Chapter Eleven

Dahil sa sinabi ni Jemimah kahapon, hindi ako nakatulog ng maayos. Pilit ko kasing pinag- aaralan ang sarili ko. Nahulog na ba talaga ako sa kanya?. Bakit hindi ko mahanap ang tamang sagot?.

"Shan, Ano kayang meron at nagpatawag ng biglaang pagtitipon ang Principal?." Tanong ng bruha.

"Ewan ko." Tugon ko.

Nandito kami ngayon sa gymnasium. Nag- iingay na kasi si Mrs. Himala sa speaker ng buong campus bago pa kami makadating. Paulit- ulit na parang sirang plaka na ina- announced nya sa lahat na pumunta sa gym dahil may importanteng bagay daw na sasabihin ang principal sa lahat. So, hindi pa nga kami nakakapunta sa classroom upang ibaba ang mga gamit namin ay dito na kami kaagad dumiretso.

"Wala naman akong naaalala na may nalalapit tayong program, ahh." Sabi pa nya.

"Baka may bisita." Mungkahi ko naman.

"Siguro."

"Good morning."

Hindi ko masyadong narinig ang sagot ni Jemimah dahil nakisabay ang balyena. Hindi pa nga sya nakakaakyat sa stage ay nagsasalita na sya. Mabilis naman na umayos at tumahimik ang lahat. Kasunod ni Mrs. Himala na umakyat sina Sir. Honazan at Mrs. Rose Marnie Espares, ang principal. Naupo sila sa mga upuan na nakahanay sa gitna ng entablado.

"Students, excited na ba kayo sa darating na Mr. And Miss Goldwin University?." Tanong ng balyena.

May ganon ba?. Nagkatinginan naman kami ni Jem at sabay na napatawa. Hindi kami interesado sa mga ganyang bagay. Lahat ng may kinalaman sa pageant ay wala sa utak namin. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi namin naalala ang tungkol dito.

Naghiyawan ang lahat lalo na ang mga babae na akala mo naman ay magaganda. Kanya- kanya silang ayos ng kanilang mga buhok at mukha. Nagpi- feeling na makakasali. Dyosa ng mga feeling- era, nagbasbas ka na naman ng biyaya.

"Halata naman na Oo ang sagot nyo." Sarkastikong ani ni Mrs. Himala. "So, let's all welcome our beloved principal, Mrs. Rose Marnie Espares."

Nagpalakpakan ang lahat. Pati ako nakipalakpak na din. Uso ang plastikan dito. Dyosa ng mga plastik, mukhang makapangyarihan ka ngayon, ahh. So, nagpunta na nga si beloved principal sa gitna. Ibinigay sa kanya ni Mrs. Himala ang microphone na may ngiti sa mga labi. Sabi ko sa into, ehh. Uso ang plastikan. Masugid na taga- sunod ng dyosa ng mga plastik ang balyenang iyan.

"Magandang umaga sa inyong lahat." Pagsisimula ni Mrs. Espares. "Hindi na naman bago sa inyo ang patakaran. Bawat section sa bawat department ay pipili ng tig- isang representative para sa Mr. and Miss. GU. And ang bawat pinili ay sasalain sa kani- kanilang departamento. Ang matitirang tatlong pares ng candidates ang lalaban sa major or main pageant."

Bawat department ay may sampo hanggang kinseng mga sections. Kanilang na dito ang mga first year students to fourth year. By department muna ang labanan. Iyong sampo o kinseng pares na iyon ay sasalain upang makapili ng dalawa o tatlo na siyang tutuloy sa pinaka- pageant. Ang bawat napili sa bawat isang department ay ang bubuo ng 30 candidates sa Mr. and Miss. Goldwin University. Magulo pa sa bulbol, magpaliwanag ang mga ito. May ganoon talagang guro, ano?. Pwede namang sabihin lang ng simple pero pinapahaba pa nila. Mas naguguluhan tuloy ang mga estudyante. In the end, dahil sa haba ng sinabi nila, wala na kaming natutunan.

"And we have a special visitor sa gaganaping event." Hindi pa pala sya tapos. "Because, the super model, Miss. Rodelia Marise Roque accepted our invitation to be one of our judges."

Nagsigawan ang mga kalalakihan. Ano pa nga ba?. Kapag talaga sexy, maganda at sikat, kilalang- kilala ng mga boys. Hindi ko nga knows kung anong itsura ng super model na yon. Wala akong pakialam sa mga ganyan. Nagpo- pose ng malalaswang anggulo ng katawan para lang magkapera. Pinagkakakitaan nila ang body nila porket biniyayaan sila ng magandang katawan. Kailangan pa ba nilang ipagsigawan sa buong mundo na may perfect at mala dyosa silang kagandahan?. Hindi ko talaga maintindihan ang point nila.

Tungkol lang pala sa event at sa special visitor ang pagpupulong na iyon. Madami pa silang mga kinuda pero, walang pumasok sa utak ko miski isa. Ganoon ako kabait. So, heto kami ngayon, naglalakad na papunta sa classroom. Ang layo kaya ng gym at may dala pa kaming mga gamit. Hindi kasi sila makapaghintay. Napaka excited. Habol ang hininga naming dalawa ni Jemimah ng makarating kami ng room. Pawisan na nga ako. Nakakahiya naman ka-___…

"Good morning."

-__y Edson. Nandito na sya. Pagka- pasok na pagka pasok pa lang nya ay sa akin na nakatuon ang mga titig nya. Jusko. Masyado naman yatang halata ang isang ito. Baka ma- issue na naman ako. Ako na lang ang mag- a- adjust. Nag- iwas na lang ako ng tingin.

"All of you proved na may natutunan kayo sa klase ko. The dream house na pinagawa ko is not just a simple drawing. Dito ko makikita kung paano nyo ia- apply ang mga ibat- ibang way at uri ng pag- i- sketch." Seryoso nyang ani. "But, isa lang ang nag- stand out."

Sino naman kaya?. May kinuha syang isang sketch pad mula sa mga tumpok nito na nasa table. Teka. No. No. No.

"It's Lexshawna Ariella Delfin." Ani pa nya.

Sabi na, ehh. Kilala ko ang mga gamit ko. Binuksan nya ito at ipinakita sa lahat ang drawing ko. Umani naman ito ng 'Wow' at 'Ohh' mula sa mga kaklase ko. Ako naman, itong hindi makatingin sa unahan dahil alam kong nakatitig sya sa akin. Nakakahiya.

"Ohh, may, gahd, Shan- Shan!." Exaggerated na sabi ng katabi ko. "Ikaw na talaga. Ang ganda."

Sabi nga ng magulang ko. Iyan din ang dahilan kung bakit sila pumayag na mag engineering ako. Si papa ang nagpursigi sa akin. Simula noong nag- uwi ako ng award galing school dahil sa poster contest, sinuportahan na nila ako. Palagi din akong nagwawagi sa mga free- art drawing, Guhit at Galing at iba pang contest na may kinalaman sa pag- guhit. Kahit mahal at magastos, itinulak nila ako sa gusto kong kurso. That's the reason why I love them so much.

"Look at every strokes she made to expressed her drawing. It's perfect." Rinig kong bitaw ni Sir.

Patuloy sya sa pagpapaliwanag habang hawak- hawak pa din ang gawa ko. Bawat lines, dimensions and angle ay pinuna nya. Mabuti na lang talaga at precise ang mga sukat ko doon. And thanks G dahil hindi ko naisulat pati ang laman ng utak ko. Naalala ko pa yong time na pinagtagpo kami ng tadhana. Iyon ang araw na hindi ko makakalimutan. Ang pinag- mulan ng lahat. Sa sobrang lutang ko, naisulat ko pala sa likod ng notebook ko ang mga naiisip ko tungkol sa kanya. Psh. Nakakatawa lang isipin.

Natapos ang klase namin ng puro discussion lang ang laman. Wala naman akong naintindihan dahil wala ako sa tamang wisyo. Lumilipad ang utak ko. Hindi ko alam kung saan nito nakuha ang pakpak, ehh. Basta namalayan ko na lang na si Mrs. Himala na ang nakatayong guro sa harapan. Hindi ko na nakitang umalis si Edson. Ngumiti kaya sya sa akin?. Baka may pagtitig na naman syang nalalaman. Anyways, here comes the balyena.

"Sino ang ipapambato nyo sa event?." Tanong nya.

Walang nagsalita. Wala ding nagtaas ng kamay. Kung nandito lang sana si Rina, tatakbo na yon sa unahan. Iboboto nya ang sarili nya na siguradong sasang- ayunan ng lahat.

"Walang may gusto?." Pasinghal na bitaw ng balyena. "Aba, hindi pwedeng wala."

Sino naman kasi ang may interest na sumali sa mga ganyan?. Puro kaartehan lang naman kasi ang dulot nyan. Kung masama na ang mukha ni Mrs. Himala, mas sumama pa ngayon. Pinaka- titigan nya kami, isa- isa. Marahil ay sinusuri kung sino ang qualified. Tamad na tamad naman akong humalumbaba. Alam ko na ang kalalabasan nito. Matatapos ang oras namin ng paganito- ganito lang. Hindi kasi yan titigil hanggat wala syang nahahanap na magiging representative namin. Hanggang sa huminto sya sa tapat namin.

"Florentino." Ani nya.

Nagukat naman si Jemimah. Well, kung ako ang tatanungin nyo, maganda naman ang bruhang ito. Kutis artista pa. May height at may kaunting utak din. Hindi nga lang madalas nagagamit.

"M-maam?." Nauutal na tugon ng katabi ko.

Pero hindi ito nakatanggap ng sagot. Tinitigan lang sya ni Mrs. Himala. Akala mo naman ay may x- ray ang mga mata kung maka tingin. Hanggang sa bumaling ang atensyon nya sa akin. Kaagad naman akong nag- iwas ng tingin. Nakahinga naman ako ng maluwag ng maglakad na pabalik sa unahan ang balyena. So, si Jem ang ilalaban namin?.

"Nakapili na ako." Ani nya.

Rinig na rinig ko ang mga paghinga ng bruhang katabi ko. Kawawa naman, sya pa ang napagtripan ng guro namin.

"Delfin."

Hindi na ako magtataka kung bakit sya napusuan ni Ma'am. Maganda naman kasi itong babaitang ito. Hindi lang napapansin dahil natatabunan ng matabil nyang dila.

"Si Lexshawna Ariella Delfin ang magiging representative ng klaseng ito."

Tiyak ko naman na may ibubuga ang isang ito. Mayaman sya at madaming pera. So, yeah. Bonggaychus ang magiging entrad-___…

Wait, what?!.

Napatingin ako sa unahan. May tumawag ba sa akin?.

"Narinig mo ba ang sinabi ko?." Tila nawawalan ng pasensyang tanong ni Mrs. Himala.

"P-pardon?." Balik ko.

Tinitigan nya ako ng masama. "Ikaw ang magiging representative ng klase."

Natameme ako. Biglang nawala ang lahat ng laman ng utak ko. Binalot ako ng kakaibang lamig at kaba.

Ako?.

"B-baka po nag- kakamali lang kayo.. ka- kasi po 'di, ba, si- si Jemi-__...."

Pinutol nya ako. "It's you. And that's final."

Lumabas sya ng silid at naiwan akong naka- nganga. May naririnig akong bulungan sa paligid. Pero ayaw talagang gumana ng utak ko.

"Shan.."

Hindi.

Ayoko.

Wala sa sariling napatayo ako at nagtatakbo palabas. Sinundan ko ang tinahak na daan ng aking guro. Naririnig ko ang paghabol at pagsigaw sa akin ni Jem. Pero wala akong paki alam. Lumiko ako sa isang pasilyo at mabilis na hinanap ang balyena. But. She's not here. Bigla na lang itong nawala. Imposible. Dito ang lugar na may mga bakanteng silid aralan. Ginagamit lamang ito kapag may mga intern students na kailangang pumasok ng ilang buwan. And, bakit sya nandito?.

"S-shan.." Hinga. "Jusko naman." Lumingon- lingonmsya. "Anong ginagawa mo dito?."

"I just followed the big fat whale." Tugon ko.

"At ako namang gagawin nya dito?." Balik nya.

Umiling ako. Wala din naman akong maisasagot. Hindi ko din alam.

Naglakad- lakad pa ako. Nagbabaka sakaling makita ko sya dito. Baka kasi may mga inter at exchange students na dadating. Siya ang naatasan na mag- asikaso at mag- ayos ng mga gagamiting silid. So, yeah.

"Shan, Tara na. Baka nagkamali ka lang ng sinun-___....."

"Ssshhhhhh!." Kaagad kong saway sa kanya.

May naririnig akong ingay. Hindi ito masyadong malinaw. Pero, sure akong may ibang tao dito. Sinenyasan ko ang bruha na tumahimik na ikina tango naman nya. Dahan- dahan ay sinundan ko ang pinag- gagalingan ng mahinang ingay. Hanggang sa dalhin kami nito sa pinaka dulo ng hallway. Bukas at bahagyang naka- awang ang pintuan ng huling classroom. Kaagad naman akong lumapit dito. Hinawakan ko ang seradula at akmang bubuksan na ang pinto ng mapahinto ako.

"Tingnan na lang natin kung makaya pa nya ang isang ito." Anang ng isang tinig.

Hindi ito maaari.

"Sa dami na ng ginawa mo sa batang iyon, sa tingin mo, gagana pa ito?." Tanong ni Mrs. Himala.

"Well, she's not the type of girl na rarampa sa harap ng madaming tao. So, yeah. Ito na to."

Hindi ako pwedeng magkamali. Hinding- hindi ko makakalimutan ang boses na yon. Paano nya nagagawa sa akin ang bagay na ito?. Ano bang nagawa ko sa kanya para magalit sya sa akin ng ganito?. Naiinis ako. Dito pa talaga!. Hindi ba sya natatakot na may makakita sa kanya dito?. Pwes, sa akin sya matakot. I was about to push the door open ng pigilan ako ni Jemimah. Tiningnan ko sya ng masama. Pero tanging iling lang ang isinagot nya sa akin. Padabog kong binitawan ang seradula ng pinto at malalaki ang hakbang na naglakad palayo. Mga peste sila. Magsama silang dalawa!.

Dahil sa kawalan ko ng mood, hindi ko na makain ang pagkaing nakahain sa harapan ko. Kaya naman, itong si Jemimah, todo- todo ang panenermon sa akin.

"Eat!. Sayang ang perang ipinambili ko dyan." Singhal nya.

Hindi ko sya pinansin.

"Shan- Shan. May magagawa ba yang hindi mo pagkain sa problema mo, huh?!." Dagdag pa nya.

Deadmatologist ang peg ko ngayon.

"Bahala ka nga sa buhay mo. Magutom ka mag- isa. Basta ako, kakain." Anas nya.

Inirapan ko lang sya. Sanay na sya sa ugali kong ganito. Alam nya kung anong klaseng tao ako kapag galit, naiinis at masaya. Ganyan ako ka bipolar. Iba- iba ang mga personalidad ko. Hindi ko nga alam kung paano pa nya ako napapakisamahan. Siguro dahil, matagal na kaming magkasam at talagang nagkapalagayan na kaming dalawa ng loob. Best friend ko na nga talaga ang bruha.

Wala akong ganang pumasok sa susunod na klase namin. Alam yan ni Jem. Kaya naman, ng hindi nya na ako makausap ay nagpaalam na sya na babalik na sa room. Iniwan na nya ako mag- isa. Pagkakataon ko naman iyon na sumibat na at magpunta sa tahimik na lugar. Napili kong puntahan ay ang roof top ng building namin. Lahat naman kasi ng building dito ay may tambayan sa itaas. So, dahil engineering department ito, hindi lang basta railings at upuan ang nandito. Nag- mistulang pent house ang buong lugar. Dahil sa mga magagandang bulaklak na nakahanay ng maayos, mga upuan na yari sa mamahaling mga kahoy, swing at mga lamesa. Mas pinaganda pa ito ng mga hanging plants at orchids na malayang nakalaglag sa bawat gilid. Para na nga itong munting hardin. Hindi din naman mainit dahil may bubong ito. Tamang- tama lang bilang tambayan.

Naupo ako sa may swing at dinama ang banayad na simoy ng hangin. Kasabay ng pag- ninilay- nilay ko ukol sa mga nangyayari sa akin. Karma ko ba ito dahil sa mga nagawa kong kagaguhan noon?. Mga dyosa, sinisingil nyo na ba ako?. Bakit naman sa napaka brutal na paraan nyo naman ginawa?. Oo, pasaway at barumbado ako noon. Pero ginagawa ko lang naman yon para protektahan ang mga mahal ko sa buhay. Wala akong ginawa na para lang sa sarili ko. Tss. Buhay nga naman ng tao, ohh. Dapat naging alien na lang ako.

But.

That voice.

Ang boses na hinding- hindi ko makakalimutan. So, magka- sabwat pala silang dalawa. Kaya naman pala mainit ang dugo sa akin ng balyenang iyon. Psh. Magsama sila. Kailan pa naging magandang tandem ang balyena at higad?.

"This is illegal, Miss. Delfin."

Boses mula sa may likuran na nagpa- iktad sa akin. Kahit hindi ko ito lingunin ay kilala ko na kung sino ang may- ari nito.

"Why are you here?." Tanong pa nya.

Ano bang isasagot ko?. Wala. So, pinili ko na lang na hindi sumagot. Hanggang sa may maramdaman akong presensya sa tabi ko. Bakit ba ang bilis nya kumilos?. Nakaupo na sya sa tabi ko.

"Anong problema?." Tanong nya.

Napayuko ako. "Nothing."

He gently put his fingers on my chin upang ipaharap sa kanya. I can see the sincerity in his eyes. And in an instant, para na akong bata na inagawan ng laruan at candy. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na umiiyak habang yakap- yakap nya.

This is too much na kasi. Wala naman akong ginagawa sa kanila. Gusto ko lang naman makapag- tapos. Maka- graduate para maiahon ang pamilya ko sa kahirapan. Kaya naman, bakit ganito?. Pinagkakaisahan pa nila ako.

"Ssshhh... Don't cry...." Pag- aalo ni Edson sa akin.

Pero mas lalo akong naiyak. Bakit kaya ganon?. Sinasabihan ka na nga na h'wag umiiyak, pero kabaliktaran naman ang nagyayari. Lalo na kapag tinanong ka kung bakit.

"What happened?." Bulong nya.

Jusko po. Mahabaging dyosa. Nakakahiya na ito. Bakit ba ayaw tumigil ng luha ko?. Pakiramdam ko nabasa ko na ang suot nyang coat. Naghahalo pa naman ang sipon at luha ko kapag umiiyak ako. Nakakahiya talaga ito.

"Did someone hurt you?." He cares my hair. "Tell me who it is. I will make them pay."

Napailing ako. Here comes his heart warming assurance. Every word na lumalabas sa bibig nya ay talagang tumatagos sa puso ko. Hindi ko alam kung ilang minuto ako umatungal. Hindi din naman nya ako pinigilan. He just keep on whispering me soothing and sweet words para pakalmahin ako. And hindi nga sya nagka- mali dahil nahimas- masan din naman ako. Hindi sya nagsasalita. Wala sa amin ang nagsasalita pagka- tapos kong umiyak. Tahimik lang kaming nakatingin sa payapang kalangitan. Ninanam- nam ang bawat segundo at minuto ng katahimikan.

Nandito sya.

Kung noong una ay naaawa pa ako dahil napalipat sya ng ibang school ngayon ay galit na ang namumutawi sa buong pagkatao ko. Idinamay pa nya ang guro namin na palagi din akong pinag- iinitan. Silang dalawa ang narinig kong nag- uusap kanina doon sa pinaka- dull na bakanteng silid. Hindi ako maaaring magkamali. Malinaw pa ang pandinig ko at hindi din nawala sa paningin ko si Ma'am. Isa pa, never kong malilimutan ang tinig ng higad na nagpahirap ng collage life ko. Silang dalawa iyon, one hundred and one percent. Ang tanong lang ay bakit?. Tama naman sila na hindi ako ang tipo ng babae na gugustuhing sumali sa mga pageant. Kahit minsan, sa buong buhay ko ay hindi ko hinangad o ginustong tumuntong sa entablado para lang ibalandra ang katawan ko. Hindi ko kailan man hiniling na mangyari ito. Dagdag isipin lang kasi ito. Sige nga, saan ako kukuha ng mga mamahaling gown?. Sino mag- assist at mag- aayos sa akin?. Anong gagawin ko doon?. Paano ang pera na kakailanganin ko?. Scholar lang ang ikinabubuhay ko sa araw- araw ko sa eskwelahang ito. Tapos, dadagdag pa ito. Hayst. Gusto talaga nila akong pahirapan, ano?

Shellarina De Torres, the number one higad queen, and our adviser Josefina Goma Himala.

Caterpillar and whale. What a unique tandem.

Tss.