Chapter 43 3rd person pov

Habang naglalakad si Kairhara ay bigla na lang sumulpot ang kaibigan nitong si Keysel at kinulit ito tungkol sa nalalapit na school festival na magaganap.

"Hara, anong sasalihan mong club? Bilis na, hanggang ngayon na lang puwede magregistra!" pangungulit ni Keysel, habang sumunod ito.

"I don't care," malamig na sagot ni Kairhara, dahil wala pa itong nakikita na puwedeng salihan na club.

"E, Hara naman... ayaw mo ba no'n exempted na tayo sa lahat ng exam! " pangugulit pa nito, halata namang nainis na si Kairhara sa ingay ng kaibigan.

"Fine!" inis na sagot ni Kairhara.

"Sige na, maghanap ka na ng club na gusto mo!" ani Keysel at tinulak tulak pa si Kairhara. "Gusto mo samahan kita maghanap?" tanong pa nito kay Kairhara.

"Tch, hindi na... " malamig na sagot ni Kairhara. Naiinis itong umalis at nag-umpisa na maghanap ng club na masasalihan.

"What the hell... Bakit kase kailangan pa nang ganitong activity. Tch, aksaya lang sa oras 'to eh. I will kill, kung sino man nakaisip ng ganitong activity tch..." bulong ni Kairhara habang naglalakad.

"Hi, Miss Konaide! " bati ni Clarence ng makasalubong niya ito. Tinignan lang ito no Kairhara at hindi pinansin.

"Ang sungit mo naman, ito oh chocolate. Para sa'yo!" ani pa ni Clarnce at inabot ang Chocolate, kinuha lang ito ni Kairhara pero hindi pa rin nito pinansin si Clarnce, nagtuloy-tuloy na sa pagkakalakad si Konaide. Napakamot na lang sa ulo si Clarence.

"Ang sungit naman no'n..." bulong nito at umalis na rin.

"F*ck!" malutong na mura ni Konaide nang kamuntikan na siyang, matamaan ng bala ng baril mabuti na lang at malakas ang pakiramdan nito kaya naman naiwasan agad niya ito.

"Ang tanga mo talaga! Paano na lang kung may natamaan ng bala! My god, mag-isip ka naman! Huwag ka na lang kaya sumali!" paninisi ng isang lalaki sa isang lalaki na siyang nagpaputok ng baril. Allowed naman sa school ang gun firing, kailngan lamang ay mag-ingat sa paghawak nito.

"Sorry talaga, aayusin boss... nanginig lang ang kamay ko... aayusin ko na sa susunod promise..." ani ng lalaki.

"Tch, umayos ka na sa susunod talaga aalisin kita sa grupo!" sigaw ng lalaki.

"Miss, pasensiya ka na talaga. Hindi naman niya sinasadya. Nag-aaral pa lang kase siya..." paghingi ng paumanhin ng lalaki kay Kairhara.

"Bakit ka pa kase sumali sali dito, hindi ka naman pala marunong!" masungit na sigaw ng isang babae.

"Pasensya na, gusto lang kase kita makasama sa club. Alam mo namang gusto kita..." ani ng lalaki.

"Tanga ka talaga, palagt mo ba magugustuhan kita?" sigaw ng babae, halata namang nasaktan ang lalaki kaya naman napayuko na lang ito. "Ang panget mo kaya, kahit pinakapanget na babae hindi sa'yo magkakagusto!" sigaw pa ng babae, kaya naman para ng maluluha ang lalaki sa sakit nang mga narinig.

"Pasensya na..." nakayukong ani na lang ng lalaki, inirapan na lang ito ng babae at naanahimik na.

Samantalang naiinis naman na si Kairhara, sa sobrang ingay ng mga taong nasa harap niya.

"Tsk napaka ingay nila..." bulong ni Kairhara, maya maya lang may dumating pa na isang babae na hingal na hingal na.

"Nakakapagod..." bulong ng babae, habang nahahahol ng hininga.

"O, kamusta? Ano may nahanap ka na? Kailangan na na'tin ngayon 'yan, alam mo naman malapit na ang school festival!" tanong ng babae.

"Odette, wala talaga akong mahanap eh. Walang may gusto, nilibot ko na kaya ang buong school at tinanong ko na sila pero wala talaga eh."

"Tch, malapit na ang school festival, wala pa rin! Sh*t! Humanap ka pa, kailangan na na'tin ng isa pang myembro, dahil dapat tayo ang manalo ngayon sa gunfiring sa school festival!" galit na sigaw ni Odette.

"Pasensya na, wala talaga eh..." napangisi naman si Kairhara habang patuloy lang itong nakikinig. Waring naisip na nito ang club na sasalihan niya.

Umubo naman ng peke si Kairhara, upang mapunta sa kaniya ang atensyon ng mga ito.

"Ano 'yon, Miss? Bakit narito ka pa?" tanong ni Odette.

"Hmm... I want to join in this club... " ani Kairhara. Napataas naman ang kilay ng mataray na babaeng si Odette at biglang pinagtawanan si Kairhara.

"Ha? Seryoso ka? Sasali ka rito? Baka naman katulad ka lang ng lalaking ito na lampa lampa at walang alam!" ani ni Odette at tinuro ang kaninang lalaking lalampa lampa.

Napa' tsk' na lang si Kairhara, habang hinihintay ang sagot ng mga ito. Nagbulungan naman ang mga ito at maya maya lamang kinausap na nila sj Kairhara.

"Okey, Miss. Ganito na lang labanan mo ko. Pagnakatama ka sa pinakang gitna ng board, isasali ka namin pero kapag hindi 'wag ka na lang mangarap na isasali ka namin tch." Confident na sabi ni Odette at tinaasan pa ng kilay si Kairhara. Napangisi rin naman si Kairhara, dahil sa mga narinig.

"Ako pa hinamon tch..." bulong ni Kairhara sa sarili.

"May sinasabi ka? Ano susuko ka na ba?" tanong ni Odette.

"No, let's go... " aya ni Kairhara rito at pumunta na sila sa kanilang puwesto.

"So game, good luck sa'yo puwede namang sumuko ka na ngayon. Kase baka umiyak ka lang!" ani pa ni Odette. Inabutan naman ni Odette si Kairhara ng baril na Calibre 45. Napangisi na lang si Kairhara ng hawakan nito ang baril.

"Iiyak pala ha?" ani Kairhara sa kaniyang isip.

"Ako na mauuna!" ani Odette at inasinta na ang board. Mga ilang minuto nitong inasinta ang board bago iputok.

Napabuntong hininga na lang si Kairhara, dahil sa naiinip na sa nakikita. "Ang tagal naman, mas'yado naman takot ang babaeng ito..." bulong ni Kairhara. "Kulang na kulang sa practice ang babaeng ito, ang tagal umasinta hay..." bulong pa ni Kairhara.

"I-check mo nga Viola kung tumama!" sigaw ni Odette, at pumunta na ito sa board at tinignan ang board. Hindi pa naman nakakabalik si Viola ng biglang ikasa ni Kairhara ang baril nito at biglang pinutok ng sunod sunod ang bala nito, hanggang maubos. Napatili naman si Viola sa sobrang gulat.

"Oh my gosh! Bakit mo naman ipinutok!" sigaw ni Viola, napangisi naman si Kairhara rito.

Tinignan naman ni Viola ang board at, laking gulat nito na ang lahat ng bala na pinaputok ni Kairhara ay lahat nasa iisang butas lang pumasok at ito ay sa gitnang gitna pa.

"Wahhh! Oh my god! Ang galing mo naman! Nasa gitnang gitna, miss! Sh*t, I'm shocked!" sigaw nito at nilapitan si Kairhara. " My god, ang galing mo! Puwedeng puwede ka ipanglaban, paano mo ba nagawa 'yon? Imagine nando'n pa ako pero ang galing hindi ako natamaan! Pero pinakaba mo ako!" hindi naman umimik si Kairhara.

"Pano mo nagawa 'yon, miss ang lupit mo!" manghang tanong ng isang lalaki.

"Ang astig mo naman!" sabi ng lalaking pumalpak kanina.

"Tsk, chamba lang 'yan!" inis na ani Odette, dahil nasapawan ito. "Gusto mo ulitin pa na'tin! Pero this time may tao sa board!" aya pa ni Odette, dahil hindi nito matanggap ang pagkatalo. Ngumisi Kairhara at pumayag sa hamon.

"Gil, do'n ka sa harap ng baord ko! At ikaw Viola sa harap ng baord ka ng babaeng ito!" utos ni Odette.

"Odette naman..." angal ng lalaki.

"Umaangal ka?"

"Hindi, sige na..." ani ng lalaki at pumunta nasa unahan ng baord at takot na takot dahil ang mismong sentro ng baord at na sa kaniyang ulo. May takot na naman na pumunta na rin si Viola sa baord ni Kairhara.

"Paunahan tayo!" sigaw ni Odette

Kaya naman walang pag-iisip na pinutok ni Kairhara ang kaniyang baril. Nadistrak naman si Odette, dahil sa mabilis na pagpapatuok ng baril ni Kairhara. Kaya naman kung saan nito naiputok ang kaniyang hawak na baril.

"Ang galing mo talaga, Miss!" sigaw ni Viola, napahiya naman si Odette at napayuko na lang.

"Paano 'yan, Odette? Ano isasali na ba na'tin siya? Tandaan mo kailangan na'tin ng isa pang myembro at mukhang magaling ang babaeng 'yan? May potential siya?" tanong ng isang lalaki rito. Hindi naman agad nakasagot si Odette.

"I have to go, I don't care if isali ninyo ako o hindi." Ani Kairhara at aalis na sana ito ng pigilan ito ni Odette.