CHAPTER 80:OVER THE MOON

Diane’s P. O. V.

One more flash had made our lips parted. I didn’t want to stop kissing Liam, but I turned around to see who was busy capturing the photos of us.

All of my family and friends were now in the garden area graciously clapping their hands and uttering their congratulations for both of us. Nakita ko pa ngang kumaway rin si Kuya Greco na mukhang kararating pa lang. Hindi na siya iba sa akin at sa mga kapatid ko, dahil para na namin siyang tunay na ama.

Inakbayan ako ni Liam at automatic na yumakap naman ang kanang kamay ko sa baywang niya. Then, I saw that it was David who kept on exploring the DSLR camera while taking non-stop photos of me and Liam.

I had always known my brother to be engaged in photography, I just didn’t want him to pursue that career. Marami akong pangarap para sa kanya. I wanted him to become a successful engineer someday. In the future, pwede pa rin naman niyang gawing part-time job na lang ang pagiging photographer.

Natigil ako sa pag-iisip tungkol sa kapatid ko nang ilang saglit lang ay may iba’t ibang fireworks ang lumabas sa kalangitan na magiliw naming pinagmasdan. Usually, nakikinood lang kami sa terrace namin kapag nagpapa-fireworks ang mga kapit-bahay tuwing bagong taon.

Ngayon, may pa-fireworks pa talaga ang mahal ko. Hindi lang ‘yon, one firework had really caught my attention as it reflected the words:

I love you, Diane!

Isa lang naman akong ordinaryong babae kung kaya’t hindi ko akalaing may taong gagawa nito para sa akin. Kung makikita ko lang ang sarili ko sa harap ng salamin ngayon, sigurado akong sobrang nangingislap ang mga mata ko. Gandang-ganda na naman tuloy ako sa sarili ko ngayon.

The word ‘love’ was actually in a heart symbol. That was when I found myself in Liam’s arms again while saying how much I loved him too. He was now hugging me from behind while gently kissing my hair. His hug seemed like it could never be swayed no matter what would happen and I couldn’t help myself but look at him with a smile on my face.

“I had this feeling na hihilain mo ako palabas dito sa garden ninyo, so I had to think of a spare proposal. I was right after all and gladly, plan B worked! Actually, I still have a plan C, and if it still doesn’t work, I will use all the letters in the alphabet to think of other proposal stunts just for you,” he smilingly stated.

Nakangiti ko namang inalis ang pagkakayakap niya sa akin. Humarap ako sa kanya at saka siya hinampas nang mahina sa dibdib. “Alam mo bang nakakainis ka, Liam? Ang dami mong alam! Next time, huwag mo na akong i-surprise, pwede? Baka atakihin na ako sa susunod eh. Alam mo bang kung ano-ano nang naisip ko rito kanina? Akala ko pa nga eh na-hostage na sina Mama!”

Hindi na nakapagsalita pa si Liam nang sumabat ang kapatid kong si David, “Wooh! Si Ate, kunwari pa. Ayaw mo lang na sa sala ‘yong setting ng proposal ni Kuya Liam kaya hinila mo siya rito eh. May pa-emote-emote ka pang nalalaman diyan. Ang sabihin mo, napapangitan ka lang kasi magulo ‘yong background sa sala.”

“Ha? Hindi ah!” nakangiting tutol ko sa sinabi niya.

Masaya ako na kahit papaano ay unti-unti nang bumabalik sa dati ang kapatid ko. Nagiging masayahin na siyang muli at nakiki-halubilo sa mga tao. Pagkatapos kasi ng J. S. Prom nila three months ago ay bigla na lang siyang nagbago. Naging tahimik at palagi na lang niyang ikinukulong ang sarili niya sa kuwarto.

I didn’t know exactly what happened that night, but I knew for a fact that my brother was broken-hearted. I bet, the same girl had something to do with his sudden obsession in playing musical instruments while on summer vacation—which I knew, nakatulong naman sa unti-unti niyang pag-move on.

I was thankful that he had finally moved on from his first love. Ngumingiti na siya ngayon hindi katulad noong mga nakaraang buwan. Ayoko nang mangyari pa ‘yon ulit. Sa patuloy niyang pagmumukmok sa kuwarto at hindi pagpansin sa amin ay para na rin akong namatayan ng kapatid. Napakabata pa niya para magseryoso. For Christ’s sake, kaga-graduate lang niya ng high school!

Kung ako lang ang masusunod, I didn’t want my brother to cross paths again with that girl—whoever she was. David didn’t deserve to be treated that way! I loved my brother so much, but she broke him into pieces and I didn’t want that to happen ever again.

“Hay, tara na nga sa loob at nang makakain na kayong dalawa. Ayaw pa ngang magsikain ng mga bisita niyo dahil hihintayin na lang daw kayo, pero pinauna ko na sila kanina habang nag-uusap pa kayo rito. Nagmadali tuloy silang kumain para lang panoorin kayo,” nakangiting sabi ni Mama.

“Pasensiya na ho kayo, Ma… nagpakipot pa kasi itong mapapang-asawa ko eh,” Liam blurted out. Siniko ko naman siya sa tagiliran. “But it was already ten, Ma. I guessed, baunin na lang po natin ‘yong mga pagkain sa biyahe? I wanted my fiancée to have a beauty rest after our one-hour flight tonight, pati na rin ho kayo,” sabi niya kay Mama.

“Oh, sige. Ipagbabalot ko na lang kayo, saglit lang ako…” tugon ni Mama na umalis na muna at saka naman ako iginiya ni Liam sa direksiyon kung saan nakaparada ang kotse niya.

Sina Miss Shey naman at ang iba ko pang mga katrabaho ay sumabay na rin sa amin dahil naroon din sa labas nakaparada ang sasakyang dala nila. Mukhang sinadya pa yata nilang maki-park sa tapat ng kapit-bahay namin para hindi ko mahalata ang plano nila.

“Oh, I forgot! I wanted you to formally meet Honeyrah Rivas, our wedding planner,” pagpapakilala ni Liam sa pinsan niyang si Honey na nakilala ko kanina bilang Neyrah.

“I’m glad to be introduced to you for the second time around, Miss Diane. It was my pleasure to meet a surprised and gorgeous bride-to-be.”

She smilingly extended her right hand na nakakahiya man ay agad ko ring tinanggap. Well, I was still guilty at my own malicious thoughts that Liam’s so-called Honey over the phone was his other woman.

Damn! Napakaselosa ko talaga!

“Likewise, Honey or Neyrah. Just call me Diane,” I simply responded to her, bago ako bumaling kay Liam. “Siya nga pala, Liam, hindi pa ready ‘yong mga gamit ko—” sabi ko sa kanya but my mother suddenly cut me off. Mukhang tapos na niya kaming ipagbalot.