CHAPTER 8

Kakabukas pa lang ng mall ay nasa grocery na ako para mamili ng mga kailangan ko sa bahay at para na rin makapagisip-isip, mamaya kasing gabi magdidinner ako sa bahay ng parents ni Sky, ipapakilala na daw nya ako sa family nya para masimulan na rin namin pag-aasikaso sa mabilisan naming kasal next month. Balak namin na civil wedding na lang para wala ng mga maraming mga bisita, nagulat nga ako na yun ang gustong ni Sky knowing na marami siyang friends.

Pagkatapos ko mag-grocery ay nagutom ako kaya pumunta muna ako sa isang fast food chain para bumili ng burger at ng fries. Mag-eescalator na sana ako nang biglang may nakabungguan ako na babae na nasa 50 years old na at nalaglag ang ecobag ko na may laman na pinamili ko.

"Nako I'm sorry hija, I didn't see you." paghingi ng pasensya ng babaeng nakabunggo ko habang tinutulungan akong kunin ang mga ilan na kumalat sa pinamili ko.

"Ok lang po, sorry din po." paghingi ko rin ng pasensya sa kanya, tumingin pa ako ng kaunti sa kanya para ngumiti sabay balik ulit sa pagpulot ng mga pinamili ko.

"Cordelia?" tawag nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

Itinuro ko ang sarili na parang nalilito, "Kilala nyo po ako?" tanong ko.

"Nako, oo naman!" Hinampas nya pa ako sa balikat dahil sa tuwa nya.

"Ako si mommy Karina, ang mommy ng mapapangasawa mo!" sabi nya sabay tawa.

Tumawa rin ako pero tawang alanganin, hindi ko kasi alam irereact ko. "Ah hello po, Cordelia po, ay alam nyo na po pala pero paano nyo po nalaman?"

"Kinukulit ko kasi yung anak ko na patingin ng picture mo, kaya ayun pinakita nya sa akin yung picture mo na tulog!" sabi nya sabay tawa ulit.

"Tulog po?" sabi ko sabay tawa ulit ng alanganin. Nakilala niya talaga ako sa picture kong tulog? at saan naman galing yung picture ko na yun? may inupload ba sila Stella na hindi ko alam?

"Oo hija, may hawak ka pa ngang beer sa picture, kayo ha kasal muna bago apo." bulong nya sabay tawa na parang nangaasar.

Tumawa ulit ako ng alanganin, sana hindi halata na pinipilit ko lang yung tawa ko kasi hindi ko talaga alam sasabihin ko.

"Mi, kanina pa kita hinahanap... Cordelia?" biglang dumating si Sky, buti naman nandito sya!

Tumingin sa kanya ang mommy nya na parang nagtataka kaya sinenyasan ko sya na baka makahalata mommy nya.

Mukha namang nagets nya kasi tinaas baba nya ang kilay nya. Tumayo na kami pareho ng mommy ni Sky dahil nakuha ko na lahat ng nalaglag.

"I mean, love? bakit nandito ka? hindi ka man lang nagtext sa akin." sabi nya sabay lapit sa akin at akbay na idinidikit ako sa katawan nya.

Wag ka manigas dyan Cordelia, magsalita ka!

"Uh... kasi... 'di ka nag-reply sa goodmorning ko kaya akala ko tulog ka pa." sabi ko sa pinaka natural way na kaya ko para sa sitwasyon ko ngayon.

"Oh, I'm sorry love. It won't happen again, promise."sagot nya.

Napatingin ako sa kanya kaya ngumiti sya at hinalikan ako sa noo, pagkatapos ay tumingin na ulit sya sa mommy nya habang ako nakatingin pa rin sa kanya dahil sa gulat.

"Grabe naman ang sweet buti na lang napicturan ko, sesend ko sa daddy mo." napabalik ako sa katinuan nang marinig ang boses ng mommy ni Sky.

"I'm sorry I didn't know you're here, let's just make an excuse so you can go." bulong nya.

"Uh mi, kailangan na umalis ni Cordelia."palusot ni Sky kaya napatingin sa kanya ang mommy nya na sinesend ata ang picture sa daddy ni Sky.

"Opo kasi yung mga meat po kailangan na ilagay sa ref." duktong ko naman.

"Sayang naman, pwede sana tayo mag-brunch together pero anyway sige hija umuwi ka na at para mailagay mo na sa freezer yan. Basta see you later mamayang dinner, ha?" sabi naman ng mommy ni Sky.

"Yes po. Una na po ako, ingat po kayo." paalam ko, paalis na sana ako pero bigla pang humirit ang mommy ni Sky.

"Sky, aalis na yung fiance mo." diin ng mommy nya sa word na 'fiance'.

"Oh yeah, bye love ingat ka. Text me when you get home." sabi nya sabay halik ulit sa noo ko.

"That's it?" hirit ulit ng mommy nya.

Bakas naman sa mukha ni Sky ang lito dahil hindi niya alam kung ano pa ang gusto ng mama nya, naaawa tuloy ako sa kanya kasi ang cute nya.

Naisip ko na i-kiss ko na lang sya sa cheeks at baka yun ayos na sa mama nya. Humarap ako sa kanya at patingkayad na sana ako nang bigla nya akong halikan sa labi.

"I was just expecting for you to say that you love her, but instead you kissed her so I'm more than satisfied." sabi ng mommy nya pero kaming dalawa ni Sky parang napako na ata ang tingin sa isa't isa

"Grabe kayo ah, get a room!" biro ng mommy nya habang tumatawa sabay alis.

Ilang segundo pa kaming nakatitig sa isa't isa nang marealize namin na wala na ang mommy nya.

"I..."

"A-alis na ako, bye." sabi ko sabay takbo pababa ng escalator.

Nang makalabas ako ng mall ay napahinto ako saglit at napahawak sa chest ko, grabe ramdam ko yung kabog ng puso ko. Pakiramdam ko namumula pa rin ako kasi ang init pa rin ng tenga ko at ng cheeks ko.

"Hinga Cordelia, hinga." bulong ko sa sarili ko bago ko naisipan na umuwi na.

Pagdating ko ng bahay ay agad kong inayos mga pinamili ko at pumunta sa kwarto para sana kunin ang twalya ko. Palabas na sana ako ng kwarto nang mapadaan ako sa malaking salamin ko. Grabe, nakilala ko ang mommy ni Sky na ganito ang suot at ganito ang ayos ng buhok? Hindi talaga ako magtataka bakit nakilala nya ako sa picture kong tulog, eh kasi naman nakapantulog ako nung pumunta ako sa mall. Naka jogging pants na kupas, t-shirt na maluwag, at nakaipit ang buhok gamit ang hair clamp, ganyan ang itsura ko kanina.

Pumunta na akong banyo para maligo nang maalala ko na naman yung mga kisses sa noo at yung sa... lips. Tapos kasabay nun, naalala ko rin yung suot ko kanina.

"Bakit? bakit yun yung suot ko sa first kiss ko?" sabi ko sa sarili ko sabay mahinang palo sa ulo ko.

Natapos na akong maligo pero ramdam ko pa rin ang inis ko sa sarili ko kaya naglinis na lang muna ako ng apartment para mawala ang pinaghalong hiya at inis sa isip ko. Wala akong trabaho ngayon kasi naisip ko na baka hindi ko matapos agad yung gagawin ko tapos magahol ako sa oras para sa dinner mamaya kaya wag na lang muna.

Sa dami kong niligpit ay hindi ko namalayan ang oras, naligo ulit ako dahil pawisan ako at pagkatapos ay kumain ako. Ayoko kasing maparami kain ko mamaya sa bahay nila Sky kasi nakakahiya naman yun. Kaya para hindi ako magutom, kakain na ako ngayon.

Nang matapos akong kumain ay nag-ayos na ako. Pinahiram ulit ako ni Stella ng dress at heels, isang beige na blouson dress at white heels, habang naka bun naman ng mababa ang buhok ko.

Narinig ko na may dumating na kotse kaya napasilip ako sa bintana ko para icheck kung si Sky na ba yun, at si Sky na nga.

Nagmadali na ako dahil ayokong maghintay ng matagal si Sky. Paglabas ko ng pinto ay nakita ko syang nakasandal sa kotse nya habang nagcecellphone. Binuksan ko na ang gate para lumabas kaya naman napatingin siya sa akin. Nginitian ko sya at tsaka tumalikod para i-lock ang gate, ramdam ko naman ang tingin nya sa akin kahit nakatalikod ako. Pagharap ko sa kanya ay umiwas na sya ng tingin sa akin.

"Let's go?" sabi nya sa akin ng hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko.

May mali ba sa suot ko? o tungkol pa rin 'to sa kanina?

Pinagbukas nya ako g pinto kaya pumasok ako at tsaka nya sinara. Napangiti ako kasi isa 'to sa mga nagustuhan ko sa kanya, yung pagiging gentleman nya; syempre sure naman ako dahil lang yan sa pagiging friendly nya kaya hindi ko dapat bigyan ng meaning, pero ang saya lang na ma-experience.

Tahimik lang sya sa byahe pero nasaktuhan naman na nag-traffic kaya mas lalong naging awkward ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Mag-sorry kaya ako dahil dun sa kiss?

"I'm sorry I had to kiss you earlier." he said without looking at me.

Bakit parang ang lungkot naman noong nanggaling sa kanya yung 'sorry', pinagsisisihan niya ba? Malamang, ano ba 'tong iniisip ko, syempre pagsisisihan nya; never naman nya akong magiging type at mas lalong never nya akong magugustuhan.

"Ok lang." matipid kong sagot.

Nakarating kami sa bahay nila nang hindi nag-uusap, muntik na nga akong makatulog sa sobrang katahimikan.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse nya pero sya ang nagbukas noon kaya naman lumabas na lang ako.

Nagulat ako nang bigla nyang ilahad ang kamay nya sa akin, tumingin ako sa kanya at ngumiti naman sya ng bahagya habang nakatitig sa mga mata ko; kitang kita ko ang kinang sa mga mata nya. Nang marealize ko na napatitig din ako sa kanya ay umiwas ako ng tingin tsaka inabot na lang yung kamay ko sa kanya and he intertwined our fingers. I don't know if it's normal but I don't feel butterflies when he do things, instead I feel the calmness in my heart which is weird kasi diba dapat kapag may gusto kang tao you will feel those butterflies in your stomach and your heart is all over the place, but with him it's the opposite.

Sinalubong kami ng yakap ng mommy Karina nya kaya napabitaw ako sa kamay ni Sky.

"Pasok hija."pag-welcome nya sa akin.

"Thank you po." nahihiyang sagot ko.

Nabigla ako nang hawakan ulit ni Sky ang kamay ko at tsaka sabay kaming pumasok sa loob. Wala lang 'to, umaaarte lang sya 'di totoo 'to kaya wag kang mag-assume self.

Pagkapasok namin ay namangha ako sa laki ng bahay nila, nakalimutan ko na mayaman pala talaga sila. Napatingin naman ako sa may hagdan nang makita kong may bumababang lalaki na nasa 50's na rin at seryoso ang mukha. Nakakatakot, parang siya yung tipo ng mayamang magulang na mag-ooffer ng fifty million pesos layuan lang ang anak nya.

Pagkababa nya ay tinignan nya lang ako, naiisip ko na tuloy kung tatanggapin ko ba kapag inofferan nya ako.

"Dad, this is Cordelia... my fiance." pakilala sa akin ni Sky.

Nginitian ako ng bahagya ng daddy nya kaya ngumiti rin ako, ni-hindi na nga ako nakasalita kasi kinakabahan ako!

"Let's eat." maikling sabi nya.

" Wait hon, hintayin na natin sila Helena at yung mga bata, malapit na sila." sabi naman ng mommy ni Sky.

Sa pagkakaalam ko ate ni Sky si Helena, may kakambal sya at yun si Hailey pero nasa States ata sya ngayon. Isang taon lang ang tanda nila Helena at Hailey kay Sky.

Maya-maya nga ay may dumating na nga at si Helena yun kasama ang triplets nya na nasa three years old na, ang galing diba, may kakambal sya tapos anak nya naman triplets at imagine rin yung hirap nya, kasi narinig ko na single mom sya.

"Sorry I'm late, kulit ng mga bagets simula nung natutong maglakad." paliwanag nya habang hinahabol ang isa.

" Ok lang ate. Anyway, ate this is my fiance, Cordelia." pakilala nya sa akin.

Bineso ako ng ate nya tsaka sinenyasan si Sky na kakausapin sya kaya umalis muna sya sa tabi ko at pumunta sila sa may garden. Naiwan naman ang tatlong bagets kaya nilaro ko sila, tuwang tuwa naman sila sa larong sawsaw suka lalo kapag nahuhuli ko daliri nila.

"Sky is gay and I know you're aware of it. So why would you marry him?" Napatingala ako sa daddy ni Sky na nakatayo na pala sa gilid ko.

Tumayo ako para harapin sya at sumagot.

"Dad..." biglang singit naman ni Sky sa usapan.

"Because I love your son, sir. Kahit bigyan pa po ako ng libo-libong rason para hindi sya mahalin, sya lang po ang pipiliin kong pakasalan."seryosong sagot ko.