Chapter Twelve
EDSON SANTIAGO BAYER POV
Masakit makita na nasasaktan ang mahal mo ng dahil sayo. Yes. It's all my fault. Nagulo ang buhay nya ng dahil sa akin. Pero, ngayon na nandito na ako, hindi ko na hahayaan pang masaktan sya. Hanggang buhay at humihinga ako, gagawin ko ang lahat upang ipagtanggol sya.
"Sir. Bayer, excuse me po."
Tumingin ako sa may pinto na medyo nakaawang. May nakadungaw dito na isang estudyante. I motioned him to come in na ginawa din naman nya.
"Sir, pinapatawag po kayo ng principal sa office nya.
May mahalaga daw po kayong pag- uusapan." Dagdag pa nito.
Tumango na lang ako bilang sagot. Umalis naman ito kaagad. Sa totoo lang, hindi ko naman gusto ang lahat ng ito. Ayaw ko naman talagang maging isang guro. Kung hindi lang dahil sa kanya, hindi ko ito gagawin. Naiiling akong tumayo mula sa swivel chair at naglakad na palabas. Isang taon akong magtitiyaga sa school na ito. Hihintayin ko kasing makatapos si Ariella. Ganoon ko sya kamahal. Napakunot ang noo ko ng makadating ako sa Principal's office. Hindi lang pala ako ang nandito kun'di, lahat ng teachers.
"Magandang umaga sa inyo." Bati ni Mrs. Espares. "Alam nyo naman na malaki ang kakailanganin ng school para sa gaganapin nating event. So, naghanap kami ng mga sponsors and luckily, may isang taong may magandang puso ang umako ng lahat."
Magastos pala, ehh, bakit pa sila gumagawa ng ganoong event?
"Thanks GOD." Singit naman ng sipsip na balyena. "Maaari ba naming makilala, Ma'am?"
Ngumiti naman ng matamis ang principal. "Yes. Actually, pupunta sya dito mamaya."
A good Samaritan or a fake one?
"Ohh, that's great!." Pabibong dagdag ni Mrs. Himala. "Para naman, makapag pasalamat tayo ng mabuti sa kanya."
May mga iba pa silang pinag- usapan. Wala naman akong pakialam. Hanggang sa hindi na ako nakatiis at palihim na akong lumabas. I already mastered that thing. Iilan na lang ang mga taong nakakapansin sa mga kilos ko. Tanging mga malalapit na lang sa akin ang nakakasabay at nakakabasa ng mga ikinikilos ko. So, nagpunta ako sa office ko. Just like what I've said noon, may sarili akong silid. Isa ako sa mga mhahalagang tao dito kaya naman, need ko ng privacy. Gladly, ibinigay nila iyon sa akin ng walang pag- aalinlangan. Pagka- upo ko sa swivel chair ko ay kaagad kong binuksan ang aking laptop. May in- open akong secret app na si Marquez mismo ang gumawa. When I click the blue eyeglass style icon ay tumambad sa akin ang lahat ng sulok o bahagi ng buong Goldwin University. Sa dami nito ay hindi ko na masyadong maaninag ang mga nangyayari dahil nahati ang screen ng laptop ko sa dalawampu at pitong squares. Kuha ang mga ito via CCTV ng school. Napasok ni Marquez ang system ng school kaya naman, malaya na naming namamatyagan ang lahat. Or should I say, mababantayan ko na ang mahal ko ng walang kahirap hirap.
I click the cctv footage ng cafeteria, ang pang labing- tatlo sa mga squares. Nag- zoom in ito dahilan ng pag- full screen ng video. I click the audio on so, napuno ng ingay ang buong silid. Kasalukuyang nagkakainan ang mga estudyante dito dahil break time na. Kaagad namang nahanap ng mata ko ang aking main target. She is there, sitting comfortably on the right side of the table habang kausap ang matalik nyang kaibigan. They looked so happy and simple. How I wish to have those simpleness. Iyong sa kaunting bagay lang ay masaya ka na. Walang problema kun'di ang deadline ng projects, assignments, tuition fee and baon. Ang sarap sanang bumalik sa panahong wala pa akong malaki at komplikadong buhay. But, getting regrets is now too late. Pumasok na ako sa mundo ng mga demonyo. And unfortunately, I dragged her in hell kasama ko. Wala syang kaide- ideya na nasa peligro na ang buhay nya. Pero, I promised to GOD na po- protektahan ko sya no matter what. I will do anything to keep her safe.
Naubos ang bakanteng oras ko sa kakapananood ng mga CCTV footages. Hindi ko na namalayan ang oras. Its almost quarter to two na. Meaning?. Another stupid meeting para pasalamatan ang mabait na sponsor. Really?. A good samaritan, aye?. Hindi ako naniniwala. Million ang gagastusin sa event and inako nya ang lahat ng iyon ng wala man lamang pag- aalinlangan. I'm sure na ang dahilan nito ay politics o di kaya naman ay for fame.
Kumpleto na ang lahat sa faculty ng dumating ako. that sila ay may mga ngiti sa labi at nakatuon sa lalaking nakaupo sa upuan sa harapan ni Mrs. Espares.
"Mr. Bayer." Pukaw ng pansin sa akin ng principal. "Meet our dearest sponsor, Mr. Douglas Peña."
Naging dahilan ito upang tumingin ang lahat sa akin. Kabilang na din ang lalaking tinutukoy nya.
What the... hell.
Hindi ako makapagsalita. Ang lalaking ito. Kailan pa sya nakapasok dito?. Paanong hindi sya nakita nina Marquez at ng iba pa?. Hindi sya si Douglas Peña. He is Carolile Gem San Diego.
"Hello, Mr. Bayer." Nakangiti nitong bati sa akin. "I heard so much beautiful news and gratitude about you. It's my pleasure to finally meet you."
What an asshole. "Likewise." Balik ko dito.
Hindi ako pwedeng magkamali. His built, voice and face structure. Nag- suot lang naman sya ng salamin sa mata. And of course, the color of his eyes. Magkaiba ang kulay ng mga mata nya. His left eye is blue and the other one is black. Isa sya sa mga taong may rare eye condition.
"So, you already know our substitute teacher, Mr. Peña?." Pang- uusisa ng balyena.
Tumawa naman ang impostor ng bahagya. "Not really. I just seen him in some magazines and in TV shows. But, I do heard a lot of things about Bayer's family."
Pumalakpak naman si Mrs. Espares na parang bata. "Well, that's good. So, about the sponsorship, what do you need in return?."
"Nothing." He shrugged. "Being one of the judges and visitor here is enough."
What a bunch of lie. The great Carolile, didn't gives a lot of money without anything in return. He wants to be in top of this favor. He's good at manipulating people's mind.
"Oh, Goodness." The principal said dramatically. "You're such a good person. You have a golden heart. Thank you very much."
"Thank you, Mr. Peña." Segunda naman ni Mrs. Himala.
I can't take this anymore. Ito ang tinatawag na plastikan. Fake smiles, fake good manners, fake words and fake identity. What a bunch of fools. Nakkaawang mga nilalang. Tss. Madami pa silang pinag- usapan na kung anu- ano. Mga bolahan at sipsipan ng bango ng isat- isa. Wala naman akong magawa kun'di ang mag- timpi at makisama. Hanggang sa i- dismissed na ni Mrs. Espares ang walang kwentang meeting. Isa- isa naman kaming lumabas at umalis. Pero, hindi ako. Naiwan ako sa labas ng opisina ng principal. Inaabangan ko ang fake na Mr. Peña na yon. Sa haba na ng naging usapan kanina, hindi pa sila tapos. May pahabol pa talaga.
"Tired of waiting, Mr. Bayer?."
Tinig na nag- pakulo ng dugo ko. Kalalabas lang nya ng office.
"What are you doing here, Carolile?." Walang pag- aalinlangang tanong ko.
Napatawa sya. "Im just passing by. Sponsoring this school event." Tugon nya.
"Nonsense. H'wag na tayong maglokohan. Anong ginagawa mo dito?." Pag- uulit ko.
"Why?. Natatakot na ba?." Balik nito sa akin.
"I'm warning you, Carolile. This is a school. Madaming mga inosenteng madadamay." Matigas kong banta.
Napailing sya. "I'm not that ruthless." Sabay ngisi at lakad palayo.
Tss. Ano man ang pinaplano mo, ay malalaman ko din. At bago ka pa makagawa ng hakbang laban sa akin ay naunahan na kita. Malalaki ang hakbang ko na tinahak ang daan patungo sa parking lot. Kaagad akong sumakay sa kotse ko at tinawagan si Marquez.
"Boss, kamusta." Pero iba ang sumagot.
"Cass, give the phone back to Marquez." Matabang kong utos.
"He is busy, boss." Natatawa nitong balik.
"I'm listening." Sabat naman ng isa pang boses.
Napa- buntong hininga na lang ako bago nag- patuloy. "You are not good enough to be the eye of all eye of the gangster's world, Marquez." Seryoso kong bitaw. "Carolile is here."
Nakarinig ako ng mga magka- kasunod na mura kasabay ng mabilis at mabigat na pag- titipa sa keyboard. Hindi ko binitawan ang mga salitang iyon, para pababain o maliitin si Marquez. Ginawa ko lang ang nararapat. May ambition kasi sya na maging Eye of all Eye ng buong gangster society. Titulong inaasam- asam ng sino man. Kung gusto nyang maging pinaka- mahusay sa larangan ng hacking at technology, dapat marunong syang makinig at tumanggap ng mga pagkakamali. Ang sino man na tao na nag- hahangad umangat na hindi bukas ang isip ay mananatili pa din sa baba. Saluhin at tanggapin mo ang mga ibinabato nila. Then, tsaka ka bumangon muli ng mas matibay at mas magaling kaysa ng dati. That's what my Dad's favorite lines.
"Fuck!." Angil nya. "Napasok nya ang system ko."
Magka- halong galit at inis ang boses nya. Hindi ko sya masisisi sapagkat, talaga namang pambihira ang kakayahan ni Carolile.
"I'm sorry, Ed." Kapagkuwan ay dagdag nya.
"Yeah. Better luck next time." Tugon ko.
Ibinaba ko na ang tawag. Wala ng saysay pa upang sisihin ko sya. Kilala ko ang hudas na si San Diego. Isa syang mahusay na tao. Kaya naman, normal na pag- kakamali lang yan. Maliit na bagay. Isa pa, wala na din namang magagawa.
Huminga na lang ako ng malalim. Pagkatapos ay binuhay kong muli ang aking laptop at hinanap ang mahal ko. But, hindi pa man ako nakakatagal sa pagkakaupo ay kumaripas na kaagad ako ng takbo palabas.
"Damn it!." Asik ko sa sarili.
Malalaki at mabilis ang mga hakbang ko papunta sa class room ni Ariella. That guy, anong kailangan sa mahal ko?. Subukan nya lang, galawin kahit isang hibla ng buhok ng prinsesa ko. Makikilala nya si Satanas. Tss.
"Sir." Bungad sa akin ni Jem.
"Where is she?." Tanong ko dito.
Napakunot ang noo nya. "Kasama nya ang iba pang mga candidates at si Mr. Peña. Bakit, may problema ba?."
Candidates?.
"What do you mean?." Dagdag ko pa.
"Si Shan- shan ang napili ni Mrs. Himala na maging representative ng klase namin. So, may practice sila ngayon sa gym." Paliwanag nya.
Bakit hindi ko alam yon?.
"Bakit po sir?." Tanong ni Jemimah.
Hindi ko na sya sinagot. Mabilis na akong tumakbo papunta sa gym. Bakit hindi ko alam ang tungkol sa bagay na yon?. And what's wrong with that big fat fat?. Parang palagi na lang nyang pinagti- tripan ang mahal ko. Tss. I composed myself bago ako tuluyang pumasok sa gym. Kagaya ng sabi ni Jem, may practice nga ang lahat ng kalahok sa pageant. Nandito din ang mga guro na magsu- supervise sa kanila. Pero, teka. Bakit puro lalaki naman yata?. Si Mr. Gerald Honazan ang nakaupo sa gitna na umaakto pang direktor. Katabi nito ang fake na si Mr. Peña at si Tony D na bakla na guro sa Home Economics.
"Mr. Bayer." Boses mula sa may likod ko.
Whale. "Mrs. Himala." Ani ko.
She smiled at me. Fake. "Gusto mo din bang mag judge at manood ng practice ng mga kandidata?."
Bakit parang ayaw nya na nandito ako?. "Yes." Tugon ko.
"Well, then, let's go." Aya nya sa akin.
Nagpatianod ako sa balyena papunta sa kinaroroonan ng iba pang mga guro. And I choose the seat besides Mr. Peña. At umupo naman sa tabi ko si Mrs. Himala. Why do I have a fucking feeling na may gusto sa akin ang babaeng ito?. For goodness sake, ang tanda na nya. Maybe that's the reason kung bakit mainit ang dugo nya kay Ariella. Tss. Nakakakilabot. Fuck!.
Dumaan ang ilang segundo at nag- simula na ang practice. Pumila at humanay na ang mga kandidata sa gitna. At mula dito sa kinauupuan ko, ramdam ko ang takot at tensyon ng babaeng mahal ko. Naiilang pa nga siya na humawak sa braso ng kanyang kapareha. Kung pwede nga lang sana na ako yong katabi nya. Tss. Tumayo si Tony D at hinarap sila. Nagsimula na syang mag- utos at magturo ng mga dapat at hindi dapat gawin. Rumampa din sya at naglagay ng pang model upang ipakita sa mga ito ang tamang tindig at galaw. Pagkatapos ay isa- isa nyang pinalakad ang mga kandidata sa entablado. May ilan na bahagyang nadadapa, may mga bagal mag- lakad, mayroon ding sobrang bilis, may iba naman na parang may kaaway sa kanto kung maka- asta at bilang lang sa daliri ang mga nakakagawa ng maayos.
"Babantayan mo ba ako, Mr. Bayer?." Rinig kong tanong ng katabi ko.
Hindi sya naka- tingin sa akin. Consistent ang tingin nya mga nagpa- practice habang nakangiti. And so am I. Hindi ko na sya kailangan pang lingunin.
"Why would I?." Balik ko sa kanya.
"Then, why are you here?. If hindi ako ang ipinunta mo dito. Sino?." May bahid ng pang- aasar ang boses nya.
Hindi nya pwedeng malaman ang tungkol kay Ariella.
"Do you have someone special here?." Dagdag pa nya.
"This is my job as a teacher." Tugon ko.
Natawa sya. Still not looking at me. "You're just a substitute teacher. Why bothered?."
Sinusubukan talaga nito ang pasensya ko. "Non of your business."
"If not me then, who?." Pang- aasar pa nya.
Hinuhuli nya lang ako. Kaya naman, kahit gustung- gusto ko na syang suntukin at patayin ay pinigilan ko ang sarili ko. Ayaw kong malagay sa alanganin ang buhay ng mahal ko.
"Idiot." Sambit ko.
Natawa sya pero hindi na nagsalita pang muli. Wala na din naman akong balak na dumaldal pa. Tahimik ko na lang pinanood ang mga nagpa- practice.
I need to do something. Kailangan kong protektahan si Ariella. Hindi pwedeng malaman ng ugok na ito na may koneksyon kami sa isat- isa. Mapapahamak lang sya. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari sa kanya ng dahil sa kapabayaan ko. So, kahit risky at masakit para sa akin ay gagawin ko ang naiisip kong plano. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad sa kanya kung sakaling masaktan ko sya. Kailangan ko lang itong gawin. Its for her own sake. Kaya naman, kahit hindi pa tapos ang practice ay tumayo na ako at umalis.
This is going to be hard and tough. I took a deep breath bago ko pindutin ang call icon ng cp ko.
So foolish of me. Tss.
"Edson?." Boses mula sa kabilang linya. "Oh, my, gahd, Edson!."
"Hi, Rodie." Bati ko dito.
"Gahd, I miss you so much, Edson. How are you?." Tanong nito.
"I'm fine. I was just thinking if I can pick you up on the airport when you arrive here soon." Ani ko.
"Of course, you can!. Besides, I was about to call you and asked that." Balik nya.
"Good, then." Walang ganang sambit ko.
"I will be there tomorrow." Masaya nyang bitaw.
Napakunot ang noo ko. "Tomorrow?. Why too early?. The event is n-___.."
"Hep!. It's because of you, honey." She inserted.
"O- okay. Just text me, okay?. I need to go." Pag- a- alibi ko.
"Okay. See you tomorrow, Edson."
Hindi ko na sya sinagot pa at ibinaba na kaagad ang tawag. Tss. Ngayon pa lang ay nag- sisisi na ako. Hindi ko yata kayang gawin ito. Hayst!. Nagulo ko ang sarili kong buhok ng dahil sa inis.
Kilala ko si Carolile. At kapag hindi ako nag- ingat, hindi imposible na malaman nya ang tungkol kay Ariella. Malakas ang pakiramdam ng ugok na iyon. Mabilis din kumilos ang mga brain cells nya sa utak. Kakaiba sya mag- isip dahilan kung bakit sya tinatawag na psycho at baliw. Malayo sya sa pagiging mental disabled dahil ang totoo, sadyang matalino lang sya. Kung gugustuhin nya ngang maging pinaka- mataas na boss sa buong gangster's society ay madali nya lang iyong magagawa. Pero hanggang ngayon, hindi pa din sya kumikilos. Kasama pa din sya sa mga kagaya namin. I'm just thinking na baka may pina- plano syang malaking pasabog kaya sya nananahimik. Who knows?
Kanina pa ako dito sa loob ng opisina ko dito sa university. Kanina pang tapos ang mga klase. Pero hindi pa din tapos ang practice ng mga kandidata. I need to talk to Ariella. Kailangan ko syang balaan at paliwanagan. Sasabihin ko sa kanya na sana ay magtiwala sya. Lalo na sa gagawin ko. Hihingi na din ako ng tawad para sa lahat ng magiging pag- hihirap nya sa mga darating na mga araw. Tss. Do I looked like a nuts and crazy?. Fuck this love.
"Boss, tapos na ang practice." Boses mula sa suit kong earpiece.
Hindi ako sumagot, bagkus ay niligpit ko ang aking mga gamit at lumabas na ng silid. Pumunta ako sa gym at hinanap si Ariella o kaya naman ay si Jemimah. Pero wala silang dalawa dito.
"Where is she?." Tanong ko.
"Wait, boss." Boses ni Cass.
Nag- ikot ikot pa ako, nagba- bakasaling makita ko sya. Hindi naman karamihan ang mga nandito kaya naman, if nandito sya, kaagad ko syang makikita. Pero wala.
"Fuck!. Bilisan nyo." Angil ko.
Nag- sisimula ng kainin ng kaba ang dibdib ko. Please, hwag muna ngayon.
"Sa kabila sila dumaan. Kasama nya ang kaibigan nya at...."
Kaagad din naman akong kumilos at naglakad papunta sa kanilang daan.
"... si Carolile."
Natigilan ako.
"Paki- ulit, Marquez." Ani ko.
"Kasama nila si San Diego, Boss." Si Cass ang sumagot.
Fuck!. "Ready our team. Sundance nyo sila." Utos ko.
Lakad- takbo na ang gjnawa ko para lang maabutan sila. Hanggang sa makarating ako sa parking lot. And to my surprise, kaaalis lang ng ng dalawang kotse dito. At sa sasakyan sya ni Carolile sumakay.
Damn it!
"Follow them!. Kapag nawala sa paningin nyo si Ariella, papatayin ko kayo." Matabang at seryoso kong bitaw.
Tinakbo ko ang kotse ko at mabilis na binuhay ang makina sabay harurot. Tss. Magkakaroon ng gulo kapag sinaktan nya ang mahal ko. Kahit lumabag pa ako sa batas namin, wala na akong pakialam.