Chapter 6

Mahigpit akong napakahawak kay Cassius, "N-nasaan kaya sila, sa tingin mo?" 

Saglit na pumikit si Cassius at  umihip sa hangin habang pabaling baling ang ulo niya. Maya-maya ay dumilat na siya uit at hinapit pa niya ako palapit sa kanya.

"I'm not quite sure where they are exactly are, but I know they are near," tumingin siya sa paligid, "sobrang lapit lang nila sa at ating dalawa, at anytime ay puwede nila tayo harangin."

Napalunok ako. Wala akong laban, at tangin si Cassius lang ang may kakayahan na lumaban sa kanila. Hindi pa lumalabas ng tuluyan yung klapangyarihan ko laban sa ibang lahi, lalo na sa kampon sa kabilang mundo.

Nagpatuloy kaming dalawa ni cassius sa paglalakad, pero this time, sobrang kapit ko sa braso ni Cassius na para ba akong mawawala. Habangalal ytmtngn ako sa paligid para pagmasdan kung may kakaibang nagaganap. Ang sigurado ko lang kasi ay mabigat yung pakiramdam ko ngayon, dahil baka nga may sumusunod sa amin ni Cassius ngayon.

"Relax," nilingon ako ni Cassius at mahigpit na hinawakan ang kamay ko na nasa braso, "hindi ako makakapayag na saktan ka."

Tumango naman ako at nakita kong tipid siyang ngumiti. We were still walking not until 5 men   appeared in front of us. Automatiko akong napatigil sa paglalakad at ganon din si Cassius.

This scene..... it is so familiar.

Kumabog ang dibdib ko ng maamoy ko ang limang lalaki na nasa harapan ko ngayon. bampira. Mga bampira sila.

Pagak na tumawa ang isa sa kanila at sinilip ako, "Prinsipe Cassius mula sa Kaharian ng Alora," ngumisi pa ito at bahagyang yumuko sa paraan na inaasar si Cassius.

"Bakit kayo narito?" Malamig na tanong ni Cassius aty naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa akin.

Ang isa sa mga lalaki naman ay humakbang ng isang beses palapit sa amin, "Kami ay inatasan ng iyong ama na sundan ka para tignan kung ano ang ginagawa mo, prinsepe Cassius," nilingon ako ng lalakingumisi siya ng malaki, "hindi naman namin inaasahan na ang kasama mo pala ay dyosa mula sa kabilang mundo," bakas sa boses niya ang pang aasar sa akin.

I hissed at umalis mula sa pwesto ko sa likod ni Cassius para harapin ang kalaban, "Ano ang inyong pakay sa mundong ito?"

Pagak na tumawa ang isa pa sa kanila, "Pakay? Anong pakay ang inyong tinutukoy, dyosa?" diniina niya niya ang pagkakabigkas niya sa huling salita.

"Huwag niyo akong niloloko. Alam niyo kung ano ang pinupuntirya ko," seryoso kong saad.

Umiling iling yung lalaking unang nag salita kanina, "Simple lamang....... mawala silang lahat."

At nang bigkasin niya an gkatagang iyon, ay nag labasan ang iba pang mga bampira na nag  tatago mula sa gkagubatan at nag simulang maghasik ng kasamaan sa mundo. Narinig namin ang sunod-sunod na sigawan mula sa mg a moprtal at nagkakagyulo na ang lahat. 

Agad akong tumakbo papunta sa kaliwang bahagi para mag lagay ng gintong harang mula sa mga bampira na mula sa kagubatan at sa mga  mortal. Sumunod kong nilagayan ng harang ang kabilang bahagi naman. Kinailangan ko pang kalabanin ang iba pang mga bampira na nag pupumulit na pumasok dito sa mundo, pero laking pasasalamat ko na hindi ako nasugtana. Malaking kaguluhan pa kung dadanak ang dugo ko rito ngayon.

"Are you okay?"

Muntik ko pang mabatuhan ng puting ilaw si Cassius dahil sa biglaan niyang pag hawak sa akin. Nang lingunin ko ang likuranniya, nakita ko na ubos na ang kanina niyang kinakalaban. Hindi ko na rin nakita pa ang limang lalaking humarang sa amin kanina. 

Tumango ako, "Yeah," tumingin ako sa isang bahay na nasusunog, "go help the people there," turo ko atagad naman sumunod si Cassius sa akin.

Ako naman ay humarap sa iba pang mga bampira. Salit salitan ang paglabas ko ng puting ilaw at kulay gintong bola para malabanan sila. Susunod na sana ako kay Cassius sa nasusunog na bahay, nang makita ko ang isang batang lalaki na umiiyak sa gilid at nakaupo, habang hawak niya sa kanyang bisig ang duguan niyang ina. Kumaripas ako ng takbo para protektahan ang bata dahil may papalapit na bampira sa kanyang pwesto.

"Tama nga ang bali-balita. Nasa mundo na ng mga tao ang dyosa."

Pinatitigan ako ng babaeng bampira mula ulo hanggang paa. Tinago ko sa likuran ko ang bata para hindi niya magawang lapitan at saktan ito.

"At tama nga rin ang bali-balita, na naghihimagsik na ang mga kampon niyo sa mundong pinamamahalaan ko," taas noo ko rin sabi.

Nakita ko kung paano humaba ang kuko niya at ambang kakalmutin niya ako ng unahan ko siyang paulanan ng puting ilaw. Automatiko siyang napa atras at singhal sa sakit habang hawak ang kaliwang braso niyang napaso dahil sa ilaw ko.

"Bakit ba kasi pinoprotektahan mo ang di hamak na mahihina lamang!" Singhal niya, "walang karapatan ang mga tao na mamuhay dahil wala silang kapangyarihan! Mga mahihinang nilalang!" Patuloy niya pa ring sigaw.

Agad na kumulo ang dugo ko. Kung para sa kanila, walang karapatan silang mabuhay dahil sila ay mahina, pwes para sa akin sila ang walang karapatan mabuhay dahil marurumi ang budhi nila!

"Ikaw ang walang karapatan na mamuhay sa mundong ibabaw," agad ko siyang pinaulanan ng bolang ginto at tuluyan siyang naging abo.

Iginaya kopapunta sa isang sulok ang bata na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. Niluhod ko ang isang paa ko para magpantay ang mukha naming dalawa. I cupped her face so I could wipe those tears away.

"Hush now," bulong ko rito at inapit siya palapit sa akin para mayakap, "hindi ka nila magagawang saktan pa," sinuklay ko ang mahaba at kulay puti niyang buhok. Nakakapagtakha pa nga na puti ang kulay ng buhok niya gayong isa naman siyang tao.

Narinig ko ang pag sinok niya, "N-namatay sila inay at i-itay dahil sa akin," nahihirapan niyang aniya. 

Umiling iling ako at mas lalo ko siyang hinapit sa akin. Alam ko ang pakiramdam na mamatayan ng mahal sa buhay ng wala kang magawa kung hindi titigan kung paano sila mawawala sayo. 

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi para matitigan ko siya sa mata, "Hindi mo kasalanan ang nangyari, naiintindihan mo ba?" Dahan-dahan siyang tumango kahit may luha pa rin na bumabagsak sa gilid ng pisngi niya.

"H-hindi ko k-kasalanan ang nangyari," mahina niyang sabi na ikinangiti ko.

Dinala ko siya sa bahay kung saan ako naninirahan sa mundong ito. Wala si Cassius dahil panigurado ay bumalik ito sa mundo niya para harapin ang kanyang ama na nag utos na salakayin ang mundo ng mga mortal. Mabuti na nga lang at kakaunti lang ang mga bampirang sumugod at nakayanan namin na pigilan sila sa pagpasok. May mga tao rin kasi na tumulong sa amin, ang kaso nga lang, marami sa kanila ang namatay, tulad na lang sa kaso ng batang kasama ko ngayon.

"Maupo ka muna," iginaya ko ang bata sa sofa habang siya ay namamangha niyang tinignan ang kabuoan ng bahay namin.

Hindi ko pa pala natatanong ang pangalan niya simula noong madala ko siya rito.

Naupo ako sa tabi niya kaya napatingin siya sa akin, "May gusto ka ba?" Hinagod ko ng kamay ang buhok niya.

Umiling-iling siya ng nakangiti, "B-busog po ako, a-ate," mahina niyang bigkas at nahihiyang yumuko.

"Ano ang pangalan mo?" Nakangiti kong tanong.

Sinundan ko ang kamay niya ng umangat ito para hawakan ang pisngi ko, "Ako po si Aisha Celestial," pinatitigan niya ako sa mata na parang hinihigop niya ako.

************************

"Psst! Aisha!" 

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko ang isang babae na may kulay itim na buhok na hanggang balikat lamang ang haba. May bilugan din itong salamin pero bumagay naman sa hugis ng mukha niya at hindi naman siya mukhang nerd. 

Kumunot ang noo ko. Ano ang ginagawa ko rito?

"Huy! Para kang nakakita ng mutlo!" Napa-atras ako ng makita ko na nasa tabi ko na kanina iyong babaeng tumawag lang sa akin kanina.

Nag salubong ang dalawa niyang kilay, "Ayos ka lang ba?" Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa.

Nagtataka man ay tumango ako rito, "O-oo."

Umiling iling siya, "Kailan pa nag bago ang kulay ng buhok mo?" hinawakan niya ang dulo ng buhok ko at sinuri, "dati puti ang buhok mo ah, bakit ngayon blonde na?"

Natigilan ako. Aisha.... Aisha..... Gaia ang panglan ko! Ako si Gaia Floresca na mula sa kaharian ng Cora at isang Dyosa ng Mundo. 

Imposible! Paano nagawang madala ako sa mundong ito ng batang paslit na kanina lamang ay kausap ko?!