CHAPTER 81:TRIP TO BALESIN

Diane’s P. O. V.

“Okay na, anak. Naihanda ko na kanina pa ang lahat ng mga kakailanganin mo. Kung hindi mo pa alam ay una akong um-oo kanina pang hapon sa proposal ni Liam sa’yo,” nakangiti niyang saad sa akin.

“Talaga, Ma?” Nangingilid na naman tuloy ang mga luha ko sa mga mata at saka ko siya mabilis na niyakap. “Thanks, Ma! Thanks for approving Liam to be your son-in-law. Hindi ko pa rin kayo pababayaan pati na ang mga kapatid ko, kahit pa sabihing mag-aasawa na ako.”

Tumulo ang mga luha ko hanggang sa dumiretso na ang pagbuhos niyon sa aking mukha. Siniksik ko ang mukha ko sa leeg ni Mama, habang mahigpit lang akong nakayakap sa kanya.

“Hay, naku… ang panganay ko talaga. Mag-aasawa na nga ay napaka-iyakin pa rin talaga. Tandaan mong nandito pa rin ako kahit may asawa ka na… kaya bigyan niyo ako ng maraming apo ni Liam ha?”

Tinanggal ni Mama ang pagkakayakap ko sa kanya at saka pinahid ang mga luha ko sa pisngi. Pagkatapos niyon ay bumaling na siya sa dalawa kong mga kapatid.

“Kunin na ninyo ang mga gamit ninyong dalawa at aalis na tayo. Dave, ikaw na ang kumuha ng gamit ng Ate Diane mo sa kuwarto. Hinanda ko na ‘yon at nasa maletang kulay blue.”

“Ako na lang ho ang kukuha sa mga gamit ni Diane, Ma,” pagpiprisinta naman ni Liam.

Napangiti na lang ako sa kilig. Matagal naman na niyang tinatawag nang ganoon si Mama pero iba na ang pakiramdam niyon sa akin ngayon. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala, but this is it! Ikakasal na talaga ako bukas and what excites me even more was the fact na ikakasal ako sa taong mahal na mahal ko.

Pinangarap ko noon ang maikasal sa simbahan, pero kung beach wedding lang muna ay okay na rin naman. Surprised wedding nga sana kaso ay napurnada pa.

Pumasok na si Liam kasama ng mga kapatid ko sa loob ng bahay namin upang kunin ‘yong mga gamit, nang magpasya naman akong lapitan sina Karen at Lorenz. Sa sobrang seryoso ng pag-uusap nilang dalawa ay hindi man lang nila naramdamang nakalapit na ako sa kanila.

“I was not informed na bukas na kaagad ‘yong kasal ni Diane? I thought, this was just a mere birthday surprise,” kunot-noong komento ni Lorenz pagkatapos ay bigla na lang itong tumawa. “Nagulat na lang ako kanina noong pagbalik ko eh biglang nagpo-propose na si Liam… todo emote tuloy ang bruha,” narinig kong dugtong pa niya na obvious namang ako ang tinukoy niyang bruha. Nasanay na talaga siyang tawagin kami nang ganoon.

“Eh ano bang pakialam mo kung ayaw na siyang pakawalan pa ni Liam ha, Lorenz? Ikaw nga, balita ko’y ikakasal na rin eh. So who’s the unlucky girl then?” pang-aasar naman sa kanya ni Karen.

“Unlucky talaga, Karen? What if I’d be going to ask you to marry me now, would you also consider yourself unlucky? Ano ha? Sabihin mo lang. Sasabayan ko na itong proposal ni Liam, para double wedding tayo bukas!” seryosong banta ni Lorenz na nakapagpa-tahimik naman kay Karen.

Kahit madilim ay bakas sa mukha ng best friend ko ang sobrang pamumula niya ngayon. Ngayon lang ulit silang dalawa nakapag-usap pagkatapos ng graduation namin a few months ago.

‘Yong graduation day namin kung saan mas makapal pa ang foundation, eyeliner at lipstick ni Lorenz kaysa sa aming dalawa ni Karen noon. Pero ngayon ay akala mong kung sinong maton na maton. Pareho silang hindi kumuha ng board exam at kukuha na lang daw sa susunod na taon.

Naalala ko tuloy ‘yong mga panahong sinasabi pa ni Karen na crush na crush niya si Lorenz at kung hindi lang daw ito bakla ay siya pa ang manliligaw rito. ‘Yong mga panahong halos maglupasay siya sa restroom ng school namin dahil hindi niya talaga matanggap ang pagiging bakla nito.

Ngayong nag-uumpisa namang magtapat si Lorenz sa kanya, siya naman itong tila hindi makapaniwala. Akala mong kung sinong pinutulan ng dila dahil hindi na siya nakapagsalita pa. Malayong-malayo sa kilala kong Karen na madaldal at palamura.

“Guys, let’s go!” natatawang sabat ko at sabay naman silang napatingin sa direksiyon ko.

I know… you will thank me later for saving you, Cannery!

Saka naman lumabas ng bahay si Liam dala-dala ang dalawang traveling bags na kulay blue na marahil ay kinalalagyan ng mga gamit ko. Kay Mama raw ang isa at may ilang gamit din si Denise roon.

Kasunod niyang lumabas ang mga kapatid ko na may kanya-kanyang dalang mga gamit din. Mas marami nga lang dalang bag si David dahil maliit pa ang katawan ni Denise para pagbuhatin.

Huling lumabas ng bahay si Mama na may dalang isang malaking shoulder bag at dalawang plastic bags na kinalalagyan ng mga tingin ko’y binalot na pagkain. Ibinigay niya ang isa kay Karen at isang nakahiwalay na pagkain galing sa isa pang plastic bag sa akin, bago tuluyang kinandado ang pinto ng bahay namin. Nang makalabas kaming lahat ay saka naman niya kinandado ang gate.

Dahil isang malaking van ang dala nina Miss Shey at Honey, doon na sumakay sina David at Denise, si Mama, si Kuya Greco, at ang dalawang officemates ko papunta sa helipad ni Liam, samantalang sina Karen naman at ang kapatid nitong si Michael na ayaw pang humiwalay kay Denise ay sumabay na kay Lorenz. At ako? Siyempre, sa kotse ng fiancé ko… na bukas na bukas din ay mapapang-asawa ko na!

Sobrang excited na tuloy ako sa mga mangyayari bukas and I couldn’t help myself to look forward to that. Ni hindi ko pa nga nakikita ang itsura ng wedding gown ko, pero siguro naman ay hindi ako ipapahamak ni Neyrah. Iyon na lang siguro ang matitirang surpresa, kasama na ang buong itsura ng pagdarausan ng kasal.

Tahimik lang na nagmamaneho si Liam samantalang ako ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari at patuloy pa ring sinisipat-sipat ang engagement ring na ibinigay niya sa akin. It was indeed magnificent! Sadyang napakaganda nito sa aking daliri.

“Did you like it?” Liam smiled at me before his attention went back on the road.

“Nah! I just didn’t like it. I so love it! It was so beautiful, Liam. I still couldn’t believe the fact that I am already engaged to you and that, I’m ready to be your wife tomorrow. I’m so excited and I’m sorry too that I somehow ruined your marriage proposal. I love you, Liam, and thank you for loving me more than I deserve to be loved,” I said before getting a slice of cake and ate it with my bare hands.

“I love you more and I will do anything just for you!” He held and kissed my other hand while his eyes were still on the road. He was smiling as his dimple simply shows off. I guessed it would never fail to seize me for a million times over.