Chapter Fifteen

LEXSHAWNA ARIELLA DELFIN POV

Magulo ang isip ko. Sobra.

Hindi ko alam kung ano na ba ang mayroon sa aming dalawa ni Edson. Wala naman kaming label at ayoko namang mag- assume. And damn that honey!. Kahalikan nya ako sa loob ng opisina nya tapos may honey sya sa labas?. Isang parihabang bagay na yari sa kahoy lang ang pagitan namin. How dare he do that to me. Ngayon, ako pa ang lalabas na kalaguyo o kabit. Nako. Nako. Nako. Ayoko na ng tsismis at issue. Muntik na akong mamatay noon dahil sa bubuyog na adik sa teacher namin. Kung lalabas ang issue na ito, sigurado akong ito na ang ikamamatay ko. Tss.

"Shan- Shan...."

Tapos, dadagdag pa ang pageant. Noon, ipinapanalangin ko na sana makapasok ako. Pero ngayon na nakapasok na ako, hinihiling ko na sana ay hindi na lang pala.

"LEXSHAWNA!."

Hinarap ko ang babaeng bungangera at sinamaan sya ng tingin. Bakit hindi?.

Sumigaw lang naman sya na naging dahilan ng pag- tingin sa amin ng mga kaklase ko.

"Bakit ba, Jemimah?!." Angil ko.

Tinaasan nya ako ng kilay. "Don't bakit- bakit me, Shan. Kanina pa akong talak ng talak dito at kahit isa ay wala kang pinakinggan."

Inismidan ko sya. "Tss. Bakit nga?."

Padabog nya na ibinigay sa akin ang isang brochure. Kanina pa kaming namimili at nag- titingin ng mga gowns sa mga booklets ng mga ilang designers. No. Sige na nga. Si Jem lang ang nag- titingin. Wala naman kasi akong hilig sa mga ganyan, ehh.

"Tingnan mo yan." Ani nya.

Itinuro nya ang isang black and gold long gown na naka lagay sa isang pahina ng brochure. Gold ang mga linings and designs nito and the rest is black na. Fit ito hanggang sa may hita at biglang bumagsak na ng malaya ang tela pababa. Maganda ito base on the pic kasama ang model nito.

"I love it." Sabi ko.

"Then, iyan na ang kunin natin." Segunda naman ng katabi ko.

I shrugged. "Magkano ba?."

Kinuha nya ang booklet at nag- basa. "Sabi dito, free na daw ang pa- adjust at fitting. Visit na lang daw tayo sa shop nila. And it cost..... 25, 000 pesos."

Literal na nalaglag ang panga ko. How much?. Tama ba ang narinig kong sinabi ni Jem?. Baka naman kasi naging OA na naman itong babaitang ito. Kaya naman, hinablot kong muli ang brochure at ako na mismo ang tumingin dito.

The hell.

TWENTY-FIVE THOUSANDS for a fucking long gown?!.

Bigla yata akong nahilo. Jusko. Mga mahal kong mga dyosa, pagpalain nyo naman ako kahit minsan lang. Wala po bang mura pero magandang gown?. Saan naman kasi ako kukuha ng ganoon kalaking pera?. Mamumulubi nito ang pamilya ko. Kahit araw- araw akong mamalimos sa kalye, at tatlo hanggang limang beses akong mag- sideline ay hindi pa din ako makakaipon ng ganoong halaga. Thursday na ngayon at sa Saturday na ang event.

"So, pupuntahan na ba natin tom or mamaya after class?." Tanong ng bruha.

Umiling ako. "Wala akong pera."

Magsa- salita pa sana sya pero bigla na lang pumasok ang teacher namin para sa first subject. And, alam nyo na kung sino iyon. Kasama pa nito ang balyena.

"Good morning." Bati ni Mrs. Himala. "I just want to congratulate Miss. Delfin for her job well done at nakapasok sya sa pageant. Please give her a round of applause."

Nag- palakpakan naman ang mga kaklase ko. Pinaulanan din nila ako ng papuri at mga word of motivations. Nahiya pa nga ako dahil hindi naman ako sanay sa atensyon. Kaya naman, ngiti at tango lang ang naisukli ko sa kanila. Pero itong si Jemimah, tinalo pa ang kakandidato sa kakatalak. Ako itong bida pero sya yong bida- bida.

Pagkatapos ng sinabing iyon ng balyena ay umalis na din sya. Sumingit lang daw sya dahil gusto nya lang daw akong batiin sa aking pagka- panalo. Akalain mo iyon?. Ang galing pala talaga nyang magpakitang tao. Kung hindi ko sana sila narinig noon sa vacant room, baka akalain ko pa na sincere at mabait itong whale na ito. Pero, dahil alam ko na bahagi lang ito ng plano nila ng bubuyog kong kaklase. Mga barbie sila. Plastic!.

"Congratulations, Ariella."

Damn. Why does my name sounds so beautiful kapag sa kanya nang- gagaling?. And, he called me Ariella in front of our class. The hell!.

Naramdaman ko ang bahagyang pag- siko sa akin ni Jemimah. Ramdam ko din ang pag- iinit ng mukha ko. So, nag- baba ako ng tingin dahil sigurado akong mas mapula pa sa color red ang face ko ngayon. Kaagad naman na binawi ni Sir. Bayer ang atensyon ng lahat sa pamamagitan ng pag- tikhim at pag- proceed sa previous topic namin.

Bakit ba ako nahihiya?. Yong puso ko, nagma- marathon na sa bilis. Naiinis na ako sa sarili ko. This passed few days kasi, sa tuwing mag- kakalapit at nakikita ko sya, bumibilis ng sobra ang tibok ng puso ko. Mas lumala ang mga nararamdaman ko noon. Kailangan ko na yatang magpa- check up. Hindi ko na kasi maipaliwanag ang mga nararamdaman ko. Jusko. Mga mahal kong dyosa, bigyan nyo naman ako ng kasagutan. Pwede bang kahit minsan lang ay iparamdam nyo sa akin na binibiyayaan nyo ako?. Sayang naman ang mga pamamanata at paniniwala ko sa inyo. Nako. Nako. Nako. Ito kasing si kupido at tadhana pinag- kakaisahan ako. Kainis!.

Natapos ang klase namin ng wala akong naintindihan. Walang pumasok sa maganda kong utak. At kahit isang beses ay hindi ko sya tinapunan ng tingin. Well, iniiwasan kong mag- tagpo ang mga mata namin. Nakakatakot kasi ang dyosa ng mga manyak. Baka kasi maisipan nyang mag- hasik ng lagim at dito sumikal ng banat ni Edson. Kapag nang- yari iyon, dinaig ko pa sina wonder woman sa pag- lipad. Charot.

"Paano ba yan, frenny... Hindi kita masasamahan sa practice mo. Ito kasing si Mrs. Himala, tinamaan na naman ng saltik sa utak." Ani ni Jem.

Nag- lalakad kami ngayon papunta sa gym. Ihahatid nya lang daw ako at pagka- tapos ay didiretso sya sa site.

"Okay lang." Sagot ko.

Bungangera ang babaitang ito pero napaka- sweet naman nya. Wala na talaga akong mahihiling pa. I am so lucky to have her as my best friend.

Sumimangot sya. "Pero gusto kitang mapanood. Paano kung may mang- away sa'yo doon?."

"Ako ng bahala. Ano ba tingin mo sa akin, duwag?." Balik ko sa kanya.

Napa- ngiti sya. "Hindi naman." Sabay tawa. "Nakalimutan ko na amazona ka nga pala."

Inismidan ko sya at tinaboy na paalis. Nakadating na kasi kami sa gym at hindi pa sya tumitigil sa kakadaldal. So, I forcefully pushed her away para matahimik ang mundo ko. Gumana naman.

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ko bago ako pumasok sa loob. And as I expected, sinalubong nila ako ng mga mapanuring tingin. Lahat sila ay pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ano pa nga bang aasahan ko?.

Mas angat sila kaysa sa akin. Yes, I have curved and beauty. Pero, mas mataas ang antas ng level nila kaysa sa akin. Para tuloy akong batang naligaw dito. Hay nako. So, nag- punta nalang ako sa may sulok at malayo sa kanila. Mag- practice na lang akong mag- isa. Tss.

Isinuot ko ang six inches na pointed high heels. Hindi na din ako nag- abala pang mag- bihis dahil hindi naman required na magpalit ng damit. Isa pa, may klase pa din ako mamaya. With a deep sighed and furrowed eyebrows, I stood up at nag- simulang mag- lakad. Ilang araw ko ng ginagawa ito pero masakit pa din sa binti at paa. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganito at hanggang 3" lang ang sinusuot kong mga sandals. Psh. Siguro dahil sa suot kong sapatos ay magka- pantay na kami ni Edson. Matangkad ang lalaking iyon at hindi pa ata ako umabot kahit sa may balikat nya. Speaking of him. Here comes the pulot. Did you know what is pulot?. Tagalog yan sa honey dito sa amin. Honey as in yong mga sweet and sticky na galing sa mga bubuyog.

"Hi.."

She randomly greeted everyone at ang mga mahaharot na babae naman, nagkakandarapa pa sa pag- lapit sa kanya. Who is she ba?. Sabi nila, isang sikat na modelo daw sya sa abroad at dito sa bansa. Well, halata naman. From the way she moves, all of her gestures, the poise, the way she stand and the aura are telling us that she's a professional model. Lahat ng makakakita sa kanya, kahit hindi sya kilala ay kaagad na maiisip na isa syang modelo. Nag- susumigaw ang confidence sa pagka- tao nya. Taliwas sa lahat ng mayroon ako. Siga akong mag- lakad at kumilos. Wala akong pakialam sa kung anong itsura ko at higit sa lahat, ayaw ko ng fame and attention. Malayong- malayo kami sa isat- isa. Si Rodelia Marise Roque ang dream girl ng sinomang kalalakihan.

Defeat.

Yeah. Thinking about Edson and this Honey makes my heart bleeds. Ewan ko kung bakit ako nasasaktan. Sya kasi ang tipo ng babae na mamahalin ng lahat. Samantalang ako, kung hindi pa magkakaroon ng issue, hindi pa mapapansin ng lahat. I am just a nobody in this school. At kung hindi dahil sa lalaking manyak na guro ko ay hindi pa makikilala ang Lexshawna Ariella Delfin sa Goldwin University.

"What's with the frowned?." Boses na mula sa may likod ko. "You walked like a queen but your face speaks that you're not a queen."

Naka- ilang hakbang pa ako bago tuluyang umikot upang humarap sa nilalang na gumambala sa pananahimik ko.

"Mr. Peña." Sambit ko.

She smiled. "Why are you here in a corner away from the others?." Tanong nya.

I shrugged. "I just don't know how to socialize."

Napatango- tango sya. "Okay." Inilagay nya ang kamay sa may baba nya akala mo ay may malalim na iniisip. "How about.... we sneak out and go somewhere else?."

Napa- kunot naman ang noo ko. "Ano po?."

Natawa sya. "Wala namang makakapansin na wala ka dito. Besides, babalik din tayo kaagad."

Bakit ba lapit ng lapit sa akin ang lalking ito?. Yes. He is handsome and hot. But, Edson is much more than him. Wait. Bakit ko sila ipinagkukumpara?.

"Just a little smoothie, shake or something. I know you're not fund of this kind of event." Ani pa nya.

Totoo naman. Isa pa, wala naman akong gagawin. Wala naman dito si Mrs. Himala dahil may meeting daw ang mga faculties. So, why not?.

Tumango ako sa kanya at napa- ngiti naman sya ng todo. Gosh. Mahabaging dyosa. Ayaw kong maging salawahan. Pero kasi, bakit ba ang gwapo ng isang ito?. Tss.

Whatever.

Kagaya nga ng sabi nya, pumislit nga kami. Nag- punta kami sa parking lot ng parang mga ninja. Hindi pa nga namin mapigilang matawa sa bawat pag- tatago na ginagawa ko sa tuwing may ibang mga dumadaan. Yes. Ako lang ang nag- tatago. Sponsor sya kaya any time syang may access sa lahat. Free syang umalis at bumalik sa kahit among oras nya naisin. Pero nakakatawa kasi talaga dahil ginawa ko pa syang taguan. Malaki kasi sya kaya naman, kapag nag- kubli ako sa likod nya, hindi na ako makikita. Hahaha.

"That was awesome!." Ani nya ng maka- sakay kami sa loob ng kotse nya.

Natawa ako. "Ako lang naman ang nahirapan, ehh."

"No. Ako din kaya." Balik nya habang ini- start ang sasakyan.

"Siege nga. Anong ginawa mo?." Pang- hahamon ko.

"Mahirap kayang mag- kunwaring namamasyal sa corridor, sa may poste at sa may c. r." Dipensa nya.

"Oo na nga lang po." Natatawa kong tugon.

May madadaanan ka kasing comfort room kapag papunta ka sa parking. So, iyon ang last na pinag- taguan ko. Hahaha. Nakaka- tuwang isipin na mag- kakasundo at mabilis lang kaming magkaka- palagayan ng loob na dalawa. Akala ko kasi noong una ay masungit at strict sya. Pero isip bata at makulit pala talaga sya. Mr. Douglas Peña is a kids at heart.

"Saan tayo pupunta, Mr. Peña?." Tanong ko.

"In my favorite café." Naka- ngiti nyang tugon.

"Saan po 'yon?." Pangungulit ko.

"Can you cut the 'po' and Mr thingy?." Ani nya. "Just call me Gem kapag tayo lang ang magka- sama."

I frowned. "Gem?."

Tumango sya. "Yes. Because im the most handsome, lovable, and cute guy in the whole world."

Ehh. Anong connect?. "Seriously?."

Natawa sya. "Just don't asked further. It's a privilege, you know. I'm kinda special so, no one knows my real name."

Real name?. So, Douglas Peña is not his true identity. No. Which on those two words ang hindi totoo?. The Dauglas or the Peña?. Pwede din naman na all of the above. Kung ano man iyon, wala na akong pakialam. So, mas pinili ko na lang na tumahimik. Pinanood ko na lang ang mga tanawin sa labas.

Hindi din naman nag- tagal ang biyahe namin dahil pagka- lipas ng ilang minuto ay tumigil kami sa harapan ng isang pink and white na cute na café. May pangalan ito sa itaas na "Shake It". Talaga bang dito kami pupunta?. A guy like him, pupunta sa cute na lugar na ito?. I can't believe it. Napaka- girly ng ambiance ng paligid. At bagay ito sa mga teenagers na mahilig sa mga sweets.

"I know that look." Ani ni Gem na natatawa pa.

Masisisi nya ba ako?. Hindi naman kasi talaga kapani- paniwala. Napaka- brusko at macho nya tapos dito kami pupunta?. Para tuloy ayoko ng bumaba ng sasakyan. Ako pa yata ang mahihiya sa aming dalawa. Gahd.

I have no choice kun'di ang bumaba ng sasakyan at sundan sya. He threatened me na ila- lock nya ako sa loob ng kotse at mag- tatagal sya sa café ng ilang oras. Ayoko naman na mabulok sa loob ng sasakyan. Kahit gaano pa ito kamahal, I don't care. Psh. And kagaya ng inaasahan ko, puro pink at white ang motif sa loob. Mga bahay na yari sa assorted variety of candies naman ang naka- paint sa mga wall. At cute na pink na mga upuan at tables ang naka- well arranged dito. Pati na ang mga waitress dito ay naka- suot din ng cute na house maid costume. Para tuloy akong nasa loob ng kiddie store.

Naupo kami sa table na malapit sa may pintuan. Naka- order na din si Gem ng pagkain na hindi ko alam kung ano. Sya lang kasi ang nag- punta sa counter at hindi man lang ako tinanong kung ano ang gusto ko.

"I love shakes, smoothies and parfaits." Ani nya na parang bata.

"Hmm. Pansin ko nga." Bored kong tugon.

"Ohh, I owned this café, by the way." Naka- ngiti nyang saad. "So, every time na pupunta na dito, libre na lahat ng o- order- in mo."

Napakurap- kurap ako. "Really?."

"Yup". Proud nyang sagot na sinadya pang diinan ang 'p'.

Okay. Another point for 'Dont judge the book by its cover.'. Napapailing na lang ako sa isiping hindi lahat ng macho at brusko ay away at cool stuffs lang ang gusto. Learn to know them better.

Dumating na ang mga in- order ni Gem at unang kita ko pa lang sa mga ito ay mukang sasaktan na kaagad ako ng ngipin. It was, two chocolate shakes, ice cream pudding, at isang chocolate overload parfait. Ibinigay nya sa akin ang isang choco shake at pudding while sa kanya na daw yong tira. Hindi ba sasakit ang ngipin at tiyan nya dito?. Grabe.

" Araw- araw ka bang nagpapa- check ng ngipin?." Tanong ko dito.

Umiling sya. "Nope. I've done it at least two times a month."

"Sana lang ay hindi maubos ang mga ngipin mo dyan." Ani ko.

"If you want to eat sweets, you must know how to take care of your teeths." He proudly say sabay pakita ng mga ngipin nya.

Impressive. Walang kahit isang bulok sa mga ito. Malinis ito at maputi. Hindi din sya naka- brace at pantay- pantay din ang mga ito. Wow. Just wow. Sana all na lang ako. Bigla tuloy akong nahiya. Well, two times a day naman akong nagtu- tooth brush. Minsan ay tatlong beses pa nga, ehh. Dipende kung hindi ko makalimutan at kung ano ang mga kinakain ko. Wala din akong bulok na ngipin at sungki, nuh. Maingat naman ako, hindi lang talaga halata. Isa pa, hindi ako mahilig sa sweets.

Pagka- tapos namin kumain ay bumalik na kami sa GU. And guess what?. Naubos nya 'yong pagkain nya. As in, ubos. Walang kahit anong natira. Hihirit pa nga sya ng isa pang pudding, ehh. Nag- pumilit lang ako na need na naming bumalik ng school kaya hindi na natuloy. So, kasalukuyan na kaming nasa biyahe.

"Lexshawna." Tawag nya.

Napalingon naman ako sa kanya. "Bakit?."

"I'm sorry for dragging you to a mess." Seryoso nyang tugon.

Napakunot ang noo ko. "What do you mean?."

Naguguluhan ako. Paanong gulo?. Anong ibig nyang sabihin?.

"Fuck!." Sigaw nya.

Mabilis akong tumingin sa harap at napatili na din ng may isang van na puti ang biglang sumulpot sa harapan namin. Muntikan na namin itong mabunggo kung hindi kaagad nakapag- preno si Gem.

"What the hell! Ang luwag luwag ng kalsada at wala namang traffic. Bakit kailangan pa nilang mag- overtake?. Bumusina ba sila, huh?." Litanya ko.

Nakakainis. Paano kung madisgrasya kami?. The hell!. Gusto ko pang mabuhay. Madami pa akong pangarap sa buhay. At ang mga hampas lupa, tumigil pa talaga. Aba, hindi na sila nahiya. Sila kaya yong bigla- bigla na lang sumusulpot. Hay nako. Napatingin naman ako kay Gem na seryoso lang na na naka- titig sa harapan.

Mahigpit ang pag- kakahawak nito sa manibela at nag- titiim na din ang bagang nya.

"Gem?." Tawag ko sa kanya.

Hindi nya ako pinansin. Sinundan nya ng tingin ang tatlong lalaki ng bumaba mula sa van. Dumiretso ang isa sa mga ito sa may bintana ng driver's seat. Kinatok nya ang bintana dahilan kung bakit ibinaba ito ni Gem.

"Sorry for the inconvenient. But, kailangan nyong bumaba ng sasakyan." Sabi ng lalaking may peklat ang mukha.

"Sir. Wala naman pong gasgas ang sasakyan nyo at kayo po ang may kasalanan dahil bigla na lang kayong sumulpot." Anas ko.

Tiningnan ako ng lalaki. "May kasama ka palang chix."

"I will go with you. Don't mind her." Wika naman ni Gem.

Hindi ko sila maintindihan. Ano bang nagawa naming mali?. Hello, sila kaya ang may kasalanan. Ang lakas naman talaga ng loob ng mga kumag na ito, lalo na itong may peklat na lalaki. Para syang nasunog at sinakop na ang kalhati ng mukha nito. Nag- mukha tuloy syang rapist na may mental disorder.

The rapist smirked. "Tsk. Tsk. Tsk. The lady will come too."

And with that, nagpunta sa may side ko ang dalawa pa nitong kasama. They forcefully opened the door at binati ako ng manyak na ngiti. The man with a sunglass hold my wrist. Marahas ito at mabigat.

"Ano ba?. Bitawan nyo ako." Angil ko.

But, hindi sila nakinig at hinila na ako pababa ng kotse. Narinig ko pa na sumigaw si Gem na h'wag daw akong hawakan. Pero talagang makakapal ang mukha ng mga ito at hindi sya pinakinggan. Pwersahan nila akong pinasakay sa loob ng van.

"This is kidnapping!." Sigaw ko.

But the latter didn't listen at tinawanan lang ako. Mga ilang saglit pa ay isinunod na din nila si Gem. Putok ang labi nito at magulo ang buhok. May black eye naman sa magkabilang mata ang lalaking mukang rapist. Teka, nag- away ba sila?.

"Anong nangyari sayo?." Tanong ko.

Ngumiti sya. "Don't mind it."

Seriously?. Nasa ganitong sitwasyon na nga kami tapos nakaka- ngiti pa sya. May tama ba ito sa utak?.

"Hey, lady." Tawag sa akin ng naka- sunglass.

"What?." Balik ko dito.

May itinaas syang kulay puting panyo. "I need to do this."

Hindi pa napo- proseso ng utak ko ang mga nang- yayari at kung ano ang ibig nyang sabihin ng lumapit sya sa akin. Mabilis syang kumilos at naitakip na nya kaagad sa ilong at bibig ko ang panyo. And then, the realization hit me. May gamot ang handkerchief. Ito yong ginagamit ng mga kidnapper sa mga biktima nila. Once na maamoy nila ang kung anong bagay na nasa panyo ay kaagad silang mawawalan ng malay. So, isa lang ang ibig sabihin nito.

Na- kidnapped kami.

Then, the darkness overcome my whole system.