan nya ang ibabaw ng kamay ko.
"Hey, you don't need to explain. It's fine, I completely understand." sabi nya kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko na nakangiti sya.
"But you also have to remember that you have me and your friends, we will always be here for you." duktong nya pa.
Habang tumatagal at habang mas nakikilala ko si Sky, mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Minsan sa kung paano siya kumilos at magsalita sa akin, minsan nakakalimutan ko na bakla sya; kung paano siya umasta at makitungo sa mga tao, napatunayan ko lang na mas lalaki pa sya sa ibang straight na lalaki.