CHAPTER 6
TAHIMIK na sinulyapan ni Eris ang kaibigan na nakaupo sa kaniyang tabi at hindi inaalis ang atensyon nito sa labas ng umaandar na sasakyan. Napahinga nang malalim si Eris na siyang naging dahilan ng paglingon ni Hasna sa kaniya.
Napakamot na lamang si Eris sa kaniyang ulo at saka ngumiti.
“Ang aga-aga pa para lunurin ka ng mga iniisip mo. Ayos ka lang ba?” tanong ni Eris kay Hasna. Hindi sumagot si Hasna at muling ibinaling ang atensyon nito sa kalsada.
Palihim na napangiwi si Eris at ginaya na lamang ang kaibigan sa pagmamasid sa kanilang dinadaanan.
“Manong, sa Arson National High School po,” abiso ni Eris sa driver ng tricycle na kanilang sinasakyan.
Nakuha ni Eris ang atensyon ni Hasna. Pagbaling niya sa kaniyang kaibigan ay nakatingin na ito sa kaniyang habang nakakunot ang noo nito.
“Akala ko ba magliliwaliw? Bakit pupunta tayo sa school?” tanong ni Hasna kay Eris.
“Dadaan lang naman tayo, kukuha lang ako ng requirements. Malapit na ang enrollment kaya kailangan kumuha ng mga kakailanganin para sa Senior High. Ikaw ba, wala ka bang planong kumuha ng requirements?”
Tiningnan nang husto ni Eris si Hasna at tiningnan kung ano ang magiging reaksyon nito. Alam niyang hindi ganoon kakumbinsido si Hasna sa susunod na pasukan dahil sa kaniyang mga naranasana nitong mga nakaraan.
Bilang isang kaibigan, ayaw rin namang maiwan ni Eris si Hasna sa high school, ang gusto niya ay sabay silang makakatanggap ng makakatungtong sa entablado habang hawak-hawak ang pinaghirapan nilang diploma.
“Ano ka ba, Hasna? Sayang ang taon?
“Handa naman akong magsayang ng taon basta hindi kasama ang mga taong matataas ng tingin,” walang ganang sabi ni Hasna. Tila ba sinuntok ang dibdib ni Eris dahil sa sinabing iyon ni Hasna.
Tuluyang nangunot ang noo ni Hasna nang mapansin ang pag-iiba ng timpla at reaksyon ni Eris. Huminga nang malalim si Hasna at saka siniko si Eris sa tagiliran.
“Not you but them,” Pahabol pa ni Hasna at saka nginitian si Eris. Hindi rin nagtagal ay tinapik ni Eris ang balikat ni Hasna at sabay na tumawa ang dalawa.
“So, mag-e-enroll ka na nga?” pangungulit pa ni Eris.
“Pag-iisipan ko pa,” tugon ni Hasna. Iang ulit na hinampas ni Eris si Hasna at sa pagkakataong ito ay pilit niyang iniiwasan ang hampas ng kaibigan at nagbabangayan na silang dalawa hanggang sa makarating sila sa mataas na paaralan ng Arson– isang public shool kung saan sila ang main campus ng mga mataas na paaralan sa bayan ng Arson.
Nakayukong naglalakad si Hasna habang sinusundan si Eris na walang tigil sa pagkukuwento at pangungulit sa kaniya. Pagkarating na pagkarating nila sa unang palapag ng Senior High building ay bumungad na kaagad sa kanila ang napakahabang pila ng mga estudyanteng kukuha rin ng listahan ng mga kinakailangan upang makapagpa-enroll sa Senior High
“Ang aga-aga pa pero ang haba na kaagad ng pila,” reklamo ni Eris.
Ipinalibot ni Hasna ang kaniyang tingin sa paligid at pinagmasdan ang mga babae at lalake na kapwa nakapila na. Ang iba ay nagkukuwentuhan habang ang iba ay inaabala ang kanilang sarili para libangin ang kanilang sarili.
Sa tinagal-tagal ay ngayon lamang siyang nakapasok ng Arson National High School. Habang pinagmamasdan ang paligid, muli niyang naibaling ang kaniyang atensyon sa mga nakapila. Makikita at mahahalata na ang iba sa kanila ay mula sa mga mararangya ang buhay. Base sa kumpas ng kamay, kilos ng katawan ay malalaman na kung sino ang mga ipinanganak na may pilak na kutsara sa kanilang bibig.
“Nakakainis naman, mukhang aabutin tayo ng tanghali rito, eh,” reklamo pa ni Eris na nakatuon ang tingin sa mahabang pila ng mga estudyanteng kumukuha ng listahan ng mga requirements.
“Pumila ka na hindi ‘yong reklamo ka nang reklamo d’yan. Hindi ka makakarating sa dulo kung mananatili kang nakatayo sa kinatatayuan mo ngayon,” sermon ni Hasna sa kaibigan.
“Bakit ikaw, hindi ka ba pipila?” tanong pa ni Eris kay Hasna.
Mabilis na umiling-iling si Hasna at saka napatingin sa isang puno na mayroong marambong na dahon dahil sa laki nito. Napanguso si Eris dahil sa naging sagot ni Hasna at masamang tiningnan ang kaibigan.
Itinaas ni Hasna ang kaniyang kamay at itinuro ang malaking puno ng mangga sa gilid. “Kapag natapos ka na, doon mo na lang ako puntahan, doon kita hihintayin,” wika ni Hasna. Lalong nangunot ang noo ni Eris habang nagpipigil ng kaniyang inis kay Hasna.
“Hindi k aba talaga pipila?” tanong pa nito.
“Pinag-iisipan ko pa. Pipila na lang ako kapag nakapagdesisyon na ako.” Tumingin muli si Hasna sa pila na patuloy na humahaba dahil sa mga nagdaratingan na estudyante.
“Pumili ka na. pahaba nang pahaba ang pila,” utos pa nito kay Eris at marahan na itinulak.
“Nakakainis ka talaga, Hasna. Ang hirap mo talagang makumbinsi,” mariing sabi ni Eris habang nakasimangot. Napapadyak pa ito sa inis bago tuluyang tinalikuran si Hasna.
Napailing-iling naman si Hasna habang nakangiti at tuwang-tuwa habang iniinis ang kaniyang kaibigan. Nang makita niyang nakapila na si Eris, kaagad siyang naglakad palapit sa puno ng mangga.
Palinga-linga sa paligid si Hasna upang siguruhin na walang ibang tao ang naroroon bago niya inilabas ang isang maliit na kuwaderno at panulat na nakasilid sa kaniyang bulsa. Pinagmasdan niya ang malaking katawan ng puno bago sumadal doon at binuklat ang maliit na kuwaderno na kanyang dala-dala.
Isinulat ni Hasna ang mahahalagang bagay na nangyari noong gabi lalong-lalo na ang sinabi ni Almidos. Napapakunot at napapatulala si Hasna habang nilalaro ang ballpen na kaniyang hawak-hawak. Ang bawat natututunan ni Hasna ay kaniyang isinusulat sa kaniyang kuwaderno at sinasaulo dahil alam na alamn niya na balang araw ay makakaharap niya ang ilan sa mga miyembro ng mga taong lobo at higit sa lahat ang kanilang Alpha.
“Boo!”
Mabilis na isinara ni Hasna ang kuwaderno at tiningnan ang lalaking bigla na lang sumulpot at nanggugulat.
“Almidos,” sambit ni Hasna nang makilala ang lalaking nanggulat sa kaniya.
“Andito ka rin pala,” puna ni Almidos kay Hasna. “Bakit nand’yan ka? Nakakuha ka na list of requirements?” tanong pa niya.
Tahimik na tiningnan lang siya ni Hasna at hindi man lang sinagot. Nang wala siyang makuhang sagot mula kay Hasna, napakamot na lang siya sa kaniyang ulo habang tatawa-tawa.
“Oo nga pala, ‘yong tungkol kagabi ---,”
“There’s nothing to worry. Thank you for saving me last night,” malamig na tono ng pananalita ni Hasna habang pasimpleng isinisilid ang kuwaderno at ballpen pabalik sa kaniyang bulsa.
Napatango-tango na lang si Almidos. Yumuko ito at pasimpleng nilaro ang maliliit na bato na kanilang tinatapakan. Hindi niya alam kung paano kakausapin ang isang Hasna lalong-lalo na’t nagkainitan sila kagabi dahil sa kanilang mga trabaho.
“Kung hindi ako ---,”
Muling hindi naituloy ni Almidos ang kaniyang sasabihin dahil kaagad itong pinutol ni Hasna. Inangat niya ang kaniyang tingin kay Hasna na ngayon ay seryusong nakatingin sa kaniya.
“Almidos, kung ipapamukha mo lang sa akin na mahina ako dahil hindi ko kaya ang tatlong ‘yon, umalis ka na lang. Hindi ko kailangan ang opinyon mo,” mariing sabi ni Hasna.
“Sorry,” paghingi ng paumanhin ni Almidos.
Sabay na napasulyap sina Almidos at Hasna nang makarinig ng mga tinig ng babae na kapwa nagtatawanan. Hindi maiwasang hindi mapalingon ni Hasna sa kanyang kasamang lalaki na ngayon ay biglang naglaho na para bang isang bula.
Ibinalik niya ang kaniyang atensyin sa babaeng todo porma, halos lahat yata ng usong damit at style ay nasusunod niya. Ganoon rin ang mga kasama niyang babae. Palihim na napailing-iling si Hasna sa isiping, hindi pa man lang sila umaabot sa tamang edad ay namumutok na sa pula ang kanilang mga labi at ang kanilang nga damit at mga kinulang sa tela.
“Oy, hi,” bati ng babaeng namumula ang nguso at pisngi na animo’y hinampas ng dos por dos ang pisngi.
Tiningnan lang ito ni Hasna at saka ibinaling sa ibang direksyon ang kaniyang tingin.
“Ano’ng ginagawa mo rito? Kukuha ka ng requirements?” Hindi makapaniwalang tanong ng babae. Bigla itong tumawa at tiningnan si Hasna mula paa hanggang ulo.
“Hasna, hindi rito nababagay ang mga taga-bundok kaya kung ako sa ‘yo doon ka na lang sa bahay n’yo, sa Sittio Perdis,” wika pa nito.
Naikuyom ni Hasna ang kaniyang mga kamay at pinipigilan lamang ang sarili na sumiklab ang kaniyang damdamin at masapak ang babaeng biniyayaan ng ganda ngunit saksakan naman ng panlalait sa katawan.
Muling ibinaling ni Hasna ang kaniyang atensyon sa babae. Muli, tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.
“Ano’ng kukunin mo sa Senior High? Something related sa agriculture which is nababagay sa ‘yo?” panlalait pa ng babae.
Walang ganang pinapanood ni Hasna ang babae habang kinukutya-kutya siya nito.
Sa loob-loob ni Hasna ay magsasawa rin naman ito at mapapagod sa katatalak habang nilalait siya kung kaya’t pinipigilan niya ang kaniyang sarili na patulan pa ang babae.
“Almida, tara na,” yaya ng kasamahan niyang babae na nakasuot ng ripped jeans at croptop na kulay asul na hindi naman bumagay sa kulay ng kaniyang balat.
“Bakit nga ba ako nag-aaksaya ng oras sa ‘yo? Bakit nga ba naglalaan ako ng oras sa isang katulad mo? Tss. Hindi ko dapat inaaksaya ang oras ko sa isang baliw at hampaslupang katulad mo,” mariin na panlalait nito kay Hasna.
Inirapan ni Almida si Hasna habang mataray na ipinitik ang kaniyang buhok sa ere at tinaasan pa ng kilay si Hasna bago tuluyang umalis.
Mapait na ngumiti at napapailing-iling si Hasna habang sinusundan niya ng tingin ang bawat hakbang na ginagawa ni Almida upang makalayo sa kaniya kasama ang kaniyang mga alipores.
Huminga nang malalim si Hasna at saka naoahilot na lamang sa kaniyang sintido. Ang mga salitang natanggap niya ay mga salitang gustong sabihin niya kay Kapitan Klaus, ang nga dalita na unti-unyi siyang dinudurog.
Ang tanging alam lamang ni Hasna ay iwasan ang mga ito upang hindi maging hadlang sa kaniyang pagkatao. Hindi niya masabi nang diretso kay Kapitan Klaus na ayaw niyang makasama ang katulad ni Almida lalo na’t malaki ang posibilidad na maging kaklase niya ito at magtatagpo ang kanilang landas dahil sa liit ng kanilang mundo.
Hindi naman masasabi ni Hasna na hindi niya ito kayang lunukin lahat ng kaniyang mga natatanggap na salita dahil kung tutuusin ay sanay na siya. Nasanay na lamang ang kaniyang sarili na tanggapin lahat ang mga salitang dinaig pa ang saksak ng kutsilyo na nag-iiwan ng sugat at marka sa kaniyang pagkatao.
Gustong umiwas ni Hasna sa gulo kung kaya’t ganoon na lamang ang kagustuhan niyang huminto sa kaniyang pag-aaral. Ayaw niyang makasama ang katulad ni Almida na maraming alam dahil sa kaniyang talino ngunit ang talino na iyon ay hindi niya sa tama ginagawa bagkos ay ginagamit niya pa ito sa pagyayabang, ginagamit niya ito bilang kaniyang kapangyarihan.
Edukado kung titingnan ngunit ang totoo ay hindi naman. Kaya mula noon, matapos niyang makasalamuha ang ilan niyang kamag-aral na mayroong pinag-aralan o higit na nay alam sa kaniya ay mas nangibabaw at tumindi ang kaniyang paniniwala.
Ang pagiging isang edukado ay pagkakakilanlan ng isang tao. Ang pagiging edukado ay hindi sukatan ng kapangyarihan at estado sa buhay ng isang tao dahil minsan mas disiplinado pa ang mga taong pinagkaitan ng edukasyon kaysa sa mga taong pangalan lang ng school ang kanilang dala-dala pero ang mga itinuro ay nananatiling nasa kanilang mga paa at wala sa kanilang utak.