Chapter Tweny One

"Are you okay? Sigurado ka bang kaya mong pumasok?" Tanong ni Edson.

Tumango ako. "I'm okay. Thank you."

Pinauna nya akong bumaba ng sasakyan. Malalaki naman ang hakbang kong naglakad palayo. Alam nyo naman kasi ang mga utak at mata ng mga estudyante dito. Nilalamat at inuugat na sa sobrang kitid at babaw mag- isip. Kampante naman ako na mag- hihintay si Edson ng dalawang minuto bago sya bumaba. Usapan na namin ito kanina bago kami umalis ng mansion. Kapag nasa school ay kikilos kami as a normal student and teacher. Iyong bawal ang sweet moments at PDA. Pero once na naka- labas na kami ng eskwelahan ay pwede na naming gawin ang mga ginagawa ng mga mag- bf- gf. Delikado na. Ipinag- babawal ng mga nasa taas ng ahensya ng G. U na bawal magkaroon ng romantic relationship ang teacher at estudyante. Plus, ayaw ko ng ma- bully ulit.

Nakadating ako sa classroom namin ng ligtas. Sinalubong naman kaagad ako ni Jemimah na may napaka- lapad na ngiti. Pero wala ako sa mood ngayon kaya naman, pabagsak akong naupo sa pwesto ko.

"Ohh, umagang- umaga, Shan, naka- busangot ka dyan. Anong problema?" Pang- uusisa nya.

Tiningnan ko sya with my alam mo na look. Sinabi ko na sa kanya through video call ang lahat. But, knowing Jem, hindi pwedeng hindi nya mauusisa iyon in person.

"You already know why." Sagot ko sa kanya

.

Humalukipkip sya at tinitigan ako. "Akala ko po kasi ay okay ka na."

"Kahapon lang tayo nag- usap. Sinong taong magiging okay ng ganon kabilis?" Balik ko.

Nagkibit- balikat sya. "Baka lang naman kasi. Psh. So, kailan ka uuwe sa inyo?"

"Hindi ko alam." Tugon ko.

Napa- buntong hininga naman sya. "Umuwi ka sa inyo para makapag- usap kayo ng maayos. Hindi malulutas ang problema kung tatakbuhan mo."

Tama naman sya. Pero hindi ko pa sila kayang harapin. Sa mansion muna ako nina Edison tumutuloy. Sinabi ko kasi ba hwag nya muna akong ihatid sa bahay noong pauwe na kami dito sa Manila. So, sa bahay nya kami dumiretso. And take note, walang kababalaghan na nangyari, nuh. Hindi nya ako kinukulit at hinahayaan nya akong makapag- isip ng mag- isa. Sa parehong kwarto nya naman ako pinatuloy kaya naman kahit papaano ay pamilyar sa akin ang lugar. Hindi ako na home sick.

Mangungulit na sana si Jem ng biglang pumasok ang guro namin. Minsan kasi good timing talaga itong si Mrs. Himala, ehh. And as usual, naka- simangot na naman ito.

"We are sorry sa nangyaring gulo doon sa resort. Nagpaabot na din ng complain ang school sa may- ari ng venue. And we're lucky na ibabalik nila ang kalahati ng ibinayad natin." Pag- sisimula nito.

"Ma'am, may refund po?" Tanong naman ng isa sa mga kaklase ko.

Mas sumama ang mukha ng balyena. "Wala. Gagamitin ang ibinalik na pera sa dadating na school anniversary. Kung maka- refund naman kayo, ehh, tiba- tiba naman kayo sa pagkain."

Nagtawanan ang mga ito. May ilan naman na nagsumbong na si ganito, nag- uwi ng isang balot na chocolate. Nag- turuan pa sila dahil sa nawawalang body wash at nag- sisihan dahil hindi pa daw nila iyon sinulit. Sari- saring ingay ang pumuno sa apat na sulok ng silid. Pero wala talaga ako sa mood para maki- sabay sa kanila.

Natapos ang oras ng klase ni Mrs. Himala ng walang nangyari. Pinapa- ulanan nila ang balyena ng mga pang- aasar upang hindi na ito makapag- klase. Wala naman nagawa ang ginang kun'di ang mag- reklamo. Sa huli ay hinayaan na lamang niya ang mga kaklase ko at naki- sakay na din sa bulsahan ng sabon na naganap sa resort.

Akala ko ay hindi ako maiilang gayong alam kong may label na kaming dalawa. Pero, noong oras na pumasok si Edson ng pinto, ay siya namang pagliit ng mundo ko. Hindi ako maka- tingin sa kanya.

"Good morning." Bati nito sa lahat.

Kahit maka- sabay sa pag- bati ng mga kaklase ko ay hindi ko din magawa. Mahabaging mga dyosa, maawa naman kayo sa akin. Hwag naman po ganito. Hayst.

Tila bumagal ang pagtakbo ng oras. Dahil bawat titig nya sa akin ay ramdam na ramdam ko. May mga pagkakataon din na nagbibitaw sya ng mga maka- hulugang mga salita. Bagay na kahit hindi nya banggitin ang pangalan ko ay alam ko na kaagad na ako ang tinutukoy nya. Hwag naman sanang may makahalata sa mga kaklase ko, dahil tiyak kong pauulanan na naman ako ng tukso.

Natapos ang klase nya na parang pagong sa bagal. Eksaktong limang minuto pagkatapos nyang umalis at patakbo din akong lumabas. Kailangan kong magpunta sa c. r. Buset kasi! Para akong natatae na naiihi na ewan. Basta naka- kainis!

Pinag- mamasdan ko ang sarili ko sa salamin habang walang sawa sa pagbuhos ang tubig sa gripo. Sino kaya ang ka- mukha ko? Ngayon ko lang napagtanto kung gaano talaga kalayo ang itsura namin ni Ella sa isat- isa. Mas maputi at makinis ang balat ko. Bagsak at tuwid ang buhok ko samantalang, medyo wavy ang sa kanya. Brownish ang kulay ng mga mata ko. At mula sa noo, mata, ilong, labi at hulma ng mukha ko, ay malayong- malayo talaga sa kanila.

"Who am I?" biglang bitaw ko.

Para tuloy akong naging isang ibang tao. Pakiramdam ko ay hindi ko na kilala ang sarili ko.

"You are my baby," natigilan ako. "my sunshine, my girlfriend," tinig mula sa may pintuan. "my world and," nakita ko si Edson sa may salamin. "my everything."

Naramdaman ko ang masuyong pag- yakap nya nya mula sa likudan ko. "Soon to be my wife." Bulong nya sa tenga ko habang nakatitig sa akin mula sa may salamin.

Napangiti ako. Oo nga pala. I have him. Pinapalimot nya ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing mag- kasama kaming dalawa. He's doing his very best to make me smile. Wow. Mahabaging mga dyosa, bumawi talaga kayo, ahh. Sa lahat ng ibinato nyong mga hamon sa akin, dito lang kayo hindi nagka- mali.

"Thank you." ani ko.

He smiled. "It should be, i love you." Then, he kissed me in my temple.

"I lo-_..."

"Bakit sarado?" Boses na pumutol sa sasabihin ko.

Kasunod nito ang sunud- sunod na katok mula sa pinto. "Under maintenance ba ang c. r?"

Napatingin naman ako kay Edson na sobrang lawak na nang ngiti. Then, realization hits me na nandito nga pala kami sa loob ng banyo ng mga babae. At kapag nakita nila kami na mag- kasama ay tiyak kong mai- issue na naman ako.

"Bakit ka ba kasi nandito?" Bulong ko dito na may halong pang- gigigil.

He cuckled. "Don't worry. I have my ways."

Kinuha nya ang cellphone mula sa kanyang bulsa. Nagsimula syang mag- tipa dito at mga ilang segundo lang ay ibinalik nya na ding muli ito sa right pocket ng pantalon nya. Nagtataka naman akong tinitigan sya na chill na chill pang naka- sandal lang sa may pader.

"Hello, ladies." Boses mula sa labas ng pinto. "Iyong nasa kabilang pasilyo na banyo na lang muna ang gamitin nyo. Under maintenance lang ito ngayon."

"Ang pogi nyo naman po, kuya." Malandi namang sabi ng babae.

Maya- maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking naka uniporme. Napakunoot naman ang noo ko ng makilala ko kung sino ito. Psh. Kaya pala relax na relax ang kumag. Tsk. Tsk.

"Boss naman, kung mag la- love making kayo, hwag naman sa ganitong lugar. Madaming tao." Ani nito.

"Na trap lang kami, Cass." Sagot naman ng kaharap ko.

"Lumang rason na yan, boss." Then, he turned on me. "Hi, Lexshawna."

"Hello, Luke Cass." Bati ko naman.

"Ayos na ba?" Tanong naman ni Ed dito.

"Clear na po, boss." Naka- ngising tugon nito.

Grabe. Ngayon ko lang na- gets ang mga pinag- sasasabi ng kaibigan ni Ed. Love making? The hell. Mukha ba kaming may ginawang himala? At sa ganitong lugar pa talaga?! Mahabaging mga dyosa, ano ba?! Nakakainis. Napaka- mapanghusga nyo naman. Waaaaaaaaaaa.

Hinawakan ako ni Edson sa braso at hinila na palabas. Isa na naman sa mga kaibigan nya ang nakita ko ng maka- labas kaming dalawa. Katulad ni Luke Cass ay abot langit din ang ngiti nito. Napayuko naman ako sa kahihiyan. Kahit pa alam ko na wala naman kaming ginawa sa loob ay pakiramdam ko pa din na meron.

"I'll book you on the hotel, if you want, Ed." Anito.

"No thanks. I'll handle it, Marquez." Sagot naman ng kumag.

Hindi ko naman napigilan na kurutin sa tagiliran nya si Ed. Talagang sinakyan pa talaga ng kumag, ehh. Hindi naman nya ako pinansin, sa halip ay tuwang- tuwa pa. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nag- agwat lamang kaming dalawa ng malapit na kami sa cafeteria. Nauna akong pumasok sa loob. Kaagad ko namang hinanap si Jemimah. Hindi ko na din sya nilingon pa. Mahirap na. Madaming mga mata.

"Saan ka galing, Shan?" Bungad na tanong ni Jem.

Hindi pa ako nakaka- upo. Naniningkit ang mga mata nya habang matiim na nakatitig sa akin. Para bang sinusuri nya kung magsasabi ba ako ng totoo o hindi. Hindi ko naman sya pinansin. Naupo na ako at basta na lang kinuha ang pagkain sa lamesa.

"Hoy, babae. Saan ka galing?" Pangungulit nya.

"Sa banyo." Tugon ko.

Pinaka- titigan nya ako. Well, tunay naman talaga na sa banyo ako galing. "Anong ginawa mo don?"

"Ano ba ginagawa sa banyo, Jemimah?" Balik ko naman.

"Okay. Sa susunod kasi, Shan, maglabas ka na ng sama ng loob bago ka pumasok. Nakakahiya ka kanina. Bigla ka nalang tumayo at tumakbo palabas. Taeng- tae ka na pala." Dire- diretso nyang saad.

Napailing na lang ako. Mas maayos na itong pinag- kamalan akong tumae kaysa doon sa love making. Tss. Dahil mabait ako at buraot, nakihati na lang ako sa pagkain na in- order ni Jem. Palagi naman ganito ang set- up namin. Hindi naman sya nagre- reklamo dahil alam naman nya na poorita ang best friend nya. Syempre, ako, lubus- lubosin na 'di, ba? Sayang naman, grasya na ito. Charot lang.

Magkasabay kaming bumalik ni Jem sa classroom. Pero, isang masamang hangin ang pumigil sa amin na tuluyang pumasok. Dahil dinig na dinig namin mula dito sa may pintuan ang boses ng delubyo. Makahulugan naman akong sinulyapan ng katabi ko. Mahabaging mga dyosa, bakit ba gustung- gusto nyo akong pahirapan?

"Ohh, look! She's here na." Rinig kong ani ng bruha.

Naramdaman ko ang paghawak ni Jem sa may braso ko. "Ohh, nandito pala ang pabidang malandi. Hello, Shellarina."

"Talakerang palaka!" Balik nya sa katabi ko. Then, she turned on me. "Hello, bitch."

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Umikot ang eyeballs nya sa pagtataray. "To make your life miserable. I'm here na ulit. The Queen is back. Kabahan ka na."

"Kung isa kang Calculus equation, baka kabahan nga kami. Pero sa pagkaka- alam ko, ang higad, hindi kinatatakutan, pinandidirian dapat." Bwelta naman kaagad ni Jemimah.

Bago pa mag- digmaan ang dalawang bruha na ito ay hinila ko na kaagad ang kaibigan kong matabil ang dila. Dumiretso na kami sa pwesto namin dahil any moment ay dadating na ang guro. But, talaga nga yatang matigas ang bungo ng higad. Lumapit pa talaga ito kasama ang dalawa nyang alagad.

"Para updated kayo, pinayagan na akong bumalik ni Madam Principal. That's because of my Kuya. So, mag- ready na kayo." Sabi nya.

"Good to know yan, Rina. Makakapag- aral ka na ulit." Ani ko naman.

"Oo para naman magkalaman iyang utak mo. Dinaig mo pa kasi ang disyerto sa sobrang tuyo ng pag- iisip." Singit naman ni Jem.

"Alam mo ikaw na talakerang palaka ka, namumuro ka na sa akin, ehh." Naiinis na singhal ng higad.

Inilahad naman ni Jem ang palad nya. "Pili ka isa. Baka sakaling mahanap mo ang pake ko." Sabay galaw ng mga daliri na parang nagbibilang hanggang sa matira middle finger na lang nya ang natira.

Umugong ang tawanan ng mga kaklase ko. Nagsi- simula na ding mamula ang mukha ni Shellarina dahil sa inis. Sakto namang pumasok ang guro namin kaya naman, padabog na umalis at naupo na ang higad at ang mga alagad nito. Tatawa- tawa naman si Jemimah na inilabas ang libro mula sa bag nya. Naiiling naman akong kumuha ng notebook at ballpen. Mahabaging mga dyosa, ano bang ginawa nyo at naging ganito ang babaeng ito? Psh.

Natapos ang mga klase ng maayos. Hindi na din nakapag- iskandalo pa si Rina and friends dahil sa dami ng mga pina- pagawa ng guro namin. Naging busy kaming lahat at maging si Ed ay hindi ko din nakita. Kaya naman, nag- dadalawang isip ako ngayon kung sasabay pa ako sa kanya o hindi. Ang problema, ayaw ko pang umuwi sa bahay. Pero pwede naman siguro na kina Jem muna ako maki- tuloy ngayon. Hay nako. Nakakainis.

"Kanina ka pa?"

Natigilan ako. Ilang beses muna akong napa- kurap- kurap bago ako nakabawi. Then, two muscular arms ang biglang pumulupot sa bewang ko. And the familiar scent filled my nostril.

"Sorry kung naghintay ng matagal ang baby ko. May tinapos lang akong papeles." Malambing nyang bulong sa akin.

Actually, hindi pa naman ako nagtatagal dito sa kinatatayuan ko ngayon. Pero, bakit hindi ko masabi? Siguro ay dahil ayaw kong matapos ang moment naming dalawa. O'di kaya naman ay feel na feel ko lang ang paglalambing nya. Okay. Pareho na lang.

Kinabig nya ako at pinaharap sa kanya. "I love you." Naka- ngiti nyang ani.

Nginitian ko naman sya. Sasagot na sana ako ng may mahagip ang mga mata ko. Pigura ng tao sa di kalayuan. Bigla tuloy akong naka- ramdam ng kaba. Nandito pa nga pala kami sa school. Madami pa ding mga mata na pwedeng maka- kita. Kaya naman, dali- dali akong umikot papunta sa kabila. Naintindihan naman iyon ni Edson dahil hindi na naka- lock ang pinto ng ito'y sibukan kong buksan. Sumakay na ako sa sasakyan at ganoon din sya. Kaagad nya ding binuhay ang makina at nag- drive na paalis.

Tahimik ang naging byahe namin. Hindi ko din alam pero naging mabilis din ang pag- dating namin sa mansion. Para namang nagmamadali kami. Bigla din akong nakaramdam ng pagka- ilang kaya naman, dumiretso kaagad ako sa kwarto ko. Mabibigat din ang pag- hinga ko at pinag- papawisan din sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Kahit gulo at lito ako sa biglaang nagaganap sa aking sarili ay hindi ko na lamang ito pinansin pa. Nagpunta na lamang ako sa banyo upang magbabad sa ilalim ng shower. Baka kasi na- stress lamang ako sa school. Dala na din siguro ng mga problema ko at init ng panahon.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo at nakatingalang sinasalubong ang mga patak ng tubig mula sa shower. Basta nang naka- ramdam na ako ng pagka- lamig ay tsaka na ako umalis at nagbihis. May nangyayari talaga sa akin na hindi ko maintindihan. Lalo na ng lumabas ako sa banyo at tumambad sa akin si Edson na prenteng naka- upo sa mini- couch dito sa loob ng kwarto ko. May hawak syang magazine about business na hindi ko ninais basahin kahit minsan. Ewan ko kung bakit hindi ako maka- alis dito sa kinatatayuan ko. Gusto ko lang syang pagmasdan. Para kasing lalo syang gumagwapo sa pwesto nyang iyon. Bahagyang nakakunot ang kanyang mga kilay, seryoso ang maamo nyang mukha at dumagdag pa ang muscle shirt at board short na suot nya. Napaka- sarap nyang titigan.

"You're melting me, baby."

Nag- wala ang puso ko. At mas bumibilis pa ito nang dahan- dahan syang tumingin sa akin. Ibinaba nya ang hawak na magazine at pinaka- titigan ako.

"Come here." Seryoso ngunit mahina nyang saad.

Napa- lunok naman ako. Hindi ko din alam kung bakit biglang uminit dito sa kwarto. Namatay siguro ang aircon. Yes. Namatay nga. Luma na yata iyon at bumigay na. Oo. Ganoon na nga.

"Come here, baby."

May ano sa mga salita, boses at tono nya na humahaplos sa akin. Napa- synod nya ako. So, I found myself walking slowly towards him. At sa bawat pag- hakbang ko papalapit sa kanya ay siya ding mag- dagundong ng puso ko sa dibdib ko.

"How can you be this beautiful, baby?" Bitaw nya.

Napalunok naman ako. Mahabaging mga dyosa, ano ba itong ginagawa nyo sa amin? And then, ang huling hakbang ko palapit sa kanya ay nagawa ko na din sa wakas.

"You're driving me crazy..." Bulong nya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko ng hawakan nya ang magka- bilang braso ko. Dahan- dahan nya din akong hinila papalapit pa lalo sa kanya. Then, he motioned me to sit sa kaliwang hita nya na ginawa ko naman. Gamit ang kanan nyang kamay ay pinaharap nya ako sa kanya.

"I want you so bad..." Mahinang saad nya habang palapit ng palapit ang mga mukha namin sa isat- isa.

One thing na hindi ko pa nagagawa para sa kanya at ang sabihin kung gaano ko sya kamahal. Dahil sa tuwing lalabas na ang key word na iyon sa mga bibig ko at bigla na lamang may sisingit. So I think, ito na ang tamang oras para doon.

"Edson.." Pagtawag ko sa kanya.

"Hmm?" Tugon nya.

Ilang hibla na lang ang agwat ng mga labi namin sa isat - isa. "I...." I gulped. "Edson, I l-...." Deep breath. "I love you." Sa wakas.

Bahagya syang natigilan marahil ay dala ng pagka- bigla. Pero kaagad din naman syang naka- bawi.

Bahagya syang ngumiti. "I know." He said. "But, i love you more."

And with that, naglapat na ang aming mga labi. His lips taste delicious kaya naman, hindi ko din mapigilan na sumabay sa mga halik nya. His kisses was full of love yet passionate. Banayad ang pag- galaw ng mga labi nya sa labi ko na para bang ninanamnam nito ang bawat segundo. Hindi na din ako tatanggi pa na gusto ko din ang nagyayari ngayon. Naikawit ko na nga ang mga braso ko sa leeg nya. Nasa may batok ko naman ang kaliwang kamay nya upang i- guide at alalayan ako. And his right hands at malaya namang gumagala sa ibat- ibang parte ng katawan ko.

Mahabaging mga dyosa, mukang magtatagumpay kayo ngayon, ahh. Salamat sa basbas ng kamanyakan at kalandian.